You are on page 1of 13

Polytechnic University of the Philippines

Sta. Mesa, Manila Campus


College of Social Science and Development
Department of History

PAGTUKLAS SA NILALAMAN NG ANTING-ANTING

By
Corpin, Yancy Navarro
A B History 3 1

Prof. Jun Cruz Reyes

October 2015

I. Panimula
Mahaba na ang kasaysayan ng anting-anting sa Pilipinas. Mula pa noong bago
dumating ang mga kastila ay pinaniniwalaang mayroon nang isinusuot na anting-anting
ang mga sinaunang Pilipino. Ngunit hindi ito katulad ng mga itsura ng anting-anting
ngayon na kung saan ay karaniwang gawa sa mga metal, papel, uri ng mga bato atbp.
Ang mga Pilipino, noon paman, ay mapaniwalain na sa mga mahihiwagang bagay lalo
na kung ito ay tumutukoy sa mga kapangyarihan na siyang maitataglay. Naniniwala sa
mga rituwal, pamahiin, at nagnanais ng kapangyarihan na siyang laging mapapasayo.
Dito na pumasok ang anting-anting na maaaring dalhin kahit saan ng isang indibiduwal.
Ang anting-anting ay isang kasangkapan na siyang magpo-protekta at naggagabay sa taong nag-aangkin nito. Maraming paring mga Pilipino sa ngayon ang
naniniwala sa taglay nitong bisa lalo nat ito ay pumapaloob sa kabanalan na siyang
tinataglay ng bawat anting-anting. Naglalaman ito ng mga simbolo na mayroon kalakip
na pahiwatig at mga salita o dasal na nakasalin sa latin na kung tutuosin ay may
kinalaman sa pahayag ng bibliya. Maraming uri ng anting-anting sa Pilipinas, hindi lang
ito pumapaloob sa isang bagay na sinusoot ng tao na siya nang magpo-protekta sa
kanya. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang gamit mula sa kahit ano pamang
pangangailangan o kagustuhan ng isang tao.
Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy kung ano ang karaniwang gamit; anu-ano ang
mga orasyon na ibinubulong dito upang magkaroon ng bisa?; anu-ano ang karaniwang
salitang ginamit sa mga anting-anting?; anu-ano ang mga simbolo na nakapaloob?;
anu-ano ang ibat-ibang uri ng mga anting-anting

at ang kalagayan ngayon ng

industriya ng mga antingero na siyang gumagawa ng mga anting-anting. Marami nang


nagbago sa panahon ngayon ngunit ang kapangyarihan at karismang natataglay nito ay
nagpapatuloy parin. Ano ba ang mayroon sa anting-anting at kung bakit magpasanghanggang ngayon ay may mga tumatangkilik parin sa mga ito? Upang magkaroon pa
ako nang mas maraming kaalaman, komunsulta ako sa isang tindera ng Anting-Anting
sa Quiapo na si Nanay Maria Rosa Gaspang o mas kilala sa kanila bilang si Nanay
Rosi. Siya ay matagal nang naglalako ng ibat-ibang Anting-Anting. Siya ay 65 na taong

gulang na ngayon at mula pa 1978 pa siya naglalako ng mga Anting-Anting.


Kumumsulta di ako sa libro ni Nenita Pambid sa libro niyang Anting-Anting: O Kung
Bakit Nagtatago sa Loob ng Bato si Bathala. Ang mga impormasyon ukol sa kanila ay
makikita sa bibliograpiya ng research paper na ito.

II. Kahalagahan ng Pag-aaral


Ang pag-sasaliksik na ito ay naglalayong ipakita sa mga mambabasa kung anuano ang nakagawian nang kultura ng mga Pilipino noon at ngayon. Nagbibigay ito ng
linaw at kasagutan sa mga katanungang bumabalot sa hiwaga ng mga anting-anting.
Maraming matututunan ang isang mag-aaral dahil malaki ang naiambag ng kultura para
maihubog ang kasaysayan ng bansa. Isa na nga sa halimbawa nito ang gamitang ito na
sinusuot. Bilang isang Pilipino na ang bansa ay may mayabong na mga kaugalian at
kultura sa bawat sulok nito, nararapat lang na malaman ng bawat mamamayan kung
gaano kayaman at kahalaga ang kulturang Pilipino.

III.

Nilalaman
Bago paman saliksikin ng mas malalim ang anting-anting, ipapaliwanag muna ang

maikling kasaysayan nito sa Pilipinas. Ang anting-anting ay nagsimula nang


pinakinabangan ng mga ninuno natin bago pa dumating ang mga mananakop sa bansa.
Hindi ito tulad ng itsura nito ngayon na siyang kalimitang pabilog o hugis tatsulok na
mayroong mga simbolo na may kinalaman sa bibliya o ang simbolo ng all seeing eye
at mayroong mga nakasulat o nakaukit na mga latin na salita. Sa panahon noon,
kalimitang mga buto ng hayop ang karaniwang ginagawang antin-anting. Pwede ring
gawing anting-anting ang mga espesyal na mga bato noon na matatagpuan sa paligid o
kaya ang mga pinatuyong mga prutas na maaari nilang gawing kuwintas.

Sa pagdating ng mga kastila ipinakilala nila ang kristiyanismo sa mga katutubo. At


ang mga anitong sinasamba nila noon ay sinabing ito ay gawa ng diyablo at dapat ng
tigilan o lupigin. Ngunit kahit na ganito ang nangyari, hindi parin nawala ang paniniwala
sa

kapangyarihang

taglay

ng

anting-anting.

Upang

maimpluwensiyahan

ng

kristiyanismo ang anting-anting at upang magpatuloy parin ang paggawa at paggamit


nito, nagbago ang itsura nito at nagkaroon ng mga simbolo na makikita sa bibliya tulad
ng Ispiritu Santo, Santisima Trinidad, Sagrad Familia, Virgen Madre, ang kontrobersyal
na all seeing eye atbp.
Sinasabing ang salitang anting-anting ay salitang Javanese na may ibigsabihin
na nakasabit. Hindi lang sa Pilipinas kumalat ang ganitong bagay pati na rin sa mga
kalapit-bansa. Ang mga kalimitang gamit ng anting-anting ay para sa proteksyon ng
nagmamay-ari nito ngunit may mga iba pa itong gamit base narin sa kagustuhan ng
may tangan nito. Sa panahon ngayon upang magkaroon ng bisa ang isang antinganting, kailangan itong orasyunan o bulungan sa salitang latin. Ang mga materyales ay
depende sa mga bagay na makikita sa paligid, ngunit ang karaniwan ay mga metal
tanso, bakal, o kung minsan ay ginto papel, basyo ng bala, bato at mga bagay na
maaaring ukitin.

Ang Bisa ng Anting-Anting


Sa panahon ng rebulosyon sa Pilipinas, may mga naitala narin na ang ating mga
bayani ay gumamit din ng anting-anting upang sa kanilang kaligtasan. Isa na dito si
Macario Sakay na nagtatangan ng mga anting-aniting na papel upang ito raw ay
pansalag o upang lumihis ang mga bala. Isa pa si Andres Bonifacio na may antinganting na may nakalagay na Birhen del Pilar, habang si General Antonio Luna na
gumamit ng Virgen Madre. Kilala rin ang kwento ni Manuelito isang tulisan, hindi siya
tinatablan ng mga bala ng guardia civil sa tuwing huhulihin nila siya, ngunit namatay din
siya noon ng mga macabebe sa pamamagitan ng pagbaril sa kanya. Sinasabing
gumamit ng pilak na bala ang mga macabebe upang mapatay si Manuelito.

Sa iba pang gamit ng anting-anting ay sa pamamaraan ng pangggagamot.


Karaniwang ilang mga albularyo ang nagtataglay nito. Kasabay ng pagbubulong nila sa
kanilang mga pasyente pinapahiran nila ang anting-anting ng langis dahil sinasabing
ang langis ay nagdadagdag ng kapangyarihan sa anting-anting. Bibubulungan ng mga
latin na wika ang mga pasyente, kalimitang habang hawak ng albularyo ang ulo ng
pasyente o kayay inilalapat ng albularyo ang anting-anting sa balat ng pasyente.
Nagpapabaga din sila ng insenso na nakalagay sa isang maliit na lalagyan na may
hawakan. Minsan ay hinahaluan din nila ito ng pagkit ng kandila (candle wax) habang
ito ay kanilang pinapabaga.
Ang pamamaraan na ito ay ginagamit din nila sa pagtataboy ng elemento o mga
alagad ng kadiliman. Mayroon din mga anting-anting na natatangi lang para sa ganitong
sitwasyon. Ito rin ay depende narin sa magmamay-ari nito o kaya sa antingero dahil
siya ang nakakaalam sa kung anong anting-anting ang nararapat para sa sitwasiyon ng
magmamay-ari. Ang mga masasamang elemento na maaaring pumahamak sa tao ay
matataboy kapag ang taong ito ay may anting-anting na taglay. Ang kulam at barang
ay ilan lamang sa mga gawaing kinakalaban ng anting-anting. Ang mga paniniwalang
ito ay nagpapatuloy parin hanggang ngayon partikular sa mga liblib na lugar sa bansa.
Mayroon pang iba pang gamit ang anting-anting tulad ng panggagayuma upang
mabilis na mapasagot o kayay makuha ang loob ng iyong napupusuang tao, karaniwan
ding ginagawa ang anting-anting upang pansalag sa mga bala, tuklaw ng ahas, apoy,
pang-iwas aksidente o kayay para makaiwas sa kabal (bolo). Ang mga dahilan na ito ay
karaniwang bilang sa proteksyon sa nagmamay-ari. Maaari rin itong pangdasal para
pumasa sa mga pagsusulit at maaari ring dasalan upang magkaroon ng anak.

Orasyon at Gamit
Bago paman ipagamit sa isang tao ang anting-anting, binubulungan muna ito ng
antingero upang ito ay magkaroon ng bisa. Ang mga bulong o orasyon ay dipende sa
kung anong uri ng sitwasyon maaaring gamitin ang anting-anting. Latin ang
pangunahing wikang ginagamit upang orasyunan ang mga anting-anting na kalimitang

ang mga bulong ay nanggagaling sa mga berso sa bibliya. Karaniwang nababanggit sa


mga orasyon ang salitang Deus na may ibig sabihing Jesus, ang Spirito Sancto na
Holy Spirit at ang pangalan ng Birheng Maria.
Ang gamit ay dipende sa orasyon na ibubulong, halimbawa; Pax Tibi Domine
Deus Norum Deus Noram Deus Nocam Deus Meoruam ang orasyon na ito ay para sa
pangontra sa mga bala, Santificame Corpus Christe Benedicte Salvame ito naman ay
ibinubulong para sa naaksidente (Corpus Christe Body of Christ), No Emperatris
Egosum Pacem En La Muerte El Proceditis Adorabit Jesus ang orasyon naman na ito
ay para sa Mahal na Birhen kontra sa lahat ng armas. Ilan lamang iyan sa mga orasyon
na ginagawa ng antingero bago ipamahagi ang isang anting-anting.
Sa mga liblib na lugar, tulad ng mga probinsya, ay may komukunsulta parin sa
mga albularyo. Ito ay sa kadahilanang malayo o walang matatagpuang mga hospital sa
kanilang lugar o kayay ang kanilang karamdaman ay hindi matuklasan o kayay hindi
kayang gamutin ng modernong medisina. Tulad din ng nabanggit ang mga pasyente ay
inoorasyunan nila upang ang mga masasamang elemento raw ay maalis at tuluyang
lubayan ang katawan nila. Habang nagwiwika ng latin, pinapahiran ng langis ang
pasyente at kung minsan ay pinapainom nito upang maitaboy ang masamang elemento
o Ispirito. Sa pamamaraan ng pagtataboy, sisigawan ng albularyo ang pasyente o ang
masamang espirito ng Ikaw na karumaldumal na Ispiritu ka, ay lumabas ka sa may
sakit, iwan mo siya at umalis kana habang nakatutok ang kamay niya sa pasyente.
Maya-mayay mararamdaman ng pasyenteng tila gumiginhawa ang pakiramdam niya,
ngunit ang ganitong pamamaraan ay wala pang may matibay na ibidensya upang
sabihing ito ay nakapaggagaling nga.

Salita at Simbolo
Ang anting-anting sa pagdating ng mga kastila ay nagbago ang pisikal nitong
kaanyuan. Hindi na ito katulad ng dating itsura na buto lamang ng hayop, partikular ang
ngipin, o kaya ay bato. Nagbago ang itsura nito upang makibagay ito sa pagbabagong
nagaganap lalo na sa pagdating ng relihiyong Kritiyanismo sa bansa. Nagkaroon ng

mga salita na nakaukit sa anting-anting at mga larawang may mga malalalim na ibig
sabihin. Karaniwang mga imahe ng mga banal na nilalang ang naka-ukit sa antinganting tulad nila Jesus, Birheng Maria, San Benedikto, Trinity atbp.
Mayroon ding simbolo ang mga anting-anting na tatsulok na may mata sa gitna, ito
ang tinatawag na all seeing eye of God. Ayon sa mga antingero ang ibig sabihin nito
ay, ang mata sa gitna ay nangangahulugang Infinito Dios na kung saan ay nakikita
ang lahat o kayay binabantayan ng Diyos ang lahat. Ang ganitong simbolo ay ginamit
na ng Masoneriya ngunit ang simbolong ito ay nakapaloob sa isang anting-anting na sa
paniniwala ng iba ay may basbas ng Diyos. Ang salin ng Masoneriya dito ay ang
tinatawag nilang enlightenment ang ganitong simbolo rin ay makikita sa isang dolyar
ng Amerika. Isa pa sa simbolo ng mga anting-anting na kinuha mula sa Masoneriya ay
ang kompas na ang nasailalim ay isang T-square. Sinasabing ang T-square ay
tumutukoy sa isang kilusan tungo sa isang balanse at kawastuan sa pagitan man ng
pisikal at ispirituwal habang ang kompas naman ay nagrerepresenta sa ispiritu.
Ang ibang mga anting-anting naman ay iba naman ang hugis tulad lang ng krus,
maliit na depiksyon ng Sto. Nio atbp. Ang bawat imahe ay may nakaakibat na
kahulugan tulad nalang ng mga nakaukit na mga salita o letra sa mga anting-anting.
Ilan sa mga halimbawa ay ang salitang ROMA na kalimitang matatagpuan sa ibaba na
bahagi ng mata ng Infinito Dios na nangangahulugang Radix Omnium Malorum
Avaritia na may ibig sabihin na Ang pinagmulan ng lahat ng kasamaan ay kasakiman.
Ang sator ay isa narin sa mga halimbawang simbolo na nakaukit sa antinganting:
S A T O R
A R E P O
T E N E T
O P E R A
R O T A S

Kung bubusiin, maaari mong basahin ang simbolo mula pakanan, pakaliwa,
pataas o pababa man. Ang kahulugan ng bawat salita, SATOR nangangahulugang
lumikha o pinagmulan, AREPO walang malinaw, ngunit maaaring mangahulugan ng
paggapang, TENET nangangahulugang tagapag-alaga, OPERA nagbibigay ng gawa at
ROTAS nangangahulugang gulong. Ngunit kung aalamin ang ibig sabihin nito sa antinganting sinasabing ito raw ay proteksyon laban sa panganib o kasamaan. Ilan pa sa
halimbawa ng mga sulat ay ang Crux Sancti Patris Benedicti ( Krus ng banal na
amang Benedict), Eius In Obitu Nostro Praesantia Muniamur ( Sa kamatayan ng
aming presensya, protektahan mo kami), C S S M L - N D S M D - Crux sacra sit mihi
lux! Non draco sit mihi dux! ( Nawang ang banal na krus ang aking maging gabay!
Nawang ang halimaw ay hindi maghari!), V R S N S M V - S M Q L I V B - Vade retro
satana: Vade retro Satana! Nunquam suade mihi vana! Sunt mala quae libas. Ipse
venena bibas! ( Maglaho ka Satanas! Huwag mo akong tuksuhin sa iyong kahambugan!
Anu mang ibigay mo sa akin ay kasamaan. Inumin mo ang lason ng sarili mo!). Amg
lahat ng ito ay makikita sa isang anting-anting kung saan nakapaloob si Saint Benedict.
Ilan lang iyan sa madami pang simbolo at salita na makikita sa isang anting-anting.
Ang anting-anting din ay humihina ang kapangyarihan lalo na kung ang may hawak nito
ay nagiging masama na ang reputasyon o ang pag-uugali. Ang kailangan ay palaging
magdasal upang ang kapit sa pananampalataya ay lumakas at ang kapangyarihan nito
ay muling manunumbalik. Sinasabing ang kalakasan ng kapangyarihan ng anting-anting
ay sa linggo ng mahal na araw lalo na sa Biyernes Santo kung saan ginanap ang
pagpapapako sa krus ni Kristo. Kasabay ng araw na ito ang pag-orasyon sa antinganting upang manumbalik ang kapangyarihan nito.
Ngunit hindi lang sa kristiyanismo nagkaroon ng anting-anting, maging sa mga
Muslim sa Mindanao. May mga ilang tala na mayroong sariling bersyon ng anting-anting
ang mga Muslim sa Mindanao. Ngunit ang ganitong gawain ay kanilang mahigpit na
ipinagbabawal sa kadahilanang ito ay Haram o taliwas sa panampalataya kay Allah at
maituturing na Shirk o isang gawaing makasalanan.

Sa Pisikal na Itsura
May mga ibat-iba rin pisikal na itsura ang isang anting-anting, nariyan at hugis
bilog, tatsulok, parihaba, parisukat atbp. Iba-iba ring kung saan ito maaaring gawin o
paglagyan, maaaring sa metal, papel, botelya, bato, ngipin, bala, damit at kung ano
man ang maaari maging paglalagyan nito. Kung tutuusin ano mang bagay ay maaring
gawin anting-anting, katumbas lang nito ang orasyon at maaari na ito pakinabangan.
Iba-iba ang gamit, iba-iba ang itsura. Sa mga anting-anting na ginagawang
kuwintas karaniwang ang mga ito ay gawa sa metal tulad ng bakal, tanso, pilak at kung
minsan ay ginto. Ang mga ganitong anting-anting ay inuukitan ng mano-mano ng isang
antingero. Ang mga ito rin ay maaaring gawing pulseras, hikaw o kayay sinturon. Maari
ring gawing anting-anting ang isang basyo ng bala kung ito ay bubutasin, lalagyan ng
tali at oorasyunan. Ang mga tao na may ganitong uri ng anting-anting na sinusuot ay
mararamdaman ang benepisyo nito habang ito ay tahan nila ngunit kung di nila dala ito
hindi rin sila mapoproteksyunan ng anting-anting.
Mayroon din namang anting-anting na iniinom na upang ang bisa raw nito ay di na
maalis sa katawan ng tao. Maaari rin itong isang bagay na kinakain at kapareho rin nito
ang dahilan sa iniinom. Mayroon din namang iba na talagang ibinabaon sa katawan ng
tao, sa pamamaraan ng operasyon. Ang ganitong pamamaraan ay sadyang delikado at
parang mga bihasa lang dapat ang gumagawa nito. Kalimitan itong ibinabaon sa braso
ng tao.
Mayroon din mga agimat na sadya nang itinatatu sa katawan ng tao. Kalimitang
mga antingero ang gumagawa nito. Napupuno ng mga tatu na mayroon mga simbolo at
mga salita na tulad sa inuukit ang mayroon sa balat nila. Kayun din ang dahilan, upang
hindi na maalis sa kanila benepisyo na matataglay sa anting-anting.
Isa pa sa uri ng anting-anting na sumikat noong panahon ng rebolusyon ay ang
anting-anting na nakasulat nalang sa papel, maaari ring gamitin ang tela o damit,
panyo, kahoy atbp. Mga simbolo at mga salita rin na may mga kahulugan ang makikita
rito. Ngunit ang ganitong anting-anting ay kailangan paka-ingatan dahil ang mga ito ay
madaling masira lalo na kung ito ay mabasa. Kaya sa tela at papel ito ay kanilang

itinatago sa kanilang mga kasuotan. Isa pa sa benepisyo nito ay wala itong bigat sa
katawan dahil ito ay magaan lang at hindi pa ito madaling makuha sa kadahilanang ito
ay nakatago sa likod ng mga kasuotan.
Ang pagpapasa ng anting-anting sa pagmamanahan nito ay hindi rin ganoon
kabasta-basta. Kailangan ang pagmamanahan nito ay natatanging panganay na anak
lamang at kung ito ay maipapasa sa maling kamay, ang bisa nito ay mawawala.
Kalagayan ng Anting-Anting sa Ngayon
Sa panahon ngayon ang anting-anting ay hindi na ganoon karaming tumatangkilik,
karamihan nalang sa kanila ay mga mas nakakatanda na nangangailangan nito sa
kadahilanang sa pagpapalago ng negosyo, proteksyon sa sarili at pamilya, para sa
swerte at upang makaakit pa ng iba. Sa panahong mas yumabong pa ang teknolohiya
at ang mga kaalaman ay nadaragdagan pa, nawawalan na ng oras ang mga Pilipino
para maniwala sa ganitong kultura. Sa ngayon iilan nalang ang mga kilalang lugar na
nakapag-bebenta nito, kilala na dito ang Quiapo. Sa tabi ng isang makasaysayan at
banal na simbahan ng Quiapo ay makikita sa paligid ang samut-saring tindahan na may
naglalakong mga anting-anting.
Ito nalang ang kilala sa Metro Manila na lugar kung saan talamak parin ang
paglalako ng mga anting-anting at iba pang mga bagay na makakatulong sa pang-arawaraw. Kinokontra ito ng simbahan at marami sa Pilipino ang relihiyoso kaya naman sila
ay sumusonod sa bawat galaw o utos ng simbahang katolika. Kumakalat din ang
balitang ang mga anting-anting ay isang kasangkapan ng diyablo upang ilayo sa
tamang landas ang mga taong gagamit nito. Sa panahon ngayon pagdating sa usapang
kabanalan, malakas parin ang kapangyarihan ng simbahan keysa sa anting-anting.
Masama ba ito o hindi? Ang sagot ay magtatalo sa dalawang bagay.
Sa kultura, ang anting-anting, agimat o bertud man ay mahalaga dahil isa ito sa
pagkakakilanlan ng bawat Pilipino sa bansa. Nagbigay ito ng malaking ambang sa
kasaysayan ng Pilipinas pati na rin sa paghubog nito. Sa pagdating naman ng relihiyon
ito ay masasabing masama dahil ito ay tumataligsa sa turo ng simbahan. Ang anumang
hindi naaayon sa bibliya partikular sa kabanalan ay masasabi nilang gawa ng diyablo at

dapat nang matigil. Ano man ang dapat panigan ay hindi na ito mahalaga dahil ang
anting-anting ay nagbigay ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino at nagpapakita ito na ang
kulturang Pilipino ay sadyang malawak at masagana.

IV.

Konklusyon
Ang anting-anting ay talaga ngang may malalim na halaga sa kasaysayan, kultura

at bawat Pilipino sa bansa. Ito ay isang bagay na talaga namang nagpapakita na ang
mga kulturang Pilipino ay mayabong at kayang makipag-kompitensya sa ibang bansa.
Nagkukulang lamang ang mga Pilipino sa pagpapahalaga ng pamanang kultura ng
ating mga ninuno. Naipapakita dito na ang kulturang Pilipino ay nakikibagay sa kahit
ano pa mang panahon ang dumating. Nagpapatuloy parin sa kahit ano mang
pagbabago ang darating.

Bibliography

Pambid, Nenita D. Anting-Anting: O Kung Bakit Nagtatago sa Loob ng Bato si


Bathala. UP Press. pp 274

Si Maria Rosa Gaspang o Nanay Rosi at ang mga produkto niyang Anting-Anting.

You might also like