You are on page 1of 23

5

Araling
Panlipunan
Kontribusyon ng Sinaunang
Kabihasnan sa Pagbuo ng
Lipunan at
Pagkakakilanlang Filipino
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 8: Kontribusyon ng Sinaunang Kabihasnan sa Pagbuo ng
Lipunan at Pagkakakilanlang Filipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Adonis S. Gacho
Editor: Cesar Q. Antolin at Anabel D. Besona
Tagasuri: Ma. Dianne Joy Dela Fuente
Tagaguhit:
Tagalapat: Maria Isabel C. Bacea at Crizelle Mae H. Viernes
Ilustrador ng Pabalat: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan, Jr. CESO VI - Schools Division Superintendent
Levi B. Butihen - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat – Regional Araling Panlipunan Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza - CID Chief
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente - Officer In-Charge of LRMS
Jesus V. De Gracia - ADM Coordinator
Frank T. Nawal, Jr –Araling Panlipunan Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng SOCCSKSARGEN

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
5

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 8:
Kontribusyon ng Sinaunang
Kabihasnan sa Pagbuo ng
Lipunan at
Pagkakakilanlang Filipino
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 na Self-Learning Module


(SLM) ukol sa Kontribusyon ng Sinaunang Kabihasnan sa Pagbuo ng
Lipunan at Pagkakakilanlang Filipino!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 ng Self-Learning Module (ADM)


ukol sa Kontribusyon ng Sinaunang Kabihasnan sa Pagbuo ng Lipunan at
Pagkakakilanlang Filipino!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

2
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

3
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyo. Ito ay upang


matulungan kang makabisado ang aralin ukol sa Kontribusyon ng
Sinaunang Kabihasnan sa Pagbuo ng Lipunan at Pagkakakilanlang Filipino.
Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit ito sa iba’t

4
ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika na ginamit ay kinikilala ang
magkakaibang antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay
inayos upang sundin ang karaniwang pagkakasunod-sunod ng kurso.
Ngunit ang pagkakasunod-sunod kung paano mo ito basahin ay maaaring
mabago upang tumugma sa aklat na ginagamit mo ngayon.

Ang modyul na ito ay nakatuon sa mga araling sumusunod:


• Kontribusyon ng Sinaunang Kabihasnan sa Pagbuo ng Lipunan at
Pagkakakilanlang Filipino

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Natutukoy ang sinaunang paniniwala at tradisyon ng sinaunang Filipino
2. Naihahambing ang mga paniniwala noon at ngayon upang maipaliwanag
ang mga nagbago at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.
3. Nasusuri ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang panlipunan ng
sinaunang Filipino sa kasalukuyan
4. Nakabubuo ng kongklusyon tungkol sa kontribusyon ng sinaunang
kabihasnan sa pagbuo ng lipunan at pagkakakilanlang Filipino

Subukin

Maaring alam mo ang mga kasagutan sa mga tanong na ito. Sagutin


mo nga ang mga ito.

Panuto: Tama o Mali. Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap. Kung
Mali naman, isulat ang salitang nagpamali rito. Isulat ang tamang sagot sa puwang
bago ang bilang.
_________1. Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng tao.
_________2. Nagsusuot ng pulang kanggan ang datu at iba pang
kalalakihang kabilang sa mataas na antas ng lipunan.
_________3. Ang palamuting isinuot ng mga sinaunang Filipino ay
karaniwang yari sa perlas.
_________4. Ang ama ang kalimitang nagbibigay ng pangalan sa kanilang
anak noong sinaunang panahon.
_________5. Ang gangsa ay isang instrumentong gawa sa sungay ng kalabaw.
_________6. Ang Darangan ang isang halimbawa ng panitikang pasulat
ng Maranao.
_________7. Nakatira sa yungib at mabatong lugar ang sinaunang Pilipino.

5
_________8. Babaylan ang tawag sa alpabetong ng sinaunang Filipino.
_________9. Pormal ang edukasyon noong unang panahon.
________10. Islam ang dalang relehiyon ng mga Chinese sa ating bansa.

Aralin Kontribusyon ng Sinaunang


Kabihasnan sa Pagbuo ng
8 Lipunan at Pagkakakilanlang
Filipino

Balikan

Maalala mo po ba ang napag-aralan mo tungkol sa


relihiyong Islam?

Tingnan natin kung naalala mo pa ba. Ilang beses manalangin


ang mga Muslim sa isang araw? Sino ang nagdala ng relihiyong
Islam sa Pilipinas? Ano ang tawag sa banal na aklat ng Islam?

6
Tuklasin

BALANGKAS NG KAISIPAN

Pananamit at Pagpapangalan Paglilibing


Palamuti

Tulad ng
Wika, Sistema
ng Pagsulat, at
Kaugalian Edukasyon

Kultura ng
Sinaunang
Pilipino
Sistema ng Sining
Paniniwala

Animisimo Islam

Alam mo bang noon pa man ay may iba’t ibang kultura at kaugalian


na ang mga sinauang Filipino? Ito ay natalakay na sa nakaraang
aralin subalit ito ay atin pang palalalimin.

Nalaman mo sa naunang aralin na may katutubong kasuotan ang ating mga ninuno
tulad ng baro’t saya ng mga Tagalog at ang kanggan at putong ng mga Muslim,
patadyong sa Bisaya, at ang bahag ng mga Igorot. Naging bahagi rin ng sinaunang
kulturang Filipino ang paglalagay ng tato sa katawan na hanggang sa kasalukuyan
ay ginagawa pa rin ng ilang Filipino.

Upang mapagtibay ang kaalamang ito, gawin ang sumusunod na mga gawain:

7
Gawin Mo!
Panuto: Batay sa mga larawan, ilarawan ang pananamit ng mga sinaunang Filipino.

Halaw sa: https://image.slidesharecdn.com/ Halaw sa: https://4.bp.blogspot.com/-


anoangkultura-161122022530- ancUxwG9j-
170823092753/95/anoangkultura- o/XJjMRhH3PxI/AAAAAAAAL28/EK-
161122022530-11-638.jpg?cb=1503480524

Halaw sa: https://encrypted- Halaw sa: https://encrypted-


tbn0.gstatic.com/images?q=t tbn0.gstatic.com/images?q=tbn
bn%3AANd9GcTebPc7dXtaam %3AANd9GcSJ5zF9ukNDFHBIG
oU0lQ6HtX6gcTJwdCQOlwP B7O6nE7F3Kd5zdjh4b5KfPlDJJ
W2EOYOlNWtH- D6pKqe0LP&usqp=CAU
7ktm&usqp=CAU

GABAY NA MGA TANONG


A. Paano manamit at magpalamuti ang mga Sinaunang Pilipino?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
B. Ipaliwanag ang kaibahan ng silbi ng tato noong sinaunang panahon kumpara
sa kasalukuyan batay sa iyong natutunan sa naunang aralin. Maaaring
sumangguni sa iyong magulang o nakatatandang kapatid para sa
karagdagang kaalaman.

8
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Bago tayo magpatuloy, maaari mo bang tanungin muna ang tatay o


nanay kung bakit nila pinili ang iyong pangalan at kung sino ang
nabigay nito.

Ngayon maaari na nating ituloy ang ating aralin.

Kaugalian at Pagpapangalan
Tulad mo ang mga unang Pilipino ay may mga pangalan din. Karaniwang ang mga
ina ang nagbibigay ng pangalan sa kanilang mga anak. Ang pangalan noon ay batay
sa particular na pangyayari. Nakikita din ang kaibahan ng pangalan ng lalake sa
babae sa pamamagitan ng pagdugtong ng “in “sa pangalan ng babae, Halimbawa
ang pangalang ilog ay magiging Ilogin.

Sandali! baka makalimutan natin at magtaka ka bakit walang apeyedo. Tama! Wala
silang apelyedo noong unang panahon.

Nakapunta ka na ba sa burol? Maari ay nasaksihan mo kung


paano inililibing ang mga labi ng yumao sa panahon ngayon?

Gusto mo bang malaman kung saan dinadala ang mga labi ng mga
tao noong unang panahon? Saan kaya?

Ngayon maari na nating ituloy ang ating aralin.

Kaugalian sa Paglilibing

Basi sa pagaaral ng mga dalubhasa sa kasaysayan, may kakaibang paraan ang


paglilibing noong sinaunang panahon.

Inihahanda ng mga sinauang tao ang kanilang yumao para sa kabilang buhay sa
pamamagitan ng paglilinis, paglalangis, at pagbibihis ng magagarang kasuotan
sa bangkay. Pinababaunan din nila ito ng seramika at mga palamuti para may
magamit mga ito sa kabilang buhay.
May dalawang bahagi ng paglilibing noon. Una, inililibing nila ang yumao sa lupa
kasama ang mga ilang kasangkapan. Matapos matuyo ang mga labi ay hinahango
nila ito mula sa libingan at isinisilid sa banga.

Ngayon alam mo na ang kaugalian sa paglilibing noong unang


panahon. Gusto mo pa bang matutunan ang iba pang kultura ng
sinaunang Filipino? 9
Pero bago ‘yan, ayon sa iyong obserbasyon, maaari mo bang ihambing ang kaibahan
ng paglilibing ng mga labi noon at sa mga labi ngayon?

WIKA, SISTEMA NG PAGSUSULAT, AT EDUKASYON

Noong unang panahon, ang nabuong wika ay sinasabing nasa 87 wika. Ilan sa mga
ito ay Tagalog, Ilocano, Pampango, at Pangasinense.

Baybayin naman ang tawag sa alpabeto noong unang panahon. Binubuo ito ng 17
titik na may tatlong patinig at 14 na katinig. Kakaiba ang pagkasulat nila ng kanilang
alpabeto kaysa ating alpabeto. Tingnan mo ang larawan ng kanilang alpabeto.

Halaw sa: https://www.google.com/search?q=baynayin&tbm

Ang kanilang paaralan noon ay ang kanilang tahanan at ang kanilang guro ay ang
kanilang mga magulang.

Gumagamit sila ng mga matitigas at matutulis na bagay para pangsulat at dagta ng


halaman at kahoy ang kanilang tinta. Ang kanilang sulatan ay ang balat at dahon
ng saging.

GABAY NA TANONG
Paano mailalarawan ang paraan ng pagsulat at pagtatala ng mga sinaunang
Pilipino?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

10
Gusto ko ring natutunan mo kung paano naipapahayag ng mga
unang Filipino ang kanilang damdamin sa pamamagitan ng sining
at panitikan.

Nabuo ang iba’t ibang uri ng sining at panitikan noong sinaunang


panahon. Naipapahayag ng sinaunang panahon ang kanilang
damdamin sa pamamgitan ng musika, awit, sayaw at panitikan.

Kung iyong matatandaan, bahagi ng musika at sayaw ng sinaunang Filipino ang


paggamit ng iba’t ibang instrumento tulad ng gangsa, kaleleng, tambuli. Ang ilansa
kanilang awit ay ang dallot, ayeg-klu.

Tinikling naman ang isa sa tanyag sa sayaw na halaw sa galaw ng isang ibong tikling.
Bangibang ang sayaw para sa paglilibing ng namatay sa marahas na panahon.
Marami sa mga sayaw na ito ay bahagi ng mga ritwal.

Sa aspektong panitikan naman ay napag-aralan mo ang mga sawikain, bugtong, at


mga kasabihan. Ang Darangan ng mga Maranao ay kilalang akdang pampanitikan
tulad ng Ibalon ng Bicolano, at ng tarsila ng Sulu at Maguindanao.

Alam mo ba na mula pa noong unang panahon ay sadyang malikhain na ang mga


sinaunag Filipino? Kung hindi pa samahan mo uli ako at ating alamin kung bakit?

Sadyang malikhain ang mga sinaunang Pilipino at makikita ito sa kanilang


kagamitan na nahukay sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Nahukay ang mga bagay
gaya ng mga kagamitang bato, kabibe, at luwad. Mga tapayan na ginagamit sa
paglibing, at mga larawang guhit na natagpuan sa yungib ng Angono at Palawan.
May Angking galing din ang sinauanag Pilipino sa paggawa ng mga kasangkapan at
palamuting yari sa ginto.
Ito din ang pinakamahalagang kalakal noong unang panahon. Mga halimabawa nito
ay ang mga gintong punyal, sisidlan, ngipin at alahas na animoy hinabing tela.

Ang Metallurgy o paraan ng paglusaw at pabhubog ng ginto ay patunay na ang


Pilipino ay malikahain at maparaan.

GABAY NA MGA TANONG


Paano isinalin ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang kultura sa mga sumunod na
henerasyon?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PANAHANAN NG MGA SINAUANG PILIPINO

Alamin naman natin ngayon kung saan naninirahan ang mga sinaunang Pilipino?

11
Ang mga sinaunang Pilipino ay nakatira sa yungib at mabatong gilid ng bundok.
Halimbawa nito ay ang Angono Rock sa Angono Rizal. Ang iba naman ay nakatira
sa yungib ng Callao sa Peñablanca, Cagayan, Bato sa Sorsogon at Puyongat
Tabon sa Palawan.

Sa paglipas ng panahon, natutong magsaka ang mga sinaunang Filipino dahil dito
natuto na rin sila na manirahan nang matagalan sa isang lugar at bumuo ng mga
pamayanan. Maliit lamang ang pamayanan noon na binubuo lamang ng 50 ka tao
hanggang sa lumawak ito sa 2000 katao. Ang estruktura ng tahanan ay naayon sa
topograpiya ng lugar. Iba ang panahanan ng mga nakatira malapit sa ilog at iba din
ang nakatira malapit sa bundok.

to ang mga larawan ng mga tahanan ng sinaunang panahon.

bahay-kubo fayu o fale torogan

Halaw sa: Halaw sa: Halaw sa:


https://i.pinimg.com/original https://lh6.ggpht.com/_auESey https://lh6.ggpht.com/_auESeym5
s/ 5b/48/d4/ m5V0g/TXk2hu_e7hI/AAAAAAA V0g/TXk2hu_e7hI/AAAAAAAAO2w/
b48d47359cde02d3f34a645e AO2w/TQbYy4KGVy0/L108018 TQbYy4KGVy0/L1080186_thumb%
1a2e677.jpg 5B1%5D.jpg?imgmax=800

bahay ng bajao rakuh

Halaw sa: Halaw sa:


https://i.pinimg.com/originals/0c https://i.imgur.com/eZe0KH5.jpg?1
/3c/50/0c3c504814b5e574888a4
902bf10fd25.jpg

May mga kontribusyon din sa kultura at paniniwala sa sinaunang Filipino ang


pagkakaroon ng pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan. Mas lalong napayaman ang ating kultura.

12
Batay sa panaliksik, ang mga produkto at paggamit ng mga gawa sa kristal,
abaloryo at kasangkapang gawa sa metal ay dinala sa Pilipinas mula Indonesia.
Ilan sa mga produktong galing China naman ang tapayan, salamin, timbangan, at
jade. Tanso, tapete, at seramika ang dala ng mga Arab. Isa sa pinakamahalangang
dala ng mga Arab ay ang relehiyong Islam.

GABAY NA TANONG
Ano ang naging kontribusyon ng sinaunang kabahayang Filipino sa pagbuo ng
sinaunang kabihasnang nito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Suriin

Ating suriin ang mga kaugalian ng mga sinaunang Filipino.

Para mas lalo mo pang maunawaan ang iyong napag aralan, ating
ihambing ang mga kaugalian, sistema ng paniniwala, wika, sistema
ng pagsulat at edukasyon noong unang panahon sa kasalukuyan.

Gawin Mo!

A. Data Retrieval Chart: Punan ang ikalawang hanay ng mga datos mula sa aralin.
Sa ikatlong hanay naman, isulat ang kalagayan ng kultura nating Filipino sa
kasalukuyan.

Aspekto ng Kultura Kulturang Filipino Kulturang Filipino sa


noong Sinaunang Kasalukuyan
Panahon
Pananamit

Pagpapangalan

Paglilibing

Musika at Sayaw

13
Panitikan

Sining

Edukasyon

Paniniwalang
Panrelihiyon

B. Magbigay ng halimbawa at ipaliwanag kung bakit marami pa rin sa lumang


paniniwala at kulturang Filipino ang ginagawa pa sa panahon ngayon?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Pagyamanin

Ayan! Ang galing mo naman sa pagsagot sa mga katanungan?


Isang masigabong palakpakan para sa iyong kahusayan.
Ngayon ay mas lalo nating patingkarin ang iyong kaalaman
sa pamamagitan ng paggawa o pagsagot sa mga sumusunod
na gawain.

GAWAIN 1
Panuto: Itala ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga kagawian noong unang
panahon sa panahon ngayon.

Mga kagawiang Pagkakapareho Pagkakaiba


Panlipunan noong
unang Panahon
Pananamit at
palamuti

Kaugalian sa
paglilibing

Pagbibigay ng
Pangalan

14
Edukasyon

Musika at Sayaw

Panitikan

Sining

Panahanan

GAWAIN 2
Crossword puzzle
Panuto: Tukuyin ang hinihinging konsepto sa bawat bilang.
Pahalang
1. Kaperasong tela na ibinabalot sa ulo ng mga sinaunang panahon
2. Tawag sa espiritong nananahan sa kalikasan
4. Tala o listahan ng pinagmulan ng Islam
5. Tawag sa alpabetong gamit ang sinaunang Filipino
7. Paniniwala sa maraming diyos ng daigdig
Pababa
1. pang-ibabang damit ng sinaunang kalalakihan
3. pantaas na damit ng sinaunang kalalakihan
5. tawag sa dakilang nilalalang ng Tagalog
6. palamuti sa katawan na tanda ng katapangan

15
Isaisip

Makulay ang kultura ng ating mga ninuno sa sinaunang panahon


na pinatingkad ng ating ugnayan sa iba’t ibang mga lahi.

Malaki ang kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa paghubog


ng lipunan at kulturang Filipino dahil ito ang nagbigay daan sa
pagkakabuo ng matatawag nating kulturang Filipino sa kabuuan.

Marapat na ito ay ating pahalagahan sa pamamagitan ng pagkilala


at pagtataguyod sa mga ito at marahil ay pagyabungin pa natin
kasabay ng ating pakikiangkop sa makabagong panahon.

Sa araling ito, ano ang pinakamahalaga mong natutunan? Bakit?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

16
Isagawa

GAWAIN 1

1. Napanatili ba at napahalagahan ng mga Filipino ang sinaunang kultura ng


ating bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. May kontribusyon ba sa pabuo ng ating pagkakakilalang Pilipino ang mga
sinaunag paniniwala at ang pakikipag ugnayan natin sa mga dayuhan noong
unang panahon? Ipaliwanag ang iyong sagot.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

GAWAIN 2
Sagutin ang mga sumusunod:
Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na sitwayson:
1. Nagkaroon ng lakbay aral ang inyong klase, isa sa mga pinuntahan niyo ay
ang museo. Nakita mong kinuha ng is among kaklase ang isang bagay doon.
Ano ang gagawin mo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ipagpalagay mong ang iyong kaibigan ay Muslim at Kristiyano. Ano ang
gagawin mo upang mapahalagan at irespeto ang magkaiba niyong
paniniwalang panrelihiyong.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa


kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa iyong pagiging Filipino sa
kasalukuyan?

17
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Tayahin

Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap. Kung Mali naman,
palitan ang salitang nagpamali nito. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_________1. Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng tao.


_________2. Nagsusuot ng pulang kanggan ang datu at iba pang
kalalakihang kabilang sa mataas na antas ng lipunan.
_________3. Ang palamuting isinuot ng mga sinaunang Filipino ay
karaniwang yari sa perlas.
_________4. Ang ama ang kalimitang nagbibigay ng pangalan sa kanilang
anak noong sinaunang panahon.
_________5. Ang gangsa ay isang instrumentong gawa sa sungay ng kalabaw.
_________6. Ang Darangan ang isang halimbawa ng panitikang pasulat
ng Maranao
_________7. Nakatira sa yungib at mabatong lugar ang sinaunang Filipino
_________8. Babaylan ang tawag sa alpabetong ng sinaunang Filipino
_________9. Pormal ang edukasyon noong unang panahon
_________10. Islam ang dalang relihiyon ng mga Chinese sa ating bansa.

Karagdagang Gawain

Gumawa ng isang advocacy campaign (poster at slogan,


powerpoint, o bidyo) kung paano mo mapapahalagahan ang
sinaunang kabihasnan sa pagbuo ng ating lipunan at
pagkakakilanlang Filipino.

Narito ang rubrik sa pagmamarka para iyong gabay.


Mga Pamantayan Puntos

18
19
Pagyamanin
(Gawain 2)
Pahalang
1. putong
2. diwata Tayahin
Subukin 4. tarsila
1. Tama 5. baybayin 1. Tama
2. Tama 7. paganismo 2. Tama
3. Ina 3. Ina
4. Ginto Pababa 4. Ginto
5. Tama 1. patadyong 5. Tama
6. Tama 3. kangan 6. Tama
7. Tama 5. bathala 7. Tama
8. Baybayin 6. tato 8. Baybayin
9. Hindi pormal 9. Hindi pormal
10.Arab 10.Arab
Susi sa Pagwawasto
100 Kabuuang Puntos
20 Pagpasa sa Takdang Oras
Tinalakayan
30 Kaangkupan ng Konseptong
50 Pagkamalikhain
Sanggunian
Batayang Aklat:
Gabuat, Maria Annalyn P., et al. 2016. Pilipinas Bilang Isang Bansa. Quezon City,
Philippines: Vibal Group Inc.

20
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like