You are on page 1of 21

5

Araling
Panlipunan
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 5: Kabuhayan ng mga Sinaunang Filipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nag-
tataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang ma-
kuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marlene P. Pausanos
Editor: Cesar Q. Antolin at Anabel D. Besona
Tagasuri: Ma. Dianne Joy Dela Fuente
Tagaguhit:
Tagalapat: Maria Isabel C. Bacea at Crizelle Mae H. Viernes
Ilustrador ng Pabalat: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan, Jr. CESO VI - Schools Division Superintendent
Levi B. Butihen - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat – Regional Araling Panlipunan Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza - CID Chief
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente – OIC-Division In-Charge of LRMS
Jesus V. De Gracia - ADM Coordinator
Frank T. Nawal, Jr –Araling Panlipunan Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng SOCCSKSARGEN

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
5

Araling
Panlipunan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 na Self-Learning Module


(SLM) ukol sa Kabuhayan ng mga Sinaunang Filipino!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong ta-
gapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, pan-
lipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasa-
nayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 ng Self-Learning Module (ADM)


ukol sa Kabuhayan ng mga Sinaunang Filipino!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

2
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng mo-
dyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong laktawan ang ba-
haging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipaki-


kilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pag-


talakay sa aralin. Layunin nitong matulun-
gan kang maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa ma-


layang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwa-
wasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pu-


punan ang patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o reali-
dad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o ma-


sukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong pani-


bagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang ara-
lin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

3
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin hum-
ingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng maka-


hulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na
mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyo. Ito ay upang matulungan
kang makabisado ang aralin ukol sa Kabuhayan ng mga Sinaunang Filipino. Ang
saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit ito sa iba’t ibang mga sit-
wasyon sa pag-aaral. Ang wika na ginamit ay kinikilala ang magkakaibang antas ng

4
bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang sundin ang kara-
niwang pagkakasunod-sunod ng kurso. Ngunit ang pagkakasunod-sunod kung
paano mo ito basahin ay maaaring mabago upang tumugma sa aklat na ginagamit
mo ngayon.
Ang modyul na ito ay nakatuon sa mga araling sumusunod:
• Ekonomikong Pamumuhay ng mga Filipino sa Panahong Pre-kolonyal

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Natutukoy ang mga kabuhayan ng mga sinaunang Filipino.
2. Natatalakay ang mga kabuhayan sa sinaunang panahon kaugnay sa kapa-
ligiran, ang mga kagamitan sa iba’t ibang kabuhayan, at mga produktong
pangkalakalan.
3. Natatalakay ang kontribusyon ng kabuhayan sa pagbuo ng
sinaunang kabihasnan.

Subukin

Ngayon, ating susubukin ang iyong kaalaman tungkol sa bagay na ating


tatalakayin sa modyul na ito.

Panuto: Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba. Piliin ang tamang kabuhayan na tinu-
tukoy ng bawat pangungusap. Piliin ang titik ng iyong sagot.
a. pangingisda f. pagpapalayok
b. pangangaso g. Paghahabi
c. pagmimina h. pagpapanday
d. pagsasaka i. barter
e. pag-aalaga ng hayop j. maninisid
1. Paghuhuli ng mga malalaking hayop gamit ang mga bitag o patibong.
2. Pagtatanim ng mga palay, niyog, tubo at saging sa mga lupain.
3. Ang pagpapalitan ng mga produkto.
4. Ang paghuhuli ng mga isda ang siyang kabuhayan ng mga naninirahan
malapit sa dagat.
5. Ang paggawa ng isang bagay gamit ang patpat at sangkalan sa paghubog
ng luwad.
6. Ang pagkuha ng mga perlas sa ilalim ng dagat.

5
7. Ang pagkuha ng ginto sa batis gamit ang kahoy na kawali at kahoy
na batya.
8. Paggawa ng sasakyang-dagat tulad ng bangka na noon ay tinatawag na
balangay, caracoa, virey, vinta at parau.
9. Ang mga baboy, kalabaw, manok at kambing ay inaalagaan din ng mga
sinaunang Filipino.
10. Ito ay isang proseso ng paggawa ng mga damit.

Aralin
Kabuhayan ng mga
5 Sinaunang Filipino

Bago natin simulan ang ating bagong aralin, balikan muna natin ang
iyong natutunan tungkol sa pamumuhay at teknolohiya ng mga
sinaunang Filipino.

Balikan

6
Panuto: Isulat ang mga titik na PB kung ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino
ay naganap noong Panahon ng Bato at PM naman kung ito ay naganap noong
Panahon ng Metal. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

________ 1. pangingisda ______ 6. pangangaso


________ 2. pagsasaka ______ 7. paghahabi
________ 3. pagpapalayok ______ 8. pagmimina
________ 4. pangangaso ______ 9. paggamit ng irigasyon
________ 5. paggawa ng bangka ______ 10. pagtatanim

Tuklasin

Upang higit mo pang maunawaan ang ating aralin, may mga salita
na ating bibigyan ng kahulugan.

1. barter - pagpapalitan ng kani-kanilang mga produkto


2. abaloryo – ay isang uri ng babasaging butilna maaaring pangdekorasyon
kapag pinagsama-sama, halimbawa na sa paggawa ng mga kuwintas,
damit, bag, at iba pa
3. medriñaque – hibla o tela mula sa saging o abaca
4. piloncitos – inukit na gintong barya na ginamit ng mga sinaunang Filipino
sa pakikipagkalakalan. Itinuturing ito bilang isa sa mga unang salapi ng
Pilipinas.

Ang kapuluan ng Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Ang


kapaligiran nito ay nagtataglay ng iba’t ibang mga anyong
lupa at anyong tubig na nagtataglay ng kabuhayan sa mga
naninirahan dito.

Ang mga sinaunang Filipino ay natutong makiangkop sa ka-


nilang kapaligiran. Sa kanilang pagtatag ng permanenteng
mga tirahan, natutuhan nilang humanap ng pamamaraan
upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan mula
sa kanilang kapaligiran.
Halaw sa Araling Panlipunan V, Pilipinas Bilang Isang Bansa, Batayang Aklat, 2016, p.75

7
Pakikipagkalakalan
Ang mga sobra sa kanilang mga pan-
gangailangan ay natutunan nilang
ipagpalit para sa ibang mga produkto
ng ibang pamayanan. Unang isina-
gawa ang pakikipagkalakalan ng mga
sinaunang Filipino sa pagitan ng iba’t
ibang barangay at sa paglipas ng
panahon ay sa mga karatig na lugar
sa Timog-Silangang Asya. Sa simula Halaw sa: Araling Panlipunan V, Pilipinas Bilang Isang
Bansa, Bataynag Aklat, 2016, p.78
ay nakikipagpalitan sila ng kani-ka-
nilang produkto na tinatawag na sistemang barter.
Gumamit sila ng ginto at kabibe bilang salapi at nagkaroon din sila ng mga
kasangkapang panimbang at panukat para sa pagtataya ng dami at halaga ng
bilihin. Hindi rin nagtagal ay naitatag ang sistema ng pakikipagkalakalan gamit ang
salapi.
Piloncitos ang tawag sa mga inukitang
gintong barya na ginamit ng mga
sinaunang Filipino sa pakikipagkalaka-
lan. Itinuturing ito bilang isa sa mga
unang salapi ng Pilipinas.
Naging sentro ng kalakalan ang maliliit na
barangay na kalimitang kanilang kinakalakal
Halaw sa:https://www.numisbids.com/ ay mga palay, isda, kopra, niyog, troso, at
sales/hosted/ponterio/197/image22839.jpg
ginto. Ang pakikipagkalakalan ng mga
sinaunang Filipino ay napalago hanggang lumawak ang pakikipag-ugnayan sa mga
dayuhang mangangalakal. Napayaman din ang kulturang Pilipino dahil sa mga im-
pluwensiya ng mga nakaugnayang ibang lahi. Nakikipagkalakalan ang mga Filipino
sa mga taga-India, Indonesia, China, at sa mga Arab. Hindi naging tuwiran ang ka-
lakalan sa pagitan ng India at Pilipinas.
Batay sa mga pananaliksik, ang mga produktong mula sa India tulad ng kristal,
abaloryo (accessories), at mga kasangkapang gawa sa metal ay dinala sa Pilipinas
mula sa Indonesia. Mahalagang produktong mineral sa panahong ito ang ginto. Ang
kalakalang India-Indonesia at Pilipinas ay tinatayang naganap noong bago mag-
ikatlo hanggang ikalawang dantaon B.C.E. hanggang ikalimang dantaon C.E.

Samantala, ang Pilipinas at China ay nagsimulang makipagkalakalan sa isa’t isa


noong 900 hanggang 1400 C.E. Ang mga produkto ng mga Chinese ay tapayan, sal-
amin, timbangan, at jade.

Simula noong ika-9 na dantaon naman nang makipagkalakalan ang mga Filipino sa
mga Arab. Ika-10 dantaon nang naging sentro ng kalakalang Muslim ang Sulu at
Mindanao. Ang mga produktong dala ng mga Arab ay ang mga kasangkapang gawa
sa tanso, tapete (mat), at seramika.

Ang pag-aaral sa mga simulain ng kabuhayan noong sinaunang panahon ay maka-


pagbibigay ng pag-unawa sa kakayahan at mga katangian likas sa mga Filipino.

8
Lumabas ang kakayahan ng mga Plipinong makiangkop sa kanilang kapaligiran at
pakinabangan ang mga makukuha mula rito. Naging malikhain sila ang madagda-
gan ang kanilang mga produkto at naitatag ang iba’t ibang industriya nito. Ang mga
bagong produkto ay bunga ng pagkamalikhain at maparaan ng mga Filipino, bagay
na kahanga-hanga sa kanila. Ang mga produktong ito rin ay nagustuhan at tinang-
gap ng mga dayuhan sa kalakalang panlabas.

Kapansin-pansing naging mahaba ang kasaysayan ng pakikipagkalakalan ng mga


Filipino sa mga dayuhang mangangalakal. Nangangahulugan lamang na ang ma-
gandang ugnayang ito ay dahil sa mga taglay na katangian ng mga Filipino gaya ng
pagiging tapat at mapagkakatiwalaan.

Kabuhayang Agrikultural
Ang pagsasaka ang isa sa naging pangunahing kabuhayan ng mga
sinaunang Filipino.

May dalawang paraan ng pagsasaka ang mga Filipino:

1. pagkakaingin (slash and burn)


2. pagsasaka sa pamamagitan ng pagbubungkal ng lupa
Pagkakainingin Pagsasaka

https://image.slidesharecdn.com/mgalikasnaya-
manathanapbuhayngmga-150720005446-lva1- https://www.google.com/search?q=la-
app6892/95/mga-likas-na-yaman-at-han- rawan+ng+sinaunang+pag-
Samantala, sa paggamit ng irigasyon o patubig
apbuhay-ng-mga-3-638.jpg?cb=1437353777 ay dumami ang produksiyon ng ka-
sasaka&tbm=isch&ved=2ahUKEwiC7dvZg7jpAh
nilang pagkain – dahilan upang maging sedentaryo (permanente) ang panahanan ng
XHAqYKHUuRAn8Q2-
mga sinaunang Filipino at dumami ang kanilang populasyon.

Pagmamay-ari ng Lupa
May patakaran sa pagmamay-ari ng lupa ang mga sinaunang Filipno. May mga
lupain na nakalaan para sa kapakinabangan ng mga maginoo o pamilya ng datu.
May mga lupain at lugar na itinuturing na pagmamay-ari ng buong barangay tulad
ng mga kakahuyan, lupang pansakahan, at katubigan.

Magkaiba ang konsepto ng pagmamay-ari ng lupa sa sinaunang lipunang Filipino at


sa kasalukuyan. Sa sinaunang lipunang Filipino, ang pagmamay-ari ng lupa ay
kaugnay sa karapatan sa paggamit ng lupa. Ang pakikinabang o paggamit ng lupa
sa sinaunang lipunang Filipino ay tinatawag na komunal o ginagamit para sa kapa-
kinabangan ng mga miyembro ng barangay. Upang ipaalam ng mga magsasaka na
pagmamay-ari o ginagamit nila ang lupa, nilalagyan nila ito ng pananda tulad
halimbawa sa pamamagitan ng pagbaon dito ng piraso ng kahoy.

9
Para naman sa mga nagkakaingin, itinuturing na pagmamay-ari nila ang lupang
tinataniman hanggang sa ito ay kanilang iwan upang maghanap ng bagong mapag-
tataniman. Ang pag-angking ito sa lupa ay nangangahulugang siya lamang ang may
karapatang maghawan, magtanim, at mag-ani sa lupang ito sa panahong ginagamit
niya ito.

Ang lupang pag-aari ng isang pamilya ay ang lupang kinatitirikan ng ka-


nilang tahanan.

https://irajshomeschoolblog.files.word-
press.com/2018/08/pangingisda.jpg?crop

Naging kapaki-pakinabang din para sa mga sinaunang Filipino ang pagiging insular
ng Pilipinas. Dahil sa katubigang nakapaligid sa kapuluan ay naging pangunahing
kabuhayan din nila ang pangingisda. Lambat, bingwit, basket, at lason ang mga
pangunahing kagamitan nila sa pangingisda. Ang lason na kanilang ginamit ay mula
sa katas ng ugat at dahon ng halaman. Bukod sa pangingisda, nanisid din ang mga
sinaunang Filipino ng mga perlas.

Nag-alaga rin ng hayop ang mga sinaunang Filipino. Nag-alaga sila ng baboy, kala-
baw, manok, at kambing. Ayon sa Filipinong historyador na si Teodoro Agoncillo,
maaaring nag-aalaga rin ng mga elepante ang sinaunang Filipino. Ito ay batay sa
pagkakaroon ng salitang Tagalog para sa elepante na mula sa salitang Malay na
“gadya.”
Nangaso rin ang mga sinaunang Filipino. Gumamit sila ng mga bitag o patibong,
tulad ng mga hukay, upang makahuli ng malalaking hayop.
Ang pagmimina ay isa pang gawaing ekonomiko noong sinaunang panahon. Ginto
ang pangunaahing minina ng mga sinaunag Filipino. Sa Visayas, halmbawa, isina-
gawa ang placer mining o pagmimina sa batis gamit ang kahoy na kawali at kahoy
na batya ayon sa Amerikanong historyador na si William Henry Scott.

Mga Industriya

Hindi lumaon ay nakatuklas din ang mga sinaunang Filipino ng iba pang mga
gawain, produkto, at paraan upang higit na mapakinabangan ang mga nakukuha
sa kanilang kapaligiran. Nakatuklas sila ng ibang paraan ng paagamit sa mga hilaw
na materyal. Nabuhay ang iba’t ibang industriya gaya ng pagpapalayok, paghahabi,
paggawa ng sasakyang-pandagat, at iba pa. Kabilang sa ginagawang iba’t ibang

10
bangka noon ang balangay, caracoa, virey, at parau. Ang kahoy na karaniwang gi-
nagamit para dito ay lawaan dahil ito ay matibay.

Halaw sa: https://1.bp.blogspot.com/-


GF4cjwrCrhA/Uk1lQTA6h6I/AAAAAAAAAI4/xWesXJmHgIQ/s1600/i-down-
load+(4).jpg

Sa sinaunang lipunan sa Visayas, kababaihan ang nagpapalayok gamit ang tina-


tawag na anvil-and-paddle technique o paggamit ng patpat at sangkalan sa
paghubog ng luwad. Ang nabuong palayok ay pinapatuyo sa araw at masusing nilu-
luto o pinapaapuyan nang walang ginagamit na hurno o kiln. Iba’t ibang produkto
mula sa luwad ang kanilang nagawa gaya ng palayok para sa pagluluto. Ang balanga
ay isang kawali na karaniwang ginagamit sa pagpiprito. Nariyan din ang banga na
lalagyan ng tubig at dulang na isang malaking plato. May mga palayok din na gina-
mit bilang imbakan ng pagkain at sisidlan ng mga buto ng kanilang mga yumao.

Ginagamit naman nila ang habihang gawa sa kahoy sa iba’t ibang paghahabi ng tela
tulad ng sinamay namula sa abaka at ang tinatawag na medriñaque na mula sa
saging o abaca batay sa ibang tala.

Halaw sa: https://encrypted-tbn0.gstatic.com/im-


ages?q=tbn%3AANd9GcTebPc7dXtaamoU0lQ6HtX6gcTJwdCQOl
wPW2EOYOlNWtH-7ktm&usqp=CAU

Suriin

11
GAWAIN 1
Gumawa ng talahanayan na naglalarawan ng kabuhayan, pamamaraan/ teknolo-
hiyang ginamit at produkto/ gawang yari ng mga sinaunang Filipino noong Panahon
ng Bato at Metal.

Teknolohiya at Pamumuhay ng mga Filipino


Kabuhayan Pamamaraan/ Produkto/
Teknolohiya/ Gawang Yari
Kagamitan
Panahon ng Bato

Panahon ng
Metal

Pagyamanin

Magaling! Kahanga-hanga ang iyong galing.


Ngayon, tukuyin mo ang ikinabubuhay ng mga Filipino ayon sa ka-
nilang produkto.
Handa ka na ba?

Panuto: Tukuyin ang uri ng ikinabubuhay ng mga Filipino ayon sa produktong


naitala sa mga bilang. Mamili sa mga posibleng sagot sa loob ng kahon.

nagmimina magsasaka maglililok


mangingisda maninisid pagpapanday

1. perlas 6. ginto
2. barko 7. gulay
3. kopra 8. niyog
4. tubo 9. mais

12
5. saging 10. Pilak

Isaisip

Ating natuklasan na naging mahaba ang kasaysayan ng


pakikipagkalakal ng mga Filipino sa mga dayuhang mangangalakal
na nangangahulugan na may maganda silang ugnayan dahil sa
pagiging tapat at mapagkakatiwalaan.

Tandaan Mo!
Uunlad ang ating buhay kapag tayo’y naging tapat sa ating ginagawa sa
kapwa. Makikitungo tayo ng maganda sa ating kapwa sa lahat ng oras.

Sa araling ito, ano ang pinakamahalaga mong natutunan? Bakit?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Isagawa

Gawain 1
Panuto: Itala ang naging kontribusyon ng sinaunang kabuhayan ng mga Filipino sa
pagbuo ng ating sinaunang kabihasnan?

Mga kontribusyon ng sinaunang kabuhayang Filipino sa pagbuo ng ating


sinaunang kabihasnan?
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 2:

Ayon sa iyong natutunan, anu-anong mga bagay ang kagamitan ang maaring
nilang dalhin.

13
Panuto: Itala ang mga kagam itan na m aaring dalhin ayon sa kanil-
ang kinabu buhay.

pangingisda pangangaso pagsasaka pagmimina paninisid


1. 1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2. 2.

Tayahin

Ngayong natutunan mo na ang mga ikinabubuhay ng mga


sinaunang Filipino, subuking buuin ang sumusunod na mga
pangungusap.

Panuto: Suriin ang mga ikinabubuhay na tinutukoy ng bawat pangungusap. Pu-


mili ng tamang salita sa loob ng kahon at isulat ito sa patlang.

pangingisda pagpapalayok

pangangaso paghahabi

pagmimina Paggawa ng sasakyang-dagat

pagsasaka barter
pag-aalaga ng hayop maninisid

1. Ang paggawa ng sasakyang-dagat tulad ng bangka na tinawag noong balan-


gay, caracoa, virey, vinta at parau. _____________________________________
2. Ang mga baboy, kalabaw, manok at kambing ay inaalagaan din ng mga
sinaunang Filipino. ____________________________
3. Pagtatanim ng mga palay, niyog, tubo at saging sa mga lupain.
______________________
4. Ang sistema pagpapalitan ng mga produkto. __________________________
5. Ang pagkuha ng mga perlas sa ilalim ng dagat. __________________________
6. Paghuhuli ng mga malalaking hayop gamit ang mga bitag o patibong.
____________________
7. Ito ay isang proseso ng paggawa ng mga damit. _____________________________
8. Ang paghuhuli ng mga isda ang siyang kabuhayan ng mga naninirahan
malapit sa dagat. ____________________________

14
9. Ang paggawa ng isang bagay gamit ang patpat at sangkalan sa paghubog ng
luwad. _______________________________
10. Ang pagkukuha ng ginto sa batis gamit ang kahoy na kawali at kahoy na
batya. ______________

Karagdagang Gawain

Mahusay! Talagang nauunawaan ninyo ang ating aralin para sa


modyul na ito.
Batay sa ating tinalakay, gawin ang susunod ang gawain.

Panuto: Kompletuhin ang pahayag batay sa iyong naunawaan ukol sa aralin.


1. Ang paraan ng pamumuhay noon ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ang paraan ng pamumuhay ngayon ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawing gabay ang rubrik sa iyong gawain.

Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos

Wasto at makabiluhan ang nilalaman 5

Sapat ang mga naibigay na detalye 5

Maayos and daloy at organisasyon at 5


wasto ang gramatika at mga bantas

Kabuuang Puntos 15
Halaw sa: Araling Panlipunan V, Pilipinas Bilang Isang Bansa, Batayang Aklat, 2016, p.82

15
16
17
Balikan
1. PB
2. PB
3. PB
4. PB
5. PB
6. PB
7. PB
8. PM
9. PB
10.PB
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. B 1. perlas 1. paggawa ng
2. D 2. barko sasakyang-dagat
3. I 3. kopra 2. pag-aalaga ng
4. A 4. tubo hayop
5. F 5. saging 3. pagsasaka
6. J 6. ginto 4. barter
7. C 7. gulay 5. maninisid
8. H 8. niyog 6. pangangaso
9. E 9. mais 7. paghahabi
10.G 10.pilak 8. pangingisda
9. pagpapalayok
10.pagmimina
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Batayang Aklat:
Gabuat, Maria Annalyn P., et al. 2016. Pilipinas Bilang Isang Bansa. Quezon City,
Philippines: Vibal Group Inc.

18
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa ta-
ong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag
ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat ang pag-
bibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like