You are on page 1of 4

Nale: Welcome come back sa Tara’t Pagusapan!!! .

This is shawn,mikaela,and Lawrence your


hosts for this wonderful day.

Nale: Matagal tagal nang huli tayong magkita lawrence, mikaela kamusta naman kayo?

Mikay:ito mabuti at maayos naman sa kabila ng pandemya ay patuloy akong matatag.

Lawrence: Ako rin sa tingin ko maganda kung naniniwala ka sa iyong sarili, dahil sa panahon
ngayon na puno ng hirap. Mahalaga talaga na maging matatag tayo at magtiwala tayo sa ating
sarili.

Mikay: Tama! Dahil mas maganda kung may mataas tayong confidence dahil isa ito sa magiging
daan natin sa pag tatagumpay.

Nale: anyways ngayong pandemic syempre wala tayong ibang mapaglilibangan kung hindi ang
ating mga gadget napaka hirap makahanap ng confidence lalo na kung wala kang motivation.

Mikay: Marami tayong activities na pwedeng gawin pero ang tanong “sa paanong paraan ba
tayo makakuha ng tiwala sa sarili at bakit nga ba mahalaga na maniwala da ating sarili?”

Nale:Tama ka dyan partner kaya naman nag imbinta ako ng ilang guess para mag bigay sila ng
sariling karanasan. Unahin na natin sina kim at Isaiah. Hello po sainyo kaTarat.

(Guest: Kim,John,Jerome, Isaiah,

Pacate, Crystelle,geca, Alexa,Cabrera)

Kim/Isaiah: hello po

Lawrence: kamusta naman kayo kim at Isaiah? Bilang isang mag aaral at syempe madaming
mga pinagagawa sa inyo minsan ba naisip niyo na nag give up nalang??

Kim:para sa’kin kahit mahirap at madami ang pinapagawa ng mga guro ay pinipilit ko parin na
kayanin ito dahil kailangan kong maka graduate.

Isaiah:same with Kim po naniniwala lang ako sa kakayahan ng sarili ko at kakayahan ko.

Nale:totoo iyan,lalo na sa panahon ngayon na may pandemya at online class na kayo.Pano nyo
na hahandle na sa kabila ng stress,sa dami ng gawain. Nakukuha ninyong magtiwala at
maniwala sa inyong sarili. Kasi mahirap yan now a days maiisipan na lang naten sumuko. Bigyan
nyo kami ng kaalaman para naman kami ay magaya sainyo na malakas ang confidence, tanggap
at naniniwala sa sarili
Isaiah:minsan maiisipan naten sumuko kasi madaming gawain diba? iisipin mo bat ko ba to
ginagawa? Kailangan ba to? Parang makakalimutan ko den naman to e. Pero syempre sa
kabilang banda maiisip mo naman nag pag hihirap ng iyong mga magulang upang mapag aral
kalang.

Kim: manage your time,isa sa mga paraan upang hindi mo makalimutan ang sarili mo at iba
pang obligasyon. Malaking tulong rin ang pag memeditate tuwing gabi o pag ka gising sa umaga
upang malaman mo kung ano ang gusto at dapat mong isagawa.

Mikay: Maraming salamat sa inyong dalawa sa inyong magandang kasagutan. Ngayon naman
nandito si John, Crystelle,at cabrera upang mag bigay sa’tin ng ilang gabay kung paano natin
paniniwalaan ang ating sarili.

Cabrera:hello po! Una sa listahan sa 11 ways ni tony Robbins ay, “change your perspective.”
Kung nag fail kaman sa araw na ito, huwag niyong kakalimutan na may bukas pa at huwag
tayong ma stuck sa isang pagkakamali lamang.

JOHN: maganda ang mga narinig kong nasagutan mula sa kanila. Ngunit para naman sa akin sa
negosyo, at sa iyong personal na buhay, ang kumpiyansa sa sarili ay isang paunang
kinakailangan upang makagawa ng isang malaking decision o pag kilos. Kailangan mong
maniwala sa iyong sarili, sa iyong mga kakayahan, kasanayan, at pagkahilig na subukin ang
iyong sarilk sa entrepreneurship, o ano pamang hangarin. Ang paniniwala sa iyong sarili ay isang
magandang pamumuno sa sarili, dahil ang tiwala sa sarili ay nagbibigay-daan sa iyo na
pamahalaan at magbigay ng inspirasyon sa iba na may katiyakan at direksyon.

CRYSTELLE: lubos akong sang ayon sa saloobin ni john. Ang paniniwala mo sa sarili ay
nangangailangan ng isang matatag na pagiisip. Dapat mong kontrolin ang iyong mga saloobin at
damdamin upang maabot mo ang iyong pinakamataas na estado. Kinakailangan din dito ang
pagbuo ng kumpiyansa sa iyong mga kakayahan, pati na rin ang pag-ibig sa iyong sarili. Ang mga
bahagi ng iyong pagkatao, pananaw at karanasan na kakaiba mong ginagawa sa iyo.

CABRERA: ang akin namang magiging tugon dito ay, palitan mo ang pananaw mo sa buhay
dahil, sapagkat tanging ikaw at ikaw lamang ang nagmamaneho ng iyong sariling tagumpay.
Walang ibang tao ang siyang may kayang gawin kung ano ang iyong ginugusto. Dito mabubuo
ang iyong personal na lakas na siyang magtatagumpay sa mga hamon sa iyong buhay. Ang
paniniwala sa iyong sarili, ay hindi tungkol sa walang patid na tagumpay. Ito ay tungkol sa
mabilis na paglipat mula sa pagkabigo.

NALE: napakagandang pakinggan naman ng iyong mga naging tugon. Sinabi nga ni toni robbins,
“Naniwala ako na lahat ng aking nakaraang pagkabigo, ay talagang naglalagay ng pundasyon
para sa mga pag-unawa na lumikha ng bagong antas ng pamumuhay, na nasisiyahan ako
ngayon.” Tingnan ang mga pagkabigo bilang mga pagkakataon, hindi mga hadlang. Alamin mula
sa kanila, bumangon at makamit ang iyong mga layunin.
LAWRENCE: nais kong tanungin, at malaman mula sa ating mga huling inimbita, kung paano
nasasabing ang katanungan ay susi sa pagkakaroon ng kamalayan? Paano niyo ito maiaapply sa
pagtiwala ninyo sa inyong sarili? Sabay sabay nating pakinggan ang kanilang ibat ibang saloobin
patungkol dito.

ANGELICA: Naniniwala akong ang mga katanungan ay susi sa pagkakaroon ng kamalayan, lalo
na sa sarili at sa personal na paglago. Dahil naglalaman ito ng gabay, na mahahalagang susi
upang mabuksan ang mga mahahalagang sagot sa loob mo. Tulad ng pagtatanong kung paano
maniwala sa iyong sarili, ay nagbubukas ng pintuan para sa isang mas malalim na katanungan.

ALEXA: Tama! isa na dito ang mga negatibong damdamin tulad ng pag-aalinlangan sa sarili, o
pagkabalisa, na malalim na konektado sa mga opinyon na mayroon tayo sa ating sarili, batay sa
ating mga karanasan sa buhay. Sinasabi sa iyo ng iyong utak, na oras na upang suriin ang mga
naglilimitang paniniwala, at palitan ang mga ito ng mga nagpapalakas ng paniniwala sa sarili.
Ngunit madali itong masasabi kaysa gawin, ang isang paraan upang makapagsimula ay mag-
focus sa iyong self-talk – ito ang mga salitang pipiliin mo kapag kausap mo ang iyong sarili.

JEROME: maganda rin na harapin mo ang iyong takot. Ngunit, kapag naniniwala ka sa iyong
sarili, mapagtatanto mong naroroon ang mga emosyong iyon, upang hikayatin kang gumawa ng
aksyon, hindi upang pigilan ka. Nagagawa mong huminga ng malalim, at makontrol ang iyong
emosyon, pagkatapos ay ilipat ang iyong pokus at gawing aksyon ang takot. Mas makakabuti sa
iyo kung haharapin mo ang iyong mga kinakatakutan sa pamamagitan ng paglikha ng mga
layunin, na konektado sa iyong pangkalahatang layunin sa buhay.

DENIEZ: kung tatanungin paano mo nga ba pauunlarin ang isang nakapakalaking pag iisip?
Kadalasan ay mapapansin ang isang reaksyon ng mga tao kapag nakagawa sila ng pagkakamali,
at kapag sinubukan nilang ayusin itong pagkakamaling ito. Dito sila nagkakaroon ng mas
malawak pang pagiisip sa kanilang mga dapat gawin. Tinatawag itong pagkakaroon ng isang
mindset ng paglago, at mahalaga na maniwala sa iyong sarili. Kapag alam mong matututo ka
mula sa iyong mga pagkakamali, mas handa kang gawin ang mga ito

Sy : Magtiwala ka sa sarili mo, abutin mo ang pagkataong matutuwa kang maging habang
buhay. Gawin mo ang buong kaya mo, na palakihin ang maliit na posibilidad para maging isang
malaking apoy ng achievement.

Cabuslay : Ang pagiging totoo sa sarili mo, sa mundo na pinipilit kang ibahin ang iyong sarili
para sa kanilang ikabubuti, ay isang malaking tagumpay.

Macabadbad : Talk to yourself like you would to someone you love. Treat yourself special kasi,
ikaw ang unang magmamahal sa sarili mo, ikaw ang unang tatanggap kung sino ka, ikaw ang
unang maniniwala at magtitiwala sayo.
Manalo: Lagi mong tatandaan mas malakas ka, mas matapang, at mas matalino ka kesa sa
tingin mo.

Lawrence: Bago tayo mag tapos, sa tingin niyo sa paanong paraan natin masusuportahan ang
kaibigan nating nawalan ng tiwala sa sarili?

Manalo: Isang magandang paraan ay ang pakikinig at pakikisama sa kanila, sapagkat mahirap
amg sitwasyon na walang tiwala ang isa sarili mahalaga na iparamadam natin sa kanila na may
halaga sila
Macabadbad: Sangayon ako diyan, mahalaga na makinig tayo ng mabuti sa hinanakit nila.
Mahalaga rin na tulungan rin natin sila na magkaroon ng kumpyansa sarili sabayan ito ng
pagbibigay lakas sa pag bigay suporta sa kanila.
Cabrera: Mahalaga rin na wag natin silang pabayaan lalo na't kung gagawa sila ng desisyon sa
buhay nila. Mahalaga na nandiyan tayo upang suportahan sila at tulungan sila mapalawak ang
pananaw pati malaman kung ano ang nasa isip nila.
Crystelle: Makabubuti rin na malaman natin kung pano nag simula ang pagkawalan nila ng
tiwala sa sarili. Isama na diyan kung ano ang gusto nilang gawin para mabigyan ng kaukulang
tulong.
Shawn: Maraming salamat sa inyong kasagutan, tunay ngang napakahalaga na magkaroon ng
boses at mabigyan ng pandinig ang siyang walang tiwala sa sarili. Walang ibang tutulong sa
kanila kung hindi ang malalapit sa kanila at ang kanilang sarili. Napakahalaga na mapatatag
natin ang isa't isa lalo na ang mga nanghihina sa panahon ng pandemya. Napaka hirap ng ating
sitwasyon walang iba kung hindi tayo lamang siyang kayang tumulong. Napaka gandang mga
kasugutan mula sa ating mga inimbitahan sa araw na ito.
Mikaela : Maraming salamat sa pangtanggap ng aming imbita at sa pagbibigay ng inyong
napakagandang mga experience at mga motivational quotes na talaga nga namang tagos
hanggang puso.
Shawn: Mapag palang araw sa lahat muli kami ang inyong host Shawn, Lawrence, at Mikay.
Naway nabigyan namin kayo ng magandang kaalaman, hanggang sa uulitin tara't pag usapan
natin yan!

You might also like