You are on page 1of 3

Schools Division I of Pangasinan

District of Aguilar

Calsib Elementary School – 101156


Guro: Moises Jay R. De Gracia

Banghay Aralin sa Filipino VI


Layunin: 1. Nauuri ang mga pangungusap ayon sa gamit nito.
2. Nagagamit ang mga magagalang na pananlita sa pagpapahayag ng damdamin
3. Nasasagot ang mga literal na tanong tungkol sa napakinggang talata
Pamantayang Pangnilalaman:
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng eksto at napapalawak ang
talasalitaan
Pamantayan sa Pagganap:
Naiguguhit ang mensahe ng binasang teksto at nakagagawa ng orihinal na rap batay
sa mensahe ng binasang teksto
Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
Nauuri ang mga pangungusap ayon sa gamit nito.
Nagagamit ang mga magagalang na pananlita sa pagpapahayag ng damdamin
Nasasagot ang mga literal na tanong tungkol sa napakinggang talata
Code: F6PN-IVd-3.1, F6PS-IVd-12.24, f6WG-IV-a-j-13
Sanggunian: CG. P. 86
Mga Kagamitan: Seleksiyon, Mga Larawan Awdyo recording

Pamamaraan
Balik Aral sa Nakaraang Aralin
- Ano ang iba’t – ibang uri ng pangungusap?
- Ano ang mga napapanahong isyu sa ating bansa? Sa lipunan?

Paghahabi sa Layunin ng Aralin

- Pakinggan ang babasahin ng guro.

Ayon sa Medical Research for Tropical Medicines, ang Cannabis, o mas


kilala sa tawag na Marijuana ay napatunayang mayroong mga benepisyo sa
kalusugan.
Kabilang sa mga sakit na maaring gamitin ang medical marijuana ay,
Epilepsy, spinal cord disease, at sclerosis.
Ang marijuana plant o Cannabis plant ay kalimitang matatagpuan sa mga lugar
na malalamig at di gaanong maiinit ang klima gaya ng Benguet, Mt. Province,
Isabela, Ifugao, at mga lugar na kabilang sa Sierra Madre Mountain range.
Ayon sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act na ipinasa noong 2002,
ang paggamit ng Cannabis o Marijuana ay legal ngunit ito ay dapat mayroong
pahintulot o reseta ng mga doctor at nangangailangan ng special permit sa
kinauukulan.
Marmami mang natuwa sa pagiging legal ng paggamit ng cannabis, marami
din naman ang nagalit, gaya ng Makabayan Block, dahil ayon sa mga ito, ang
paggamit ng marijuana ay labag sa batas at nakaka adik. Dagdag pa ng mga ito,
dadami ang mga kabataan na malululong sa masamang bisyo dahil sa pagiging
legal nito at magkakaroon ng posibilidad ng pang-aabuso sa paggamit.
Ayon naman kay Senate President Tito Sotto, ang paggamit ng marijuana sa
medical na paraan ay pinahihintulutan ng batas basta’t mayroong sapat na
permiso ng doctor. Ngunit, ang pang-aabuso sa gamot ay mayroong kaukulang
kaso at labag sa batas.

Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Arallin


- Ano ang paksa sa napakinggan?
- Ano ang mga maaring gamotin gamit ang Medical Marijuana?
- Saan malimit tumutubo ang halamang Cannasbis?
- Anong batas ang nagpapahintulot ng paggamit ng Marijuana bilang isang gamot?
- Ano ang maaring maging masamang dulot ng pagsasabatas ng paggamit ng
marijuana?

Pagtalakay ng Bagong Konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


- Ano ang iba’t-ibang uri ng pangungusap?
- Tukuyin ang uri ng mga sumusunod na pangungusap.

1. Naiibsan ng Cannabis ang bayolenteng seizure ng mga mayroong epilepsy.


2. Nabalitaan mo ba ang naganap na lindo kagabi lamang?
3. Haynaku! Ayan nanaman ang mga adik sa barangay!
4. “ Lito, huwag kang sasama skanila, baka ka madamay sa paggamit ng bawal
na gamot. “ ani Aling Keka
5. Ang kapulisan ay mas pina-igting ang kampanya laban sa iligal na droga.
6. Mayroon pa kayang magandang kinabukasan ang mga “batang solvent”?
7. “ Huwag po! Huwag po itay!” Sigaw ng nagmamaka-awang anak.
8. “Imbis na malulong sa bisyo, magbibisekleta na lamang ako.”
9. Huwag ka nang malungkot, gagaling din ang kuya mo sa sakit niya.
10. “Naku po! Nahuli pati ang mga inosenteng residente!

Paglinang ng Kabihasnan tungo sa Formative Assessment


- Ano ang iyong pahayag sa pagsasabatas ng paggamit ng Marijuana bilang gamot sa sakit?
- Ano ang mensahe mo sa iyong mga kapwa kabataan?

Paglalapat ng Aralin sa Pangaraw-araw na buhay


Pangkatang Gawain. Bumuo ng maikling usapan gamit ang iba’t-ibang uri ng
pangungusap ayon sa ibinigay na paksa.
1. Paggamit ng illegal na Droga.
2. Pagkalulong sa masamang bisyo
3. Pagkakaroon ng kamalayan sa illegal na gamot
4. Kabutihang maidudulot ng illegal na gamot
5. Masamang dulot ng mga illegal na gamot
Paglalahat ng Aralin
1. Ano ang maaring maging mabuting dulot ng paggamit ng illegal na droga?
2. Ano ang kapahamakang maaring maidulot ng paggamit ng illegal sa droga?
3. Ano ang layunin ng sanaysay na napakinggan?

Pagtataya:
Uriin ang mga pangungusap
1. Talaga namang nakakikilabot ang sinapit ng mag-anak kay Kikong adik!
2. Maaari pa kayang masugpo ang iligal na droga sa ating bansa?
3. Karen, tandaan mo, ang kaibigan ay hindi magulang kaya huwag kang masyadong
maniwala sa lahat ng sasabihin nila.
4. Ay Diyos ko po! Yumayanig ang lupa!
5. Ang pagsinghot ng solvent gaya ng rugby ay nakaka-adik.
Bumuo ng pangungusap ayon sa uri nito,
6. Patanong
7. Pasalaysay
8. Pakiusap
9. Padamdam
10. pasalaysay

Takdang Aralin:
Manood ng balita o makinig sa radio at isulat ang mga balita tungkol mga sumusunod
;
1. Iligal na droga
2. Politika
3. Pananalapi

You might also like