You are on page 1of 5

ERNAN GEL B.

GUEVARRA FILIPINO
G11 – MOLAVE MODYUL 9: REAKSIYONG PAPEL

PANIMULANG GAWAIN

1. E
2. D
3. B
4. A
5. F

PAGSASANAY 1

Ako a Ako dahil sa aking Pamilya

Kimberly T. Balantong

Salapi? Luho? Wala ako niya. Pero iisa lang ang itiuturing kong kayamanan., ang aking
pamilya. Kaagapay, kasalo at kadamay sa lahat na oras o bagay. Sa lahat ng nararanasan ko, ang
aking pamilya ang siyang nagiging sandigan. Ako ay ako dahil sa aking pamilya.

Sa loob ng 13 taon na aking pananatili sa mundong ito, kahit kalian di ko naranasan


ang magkaroon ng buong pamilya. Dahil wala akong tatay. Pero kahit ganoon, pinaramdam sa akin
ng aking nanay at dalawa kong kuya na hindi ako nag-iisa. Ang aking ara na napulot ay, maging
kuntento kung ang ano ang meron ka. At imbes na maghanao ng kulang mo, ituon mo ang atensyon
mo sa mga bagay n meron ka. Dahil hangga’t hinahanap mo ang kulang sa’yo, lalo kang magiging
malungkot.

Natuto akong rumespeto gaya ng turo sa akin ng aking pamilya. Ang pagiging
masiyahin ay natutunan ko din sa kanila. Ang una kong guro ay ang aking pamilya.

PAGSASANAY 2

Bahagi ng Teksto Sariling Uri ng


Reaksiyon Reaksiyon
Hindi mapapasubaliang ang may tangan ng ang uri ng pananamit Personal na pananaw
korona sa moda ng damit ay ang maong o na ito ay hindi mo
denims. Ito’y isinusuot ng traysikel boy, at masasabing ginagamit
executive, disc jockey at kanto boy, naka- lamang ng espesipik na
Mercedez Benz at nakadyip, babae, bakla, tao. Ito ay ginagamit ng
matron, at mukhang tatay, estudyante at lahat. Maihahalintulad
drop-out. natin ito sa emosyon,
lahat tayo ay may roon
emosyon na ginagamit
sa ibat-ibang ras
katulad ng damit na
ginagamit natin sa ibat-
ibang okasyon.
ERNAN GEL B. GUEVARRA FILIPINO
G11 – MOLAVE MODYUL 9: REAKSIYONG PAPEL

Ang salitang akademya ay may kaugnayan ang akademya ay ang Nagbibigay kahulugan
sa mga institusyong pangedukasyon na tumutulong bilang ukol sa paksa.
haligi sa pagtatamo ng mataas na gabay sa paglaki at
karunungan. Kasama rito ang pagkatutuo ng mga
administrador, kurikulum, silabus, at iba pa. kabataan dito
nahuhubog ang kanilang
ugali at mga kaalaman.
Mahalaga ang pagpapatupad ng curfew sa Sumasang ayon ako sa Pakikilahok – o pag
kabataan dahil mapapangalagaan nito ang pahayag na ito, ito ay sangayon.
kaligtasan ng mga menor de edad, magdudulot ng
mabibigyan ng sapat na oras ang pagaaral maraming magagadang
sa halip na paglalakwatsa. Samakatuwid, epekto sa mga
makatutulong ang pagpapatupad ng curfew kabataan.
sa pagkakaroon ng disiplina ng kabataang
Pinoy.
Nang lumabas ang Starstruck at pumatok Base sa aking nabasa ay Nagbibigay kahulugan
ito, hindi nagdalawang-isip ang Channel 2 nag karoon ng di ukol sa paksa
na ilantad ang proseso ng pagpili sa Star pagkakaintindihan ang
Circle. Umalma naman ang mga Kapuso sa dalawang estasyon. Ang
pagsasabing gaya-gaya lamang ang Dos. nasabing star circle ay
Pero ipinagdiinan ng Kapamilya Network na matagal ng ginagawa ng
matagal na nilang ginagawa ang Star Circle kapamilya channel pero
Quest kaya hindi pwedeng sabihing kinopya hindi pa ito gaano kilala
lamang ito sa kabilang estasyon. ng iba kaya’t
napagsabihan gaya-gaya
lamang sila.

Ang mga droga ay mga lason. Ang dami na Ang droga ay mayroong Masuring pagsisiyasat
ginamit ang makatitiyak sa resulta. Ang chemical na
kaunti ay nagsisilbing pampasigla. Ang mas nagreresulta ng
marami ay sedatibo. Ang mas marami pa ay pagkaadik ng sino mang
nakalalason at maaaring makamatay. tumikin nito. Marami
itong masamang epekto
sa katawan ng tao, nag
dudulot rin ito ng mga
sakit. Kaya’t itinuturing
ang droga na illegal
saating bansa. May mga
droga rin na ginagamit
sa pagagamot tulad na
lamang ng marijuana
pero dapat mayroon
kang reseta ng doctor
para payagan kang
gamitin ito.
ERNAN GEL B. GUEVARRA FILIPINO
G11 – MOLAVE MODYUL 9: REAKSIYONG PAPEL

PAGSASANAY 3

Ang tekstong binasa na pinamagatang “Reaksyong Papel tungkol sa Komunidad” ay


tumatalakay sa isa ring partikular na teksto na tinalakay ng may akda ukol umano sa kwentong “Sa
Bayang Walang Punerarya”. Sa teksto, madalas napapaisip ako talaga sa kung anong lohika ang
bubusog sa aking kaisipan. Madalas ang ideya sa isang punto at sa isa rin ngunit madalas kapag
pinalalim ang pag- iintindi, konektado, nagiging konektado talaga ang mga ideya.

Sa pagtatalakay at pagsisiyasat ng may akda sa pamayanan o sa kumunidad na maihahalitulad


sa isang bayang walang punerarya, aking nahinuha na ang isang komunidad ay may mga kahinaan at
kakulangan, lalo na sa mga usaping pang-bayan. Kadalasan ang mga tao sa isang komunidad mahirap
magkaisa, lalo pa dahil kulang din ang atensiyon na maibibgay kumpara sa pangangailangan ng mga
mamamayan, maraming pagkukulang ang nasa katungkulan, aminin na natin iyan. Sa dami ng
problema at kakulangan, sa patubig, sa kalsada, sa kapaligiran, sa usaping kalusugan, sa mga
drainage system, at iba pa. Madalas Malala ang problema, ngunit tayong mga mamamayan nasanay
na lamang tayo na tanggapin na hangggang doon na lamang ang mahihita natin sa gobyerno, ngunit
kailangan nating kumilos, kailangan nating ipaintindi at ilabas man lamang ang baho ng gobyerno,
hindi ko sinasabing kumukontra ako sa kanilang pamamalakad ngunit hindi naman maipagkakaila na
may mga kamalian sila na kailangan nilang punan para sa mga mamamayan at sa lipunan,, na
kailngan nilang marinig, incase naman na hindi sila aware, hindi ba? Wala naman atang masama na
sabihin ang problema upang mabigyan ng solusyon.

Samakatuwid, bilang isang mamamayan ng isang komunidad, gamitin natin ang ating boses at
kakayahan upang masolusyunan ang mga problem ana ating kinakaharap sa ating pamayanan,
humingi man tayo ng tulong sa gobyerno o ating pagkakawanggawa nilang isang nagkakaisang
mamamayan.

PANAPOS NA PAGSUBOK

"Covid made the Philippines' hunger crisis worse. So why does hardly anyone want a
vaccine?"

Isang mapagkakawatiwalaang sangguinan ang mga impormasyon na inilalabas ng CNN Philippines.


Bago pa man magkaroon ng krisis sa pandemya, lagamak na ang fake news, na kung minsan ay mas
nagpapalala ng isyung nakapaloob dito. Hangga't maaari, pinag iigihan ng mga palatuntunan sa
telebisyon at radyo na maabot ang online media para sa kanilang pang araw-araw na balita. Dito ay
malawak ang madla na maaaring maka-akses ng mas napapanahon at maaasahang mga balita. Kaya
naman, ang papel na ito ay alinsunod sa artikulong inilabas ng CNN Philippines na may pamagat na
"Covid made the Philippines' hunger crisis worse. So why does hardly anyone want a vaccine?". Ito
ay likha nina Rebecca Wright and Yasmin Coles, at inilathala noong ika-25 ng Mayo, 2021. Ang
balitang ito ay nahahati sa dalawang bahagi; una, ay patungkol sa kasalukuyang kalagayan ng food
security ng mga PIlipino ngayong pandemya at pangalawa, ang kwantitatibong pag-aanalisa sa
sitwasyon ng vaccination sa Pilipinas at ilang impormatibong nilalaman may kaugnayan dito. Dahil
ang mga manunulat ay pawang mga banyaga, gumamit ang artikulo ng ilang mga halimbawa na base
sa mga isinasalaysay ng mga Pilipinong may direktang karanasan sa mga nabanggit na paksa. 

Ang kaso ng pagkagutom ay randam ng milyon-milyong Pilipino sa iba't ibang parte ng bansa. Ayon
nga sa datos ng The New Humanitarian, isa sa limang mga Pilipino ay hindi nakakakain ng sapat sa
buong magdamag. Ito ay mas pinatindi ng pandemya na kung saan, maraming negosyo ang nagsara,
nawala ang ilang maliliit na pinagkakakitaan, at may kabi-kabilang tanggalan sa trabaho. Base sa
ERNAN GEL B. GUEVARRA FILIPINO
G11 – MOLAVE MODYUL 9: REAKSIYONG PAPEL

kwento ni Mona Liza Vito, sandaang piso na nga lang ang nakukuha nya sa pagbabalat ng mga
bawang, natigil pa dahil sa mababang benta dulot ng pandemya. Makikitang higit na naapektuhan
ang mga Pilipinong may mga impormal na hanapbuhay o sideline lamang. Isa lamang 'yan sa
napakaraming kaso ng kagutuman sa Pilipinas. Ito ay malaking pagsubok sa parehong lokal at
nasyonal na pamahalaan dahil tila nagtriple na ang problema ng food security na matagal nang
nararanasan ng mga Pilipino. Gayunpaman, dapat din nating bigyang pansin ang ilang mga programa
na inilunsad ng pamahalaan bilang pagtugon sa isyung ito. Malaking kaluwagan ang mga pinansyal
na tulong na inoorganisa. Makikitang may kinalalagyan ang buwis ng mga tao at inaasahang patuloy
na magiging transparent ang pamahaalan sa ganitong mga proyekto. Subalit, bumabalik nanaman
ang ating pag-aalala sa tuwing maiisip na ang halagang ito ay kulang pa sa kinakailangan ng tao para
sa mahabang panahon. Ito ay panandaliang tulong lamang kaya naman ay inaabangan ang ilan pang
mga tugon sa mga nararanasang panlipunang isyu ngayon. Sa pagtindi ng epekto ng pandemya sa
bansa, walang ibang dapat unahin kundi ang pagsasaayos ng kalagayan ng mga tao.

Ang sunod na paksa ay umiikot sa konsepto ng vaccination. Ito ang direktang tugon upang matigil
ang pagkalat ng virus ngunit bakit maraming Pilipino ang nagdadalawang isip dito? Kung babalikan
ang nabanggit kanina, marami pa rin ang naniniwala sa mga fake news at ito ay malaking epekto sa
pag-iisip at mga desisyon ng tao. Hindi man ito tuwirang nabanggit sa artikulo ngunit ibase natin ito
sa reyalidad na nangyayari sa bansa. Kumakalat na ang mga vaccines na dumadating ay keyso peke,
nakakamatay, may delikadong chips, atbp., at dahil malaki ang generation gap sa bansa, kadalasang
naniniwala dito ay mga matatanda na kung titignan, ay mas nangangailangan ng vaccines. Nabanggit
naman sa balita na isa sa dahilan ng pagkaduda ng mga Pilipino sa mga dumarating na vaccines ay
ang kontrobersya noon ng Dengvaxia. Walang direktang kontrol ang gobyerno sa pansariling
desisyon ng mga tao ngunit inaasahan na patuloy ang paghimok ng mga ito para na rin sa kaligtasan
nang marami. Sa huling bahagi ng artikulo makikita ang "Treating Covid with ginger and honey" na
nagpapawatig ng ilang mga alternatibong ginagawa ng mga Pilipino upang maibsan ang ilang mga
sintomas ng Covid19. Ito ay maaaring nirekomenda ng ilang mga propesyonal ngunit walang
katiyakan na malalagay nito sa ganap na kaligtasan ang mga tao. Ang pinaka-epektibong solusyon pa
rin ay ang pagtanggap ng mga vaccines dahil sumailalim ito sa mahaba at kritikal na proseso, at
aproba ng mga eksperto bago ilabas sa mga pamilihan. 

Ang dalawang paksa ang nagmulat sa atin na ang krisis ng Covid19 ay seryoso at may malaking
epekto sa mga tao. Ang obligasyon at pananagutan ay parehong nasa kamay ng gobyerno at mga tao
sa loob ng isang nasyon. Nakakalungkot na marami man tayong hangarin at nais na itulong sa mga
nangangailangan, tayo ay nakararanas din ng parehong hirap. Ang simpleng pakiiisa sa mga polisiya
at patakaran mula sa gobyerno ay malaking tulong na upang unti-unting masugpo ang problema sa
pandemya. Ito ay kinakaharap, hindi lang ng mga Pilipino kundi lahat ng tao sa mundo, ngunit bakit
ang ilang mga bansa ay may maayos at ligtas nang lipunan? Ito ay dahil walang isang tunguhin ang
mga Pilipino. Gayunpaman, ito ay isang proseso at lahat ay inaasahan na makikiisa, gagawin ang mga
nararapat at nirerekomenda ng mga eksperto sa industriya ng medisina. Ang nasyon ay espasyo para
sa lahat kaya naman patuloy tayong makialam at magkaroon ng malasakit sa mga kapwa. Hindi pa
tapos ang laban sa krisis at ang kilos mo ay may malaking kinalalagyan sa iyong sarili, sa kapwa
Pilipino, at sa estado ng bansa.
ERNAN GEL B. GUEVARRA FILIPINO
G11 – MOLAVE MODYUL 9: REAKSIYONG PAPEL

KARAGDAGANG GAWAIN

Ang pandemyang dulot ng COVID-19 ay isang bangungot sa lahat ng tao sa buong mundo na
kung maaari lamang ay magising na tayong lahat mula sa bangungot na ito. Lahat ng tao ay apektado
ano man ang kanyang katayuan sa buhay, mahirap man o mayaman, may mataas na pinag-aralan o
wala, lahat apektado. Maraming establisyemento ang nagsara na nagdulot ng kawalan ng trabaho
sa  karamihan ng mga tao.  Maraming mga negosyo ang na-bankcrupt at nawalan ng kalayaan ang
mga taong gawin ang nais nilang gawin, isa na ako doon. Mga paaralan na dati ay alas- sais pa
lamang ay bukas na at maririnig mo na ang alingawngaw ng mga gurong nagtuturo at mga
estudyanteng malakas na nagbabasa. Ngayon, wala kang ibang maririnig sa mga paaralang ito kundi,
alingawngaw ng walang hanggang katahimikan na nagmumula sa klasrum na walang laman kundi
alikabok at agiw. 

Bilang isang mag- aaral na nasanay na sa buhay na malayang nagagawa ang gusto sa labas ng
tahanan kagaya na lamang ng pagpasok sa paaralan, pagpunta sa mall kasama ang mga kaibigan,
pagsali sa mga palarong pampalakasan at iba pa, ay napakahirap para sa  akin ang napakalaking
pagbabagong ito hindi lamang sa aking buhay kundi sa lahat ng mga estudyante na apektado ng
pandemyang ito. Gayunpaman, hindi tayo dapat magpatalo sa kalungkutang idinudulot ng
pandemyang ito. Kung kaya, ako ay lubos na humahanga sa mga adaptation na ginawa ng ating
DepEd dahil kahit hindi maaaring lumabas kaming mga estudyante ay nagagawa pa rin naming
makapag-aral at ipagpatuloy ang buhay sa tulong ng distance learning , mapa-online class man o
modular. Mas hinahangan ko sila sa pagpapatupad ng modular dahil hindi lahat ng mga mag-aaral ay
may pamilyang abot-kaya ang lahat ng gastusin sa online- learning. Karamihan sa pamilyang pilipino
ay mahirap lamang at hindi kayang magbayad ng 1699 na monthly Wi Fi allowance dahil sa halip na
ipambayad dito ay ipambibili na ng pagkain sa araw- araw. 

Oo namimiss ko na talaga ang lumabas, magpunta sa mall kasama ang aking pamilya o kaya
naman ang aking mga kaibigan ngunit naiintindihan ko naman ang ating gobyerno sa pagpapatupad
nila ng mga lockdowns dahil para naman ito sa ikaliligtas nating lahat. Hindi natin nakikita ang ating
kalaban kaya marapat lamang ang tripleng pag-iingat. Hindi tayo nakasisiguro na kapag lumabas tayo
ay hindi natin malalanghap ang virus kaya kahit nakakabagot ang maghapong nasa loob ng bahay at
magdamag ulit ay nasa bahay lang, mas okay na rin ito kaysa mapaikli ang ating mga buhay. Tungkol
naman sa mga bakuna na ipinamamahagi ng ating gobyerno, labis kong ikinasasama ng loob ang
pagmamatigas ng mga taong magpabakuna. Bakit ma sgusto pa nilang matamaan ng COVID_19
kaysa tanggapin ang libreng bakuna ng Gobyerno? At namimili pa nga sila ng mga bakunang ituturok
s akanila. E lahat naman ng mga bakuna ay panlaban sa COVID- 19 at pare-parehas rin naman ang
kanilang eficacy rate. Hindi dapat basehan ang bansang maygawa ng bakuna s apagpili ng bakunang
ituturok sa kanila. 

Bilang isang kabataang biktima ng napakahabang pandemyang ito, isa rin ako sa mga taong
nagnanais na makabalik na tayo sa dati nating buhay kung saan ay may kalayaan tayong gawin ang
mga bagay na nagpapasaya sa atin ng walang inaalalang baka mahawaan tayo ng sakit o kaya naman
ay tayo ang makahawa. Kung kaya, lahat tayo ay dapat magtulungan upang mapuksa na ang
napakahabang bangungot na ito sa ating mga buhay.

You might also like