You are on page 1of 2

Teknolohiya, tranportasyon, kultura at maging komunikasyon ay naapektuhan na rin ng

globalisasyon. Napakalawak ng epekto nito hindi ba? Mula sa ibat ibang panig ng mundo, sa
pilipinas, at maging sa atin. paano? Halimbawa ay ang pag usbong ng komunikasyon:
:Kamusta na kaya ang aking kaibigan? Sana’y matanggap niya ang aking sulat upang masulatan
niya rin ako pabalik.
2000 ETERNITY LATER
DIONAFE: Magandang hapon po sulat para kay Kyla Llamar!
Kyla : nangangamusta ang aking kaibigan, “kumusta ka kaibigan,nais ko lamang malaman ang
iyong kalagayan, matagal tagal na rin noong huli tayong nagkita"
(Sumulat pabalik)"nais kong ipaalam na maayos naman ang aking kalagayan, kumusta ka naman
kaibigan?"
Makikita na napakabagal ng uri ng komunikasyon bago lumawak ang globalisasyon. Ngunit
ngayon sa kasalukuyan ay mabilis na ang komunikasyon. Maaari na tayong makipag usap
sakanila, saan mang panig sila ng mundo.
(Tumawag sa phone)
:Eyy madam, kumusta ka diyan sa Japan
:Eto nilalamig na naman sa pag trato niya. Alam mo ba madam kahit pala sa Japan sikat na sikat
yung kpop
:Talaga?Kahit sa Pilipinas ganon din ang sitwasyon e, halos lahat ng kanta at sayaw ay kpop. Pati
na rin ang mga damit at styles ng buhok nila ay kinukuha narin ng ibang pinoy.
:Deserve rin naman kasi talaga, maganda yung quality kaya naging in demand sa global market.
Ang halimbawang iyon ay ang pag kakaroon natin ng kaalaman sa kultura at lenggwahe na
gamit ng ibang bansa . Idagdag pa ritong nagkakaroon tayo ng gamit mula sa mga ibang bansa.
Katulad ng ating cellphone damit, at iba pang mga bagay. Ngunit kasabay 'non ay naapektuhan
rin nito ang ating pag iisip sa mga lokal na produkto.
Kyla: Jurado, made in the Philippines ‘yang sapatos mo?
Jurado: Oo, bakit?
Kyla: Yay, lokal hindi naman matibay yan e. Tingnan mo ako,binilhan ni Mommy ng Ambassador
12 noong nakaraang linggo, galing Amerika, original.
Izzy: Ano naman kung lokal na produkto lang ang meron siya? Hindi naman dahil lokal, bulok
na. Pinoy ka pa man din pero gawa ng kapwa mo pinoy din ang sinisiraan mo.
Sa kabuoan, ang pagusbong ng globalisasyon ay mayroong malawakang epekto sa ating lahat.
Mahalaga ring tandaan na ang magiging epekto ng globalisasyon ay nakadepende sa pag-iisip
ng tao. Dahil ang tao ang siyang nagsusuri at nagninilay kung sa palagay niya na ang sitwasyon
ay isang positibo o negatibong epekto at kung paano niya haharapin ang mga hamong kaakibat
nito.

You might also like