You are on page 1of 5

FIL 101 (B7 - 1)

Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan

Ilang Paniniwala ng mga Kalahan

Ulat Nina:
Capangpangan, Heaven Claire M.
Casinillo, Bleza Marie L.

Ipinasa kay:
Ginoong Tilshane Yap

March 10, 2024


Ilang Paniniwala ng mga Kalahan
- ni Lyd Fer. Gonzales

INTRODUKSYON

Sa unang parte ng ating aralin tungkol sa Kultura at Lipunan ng Ilang Pangkat at


Lugar ng Pilipinas ay unang natalakay ang Pangkat Etniko ng Luzon, na Ang Mga
Ilokano. Ngayon ay tatalakayin naman natin ang Ilang Paniniwala ng mga Kalahan na
parte parin ng Pangkat Etniko ng Luzon.

DISKUSYON

Ang mga Kalahan ay matatagpuan sa mga matataas na lugar ng Acacia, Kahel,


at Kayapa, Nueva Vizcaya. Ang matataas na pook na ito ay may paghangang
namamalas nang nakatayo ang kaakit-akit na kapaligiran na iginuhit ni Bathala. Ang
mga Kalahan ay tinatawag na “Mountain People” o “Igorot”.

Wika

Ang wika ng mga Kalahan ay Kallahan. May mga dayalekto ito na Tinoc o
Kalangoya.

Ilang mga Paniniwala:

1. Pagpahayag ng Kalikasan
2. Panggagamot
3. Paggawa
4. Pag-aasawa
Pagpapahayag ng Kalikasan
a. May iba’t-ibang anyo ang mga ulap upang magpahayag ng kagandahan o
kasamaan ng panahon. Kung manipis at maputi ang ulap ay maganda ang
panahon; ngunit kung makapal at nangingitim, magiging masama ang panahon.
Ang takbo ng mga ulap ay nagpapahiwatig din ng kagandahan at kasamaan ng
panahon.
b. Ang langit, araw, at buwan ay nagpapahayag din ng kagandahan at kasamaan
ng panahon. Kung tatago ang buwan, may maaliwalas na langit at kung may
maulap na langit, at may mapulang-mapulang araw ay nagbabadya ng di
kainamang mga pangyayaring darating tulad ng lindol.
c. Ang mga hayop ay nagpapahiwatig din tungkol sa kalagayan ng panahon. Kung
hindi mapakali ang (lalo na kung gabi) ang mga hayop at nag-iingay ay maaaring
may darating na bagyo o lindol. Ang mga kilos ng hayop ay minamatyagan dahil
ito ang babala sa mga maaaring may masamang mangyari.

Panggagamot
Walang mga panggamot na damu-damo ang mga katutubo rito. Mayroon silang
tintawag na tagapamagitan na siyang tumutuklas kung sino ang sanhi ng karamdaman
at kung paanot magagamot ang karamdamang iyon. Dinagen ang tawag sa gadangkal
na tambo na may maliit na buto ng anongya sa magkabilang butas na siyang ginagamit
ng tagapamagitan.

Ang panggagamot ay isinasagawa sa pamamagitan ng Dinagen. Ang unang


gagawin ay nagdarasal ang matandang manggagamot (pwede din ang bata kung
mayroon intong DINAGEN) kina Kabigat at Bugan na kanilang mga Bathala upang
patnubayan siya sa kanyang gagawin. Naniniwala sila na may nais ang espiritu ng mga
namatay nilang kamag-anak ng may sakit. Pagkatapos, isa-isang bibigkasin ang mga
pangalan na pinaghihinalaan, dinadangkal ang dinagen o iyong tambo sa bawat
pagbigkas. Kapag sa pagdangkal ay lapat lamang sa dangkal ng tambo ang
kasagutan ay OO. Kapag lampas o kulang ang kasagutan ay HINDI. Pagkatapos
malaman ng manggagamot kung sino, itatanong nila kung ano ang kanilang hiling o
gusto, iisa-isahan din ang mga bagay na inaakalang kailagan ng namatay na
Kamag-anak. Ginagamit din ang dinagen kapag natukoy na ang kanilang kailangan
pagkatapos ay ibibigay nila ang gusto ng espiritu upang gumaling ang maysakit.

Paggawa
● Ang mga Lalaki
Nakapagpapahinga na Pagkatapos:
- Makapagbakod
- Makapagbungkal
- Makapag-araro
● Ang mga Babae
- Magtatanim
- Mag-aalaga ng pananim
- Mag-aani

Kahit na nga raw may sakit ang babae kailangang gampanan ang kanyang
tungkulin habang ang asawa’y namamahinga na lamang.

Pag-aasawa
May tinatawag na tradisyunal na Kimbal na kasalan. Ito’y kung may makitang
babae ang isang lalaki na ninanais na niyang maging asawa, humahanap siya ng taong
siyang magsasabi ng intensiyon niya sa babae. Kapag pumayag ang babae sa kanyang
inihulog, magpapatay na sila ng baboy. Ang paraan ng pagkakasal ay kukuha ng isang
basong tubig na malamig at matandang babae o lalake na magkakasal ay sasabihing,
“sana’y maging malamig ang pagsasama ninyo”. At pinaiinom ang tubig sa ikinakakasal
at tapos na ang seremonya. Magkakaroon ng bukol, ulser, o pigsa ang mag-asawa
kapag nagsama sila na hindi pa kasal.
KONKLUSYON
Ang mga nabanggit ang ilang paniniwala ng mga kalahan. SIla’y masisipag kaya
ang pook nila’y sagana sa pananim. Ang mga bata ay malulusog. Hindi rin nila suliranin
ang tubig sapagkat masagana ang daloy nito mula sa kabundukan.

Masasabing ang mga katutubong Kalahan ay may sariling pamamaraan ng


pagtataya sa buti at sama ng panahon tulad ng iba pang tribo at ng ilang matatanda
natin sa lalawigan. Sa kabuuan, masasabing hindi maghihikahos ang mga Kalahan.
Sagana sila sa kagandahan at kayamanan ng kalikasan. Marunong silang magpala sa
ibinigay sa kanila ni Bathala. Masisipag at mababait sila. Handa silang makipagtulungan
kung nalalaman nilang mabuti ang layunin para sa kanila.

You might also like