You are on page 1of 2

Pangalan: __________________________________ Grade 5 Seksiyon: __________________ Q 1 WEEK 6

TANDAAN:
Sosyo-Kultural na Pamumuhay ng mga Pilipino
Kultura - ito ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng tao.
Maraming natatanging kultura at kaugalian mayroon ang mga sinaunang Pilipino. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod.
Pananamit at Palamuti
● Bahag- piraso ng tela na ibinabalot sa baywang at may habang hanggang hita para sa pang-ibabang kasuotan ng kalalakihang
Pilipino.
● Baro- pang-itaas na kasuotan ng mga kababaihan.

● Tapis- piraso ng tela na ibinabalot sa baywang.

● Saya/Patadyong - maluwag na palda para sa pang-ibabang kasuotan ng mga kababaihan.

● Mahilig magsuot ng mga palamuti sa katawan ang mga sinaunang kalalakihan at kababaihang Pilipino.

● Kadalasang gawa ang mga palamuting ito sa ginto.

● Pomaras, isang alahas na hugis rosas at Gabanes na isang uri ng gintong pulseras na isinusuot ng mga kababaihan sa kanilang
braso at binti.
● Para naman sa mga kalalakihan, naglalagay sila ng Tato, isang permanenteng disenyo o marka sa balat.

● Pintados ang tawag ng mga Espanyol dito.


Kaugalian sa Paglilibing
● May dalawang bahagi sila ng paglilibing. Una, inililibing nila ang yumao sa lupa kasama ang ilang kasangkapan. Pangalawa, kapag
natuyo na ang mga labi, hinahango ito mula sa libingan at isinisilid sa loob ng banga. Ang banga na ito ay tinatawag na manunggul
jar.
● Ang “Manunggul Jar” ay nagsisilbing kabaong o libingan ng mga sinaunang Pilipino.
Paniniwala at Tradisyon ng mga Sinaunang Pilipino
● Naniniwala sila na may mga espiritung nananahan sa kanilang kapaligiran, tinawag itong “anito” ng mga Tagalog at “diwata” ng mga
Bisaya
● Pinaniniwalaan din ng mga sinaunang Pilipino na ang mga bagay sa kalikasan tulad ng araw, bituin, at ilog ay tirahan ng kanilang
mga yumaong ninuno.
● Ang tawag sa paniniwalang ito ay “animismo”.

● Dito humihingi muna sila ng gabay at pahintulot mula sa mga espiritu ng kalikasan bago sila magpatayo ng tahanan, magtanim at
maglakbay.
● Ito ay pinangungunahan ng tagapamagitan sa mundo ng tao, mundo ng Diyos at mga yumao na tinatawag na Katalonan (sa mga
Tagalog) at Babaylan (sa mga Bisaya).
● May mga sinaunang Pilipino rin na sumasamba sa maraming diyos at pinaniniwalaang banal ang daigdig.

● Pinaniniwalaan nila na may isang pangunahing Diyos o dakilang nilalang na siyang may likha sa langit at lupa.

● Tinatawag nila itong Bathala ng mga Tagalog; Abba ng mga Cebuano; Kabunyian ng mga Ifugao; at Laon ng mga Bisaya.

● Mumbaki naman ang tawag sa pinunong panrelihiyon ng mga Igorot na nagsisilbing tagapamagitan ng tao sa mga espiritu.
Itinuturing din siyang manggagamot ng kaluluwa.
Politikal na Pamumuhay ng mga Pilipino
Dalawa ang uri ng pamahalaan na umiiral sa sinaunang panahon sa Pilipinas, ito ang barangay at ang Sultanato.
● Barangay ang isa sa mga sistema ng pamahalaan ng mga sinaunang Pilipino na lumaganap sa Luzon at Visayas.

● Ang barangay ay mula sa salitang balangay na tumutukoy sa sasakyang pandagat.

● Ito ay isang yunit na pampolitika, panlipunan at pangkabuhayan noong sinaunang panahon sa Pilipinas.

● Datu ang tawag sa pinuno ng isang barangay at karaniwang binubuo ito ng 30 hanggang 100 pamilya.

● Siyang ang kinikilalang pinakamalakas, pinakamatapang at pinakamayamang lalaki sa barangay.

● Gumagawa siya ng mga batas at naggagawad ng parusa sa mga lumalabag.

● Ang mga bagong batas ay ipinapaalam sa mga nasasakupan sa pamamagitan ng isang tagapagbalita o mas kilala sa tawag na
umalohokan.
● Sultanato ay isang sistema ng pamamahala batay sa katuruan ng Islam.

● Sultan ang tawag sa pinuno rito na ginagampanan ang tungkuling sibil at panrelihiyon.

● Ang katangiang taglay ng mga sultan ay may angking kayamanan, mataas na bilang ng mga tagasunod at may mahalagang ambag
kaugnay sa pagpapahalaga sa lipunang Muslim.

WRITTEN WORK
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang salitang tinutukoy ng bawat pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.
_________________1. O T I N A - ito ang mga espiritung nananahan sa kapaligiran.
_________________2. U M M K B I A - ito ang tawag sa pinunong panrelihiyon ng mga Igorot na nagsisilbing tagapamagitan ng tao
sa mga espiritu.
_________________3. A H L A A T B - ito ang itinuturing ng mga Tagalog na dakilang nilalang na siyang may likha ng langit at lupa.
_________________4. G L U G N U N A M - A R J - ito nagsilbing libingan ng mga sinaunang Pilipino.
_________________5. A Y B A G N R A - ito ay isa sa mga sistema ng pamahalaan ng mga sinaunang Pilipino na lumaganap sa
Luzon at Viasayas. Ang salitang ito ay tumutukoy sa sasakyang pandagat.
Panuto: Basahin ang bawat pahayag at isulat sa patlang ang tamang sagot.

_____________________ 1. Pinakamakapangyarihang Diyos.


_____________________ 2. Tagapagbalita sa barangay
_____________________ 3. Tawag sa pinunong panrelihiyon ng mga Igorot.
_____________________ 4. Disenyo o marka sa balat.
_____________________ 5. Sistema ng pamamahala batay sa katuruan ng Islam.

You might also like