You are on page 1of 17

Welcome to A.P. 1 Class!

Ms. Michelle L. Balucos


Guro
Pag-uugali at Tradisyon ng
Pamilya
(AP1PAM – IIc – 9)

Ang Layunin:
1. Napahahalagahan ang kwento ng sariling pamilya
Pambungad na Kanta at Panalangin
Pagganyak
Ang Pag – uugali ng Pamilya
 Basahin natin ang maikling tula.

Ang Aking Pamilya


( Tula ni Karen Q. Mendoza )

Ako ay masaya sa aking pamilya,


Lahat ay nagtutulungan at nagkakaisa.
Pagmano sa magulang at nakakatanda,
Isa sa pa-uugali na aming ginagawa.
Pagtatalakay
1. Tungkol saan ang tula?
2. Ano ang ipinapahayag ng tula?
3. Anong mabubuting pag – uugali mayroon ang
pamilya?

 Sa pamilya unang nabubuo ang pag-uugali ng


bawat tao. Ipinapakita nito ang kwento ng pamilyang mayroon
tayo.
Pagtatalakay
 Ang aking pamilya ay tulong – tulong sa gawaing
bahay. Ako ay may pamilyang nagtutulungan.
 Nagmamano kami sa mga magulang. Kami ay
batang magalang.
 Handa ang aming pamilyang magbigay sa
nangangailangan.
Pagtatalakay
Ang Pagbabago sa Pag – uugali ng Pamilya
 Suriin ang mga larawan.

Pamilyang Pamilyang Pamilyang sama- samang


nagtutulungan nagsisimba
kumakain
Pagtatalakay
Paghambingin ang mga larawan at sagutin ang mga tanong.
A B

1. Anong masasabi ninyo sa mga larawan?


2. Anong pagbabago ang naganap sa larawan?
Pagtatalakay
Ang Tradisyon ng Pamilya
 Basahin at unawain ang maikling tula.
Kapistahan
(Tula ni Karen Q. Mendoza)

Tuwing kapistahan sa aming bayan,


Lahat ng tao’y abala sa handaan.
Handaan dito, Handaan diyan
Hindi maiwasang sumakit ang tiyan.
Higit sa lahat hindi makakalimutan,
Pagpapasalamat sa mga biyayang nakamtan.
Pagtatalakay
1. Tungkol saan ang tula?
2. Anong tradisyon ng pamilya ang ipinapahayag sa
tula?

 Tukuyin kung anong tradisyon ang ipinapakita sa larawan.

Naghahanda sa kapistahan Nagdarasal


Pagtatalakay
Nakikiramay sa pamilyang
namatayan

Ang Pagbabago sa Tradisyon ng Pamilya


 Tingnan ang dalawang larawan.
Pagtatalakay
1. Ano ang ipinapakita sa larawan?
2. Sa iyong palagay, makabubuti bang ipagpatuloy ang mga
tradisyong ito? Bakit?

 Ang bawat pamilya ay may iba’t ibang tradisyong


pinaniniwalaan. Iba – iba man ang mga tradisyong ito, dapat
nating respetuhin ang pagkakaiba – iba nito at ipagma-
laki ang pamilyang mayroon tayo.
Paglalapat
Iguhit ang masayang mukha sa patlang kung ang
pangungusap ay nagpapahayag ng tradisyon
ng pamilya at malungkot na mukha kung hindi.
_____1. Nagtitipon at naghahanda ang aming pamilya
tuwing may kapistahan.
_____2. Walang pakialam sa kapamilyang namatayan.
_____3.Binibigyan ng regalo sina lola’t lolo sa kanilang
kaarawan.
_____4.Nagmamano sa nakakatanda at magulang.
_____5.Malugod na tinatanggap ang mga panauhin.
Paglalahat
 Ang bawat pamilya ay may iba’t ibang tradisyong
pinaniniwalaan. Iba – iba man ang mga tradisyong ito, dapat
nating respetuhin ang pagkakaiba – iba nito at ipagma-
laki ang pamilyang mayroon tayo.
Pagtataya
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sinusunod ko ang utos ng aking magulang.
Ako ay batang _______.
a. tamad b. masunurin c. madasalin
2. Ang aming pamilya ay palaging nagdarasal. Kami ay
pamilyang _________.
a. maunawain b. magnanakaw c. madasalin
3. Tumutulong kami sa mga nangangailangan. Kami ay
pamilyang _________.
a. mapagmahal b. maiinggitin c. matulungin
Pagtataya
4. Ang ___________ sa magulang at nakatatan-
da ay nagpapakita ng paggalang.
a. pagmamano b. pang – aaway
c. pagnanakaw
5. Ang paggamit ng ________ ay isang mabuting pag -
uugali.
a. malakas b. po at opo
c. pasigaw
Takdang-Aralin
Lagyan ng tsek ( ) kung ang tradisyon ay dapat
na ipagpatuloy ng inyong pamilya at ekis ( X ) kung hindi.
______1. Nagmamano kami sa aming mga magulang.
______2. Nagdarasal kami sa aming tahanan.
______3. Nakikiramay ang aming pamilya sa kamag- anak
na namatayan.
______4. Palaging nagsisigawan sa loob ng bahay.
______5. Nagbibigay kami ng regalo sa pamil-
yang may kaarawan.

You might also like