You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF CABADBARAN CITY
____________________________________________________________

FILIPINO - 8
SANAYANG PAPEL BLG. 5
Unang Markahan

Pangalan:____________________________________________________Seksyon:_____________
Paaralan : ________________________________________________________________________
Guro :__________________________________________________________________________

I. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


(Most Essential Learning Competency (MELC)
 Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag
ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng mga
pangyayari. (F8PN-Ig-h-22)

Mga Tiyak na Layunin:


1. Nauunawaan ng mga mag-aaral ang kung ano ang sanhi at bunga.
2. Natutukoy ng mga mag-aaral ang pagkakaugnay ng mga pangyayari.

II. Alamin:

Sa pagbuo ng anumang mabisang pagsussuri, mahalagang malaman ang sanhi at bunga


ngmga pangyayari. Karaniwang pinangungunahan ito ng mga hudyat tulad ng dahil,
dahilan, kaya, bunga nito, sapagkat, at iba pang kauri nito.
a. Tinatawag na sanhi ang pinagmulan ng isang pangyayari.Ito ang dahilang kung
bakit nagkaroon ng isang kaganapan.
Halimbawa:
Bakit pumunta si Tulalang sa kagubatan? Dahil humahanap siya ng pagkain.
Bakit lalong yumaman ang magkapatid? Sapagkat masisipag sila.
b. Tinatawag na bunga ang kinalabasan, resulta, o dulot ng isang naunang
pangyayari.
Halimbawa:
Dahil humahanap ng pagkain si Tulalang, pumunta siya sa kagubatan.
Unang pangyayari Bunga ng pangyayari
Sapagkat naging masisipag sila, laong yumaman ang magkakapatid.
Unang pangyayari Bunga ng pangyayari

1
Ngayon ay alam na natin kung ano ang sanhi at bunga. Halika at subukang
sagutin ang mga sumusunod na gawain.

a. Gawain 1: Piliin mo Ako

Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng posibleng bunga ng mga sanhi na nasa
Hanay B.

HANAY A HANAY B

_____1. hindi nakikinig sa payo ng magulang a. tumatangkad


_____ 2. pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan b. malusog na pangangatawan
_____ 3. Naghuhugas ng kamay c. napapariwara
_____ 4. Subrang paglalaro sa ulan d. nangunguna sa klase
_____ 5. maagang gumigising sa umaga e. tataba nang tataba
_____ 6. Madalas nap ag-ehersisyo f. malinis na kapaligiran
_____ 7. Nag-aaral gabi-gabi g. makakaiwas sa sakit dulot ng bakterya
_____ 8. Matakaw kung kumain h. magkakasakit
_____ 9. masunurin sa magulang i. maraming nagagawa sa buong araw
______10. madalas na panonood ng balita j. pinagpapala ng Diyos
k. alam ang mga bangyayari sa bansa

b. Gawain 2: Guhitan Mo Ako.


Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Salungguhitan nang isang beses ang
sanhi ng pangyayari. Salungguhitan naman nang makalawa ang bunga ng pangyayari.

1. Hindi pinansin ni Nilo ang babala kay sya napahamak sa huli.


2. Bumagsak sya sa klase dahil hindi sya nag-aaral.
3. Naging mayaman si Mika sapagkat pinanganak syang masipag.
4. Dahilan sa laki ng katawan ay walang mangahas lumaban.
5. Naging kampante si Hero sa laban kaya siya natalo.

III. Tayahin: (Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang aralin o kompetensi.)

Panuto : Ibigay ang nais mong bunga sa mga sanhing ibinigay sa ibaba.

1. Ayaw kumain ng gulay

2
2. Hindi sumusunod sa payo ng magulang

3. Tamad mag-aral

4. Naghuhugas ng kamay bago kumain

5. Nagsasabi ng katotohan

IV. Karagdagang Gawain:

Panuto: Magbigay ng (5) limang pangungusap na may sanhi at bunga na pangyayari.

1.

2.

3.

4.

5.

Sanggunian:

Remedios Infantado & Ramilito Correa, Baybayin,Paglalayag sa Wika at Panitikan,


BAtayan at Sanayang Aklat sa Filipino, Rex Pubishing pp, 59-68

https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/sanhi-at-bunga-part-2?from_action=save

Km. 1, Hinagdanan, Comagascas, Cabadbaran City,


Agusan del Norte
Tel. no. (085) 818-0345
Email: cabadbaran.city@deped.gov.ph ISO 9001:2015
Quality Management System Certified

You might also like