You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III - CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN
MEYCAUAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
CAMALIG, CITY OF MEYCAUAYAN, BULACAN
PANGALAN: Cyrille Joy M. Tupan
TAON/PANGKAT: 8-SSC Delos Reyes
GURO SA FILIPINO: Bb. Lyka A. Carullo

PAALALA: Ang mga sasagutan ay ang mga gawain na naka-highlight ng dilaw.

PANIMULA
Ang bawat pangyayari sa mga kwento o sa buhay ng tao ay mayroong dahilan at nagkakaroon ng
resulta. Dito makikita kung nagkakaroon ba ng interaksyon ang tao sa mga bagay sa kanyang paligid at
kung paano nakakaapekto ang mga opinYon o pananaw ng tao sa bawat pangyayari.
Sa araling ito, iyong matututuhan ang pagtukoy sa sanhi at bunga sa bawat pangyayari. Na kung
saan ang sanhi ay isang pangyayari na maaaring inaaasahan o hindi inaasahan mangyari kaya’t ito ang
nagiging dahilan upang umaksyon ang tao. Kung magkakaroon ng paggalaw ang tao sa nangyari sa
kanya, ito ang tinatawag na bunga o resulta ng ginawang aksyon. Ang pagpapahayag ng sariling opinyon
o pananaw naman ay karaniwan na paraang ginagawa ng mga tao upang magpaliwanag at makapagbigay
ng impormasyon tungkol sa kanyang mga ideya o paninindigan ukol sa isang paksa.
Ang Modyul na ito ay magsisilbing gabay mo upang matutuhan mo na alamin a tukuyin ang sanhi
at bunga sa bawat kwento o pangungusap at makapagbigay ng iyong opinyon sa bawat pangyayari

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

 Nauuri ang mga pangyayaring may sanhi at bunga mula sa napanood na video clip ng
isang balita (F8PD-Ig-h-21)
 Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil, sapagkat,
kaya, bunga nito at iba pa) (F8WG-Ig-h-22)
 Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggang pag-uulat (F8PN-
Ii-j-23)

PANAHON
Ang Modyul na ito ay iyong masasagutan at mapag-aaralan sa loob ng isang linggo para
sa Unang Markahan.
LAYUNIN
Matapos basahin at aralin ang modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang mga
sumusunod na layunin:
 Nabibigyang kahulugan ang sanhi at bunga
 Natutukoy ang mga pangyayaring may sanhi at bunga
 Nagagamit ang mga kataga o hudyat sa pagtukoy ng sanhi at bunga
 Nakabubuo ng pangungusap na may sanhi at bunga gamit ang mga hudyat
 Nakapagbibigay ng opinion batay sa mga pahayag ng mga tao
 Nakabubuo ng sariling pananaw batay sa mga isyung nagaganap sa bansa
ARALIN
Filipino 8: Salamin ng Kahapon…Bakasin Natin Ngayon
Paksa: Sanhi at Bunga
Pagpapahayag ng opinyon

Panuto sa Mag-aaral

Ang Modyul na ito ay kinapapalooban ng mga kasanayan na makatutulong sa iyong pag-unlad.


Ito ay naglalaman ng mga paksa at mga gawain na iyong bibigyang pansin. Marapat na sundin
ang mga panutong nakalaan para sa iyong pag-unlad.

NILALAMAN
Sanhi at Bunga
Mga Hudyat sa Sanhi at Bunga
Pagpapahayag ng Opinyon

MGA SUSING PAKSA


Sa iyong pagsisiyasat sa araling ito, inaasahang matutunghayan at matututuhan mo ang mga sumusunod
na paksa na nakapaloob sa modyul na ito.
 Sanhi at Bunga
 Mga hudyat sa pagsulat ng Sanhi at Bunga
 Pabula: Ang Kalabaw at ang Kabayo
 Mga paraan sa pagpapahayag ng opinyon

SIMULAN NATIN:
Sa nakaraang mga aralin ay natutuhan mo kung paano bumuo ng mga makabuluhang
pangungusap na gumagamit ng mga matatalinhagang pahayag. Bukod dito, maaari ka pang makabuo ng
mga makabuluhang pangungusap sa ibang paraan. Halika at magpatuloy.
Ngayon naman ay tutungo ka sa panibagong aralin na alam kong lagi mong naisasagawa o
nababanggit. Kaya naman narito ang ilang pangyayari na nais kong suriin mo at maglahad ng iyong
opinyon o pananaw tungkol dito.
Pagsasanay 1: Batay sa mga balitang napapanood sa telebisyon, ano ang naging sanhi o bunga ng mga
sumusunod na balita? Ilahad ang iyong naging pananaw tungkol sa mga ito. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Pagkakaroon ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Bunga: ____________________________________
Opinyon: ____________________________________
2. Online enrolment para sa taong panuruan 2020-2021.
Sanhi: _____________________________________
Opinyon: ____________________________________
3. Bawal ang mga pampasaherong jeep sa kalsada.
Bunga: ______________________________________
Opinyon: ____________________________________
4. Ang mga batang nasa edad 20 pababa ay bawal pa lumabas.
Sanhi: ________________________________________
Opinyon: ____________________________________
5. Pagkatanggal sa ere ng ABS-CBN.
Bunga: _________________________________________
Opinyon: ____________________________________

PAYABUNGIN NATIN
Alam kong madali na para sa iyo ang balita tungkol sa COVID-19 dahil ito ang nagaganap sa
buong mundo. Ngunit, nagkaroon ka kaya ng ideya para sa paksa natin ngayon? Heto at basahin mo ang
nasa ibaba upang magkaroon ka ng kaalaman sa paksang iyong kakaharapin.

Para sa Iyong Kaalaman

Ang malinaw, mabisa, at lohikal na pagpapahayag ay naipapakita sa maayos na pag-uugnayan ng mga salita,
parirala, sugnay, at pangungusap. Kagaya na lamang ng pagpapahayag ng sanhi at bunga na may mga hudyat na
ginagamit upang maipahayag ito nang may kalinawan na maaari mo ring magamit sa pagpapahayag ng iyong opinyon
o pananaw. Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na maaaring humantong sa isang bunga. Halimbawa, nakuha mo
ang pinakamataas na grado sa pagsusulit dahil nag- aral kang mabuti. Unang binanggit ang bunga at sumunod
naman sanhi. Tandaan na hindi lahat ng pagkakatao’y nauuna ang sanhi sa bunga. Isiping lagi ang ganito: Anong
ideya o pangyayari ang naunang naganap (sanhi)? Ano ang kinalabasan (bunga)? Habang ang opinyon ay
paliwanag lamang batay sa mga makatotohanang pangyayari, saloobin at damdamin ng tao. Hindi
maaaring mapatunayan kung tama o hindi.

Sanhi – Ito ay ang tawag sa dahilan kung bakit nangyari ang isang pangyayari.
Mga Hudyat na nagpapahayag ng sanhi:
Sapagkat / Dahil/Dahil sa/Dahilan sa / Palibhasa / Ngunit/ At kasi
Bunga – Ito ay ang tawag sa resulta o epekto ng isang pangyayari.
Mga Hudyat na nagpapahayag ng bunga:
Kaya/Kaya naman / Kung/Kung kaya / Bunga nito / Tuloy

Mga pahayag sa pagbibigay ng Matatag na Opinyon

 Buong igting kong sinusuportahan ang…


 Kumbinsido akong…
 Lubos kong pinaniniwalaan…
 Labis akong naninindigan na…
Mga pahayag sa pagbibigay ng Neutral na Opinyon

 Kung ako ang tatanungin…


 Kung hindi ako nagkakamali…
 Sa aking palagay…
 Sa tingin ko…
 Sa totoo lang…
 Sa aking pananaw…

SAGUTIN NATIN
Natitiyak kong iyong naunawaan mo ang iyong nabasa sa itaas kaya naman nais kitang ihanda
para sa mga pagsasanay na iyong matutunghayan sa mga susunod pang pahina. Gusto kong magkaroon
ka muna ng kasiglahan sa pagbasa ng isang pabula sa ibaba ngunit maaari mo rin naman itong panoorin
sa link na naibigay sa iyo.
A. SUBUKIN NATIN
Basahin ang pabula na nasa ibaba o maaari mo rin itong panoorin sa link na ito.
https://www.youtube.com/watch?v=wyNgFB16Bx0&t=26s

Ang Kalabaw at Ang Kabayo


Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga
gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.
Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at panghihina ang kalabaw dahil sa bigat
ng kanyang pasang gamit.
"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan
mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw.
"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang
binilisan ang paglalakad.
"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo
namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init
ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.
"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.
Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo
ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at
inilipat sa kabayo na bahagya namang di makalakad dahil sa naging pagkabigat ng kanyang mga dalahin.
"Kung tinulungan ko sana si kasamang Kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon,"
may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

Pagsasanay 2: Sagutin ang mga tanong tungkol sa nabasang pabula. Gumamit ng isang sagutang papel.
1. Ano ang ginawa ng magsasaka nang mamatay ang kalabaw?
2. Ano ang naging dulot ng kamatayan ng kalabaw sa kabayo?
3. Kung ikaw si Kabayo, ano ang iyong gagawin sa iyong kasama?
4. Pinagsisihan ba ni Kabayo ang nangyari kay Kalabaw? Ipaliwanag.
5. Ano ang nais iparating ng akda sa iyo?
Pagsasanay 3: Isulat ang naging sanhi at bunga ng mga pangyayari sa kwento. Ilahad ang iyong opinyon
o pananaw tungkol sa mga ito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Sitwasyon Sanhi Bunga Opinyon


Isang magsasaka ang isang araw iniligpit Sa tingin ko ang
nais na manirahan sa niya ang kaniyang mga paglipat sa ibang
1. Paglipat ng ibang ibang bayan gamit at naglakbay bayan ay
bayan nakakagalak dahil
may makikilala kang
mga bagong tao.
Nakaramdam ng hindi nag tagal ang Nakakalungkot isipin
matinding pagod at kalabaw ay iginipo ng na namatay siya sa
2. Napagod si Kalabaw panghihina si Kalabaw bigat ang kaniyang matinding pagod.
mga dala at siya ay
pumanaw.
Nang makita ng inilipat sa kabayo na Sa sobrang bigat ng
magsasaka ang bahagya naming di mga gamit hindi
3. Si kabayo na ang nagyari ay kinuha niya makalakad dahil sa nakakayanin ng isang
nagbuhat ng mga ang lahat ng gamit na naging napakabigat ng tao ang pagbuhat
gamit pasan ng kalabaw kanyang mga dalahin kaya ang kabyo na
lamang ang
pinabuhat.
Kung tinulungan hindi mas mabibigatan Sabi nga ng iba “nasa
lamang ni Kabayo si si Kabayo sa kaniyang huli ang pagsisisi”
4. Nalungkot si Kalabaw sa pagpasan mga pasang gamit kaya kung may
Kabayo ng gamit nanghihingi man sayo
ng tulong maaaari mo
itong tulungan.
Makaraan ang ilang nakaramdam ng Maaari namang mag
5. Patuloy ang oras na paglalakbay matinding pagod at pahinga kung pagod
paglalakbay panghihina ang na sa paglalakbay.
kalabaw.

B. GAWIN NATIN
Mukhang unti-unti mo ng natututuhan ang ating aralin. Halika’t subuking pagtagumpayan ang
iba pang mga pagsubok sa araling ito.
Pagsasanay 4: Magsaliksik ng mga impormasyong maaaring bumuo sa mga pahayag sa ibaba. Ilahad
ang iyong opinyon tungkol sa mabubuong kaisipan.
1. Ang pangunahing sanhi ng katamaran ng mga Pilipino ay ang mainit na singaw ng panahon.
Opinyon: Dahil sa mainit na panahon sa Pilipinas ang ibang Pilipino ay tinatamad ng kumilos dahil sa
isang oras na pagawa ay grabe na ang pawis na iyong makukuha.
2. Nawala ang sipag at tiyaga ng mga Pilipino dahil sa maling sistemang pinairal ng mga Espanyol.
Opinyon: Sa dami ng mga binago ng Espanyol sa mga nakagawian ng Pilipino maaring sila ay
nanibago kaya’t nawalan sila ng sipag at tyaga.
3. Ang hindi mabubuting ugali ng mga Espanyol ay nagpalala sa Pilipino.
Opinyon: Sa higit tatlong siglo na pananakop ng mga Espanyol sa mga Pilipino nawala ang kanilang
kalayaan, katarungan at karapatang pantao marahil sila ay nagalak ng sawakas ay nakalaya na sila
sa pananakop ng mga Espanyol.
4. Ang pagsasaka ay napabayaan dahil sa sapilitang pag kuha ng mga Espanyol sa ibang Pilipino.
Opinyon: Sa tingin ko ang mga Pilipino ay tumutol ngunit wala silang magawa dahil mas
makapangyarihan ang mga Espanyol kaya marahil maraming Pilipino ang naghirap dahil sa hindi
makatarungang pag pataw ng buwis at pagkuha ng mga kanilang ari-arian.
5. Ang pamahalaan ay walang dulot pampasigla dahil sa mga katiwaliang namumuno.
Opinyon: Ang pagkamasarili at kasakiman ng tao ang kadalasang sanhi ng katiwalian sa pamahalaan
kaya ito nagdudulot sa kahirapan ng mga tao.

Pagsasanay 5: Salungguhitan ang mga hudyat na ginamit sa pangungusap upang maipakita ang
ugnayan ng sahi at bunga. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Natutulog ng maaga si Nena kaya maganda ang kanyang kutis.
2. Nang makapag-abroad si inay, lagi kami mayroong tsokolate.
3. Dahil sa pandemyang dala ng COVID-19, maraming tao ang nawalan ng trabaho.
4. Maraming magulang ang nag-iisip tungkol sa darating na pasukan kung papapasukin pa ang
kanilang mga anak.
5. Mamimigay ng libreng tablet ang lungsod ng Maynila sa mga mag-aaral nito kaya naman marami
na ang nagpatala para sa darating na pasukan.

C. TIYAKIN NATIN
Batid kong lubos mo ng nauunawaan ang ating paksa. Ngayon naman ay kailangan mong manood
ng isang balita sa TV. Narito ang link ng balitang kailangan mo mapanood.
https://www.youtube.com/watch?v=6wAePdSQfqM (Paaralan sa Sorsogon, Naghahanda na para sa
pasukan) Kung walang kakayahan na makapanood sa youtube ng nasabing balita, maaari ka na lamang
manood ng balita sa telebisyon na pumapaksa sa edukasyon.
Pagsasanay 6: Magtala ng 2 pangungusap na naglalahad ng sanhi at bunga mula sa iyong napanuod.
Ilahad ang iyong nagging saloobin ukol dito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Pamagat ng balitang pinanuod: ______________________________
Pagsulat ng pangungusap na may sanhi at bunga.
1. _____________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________
Saloobin:
1. _____________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________

D. PALAWAKIN NATIN:
Mukhang napagtagumpayan mong alamin ang sanhi at bunga, gayundin ang mga hudyat na
ginagamit sa mga ito. Natitiyak kong makabubuo ka muli ng mga sanhi at bunga. Kaya naman para sa
huling pagsasanay sumulat ka ng sanhi at bunga batay sa mga sitwasyon na nasa ibaba.
Pagsasanay 7: Isulat ang sanhi at bunga ng mga sumusunod na sitwasyon. Maglahad ng iyong opinyon
tungkol sa mga ito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Sitwasyon Sanhi Bunga Opinyon bilang
kabataan
Dahil sa kawalan ng Kaya hindi masagutan Lubos kong
interes na making sa ang gawaing pinaniniwalaan na
mga tinatalakay ng pinapasagot ng guro sikaping makinig at
1. Mabababang guro matuto sa mga
marka tinatalakay ng mga
guro dahil para
madagdagan pa ang
mga nalalaman.
Dahil sa kawalan ng Maaaring magkaroon Lubos kong
komunikasyon sa ng depresyon o di kaya pinaniniwalaan na
pamilya at problemang ay maging isang kung may depresyon
pinansyal masamang bata ka ay kailangan mo
2. Magulong pamilya ng isang tao na
tutulong at
magpapayo kung ano
ba dapat ang iyong
gawin.
Dahil laki sa layaw o Maaari na ang maging Dapat simula umpisa
binibigay ang lahat ng bunga nito ay hindi pa lamang ay alam mo
luho marunong na kung hanggang saan
3. Di sanay sa hirap mamuhay ng mag-isa pwede mong makuha
ang iyong mga gusto
at hindi dapat ito
inaabuso.
Sapagkat ayaw ng mga Nasasakal na ang Alam namn ng
magulang na kanilang anak kaya karamihan na minsan
mapariwara ang maaaring magrebelde ay di tayo
kanilang mga anak ito sa mga magulang pinapayagan ng ating
mga magulang dahil
4. Mahigpit na
alam nila na maaari
magulang
nating ikapahamak
ito. Kaya naman aking
na lamang sa
magulang dahil para
naman sa atin ito.
Dahilan sa kakulangan Kaya napapasama sa Kung ikaw ay pipili ng
ng pagmamahal at iba’t ibang tao ang mga kakaibiganin
atensyon ng mga kanilang anak na siguraduhin mo na
5. Maling pagpili ng
magulang sa kanilang maaaring magresulta ang pipiliin mo ay
kaibigan
mga anak ng pagkakaroon ng maayos at nakabubuti
bisyo at iba pang mga para sayo.
masasamang gawain

TANDAAN NATIN:

 Ang Sanhi at Bunga ay laging magkaakibat. Nagagawa ang isang aksyon dahil sa isang pangyayari.
Sanhi ang tawag sa pinagmulan ng isang pangyayari na sumasagot sa tanong na Bakit ito
nangyari. Samantalang ang Bunga naman ay sumasagot sa tanong na Ano ang naging epekto ng
naturang pangyayari.
 Ang Sanhi ay ginagamitan ng mga hudyat na Sapagkat / Dahil/Dahil sa/Dahilan sa / Palibhasa /
Ngunit/ At kasi
 Ang Bunga naman ay ginagamitan ng mga hudyat na Kaya/Kaya naman / Kung/Kung kaya /
Bunga nito / Tuloy
 Ang pagbibigay ng opinyon ay dapat na may kaakibat na wastong impormasyon. Kung ikaw ay
magbibigay ng opinyon sa isang bagay o balita, siguraduhin na may karanasan o kaalaman ka na
rito.
 Ang pagpapahayag ng opinyon ay dapat na kapani-paniwala sa mambabasa o tagapakinig kaya
ginagamitan ito ng mga pahayag o hudyat na ikaw ay nagbibigay ng matalinong opinyon.

TALASANGGUNIAN
 Agnes, W., Ruiz, F. & Tiongson P. (2013), Batikan VIII, Educational Resources Corporation
 Julian, A., Del Rosario, M. & Lontoc, N. (2015), Pinagyamang Pluma 8, Phoenix Publishing House
 Palero, J. (2016), Pagpapahayag ng Opinyon, https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-mga-
pahayag-na-ginagamit-sa-pagbibigay-ng-opinyon-at-mga-wastong-gamit-ng-salita
 Bukolat (2017), Mga Kwentong Pambata, https://buklat.blogspot.com/2017/12/ang-kalabaw-at-
ang-kabayo.html
 Gardiano, S.(2016), Sanhi at Bunga, https://www.slideshare.net/saturninoguardiario/satsky-
gurad
 Palermo, J.(2016), Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga, https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-
8-mga-hudyat-ng-sanhi-at-bunga-ng-mga-pangyayari

Inihanda nina:

MARK S. INTIA
Guro I sa Filipino

RALYN S. MAMARIL
Guro I sa Filipino

Sinuri ni:

MARIBEL P. DE VILLA
Ulo ng Departamento II sa Filipino

Pinagtibay ni:

BENITA P. ESPE
Katuwang na Punong-Guro II – Junior High School

Binigyang-pansin ni:

ROSALINA G. SANTOS, Ed. D.


Punong-Guro IV

You might also like