bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mangongolonya.
Ang imperyalismo ay isang paraan ng pamamahala. Ito
ang pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihan na bansa ay naghahangad na mapalawak pa ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o pagkontrol ng mga kabuhayan at pulitika ng ibang bansa. Ang ilang malalaki o makapangyarihang bansa ay kinokontrol ang ibang mga relihiyon upang makalikha ng mas malaking imperyo.
Mga dahilan na nagbunsod sa mga kanluranin na
magtungo sa asya
1. KRUSADA- kilusang inilunsad ng simbahan upang
mabawi ang banal na lugar ang Jerusalem 2. RENAISSANCE – Nagbukas na nagbabago sa larangan ng agham, kalakalan at negosyo 3. PAGLALAKBAY NI MARCO POLO – Isang italyanong manlalakbay na nakarating China 4. MERKANTILISMO – Prinsipyong pang ekonomiya na batay sa dami ng ginto at pilak ang kapangyarihan ng bansa
5. ANG PAGBAKSAK NG CONSTANTINOPLE
CONSTANTINOPLE Ito ang nagsisilbing rutang pangkalakalan mula Europe patungong India at ibang bahagi ng Silangan …
Natutunan ko na may mga tao o bansa ang may gustong
sakupin ang Asya dahil sa likas na yaman nito.Narealize ko na dapat maging alerto ako sa anumang problema na darating sa buhay,maging malakas o maging positibo sa buhay.Dapat maging responsable ka rin tulad din sa ating bansa dapat maging responsable tayo sa ating likas na yaman huwag nating hayaan na ubusin ng ibang bansa ang ating likas na yaman. May iba pang paraan para malutasan ang problemang ito tulungan natin ang isa't isa, tulungan natin sila kung paano gamitin ng tama ang likas na yaman para hindi ito basta-bastang mauubos at para maiwasan na rin ang pagsakop ng iba't ibang bansa dahil lang sa kakulangan ng pangangailangan o likas na yaman.