You are on page 1of 2

BUOD

Pamagat: Seven Sundays

Si Manuel Bonifacio ay isa ng balo. Nalaman niyang mayroon siyang cancer sa baga, kaya
naman pinaki-usapan niya ang kaniyang apat na anak na si Allan, Bryan, Cha, at Dex na
magsama-sama sila tuwing linggo sa loob ng pitong linggo. Abala sa kani-kaniyang buhay at
hindi magkakasundo ang magkakapatid ngunit nagsama-sama pa rin sila para sa kanilang may
sakit na ama. Nalaman ni Manuel na nagkamali ang doktor sa resulta at ang totoo pala ay wala
naman siyang sakit. Ang unang nakaalam nito ay ang panganay niyang si Allan at sinabi ni
Manuel sa kanya na hindi muna nito ipaalam sa iba dahil gusto pa niyang makasama ang
kaniyang mga anak. Sa kanilang pagsasama, nalaman ni Dex ang problema ni Cha sa
kaniyang asawa. Nalaman naman ng buong pamilya ang problema ni Dex. Dito na nagkaroon
ng kani-kaniyang saloobin ang magkakapatid. Dito na rin lumabas ang katotohanan na wala
naman talagang sakit si Manuel. Nabigla dito ang dalawang magkapatid na si Bryan at Cha.
Matapos ang kanilang alitan, nagkaayos sina Allan at Bryan. Napag-desisyunan nina Allan at
Bryan na ayusin na ang problema nila Dex at saka naman sila pumuntang tatlo sa bahay ni Cha
upang tulungan siya. At dito unti-unting nagkaayos ang pamilya Bonifacio.
TALUMPATI
Pamagat: Ang Ating Inang Kalikasan

Ang ating populasyon ay patuloy na dumadami. Kasabay din nito ay ang patuloy na paglala ng
iba’t-ibang polusyon. Sabi nga ni Vice Ganda, “Pangalagaan ang kalikasan para sa
kinabukasan ng kabataan.” kundi dahil sa ating inang kalikasan, wala tayong mapagkukunan ng
buhay. Bago ako magpatuloy, ako nga pala si Althea C. Mercado ng G11 STEM B - Newton.

Bawat araw, lumalala ang sitwasyon ng ating mga anyong tubig at anyong lupa. Huwag na
tayong lumayo pa at masdan natin ang Ilog Pasig at Manila Bay. Masdan natin at bilangin ang
mga palutang-lutang na basura rito. Hindi mabilang, ‘di ba? Ang mga bundok dito sa Rizal,
kundi kalbo, ito naman ay tapyas na. Kung dati ay napakasariwa ng hangin, berde ang mga
bundok, at malinaw ang tubig at mga isda lamang ang palutang-lutang rito, ngayon ay kung
hindi maitim ang hangin, napakalansa naman nito. Kung dati ay berde ang mga bundok,
ngayon ay kulay putik na ito. At ngayon palutang-lutang pa rin ang mga isda, ngunit wala na
itong buhay. Hindi lang isda ang palutang-lutang, pati basura na rin at dumi ng tao at hayop.

Sa sobrang pagiging iresponsable nating mga tao, masyado ng huli ang lahat. Na kahit pa ang
pagtatanim natin ng maraming puno ay hindi na tayo kayang isalba pa. Masyado nating inubos
ang biyaya ng ating kalikasan. Talaga namang binigo natin ang ating inang kalikasan.

You might also like