You are on page 1of 2

BAKIT BAWAL?

Tula nina Ricardo Nico C. Diaz at Stephenie Van M. Gonzaga

Bawal ang umibig sa tulad mo?


‘Kasi tayo’y araw at buwan na bawal mag-tagpo’
‘Parang bituin sa langit na mahirap abutin’
Ano ba ang karapatan ko na ikaw’y ibigin?

Alam kong noong una palang ay may mali na.


Pero bakit tila ngayon ay mas lumala pa.
May pagmamahal pa ba?
Sa tingin ko’y wala na.
Maaayos pa ba?
Sana, puwede pa.
Puwede pa bang ibalik sa dati?
Hindi na.
Ba.. bakit hindi na?
Ang mga bagay-bagay sa paligid ay magulo na.
Sana ay magbago pa.
Pagtulungan natin, mahal

Ang hindi pantay na pagtrato


Sa pagitan ng mga maharlika at dukhang Pilipino.
Porket nakakalamang sila sa estado.
Ay kaya na nilang mantapak at mang-api ng tao.
Upang itago ang kanilang mga baho.

Kulang, kulang ang oportunidad sa inyo’y naibibigay.


Kayo, kayo ang may kasalanan!
Kami? Gobyerno!
O baka Kayo?
Gobyerno!
Bakit naging sila?
Bakit naman kami?
Pagka’t wala kayong ginawa kundi ang mag-reklamo.
Pagka’t kulang ang pansin na aming natatamo.

Ang wika kasi ni daddy, kung kayo’y nag-aral makakabangon sa kahirapan.


Ang sabi saamin ni tatay, siya lang ay napagbintangan na ngayon ay nasa kulungan.
Bakit naman si mommy napapakain kami ng pizza’t macaroni?
Bakit naman si nanay, di maregular ng jollibee?
Paano kaya nila nakakayanang kumurakot?
Sila na ang nasa taas ng tatsulok.
Hindi pa ba sapat ang kanilang nahu-huthot?
Kaya’t mas pinipiga pa ang pitaka ng mga taong naka-tumpok.

Magbabago pa kaya?
Ang sistemang punong-puno ng daya!
Ang bayang hindi ramdam ang hustisya!
Sana’y makaramdam ka ng hiya!
Sa iyong pagiging buwaya!

Kung makapagsalita ay parang pinagsakluban ng langit at lupa!


Bakit? Mali bang ipag laban ang prinsipyo at diwa?
Bakit ba kasi di na guminhawa ang inyong buhay?
Bakit ba kasi mayayaman lang ang may karapatan sa mga bagay-bagay?
Kung magsipagsabi pawang walang nakukuhang katiting sa bayan.

Sino ba ang hindi kayang makakuha ng kalidad na edukasyon? Hindi kami.


Sino ba ang biktima ng kontraktwalisasyon? Hindi naman si mommy.
Sino ba ang sa korte’y walang magawang aksyon? At lalong di yan si daddy.
Eh, Sino nga ba? Mahihirap, pagkat mahirap mabuhay pag mahirap.

Hindi pa ba sila naaawa?


Sa mga taong walang-wala.
Sa mga mababang manggagawa.
Na walang ibang inisip sa araw-araw.
Kung paano na ang kanilang pamilyang uhaw na uhaw.

Uhaw na uhaw sa katarungan.


Sa katarungan na kanilang inaasahan.
Inaasahan na ito’y mula sa pamahalaan.
Ngunit mukhang malabo na itong makamtan.

Ngayon sabihin mo sakin? Pantay ba ang trato ng lipunan saamin?


Hindi. Hindi ko ata kayang mabuhay na hindi mapansin.
Ngayon sabihin mo sakin, Kaya mo pa ba akong ibigi’t mahalin?
Bakit pa’t hindi, hindi naman karapatan ang pag-ibig na pwedeng bilhin.

You might also like