You are on page 1of 24

2

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Kalinisan at Kaayusan sa
Paaralan, Pananatilihin Ko!
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Kalinisan at Kaayusan sa Paaralan, Pananatilihin ko!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Kim Charlotte C. Cuala


Editors: Alejandro A. Corre, Rebecca Sambas, Bernadette M. Angel, Lyme Arellano,
Joene O. Dela Cruz
Tagasuri: Agabai S. Kandalayang, Yusof A. Aliudin, Roweoa!Q/!Amuesaeo-!Siesym!C/!Cauuisua-
Aiea!S/!Eemoo!Masy!Koy!E/!Cauuisua/!Emoisa!S/!Agoi-!Ma/!Ksisuioe!C/!Mausis
Uagaguiiu; Kim!Ciaslotte C. Cuala
Tagalapat: Maria Fe. C. Linao, Jana Larisa B. Abinsay, Jomellah B. Abinsay,
Glen D. Napoles
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo – Regional Director
Fiel Y. Almendra – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz - Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero - Assistant Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez – Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz - REPS – Edukasyon sa Pagpapakatao
Elpidio B. Daquipil - CID Chief
Juvy B. Nitura – Division EPS in Charge of LRMS
Marcelo B. Bocatera - Division ADM Coordinator
Edmund A. Rosete Sr. - EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address:
Telefax: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of
Koronadal (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address:
region12@deped.gov.ph
2
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan–Modyul 4:
Kalinisan at Kaayusan sa
Paaralan, Pananatilihin Ko!
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao -


Ikalawang Baitang ng Self – Learning Module (SLM) para sa Ikaapat na Aralin:
Kalinisan at Kaayusan ng Paaralan, Pananatilihin Ko!

Ang modyul na ito ay pinagtuluogaog!eioiseoyo-!oimioaog!au siousi ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-
aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Paalala Para sa mga Guro


Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang pampagturo na katulad nito. Ito ay
inyong magagamit upang maihatid at maibahagi sa inyong mga mag-aaral ang tamang kaalaman
upanag mapalawak at malinang ang kanilang karunungan tungkol sa Kalinisan at Kaayusan ng
Paaralan, Pananatilihin Ko! Ang inyong tamang paggabay ay makatutulong sa mga mag-aaral upang
makamit ang ating layunin sa pag-aaral.
Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain, at sagutin nila nang tama ang lahat ng mga
gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang inihanda para sa kanila.
Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at hangarin para sa ating mga
mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis at mabisang pagkatuto. Maligayang pagtuturo.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Baitang ng


Self-Learning Module (SLM) ukol sa Aralin 4: Kalinisan at Kaayusan ng
Paaralan, PananatilihinKo!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa
Itoaynaglalamannggawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o reyalidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian - ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhaan


sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang tanungin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid
o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang malinis at maayos na kapaligiran ay tunay


ngang kay gandang tingnan. Disiplina sa sarili at
pagmamalasakit sa kapaligiran ang kailangan. Bawat
isa sa atin ay mayroong responsibilidad na panatilihin
ang kalinisan nito. Bilang isang mag-aaral ay isaisip
at isapuso ang mga gawaing ito.

Ang modyul na ito ay naglalayong maipaunawa


sa iyo ang mga paraan upang makibahagi sa mga
programa ng paaralan at pamayanan na
makatutulong upang mapanatili ang kalinisan at
kaayusan ng pamayanan at bansa.

Most Essential Learning Competencies


Nakikibahagi sa anumang programa ng paaralan at
pamayanan na makatutulong sa pagpapanatili ng
kalinisan at kaayusan ng pamayanan at bansa.
(EsP2PPP- IIlf-11)

Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


Nakikibahagi sa anumang programa ng paaralan at
pamayanan na makatutulong sa pagpapanatili ng
kalinisan at kaayusan ng pamayanan at bansa.

1
Subukin

Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Alin sa


mga ito ang sa tingin mo ay nagpapakita ng pakikiisa
sa programa ng paaralan at pamayanan na
makatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at
kaayusan ng pamayanan at bansa? Isulat ang letra
ng iyong sagot sa kwadernong panggawain.

A B

D E
Balikan

Panuto: Basahin at sagutin ang mga katanungan sa


ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
kwadernong panggawain.

1. May naaalala ka bang mga aktibidad sa paaralan


na inyong ginawa na may kaugnayan sa paglilinis
ng kapaligiran?

2. Ano-ano ang inyong mga ginawa?

3. Ano ang iyong naramdaman ng ikaw


ay nakibahagi sa aktibidad na iyon?

3
Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang tula sa ibaba.

Sa Aming Paaralan
Isinulat ni: R.B. Catapang

Guro’t mag-aaral ay nagtutulungan,


Sa kalinisan at kaayusan ng paaralan.
Dulot nito’y maganda sa kalusugan,
Siguradong ang sakit ay maiiwasan.

Basurang nabubulok at di-nabubulok ay paghiwalayin


Mga papel ay ipunin at muling gamitin,
Plastik ay i-recycle at huwag sunugin,
Tulong sa kapaligiran ay palaging isipin.

Kung lahat ng ito ay ating gagawin.


Malinis na hangin ay ating lalanghapin,
Kaya’t paglilinis ay laging ugaliin,
Tandaan at palaging gawin.
Suriin

Panuto: Mula sa iyong nabasang tula. Unawain at


isulat sa kwadernong panggawain ang
iyong sagot sa mga sumusunod na mga
katanungan.

1. Ano-ano ang mga gawain na nabanggit sa tula


na nagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng
paaralan?

2. Paano ka nakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan


at kaayusan ng inyong paaralan at pamayanan?

3. Bakit dapat tayong makibahagi o makiisa


sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan
ng paaralan at pamayanan?
Suriin ang mga larawan. Ang sumusunod ay ilan sa
mga programa ng paaralan na nagpapanatili ng
kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.
(Ang mga larawan ay galing sa Edukasyon sa Pagpapakataong kagamitan ng mag-aaral ng Ikalawang Baitang,
Pahina 203,Unang Edisyon, 2013)

6
Tandaan:
Ang pakikiisa sa iba’t ibang programa ng paaralan at
pamayanan para sa pagpapanatili ng kalinisan at
kaayusan ay pagpapakita ng pagmamalasakit sa
kapaligiran ng ating pamayanan at bansa.
Pagyamanin

Gawain 1

Panuto: Iguhit ang ( ) kung ang sitwasyon ay


nakikibahagi sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan
ng paaralan at pamayanan, ( ) naman kung hindi.
Isulat ang sagot sa kwadernong panggawain.

1. Hinihiwalay ko ang plastik sa papel.


2. Isinisiksik ko sa upuan ang balat ng kendi.
3. Tatakas ako sa paglilinis ng silid-aralan.
4. Tumutulong ako sa pagwawalis ng mga tuyong
dahon sa labas ng bahay.
5. Sa kanal ko itinatapon ang basurang laman ng
aking bag.
Gawain 2

Panuto: Gumuhit ng limang (5) larawan na


nagpapakita na ikaw ay nakikiisa sa pagpapanatili sa
kalinisan at kaayusan ng iyong paaralan at
pamayanan. Iguhit ito sa kwadernong panggawain.

Kriteria ng Gawain
Kriteria 5 4 3
1. Galing sa
pagguhit
2. Kawastuhan
ng iginuhit
3. Kalinisan

9
Gawain 3

Panuto: Iguhit ang kung ang sitwasyon ay


nagsasaad ng pakikibahagi sa mga programa ng
pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng paaralan at
pamayanan,
iguhit naman ang kung hindi. Ilagay ang sagot sa
kwadernong panggawain.

1. Nagtatago si Mika tuwing oras na ng paglilinis ng


kanilang silid-aralan.
2. Inilagay ni Toto ang bote ng mineral water
sa basurahan na may nakasulat na recyclable.
3. Si Lito ay nakilahok sa tree planting na isinagawa
ng kanilang paaralan.
4. Ginagamit ni Ana na pataba ng halaman ang
lupa mula sa compost pit na nasa kanilang likod-bahay.
5. Sumali si Dona sa paglilinis ng mga kanal
at estero sa kanilang barangay.

10
Isaisip

Panuto: Kompletohin ang pahayag upang maipakita


ang iyong pakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at
kaayusan ng paaralan at pamayanan. Kopyahin at
isulat ang iyong sagot sa kwadernong panggawain.

1. Kapag nakita kong magkahalo ang


mga bote, plastik at mga dahon
na nasa basurahan sa bahay ang
gagawin ko ay

2. Ang mga boteng walang laman at


lumang diyaryo o anumang papel ay
aking
.

3. Kapag marumi ang kanal sa


paaralan o sa harap ng aming bahay
ay akin itong
.

11
Isagawa

Panuto: Kopyahin sa iyong kwadernong panggawain


ang tseklis na nasa ibaba. Lagyan ng tsek ( ) ang
hanay na nagsasabi kung gaano mo kadalas
ginagawa ang sumusunod na gawain. Gamitin ang
pamantayan sa ibaba.
3 - Madalas
2 - Paminsan-minsan
1 – Hindi, kahit minsan

Mga Ginagawa Ko
1 2 3
1. Inihihiwalay ko ang
basurang nabubulok sa
basurang hindi nabubulok.
2. Itinatapon ko sa tamang
lalagyan ang balat ng kendi
.
3. Tumutulong ako sa paglilinis
ng aming bakuran.
4. Hindi ako naglalagay ng basura
sa ilalim ng aking mesa.
5. Nakikilahok ako sa mga
programang may kaugnayan
sa
kalinisan ng aming paaralan at
barangay.

12
Tayahin

Panuto: Basahin ang sitwasyon at piliin ang angkop na


kasagutan. Isulat ang letra ng napiling sagot
sa kwadernong panggawain.

1. Magkakaroon ng Oplan Linis Bakuran sa


inyong barangay. Ano ang iyong magagawa?
A. Tutulong ako sa pagwawalis at pamumulot
ng basura sa bakuran ng aming bahay.
B. Manonood lang ako ng telebisiyon at
hahayaan na si Nanay lang ang maglinis.
C. Hindi ko papansinin ang aktibidad ng
barangay at makikipaglaro lamang ako sa
aking mga kaibigan.

2. Nakita mo na nagkakalat ang iyong bunsong


kapatid sa parke. Ano ang gagawin mo?
A. Panonoorin ko ang aking kapatid.
B. Pupulutin ko ang kalat at pagsasabihan
ang aking kapatid.
D. Hahayaan ko na lang ang ikinalat ng
aking kapatid.
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita
ng pakikiisa sa kalinisan ng paaralan?
A. Hinihiwalay ko ang plastik sa papel.
B.Tumutulong ako sa paggawa ng hardin
ng mga gulay sa paaralan.
C. Isinisiksik ko sa upuan ang balat ng kendi.

4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng


pakikiisa sa kalinisan at kaayusan ng
pamayanan?
A. Nagtatapon ako ng basura sa kalsada.
B. Sinusunog ko ang mga plastik na basura.
C. Sumasabay at tumutulong ako kay nanay sa
pamumulot ng basura tuwing may Oplan
Linis ang aming barangay.

5. Gusto mong itapon ng balat ng iyong kendi


ngunit puno na pala ang basurahan ng inyong sa silid-
aralan. Ano ang maaari mong gawin?
A.Itatapon parin ang balat ng kendi sa
basurahan kahit puno na ito.
B.Ilalagay ko na lang sa ilalim ng mesa ang balat
ng kendi.
C.Sa bag ko na lang ilalagay ang balat ng
aking kendi at sa bahay na lang ito itatapon.

14
Karagdagang Gawain

Panuto: Sa iyong kwadernong panggawain gumuhit


ng mga bagay na maaari mong mai-
recycle. Kulayan ang iyong gawa.

Kriteria ng Gawain

Kriteria 5 4 3
1. Galing sa
pagguhit
2. Kaalaman
3. Natapos
ang
Gawain
sa
takdang
oras

15
Susi sa Pagwawasto

.5 C

.4 C

.3 C
sagot.
.2 B iba’t ibang
i ba’t ibang .sagot
magkaroon ng
magkaroon ng
.1 A Maaaring
Maaaring
Tayahin Isagawa Isaisip

.5 5.

.4 4.

.3 3.

.2 basehan sa pagtala ng eskor. .2

.1 Ang kriteria ng gawain ang .1

Gawain 3 Gawain 2 Gawain 1

Pagyamanin

mga .sagot
Maaaring magkaiba ang A, B, D, E

Balikan Subukin

16
Sanggunian
n.d. Most Essential Learning Competencies.
Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan,
Rolan Baldonado Catapang, Isabel Montezero-
Gonzales. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Tagalog, Kagamitan ng Mag-aaral. Unang.
—. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao Tagalog,
Patnubay ng Guro. Unang Edisyon.
PAHATID LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran
ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal.
Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong
na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong
paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay
Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento
at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning Resource Management


System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax No.: (083)

2288825/ (083) 2281893 Email Address:

You might also like