You are on page 1of 24

Health

Ikalawang Markahan – Modyul 1.2:


Pangangalaga sa mga Tainga
2

Health
Ikalawang Markahan – Modyul 1.2:
Pangangalaga sa mga Tainga
Health – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1.2: Pangangalaga sa mga Tainga
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Leilani DC. Garcia, Jumer G. de Leon, at Reymark T. Santiago
Editor: Rubilita L. San Pedro
Tagasuri ng Nilalaman: Nancy P. Mabalot at Engelbert B. Agunday, EdD
Tagasuri ng Wika: Gerwin L. Cortez at Marie Ann C. Ligsay, PhD
Tagasuri ng Disenyo at Balangkas: Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit: Reymark T. Santiago
Tagalapat: Jumer G. De Leon
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Salome P. Manuel, PhD
Rubilita L. San Pedro
Melvin S. Lazaro
Melvin S. Lazaro
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa mga
mag-aaral na katulad mo. Layunin nitong mailarawan mo
ang mga pamamaraan ng pangangalaga sa mata,
tainga, ilong, balat at buhok upang maiwasan ang mga
karaniwang suliranin sa kalusugan (H2PH-IIa-e-6).

Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang


mailalarawan mo ang tiyak na pamamaraan ng
pangangalaga sa tainga.

Subukin

Panuto: Sa isang hiwalay na papel, isulat ang bilang na 1-


5. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Anong bahagi ng katawan ang ginagamit upang


marinig ang mga tunog sa paligid?
A. bibig
B. ilong
C. mata
D. tainga

2. Alin sa mga sumusunod na tunog ang nakabubuti sa


tainga?
A. huni ng ibon
B. busina ng trak
C. putok ng gulong
D. malakas na kulog

1
3. Piliin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap
ang nagpapakita ng wastong pangangalaga sa mga
tainga.
A. Nilalaro ni Rona ang lapis sa kaniyang mga
tainga.
B. Nililinis ni Leni ng malinis na panyo ang kanyang
mga tainga sa tulong ng kanyang nanay o
tatay.
C. Nakikinig si Ruben ng malalakas na tugtugin sa
radyo tuwing gabi.
D. Gumagamit si Billy ng pinaghubarang damit sa
paglilinis ng kanyang mga tainga.

4. Alin ang tamang paraan ng pangangalaga sa mga


tainga?
A. Paglilinis ng tainga nang tatlong beses sa isang
araw.
B. Paggamit ng palito ng posporo sa paglilinis ng
tainga.
C. Palagiang paggamit ng earphones sa pakikinig
ng musika.
D. Pagpupunas ng tainga gamit ang malinis at
malambot na tela pagkatapos maligo.

5. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari sa


tainga kung ito ay mapababayaan?
A. Liliit ang tainga
B. Lalaki ang butas
C. Lilinaw ang pandinig
D. Maaaring maimpeksiyon

2
Aralin
Health: Pangangalaga
1.2 sa mga Tainga

Ang mga tainga ay mahalaga. Ginagamit ang mga


ito sa pakikinig. Araw-araw ay iba’t ibang tunog ang
ating naririnig. Mayroong malakas at mahinang tunog sa
ating pandinig. Mahalaga ang mga tainga upang
marinig ang sinasabi ng ating kausap. Maraming
kaalaman tayong nakukuha gamit ang mga tainga.

Inaalagaan mo ba ang iyong mga tainga? Tama ba


ang pangangalaga mo sa mga ito?

Balikan

Panuto: Sa isang hiwalay na papel, isulat ang bilang na 1


hanggang 5. Lagyan ng hugis bituin ( ) ang bawat
bilang kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
wastong pangangalaga sa mga mata at hugis parisukat
( ) naman kung hindi.
_____1. Magbasa sa madilim na lugar.
_____2. Manood ng telebisyon maghapon.
_____3. Kumain ng mga pagkaing mayaman
sa Bitamina A.
_____4. Kusutin ng kamay ang mga mata.
_____5. Komunsulta sa espesyalista tuwing may
nararamdamang problema sa mata.
3
Tuklasin

Basahin ang maikling tula tungkol sa pangangalaga


sa mga tainga.

Ang mga Tainga


Ni Leilani DC. Garcia

Sa pandinig, gamit ang mga tainga,


Sa awit, tunog at magandang musika,
Sa pakikipag-usap sa ‘ting kapuwa,
Biyaya ng Diyos na Siyang lumikha.

Napakahalaga ng mga tainga.


Ito ay ating alagaan tuwina.
Sa paglilinis ng labas ng tainga,
Gumamit, malinis, malambot na tela.

Upang makaiwas sa mga problema,


Mga lapis, bolpen, hairpin at iba pa,
Huwag ipasok sa loob ng tainga,
Baka masugatan, maimpeksiyon pa.

4
Itong mga dumi, earwax sa tainga,
Iwasang mabuo baka tumigas pa,
Agad ikonsulta sa espesyalista,
Sundin ang payo, alaga sa tainga.

5
Suriin

Ang tainga ay ginagamit sa pakikinig. Nakakukuha


ng iba’t ibang impormasyon sa paligid gamit ang mga
ito. Bahagi rin ng tainga ang tumutulong sa tao upang
magkaroon ng balanse ang katawan.

Mahalaga ang pandinig kaya marapat lamang na


alagaan ang mga ito. Narito ang tamang
pangangalaga sa tainga.

Makinig sa mga kaaya-ayang tunog tulad ng


musika.

Huwag magpasok ng matutulis na bagay sa


tainga tulad ng lapis, bolpen, hairpin at iba pa.

Gumamit ng malinis at malambot na tela sa


paglilinis sa labas na bahagi ng tainga.

Minsan o dalawang beses sa isang taon ay


maaring komunsulta sa espesyalista upang
mapangalagaan ang pandinig.

Isa sa mga problema sa tainga ay ang


pagkakaroon ng namuong dumi o earwax sa loob
nito.

6
Pagyamanin

Pinatnubayang Gawain
Sa pagkakataong ito magpatulong sa mga
magulang o nakatatanda upang magawa ang
pagsasanay.

Gawain 1

Panuto: Sa isang hiwalay na papel, isulat ang bilang na 1


hanggang 5. Piliin at isulat sa bawat bilang ang letra ng
mga salitang tumutukoy sa mga larawan.
A. Larawan ng bata na naglilinis ng tainga gamit
ang malambot na tela

B. Larawan ng bata na nagpapatugtog ng radyo


na nakapatong sa kanyang balikat at nakatapat
sa kanyang tainga

C. Larawan ng bata na sinusuri ng espesyalista sa


tainga

D. Larawan ng bata ng sinusundot ng lapis ang


kanyang tainga

E. Larawan ng bata na masayang nakikinig sa


awitan ng mga ibon

7
1. 2.

3. 4.

5.

8
Tasahin 1

Panuto: Sa isang hiwalay na papel, isulat ang bilang na 1


hanggang 5. Isulat sa bawat bilang ang Tama kung ang
larawan sa Gawain 1 ay nagpapakita ng wastong
pangangalaga ng tainga at Mali naman kung hindi.

Gawain 2

Panuto: Sa isang hiwalay na papel, isulat ang bilang na 1


hanggang 5. Sa bawat bilang, lagyan ng masayang
mukha ( ) ang bawat sitwasyon sa ibaba na
nagpapakita ng pangangalaga sa tainga at malungkot
na mukha ( ) naman kung hindi.

_____1. Pakikinig sa tamang lakas ng musika


_____2. Pagsundot ng matutulis na bagay sa tainga
_____3. Pagpapatugtog ng sobrang lakas
_____4. Pagkonsulta sa mahusay na espesyalista
_____5. Paggamit ng malinis at malambot na tela sa
paglilinis ng tainga

9
Tasahin 2

Panuto: Sa isang hiwalay na papel, isulat ang bilang na 1


hanggang 5. Basahin ang mga sumusunod na tanong. Sa
bawat bilang, isulat sa papel ang letrang P kung ang
iyong sagot ay palagi, mga letrang PM kung paminsan-
minsan at letrang H naman kung hindi.

_____1. Nakikinig ka ba ng musika na may katamtamang


lakas?

_____2. Umiiwas ka ba sa pagpapatugtog ng malakas


na radyo o telebisyon?

_____3. Gumagamit ka ba ng malinis at malambot na tela


sa paglilinis ng tainga?

_____4. Kumukonsulta ka ba sa espesyalista kung may


sumasakit sa iyong tainga?

_____5. Umiiwas ka ba sa paglalagay ng matutulis at kung


ano-anong bagay sa tainga?

10
Malayang Pagsasanay

Gawain 1

Panuto: Sa isang hiwalay na papel, isulat ang bilang na 1


hanggang 5. Basahin ang mga sumusunod na
pangungusap. Sa bawat bilang, lagyan ng tsek (✓) kung
ito ay nagpapakita ng pangangalaga sa tainga at ekis
(X) naman kung hindi.
_____1. Si Mark ay nagpapahinga sa tahimik na lugar.
_____2. Si Belle ay nakikinig sa malumanay na musika.
_____3. Si Rolly ay gumagamit ng hairpin sa pagtatanggal
ng dumi sa kaniyang tainga.
_____4. Si Luis ay gumagamit ng malinis at malambot na
tuwalya sa pagpapatuyo ng kanyang tainga
pagkatapos maligo.
_____5. Si Sandro ay tuwang-tuwa sa malakas na busina
ng kanilang sasakyan kaya paulit-ulit niya
itong pinipindot.

11
Tasahin 1

Panuto: Sa isang hiwalay na papel, isulat ang bilang na 1


hanggang 5. Sa bawat bilang, isulat ang letrang T kung
ang sitwasyon ay nagsasaad ng pangangalaga ng mga
tainga at letrang M naman kung hindi.

_____1. Pagpapahinga sa maingay na lugar

_____2. Paglilinis ng tainga dalawang beses sa isang araw

_____3. Pagpupunas ng tainga gamit ang malinis at


malambot na tela pagkatapos maligo

_____4. Pagkokonsulta sa espesyalista tuwing may


nararamdamang masakit sa tainga

_____5. Pag-iwas sa pagpapasok ng matutulis at kung


ano-anong bagay sa tainga

12
Gawain 2

Panuto: Sa isang hiwalay na papel, isulat ang bilang na 1


hanggang 5. Basahin ang mga sumusunod na
pangungusap. Sa bawat bilang, iguhit sa papel ang hugis
bituin ( ) kung tama ang pangangalaga sa tainga at
hugis buwan ( ) naman kung mali.

_____1. Takpan ang tainga tuwing nakaririnig ng


malalakas na tunog.

_____2. Maglagay ng maraming hikaw.

_____3. Magsalita ng katamtamang lakas sa kausap.

_____4. Panatilihing malinis ang tainga para makaiwas sa


impeksiyon.

_____5. Sundutin ng kuko ang loob ng tainga upang


makuha ang dumi.

13
Tasahin 2

Panuto: Sa isang hiwalay na papel, isulat ang bilang na 1


hanggang 5. Isulat ang Tama kung ang sitwasyon ay
nagpapakita nang wastong pangangalaga sa tainga at
Mali naman kung hindi.

_____1. Ipinakonsulta si Rina ng kanyang ina sa


espesyalista ng tainga dahil namamaga ang mga
ito.

_____2. Kumuha si Nena ng cotton buds at nilinis mag-isa


ang kanyang tainga.

_____3. Si Ben ay madalas gumamit ng headset sa


pakikinig ng musika.

_____4. Si Gng. Leabres ay nagsasalita ng may


katamtamang lakas sa tuwing nakikipag-usap.

_____5. Iniiwasan ni Tomas ang pagpunta sa


maiingay na lugar.

14
Isaisip

Panuto: Punan ng tamang salita ang mga patlang upang


mabuo ang kaisipan ng bawat pangungusap. Piliin ang
tamang sagot mula sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa
isang hiwalay na papel.

tela espesyalista bagay


tainga tunog hikaw

1. Ang ginagamit sa pakikinig ay __________.

2. Linisin ang tainga gamit ang malinis at


malambot na __________.

3. Nakasasama sa tainga ang mga malalakas na


__________.
4. Sa paglilinis ng tainga, iwasang gumamit ng mga
matutulis na __________.

5. Sa tuwing may naramdamang masakit sa


tainga, kumonsulta sa __________.

15
Isagawa

Panuto: Sa isang hiwalay na papel, isulat ang bilang na 1


hanggang 5. Sa bawat bilang, lagyan ng tsek (✓) kung
ang mga sumusunod na gawain ay naisasagawa at ekis
(X) naman kung hindi.

_____1. Tinatakpan ng palad ang mga tainga tuwing may


malakas na tunog sa paligid.

_____2. Inilalagay sa katamtamang lakas ang


pinakikinggang radyo, telebisyon o cellphone.

_____3. Ipinapahinga ang tainga tuwing lilipas ang


isang oras ng pakikinig sa iba’t ibang gadyet.

_____4. Umiiwas sa paglapit sa malakas na tunog ng


videoke.

_____5. Umiinom ng gamot para sa sakit ng tainga nang


naaayon sa reseta ng espesyalista.

16
Tayahin

Panuto: Sa isang hiwalay na papel, isulat ang bilang na


1 hanggang 5. Piliin at isulat ang letra ng tamang.

1. Anong bahagi ng iyong katawan ang ginagamit


upang pakinggan ang iyong paboritong awitin?
A. bibig
B. ilong
C. mata
D. tainga

2. Dapat nating alagaan ang ating tainga. Alin sa mga


sumusunod ang nakakasama sa ating pandinig?
A. huni ng ibon
B. banayad na musika
C. malakas na busina ng trak
D. katamtamang boses ng kausap

3. Alin sa mga sumusunod na gawain ang makabubuti


sa pangangalaga ng mga tainga?
A. Magpahinga sa maingay na lugar.
B. Makinig sa mga malalakas na tugtog.
C. Magpunas ng tainga gamit ang malinis at
malambot na tela.
D. Magpasok ng matutulis at kung ano-anong
bagay sa tainga.

17
4. Ano ang mabuting naidudulot ng malusog na
tainga?
A. Nagiging masipag
B. Gumagana sa pagkain
C. Lumalakas ang katawan
D. Naririnig nang malinaw ang kausap

5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang


nagpapakita ng pangangalaga sa mga tainga?
A. Kumakanta si Belle nang malakas.
B. Nagpupunta si Mark sa tahimik na lugar upang
magpahinga.
C. Paulit-ulit na nagpapaputok ng labintador ang
tatay ni Ramon.
D. Kinakamot ni Rolly ang loob ng kanyang
nangangating tainga gamit ang hairpin.

Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong sa ibaba.


Isulat ang sagot sa isang hiwalay na papel.
1. Anong klase ng tela ang ginagamit sa paglilinis ng
tainga? Bakit ito ang dapat gamitin?

2. Tama ba na ipasok mo sa iyong tainga ang lapis o


anumang matutulis na bagay? Bakit?

18
19
Subukin 1. D 2. A 3. B 4. D 5. D
Balikan
1. 2. 3. 4. 5.
Pagyamanin
Pinatnubayang Gawain
Gawain 1
1. E 2. C 3. A 4. D 5. B
Tasahin 1
1. Tama 2. Tama 3. Tama 4. Mali 5. Mali
Gawain 2
1. ☺ 2.  3.  4. ☺ 5. ☺
Tasahin 2
1. P 2. P 3. P 4. P 5. P
Malayang Pagsasanay
Gawain 1
1. ✓ 2. ✓ 3. X 4. ✓ 5. X
Tasahin 1
1. M 2. T 3. T 4. T 5. T
Gawain 2
1. 2. 3. 4. 5.
Tasahin 2
1. Tama 2. Mali 3. Mali 4. Tama 5. Tama
Isaisip
1. tainga 2. tela 3. tunog 4. bagay 5. espesyalista
Isagawa
1. ✓ 2. ✓ 3. ✓ 4. ✓ 5. ✓
Tayahin
1. D 2. C 3. C 4. D 5. B
Karagdagang Gawain
(Mga maaring sagot.)
1. Malambot na tela. Ito ang tamang gamitin upang hindi masakit ipanglinis.
2. Mali, sapagkat maaaring masugatan ang aking tainga kung ipapasok ko ito sa loob.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Commons.deped.gov.ph. 2020. [online] Available at:
<https://commons.deped.gov.ph/K-to-12-
MELCS-with-CG-Codes.pdf> [Accessed 2 July
2020].

K to 12 Curriculum Guide Arts Grade 2. 2016. DepEd


Complex, Meralco Ave., Pasig City.

K to 12 Teacher’s Guide Arts Grade 2. 2016. DepEd


Complex, Meralco Ave., Pasig City.

Lingayo, M., Luang, M., & Leferente, M. (2016).


Pinagyamang MSEP Tungo sa Kaunlaran.

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like