You are on page 1of 25

2

Mother Tongue
(Tagalog)
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Nagagamit ang Salitang Kilos
sa Pagsasabi ng Karanasan at
Naibibigay ang Panuto na
may
3-5 na Hakbang Gamit ang
mga Hudyat na Salita (Una,
Ikalawa,Ikatlo
atbp.)
Mother Tongue – Ikalawang
Baitang Self-Learning Module
(SLM)
Ikatlong Markahan– Modyul 6: Nagagamit ang Salitang Kilos sa Pagsasabi ng Karanasan
at Naibibigay ang Panuto na may 3-5 na Hakbang Gamit ang
mga Hudyat na Salita (Una, Ikalawa,Ikatlo atbp.)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa ano mang-akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakdang kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-ari ng iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Flora Mae L. Porras, Cathyrine M. Diacosa, Bai-Anie E. Angkel,


Jasnia D. Manampad, Rogeleta C. Arillo, Maita C. Bair, Farida M. Maas, Catherine E.
Layda
Editor: John A.Pagayon, Marie Fe B.Estilloso , Belina P. Agapito, Gina Kaye N. Barretto,
Rodelyn C. Martin
Tagasuri: Agabai S. Kandalayong,Yusof A. Aliudin, Rowena P. Alterado, Eloisa R. Agni,
Sheryl B. Bautista, Ma. Kristine B. Latris, Aida S. Delon
Tagaguhit: Ericson D. Bello
Tagalapat: Ericson D. Bello, Glen D. Napoles, Allan T. Basubas, Jay Ar O. Espartero Jay Sheen
Cover Art Designer: A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V– Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz, CESO V-Schools Division Superintendent
Dr. Roberto J. Montero, CESOV - Assistant Schools Division Superintendent Mario
M. Bermudez, CESO VI- Assistant Schools Division Superintendent Gilbert B.
Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM Leonardo
B. Mission– REPS, MTB-MLE Elpidio B. Daquipil- CID Chief
Juvy B. Nitura- EPS In Charge of LRMS
Marcelo Bucatera-ADM Coordinator Rebella S. Dulay – EPS, MTB-MLE

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov
2
MOTHER TONGUE
(Tagalog)
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Nagagamit ang Salitang Kilos sa
Pagsasabi ng Karanasan at
Naibibigay ang Panuto na may 3-
5 na Hakbang Gamit ang mga
Hudyat na Salita (una,
ikalawa,ikatlo,atbp.)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang MTB-MLE 2 ng Self-Learning Module (SLM)


para sa araling: Nagagamit ang Salitang Kilos sa Pagsasabi ng Karanasan at
Naibibigay ang panuto na may 3-5 hakbang gamit ang mga Hudyat na Salita (una,
ikalawa,ikatlo atbp.)
Most Essential Learning Competencies (MELCs):
Use action words when narrating simple experiences and when giving 3-5 steps
directions using signal words (e.g first, second, next etc.,)
Ang tulong-aral na ito ay inaasahang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga Gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa material ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala Para sa Guro

Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang pangturo na katulad nito. Ito ay
inyong magagamit upang maihatid at maibahagi sa inyong mga mag-aaral ang tamang kaalaman
upang mapalawak at malinang ang kanilang karunungan tungkol sa Pangungusap o Di-
Pangungusap. Ang inyong tamang paggabay ay makatutulong sa mga mag-aaral upang makamit
ang ating mga layunin sa pag-aaral.

Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain, at sagutin nila nang tama ang lahat ng mga
gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang inihanda para sa kanila.

Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at hangarin para sa ating mga
mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis at

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mong paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul na ito.
Para sa mag-aaral:-

Malugod na pagtanggap sa MTB-MLE 2 ng Self-Learning Module (SLM) ukol sa


Nagagamit ang Salitang kilos sa Pagsasabi ng Karanasan at Naibibigay ang
Panuto na may 3-5 na Hakbang Gamit ang mga Hudyat na Salita (Una, Ikalawa,
Ikatlo atbp.)

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
Subukin
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


Tuklasin iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
Suriin
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay


at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Pagyamanin
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

iii
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
Tayahin natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


Susi sa Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Mahal kong mag-aaral. Kahanga-hanga ang iyong


ipinakitang husay sa nakaraang aralin. Kung kaya’t, mas lalo
mo pang galingan sa pagsagot sa mga susunod na mga
gawain upang lubos mong maintindihan ang ating aralin.
Most Essential Learning Competencies (MELCs):
Use action words when narrating simple experiences and
when giving 3-5 steps directions using signal words (e.g
first, second, next, etc.,) MT2GA-IIId-i-1.4.1

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang;


1. Nagagamit ang salitang kilos sa pagsasabi ng
karanasan
2. Naibibigay ang panuto na may 3-5 na hakbang
gamit ang mga hudyat na salita (una, ikalawa,ikatlo
atbp.)

Subukin

Panuto: Punan ang patlang ng mga salitang kilos na nagsasabi


ng karanasan upang mabuo ang pangungusap.
Hanapin sa kahon ang tamang sagot.

naglalakad , nagdidilig, sumayaw, umawit, tumakbo

1. Noong kinagat ako ng aso, ako ay _ ng mabilis


2. Ako ay natuwa nang ang aking mga magulang.
3. Tuwing umaga ako ay ng aming mga halaman.
4. Kami ay magkahawak kamay ng aking kaibigan habang
sa dalampasigan.
5. Ako ay magaling ng katutubong awit.
1
2
Nagagamit ang Salitang
Aralin 1 Kilos sa Pagsasabi ng
Karanasan.

Balikan

Panuto: Salungguhitan ang salitang kilos sa pangungusap


1. Nagbabasa sa silid-aklatan si Maria.
2. Ang batang maingay ay nahulog sa puno .
3. Ang araw ay sumisikat sa Silangan.
4. Tinapon ni Roy ang basura.
5. Masayang nakikinig sa kuwento ang mga
bata.

Tuklasin

Panuto: Basahin natin ang maikling kwento at pansinin ang


mga salitang may salungguhit.

Ang Aking Bakasyon

Masayang masaya ako tuwing sasapit na ang


bakasyon. Gustong gusto ko nang pumunta sa bahay ng
aking lola sa probinsya. Marami akong dapat gawin doon,
para masulit ang aking bakasyon. Ang una kong gagawin
ay sasakay ako ng kabayo papuntang ilog. Ako ay
maliligo doon kasama ang aking mga kaibigan.
Manghuhuli kami ng isda at iihawin para sa aming
pananghalian. Pagkatapos niyan kami ay mangunguha ng
prutas at maglalaro sa bukid.
3
4
Magiging isang makabuluhang bakasyon ang mangyayari
sa darating na bakasyon
Pangprosesong tanong:
1. Ano-ano ang mga gagawin ko sa aking bakasyon.
 pumunta sa bahay ng aking lola sa probinsiya.
 sasakay ako ng kabayo
 maliligo sa ilog
 manghuhuli ng isda at iihawin
 mangunguha ng prutas
 maglalaro sa bukid
2. Anu-ano ang mga salitang may guhit?
pumunta , sasakay
maliligo manghuhuli
iihawin mangunguha
maglalaro

Suriin

Ang mga salitang may guhit ay tinatawag na Salitang Kilos


o Pandiwa. Ang Salitang Kilos o Pandiwa ay bahagi ng
pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. At maaaring
gamitin bilang aksyon, karanasan at pangyayari.
Ang Salitang kilos o pandiwa ay kadalasang
naipapahayag kapag may damdamin ang pangungusap at
may tagaramdam ng emosyon o damdamin na
nakapaloob sa pangungusap.
Halimbawa:
1. Umiyak si Liza dahil sa pagkamatay ng kanyang
alagang aso.

5
2. Tumalon sa tuwa si Rolly sa kanyang bagong laruan.

Pagyamanin

Panuto: Salungguhitan ang mga salitang kilos na


nagsasaad ng karanasan sa pangungusap.
1. Tinulungan ko si ate na maglaba.
2. Kay sarap sumakay sa tren.
3. Masaya kaming namasyal sa Luneta.
4. Sabay kaming kumain sa restawran.
5. Pupunta kami sa Simbahan ng Quiapo
para magsimba.

Isaisip

Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na talata.


Salungguhitan ang mga salitang kilos na ginamit sa
talata.
Pumunta kami sa probinsya ng aking lolo. Umakyat
kami sa bulubunduking bahagi ng lugar. Marami kaming
nakitang mga ibong lumilipad at hinahabol rin namin ang
mga tumatakbong daga sa palayan. Masaya kaming
naglakad pauwi sa bahay ng aking lolo.

Isagawa
Panuto: Salungguhitan ng dalawang beses ang mga
salitang kilos na nagsasabi ng karanasan sa
pangungusap.
1. Lagi akong bumibili sa tindahan ni Mang Juan.

6
2. Madaling nalinis ang bahay dahil kami
ay nagtutulungan.
3. Binigyan ako ng aming kapitbahay ng puting pusa.
4. Mabilis kong binuksan ang pinto dahil sa takot.
5. Tumalon ako ng makita ko ang malaking aso.

6.

Tayahin
Panuto: Punan ang patlang ng mga salitang kilos na
nagsasabi ng karanasan upang mabuo ang
pangungusap. Hanapin kahon ang tamang
sagot.

paglilinis kumain Nagtatanim gumagawa


mamimita

1. kami ng gulay sa aming bakuran.


2. Pinagtutulungan namin ang , para
madaling lumago ang aming tanim.
3. Ang tatay ko ang ng bakod para sa aming
gulayan.
4. Si nanay naman ang , para ibenta sa
palengke.
5. Masarap ng sariwang gulay.

Karagdagang Gawain
Panuto: Gumawa ng limang (5) pangungusap na may
salitang kilos.

1.
7
2.

8
3.
4.
5.

Naibibigay ang panuto


na may 3-5 hakbang
Aralin 2 gamit ang mga hudyat
na salita (una, ikalawa,
ikatlo atbp.)

Balikan

Panuto: Salungguhitan ng dalawang beses ang


salitang kilos na ginamit sa pangungusap
1. Palaging naghuhugas ng kamay si Ana.
2. Naakyat ni Rico ang mataas na puno
kaya nanalo siya.
3. Si Amy ang nagmamaneho ng bago
nilang sasakyan.
4. Pinupulot ni Manny ang mga kalat sa bakuran.
5. Malusog si Popoy kasi palaging umiinom ng gatas.

Tuklasin

Panuto: Basahin natin ang maikling seleksyon at pansinin


ang mga salitang may salungguhit.

9
Sa panahon ng Pandemya ng COVID -19 kailangan
nating mag-ingat palagi. Ang bawat isa sa atin ay may
responsibilidad upang maiwasan ang pagkalat ng virus na
ito. May mga simpleng hakbang tayong dapat sundin
para maiwasan, na tayo ay mahawaan. Protektahan natin
ang sarili, pamilya at komunidad.
Narito ang mga simpleng hakbang na dapat nating
sundin upang COVID-19 ay maiwasan.
Una, ugaliing maghugas ng kamay. Ikalawa, takpan ang
iyong bibig at ilong, gumamit ng mask. Ikatlo, iwasan
ang matataong lugar o magsanay ng pagitan ng isang
metro mula sa kapwa-tao (social distancing). Sunod nito,
huwag lumabas kapag di-kailangan. Sa huli, kapag may
dinaramdam ipaalam sa health worker o komunsulta sa
doctor.

Pangprosesong tanong:
3. Ano-ano ang mga simpleng hakbang upang
COVID- 19 ay maiwasan.
Una, ugaliing maghugas ng kamay.
Ikalawa, takpan ang iyong bibig at ilong, gumamit ng
mask.
Pangatlo, iwasan ang matataong lugar o magsanay
ng pagitan ng isang metro mula sa
kapwa- tao (social distancing).
Sunod nito, huwag lumabas kapag di-kailangan.
Sa huli, kapag may dinaramdam ipaalam sa
health worker o komunsulta sa doctor.
4. Anu-ano ang mga salitang may guhit?
Una, Ikalawa, Ikatlo, Kasunod, Sa huli.
10
Suriin

Ang nabasang seleksyon ay mga panutong


ginagamitan ng mga hudyat na salita. Ang salitang may
guhit ay halimbawa ng mga hudyat na salita na gumamit
ng una, ikalawa, ikatlo, sunod at sa huli
Panuto ang tawag sa mga sinasabi o nagpapaalaala
sa mga bagay o gawain na dapat gawin. Upang masunod
ang mga panuto dapat unawain itong mabuti. Sa
pagsunod sa panuto ginagamit ang mga salitang hudyat
tulad ng una, ikalawa, ikatlo, sunod at huli.
Narito ang mga pananda na ginagamit sa hudyat na
salita.
sa pagsisimula: una, sa umpisa, noong una, unang-una
sa gitna: ikalawa, ikatlo, sumunod, pagkatapos, saka,
kaya, kasunod
sa wakas: sa dakong huli, sa huli, wakas
Tandaan:
Panuto ang tawag sa mga sinasabi o
nagpapaalaala sa mga bagay o gawain na dapat gawin.
Upang masunod ang mga panuto dapat unawain itong
mabuti.
Ang Hudyat na salita ang mga salitang maaaring gamitin
upang matukoy ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwentong binasa o narinig.
Halimbawa:
Mga hakbang sanPaghuhugas ng Pinggan?
Una, hugasan ang pinggan upang makuha ang mga
dumikit na pagkain
Ikalawa, Sabunin ang pinggan ng maayos gamit ang
sponge.
11
12
Ikatlo, Banlawan ng malinis na tubig ang nagamit na
pinggan
Kasunod, Patuyuin ang mga pinggan
Sa huli, Ilagay sa dish drainer o tray ang malinis na pinggan.

Pagyamanin

Panuto: Basahin ang panuto. Pagsunod-sunurin ang mga


pangyayari sa pamamagitan ng paggamit mga
hudyat na salita na una, ikalawa, ikatlo,sumusunod
at panghuli. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Nagpaalam siya sa kaniyang magulang.
2. Naligo si Bong pagkatapos niyang kumain.
3. Saka siya naglakad papasok sa paaralan.
4. Kinuha niya ang kaniyang bag.
5. Nagbihis siya ng kaniyang uniporme.

Isaisip

Panuto: Punan ang patlang ng tamang hudyat na mga


salita upang mabuo ang talata.Hanapin sa kahon
ang tamang sagot.
Ikatlo, Una, Ikalawa , Pagkatapos , Sa wakas

1.) maagang gumising si Nanay. 2.)


mabilis siyang naghilamos at nagsepilyo ng ngipin.
3.) nagpalit siya ng damit. 4.) kinuha

13
niya ang kanyang pitaka at basket. 5.) nasa
palengke na si Nanay.

Isagawa

Panuto: Basahin nang mabuti ang panuto. Tukuyin ang


tamang pagkasunod sunod sa pagluluto ng isda.
Lagyan ng bilang 1-5 ang patlang.
a. Nilagyan niya ng mantika ang kawali.
b. Nilinis at inalis ni nanay ang hasang ng isda.
c. Nang mainit na ang mantika ay inilagay na niya
ang isda hanggang sa maluto ito.
d. Nilagyan niya ng katamtamang asin
ang bahagi ng isda
e. Hinugasan niya itong mabuti.

Tayahin
Panuto: Punan ang patlang ng mga hudyat na mga
salita upang maibigay ang tamang
pagkakasunod- sunod ng pangyayari nito.
Gamitin ang una, ikalawa, ikatlo, sumusunod at
panghuli.

a. Nakakita si Mona ng isang pitaka ng punta


siya sa kanyang silid-aralan.
b. Ibinigay ni Mona kay Gng. Maulawin
ang napulot niyang pitaka.
c. Ipinagbigay alam ni Gng.Maulawin ang
pagkapulot ni Mona sa pitaka pagkatapos
ng pagtataas ng watawat.
d. Pinuri at pinasalamatan ng may-ari ng pitaka
14
si Mona.

15
e. Maagang pumasok si Mona sa paaralan.

Karagdagang Gawain

Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na talata.


Salungguhitan ang mga hudyat na salita na
ginamit sa talata.

Una, ipinahanap ng nanay ang gunting kay Pina .


Pagkatapos nito nagsimula na si Pina na magreklamo. Kaya,
nagalit ang nanay at biglang kumulog nang malakas.
Kasunod nito, hinanap ng nanay si Pina ngunit hindi na niya
ito makita. At sa huli, nakita niya ang isang hugis oblong at
dilaw na prutas na may maraming markana parang mga
mata.

16
Susi ng Pagwawasto

17
Sanggunian

Patnubay ng Guro MTB-MLE 2 Tagalog


p. 176,179,187
Kagamitan ng Mag-aaral MTB-MLE 2 Tagalog
p. 154
Authors: Grace Urbien-Salvatus, Babylen Arit-Soner,
Nida Casao-Santos and Rianne Pesiga-Tinana

https://www.scribd.com/document/447853377/Paggamit-
ng-Salitang-Kilos-new

https://www.google.com/search?ei=1evSX6_2DM_m-
Abji4KwAg&q=mga+halimbawa+ng+salitang+kilos+sa+pan
gungusap&oq=halimbawa+ng+salitang+kilos+sa+pagsasab
i+ng+karanasan&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQARgBMgQIABBHMg
QIABBHMgQIABBHMgQIABBHMgQIABBHMgQIABBHMgQIAB
BHMgQIABBHUABYAGDb1AFoAHACeACAAQCIAQCSAQCY
AQCqAQdnd3Mtd2l6yAEIwAEB&sclient=psy-ab

http://spireuplearning.blogspot.com/2017/02/mga-salitang-
kilos-o-pandiwa.html

18
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin
naihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng
Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng
bawat mag- aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020- 2021. Ang prosesong paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng
modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.Mahigpit naming hinihimok ang anumang
puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning Resource Management System


(LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax No.: (083) 2288825/

(083) 2281893
Email Address: region12@deped.gov.ph

14

You might also like