You are on page 1of 6

GRACE MISSION COLLEGE

Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro


e-Mail: grace.missioncollege@yahoo.com

"Mga Kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag ninyong gamitin ang inyong
kalayaan upang masunod ang pita ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa dahil sa pag-
ibig. – Mga Taga- Galicia

ARALIN: ANG PANGARAP AT MITHIIN


Learning Plan
QUARTER 3

Stage 1
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
kanyang mga pangarap at mithiin.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Maisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng mga
pansariling plano sa pagtupad ng kaniyang mga pangarap.
MAHALAGANG PAG-AARAL: Ang pag-aaral na ito ay naglalayong unawain ang
implikasyon at epekto ng pangarap at mithiin.
MAHALAGANG TANONG: Paano nakakaapekto ang pagbuo at pagtupad ng pangarap sa
kabuuang pag-unlad ng isang tao?
TRANSFER GOAL: Makabuo ng hakbang tungo sa pangarap na magbubukas ng pinto sa mas
mataas na tagumpay.

Kognitibo:

 Makilala na ang mga pangarap ang batayan ng mga pagpupunyagi tungo sa makabuluhan
at maligayang buhay.
Pagpapahalaga:

 Makapagtakda ng malinaw at makatotohanang mithiin upang magkaroon ng tamang


direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap.
Sikomotor:

 Makapagsagawa ng isang pagtatanghal tungkol sa pangarap at mithiin.


MGA LAYUNIN

 mapanatili at makamtan ang inspirasyon at tagumpay sa buhay.


 itaguyod ang personal na pag-unlad at makamtan ang pangarap na layunin.
 pag-unlad sa layunin at tagumpay sa pamamagitan ng mithiin.
Stage 2
PAUNANG PAGTATAYA

Gawain 1: MANGARAP KA

Panuto: Basahin at unawain ang liriko ng awit. Sagutin ang mga inihanda kong tanong
pagkatapos ng gawain.

Mga gabay na tanong: “Mangarap Ka” ng After Image


1. Nasiyahan ka ba sa himig at Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi
At ito'y iyong damhin
liriko ng awit? Ipaliwanag and sagot. Itanim mo sa iyong puso at ito ay lalaki
Ikaw rin ang aani

Refrain
Hayaan mong lumipad ang isip
Sa lawak ng langit
2. Ayon sa awit, bakit Bitui'y umaawit
At ito'y nagsasabing
kailangang mangarap? Ipaliwanag.
Chorus
Mangarap ka
Mangarap ka
Dinggin ang tawag ng iyong loob
Umahon ka
3. Iugnay ang mensahe ng awit Umahon ka
Mula sa putik ng iyong mundo
sa tunguhin at mithiin ng isip at damdamin.
Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi
Batay dito, ano ang konklusyong mabubuo At ito'y iyong dalhin
mo tungkol sa pangarap? Refrain
Chorus

Bawat panaginip na taglay ng iyong isip


Palayain mo at ilipad tungong langit
Ang iyong tinig ay aawit

Refrain
Chorus

Stage 3

PAGTUKLAS
Gawain 2: ALAMIN MO!
Panuto: Basahin ang kwento tungkol kay Thomas Alva Edison at sa kanyang naging imbensiyon.

Umuwi si Tom sa kanyang bahay na may dalang


sulat mula sa mga opisyal ng paaralan. Si Tom ay may
pagkabingi bunga ng isang karamdaman. Inaakala ng
mga opisyal ng kanyang paaralan na mahina ang ulo
niya at wala siyang kakayahang matuto. Nang mabasa
ng kanyang ina ang sulat ay nagpasya itong siya na
lamang ang magturo sa anak. Dati itong guro at may
mahusay na silid-aklatan sa kanilang bahay. Nang
mamatay si Tom noong 1931, ipinakita ng Amerika ang
kanilang pagdadalamhati sa pamamagitan ng pagpatay
ng ilaw sa kanilang mga bahay sa loob ng isang minuto.
Ito ay simbulo ng kanilang na pagbibigay-halaga kay
Thomas Alva Edison - ang imbentor ng bumbilya
(lightbulb), motion picture, at phonograph. Sa kanyang
buhay siya’y nakapagpa-patent ng 1,093 imbensyon sa Amerika. Mahusay din siyang
magsulat ng mga katagang nakapagbibigay-inspirasyon.
Pamprosesong Tanong:
Sa tingin ninyo, ano ang naging papel ng nanay ni Tom sa kaniyang naging tagumpay?
Ipaliwanag.

PAGLINANG

Gawain 3: HANDA, GAWA!

Gumawa ng tula o kanta na naglalarawan ng inyong mga pangarap at mithiin.

PAGPAPALALIM

Gawain 4: HULAAN MO!

Hulaan kung alin ba ang kahulugan ng mga sumusunod.

1. Nagbibigay ng Layunin

2. Nagmumula ng Inspirasyon 1. Binibigyan tayo ng direksyon at focus sa


ating mga gawain.
3. Nagbibigay Motibasyon 2. Nakakapagbigay inspirasyon upang
mapagtagumpayan ang mga hamon sa buhay.
3. Aalamin natin ang ating mga kakayahan at
4. Tagapagbuklod
magtatrabaho ng masigla para sa mga
pangarap natin.
5. Pag-unlad 4. Nagbubuklod ito ng mga tao sa iisang
adhikain, tulad ng pamilya at komunidad.
6. Pakiramdam ng Tagumpay 5. Nagtutulak ito sa atin na magpatuloy sa pag-
unlad at pag-aangat sa sarili at sa lipunan.
7. Balang Araw na Pag-asa 6. Nagdudulot ng kasiyahan at tagumpay kapag
naabot ang mga pangarap.
7. Ang pangarap ay nagbibigay ng pangako
para sa mas magandang hinaharap.
Gawain 5: O TAPOS?

Pagsunod-sunudin ang mga hakbang sa pagtatakda ng mithiin.

____Isulat ang takdang panahon ng pagtupad ng iyong mithiin.


____Isulat ang mga maaaring solusyon sa mga balakid o hadlang na natukoy.
____Isulat ang mga inaasahang kabutihang maidudulot mula sa itinakdang mithiin at sa paggawa
ng plano para ito.
____Isulat ang iyong itinakdang mithiin.
____Tukuyin ang mga maaaring balakid o hadlang sa pagtupad ng iyong mga mithiin.

Gawain 6: SINO KA DYAN!

 Bubuo kayo ng senaryo kung saan ipapakita ninyo kung paano makakamit ang inyong
pangarap kung walang naniniwala o sumusuporta sa inyo? Narito ang pamantayan.

Napakagaling (10) Magaling(5) Di-gaanong


magaling (3)
Pag-arte ng Talagang naibigay ng May isang tauhan na May ilang tauhan
mga tauhan husto ang angkop ng hindi gaanong na hindi gaanong
damdamin sa mga naibigay ang tamang nagampanan ang
papel na ginampanan. damdamin. tamang pag-arte.

Emosyon Angkop na angkop May isang tauhan na May ilang tauhan


ang mga emosyon sa hindi angkop ang na hindi angkop
kanilang ginampanan. emosyon sa papel na ang mga emosyon.
ginampanan.

Kabuuan ng Talagang Maganda ang Hindi gaanong


pagtatanghal. napakaganda ng ginawang maganda ang
ginawang pagtatanghal. ginawang
pagtatanghal. pagtatanghal.
Kabuuang
Puntos (30)

PAGLIPAT

Kumuha ng isang buong papel. Gumuhit ng “dream ladder”. Dito isusulat ang iyong mga
hakbangin sa pagtupad ng iyong pangarap.

Gawain 7: ISANG TANONG, ISANG SAGOT!


Sagutin ang sumusunod mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
1. Tukuyin ang mga katangian ng isang taong may pangarap. Ipaliwanag.
2. Ano ang kaibahan ng pangarap sa mithiin? Ipaliwanag.
3. Paano nakatutulong ang pagtatakda ng mithiin sa pagkakamit nito? Ipaliwanag.
4. Bakit mahalaga ang mga pamantayan sa pagtatakda ng mithiin? Ipaliwanag.
5. Bakit mahalaga ang pagtatakda ng mga pangmadalian at pangmatagalang mithiin?

Huling Pagatataya

I. Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa pagtatakda ng mithiin.

____Isulat ang takdang panahon ng pagtupad ng iyong mithiin.

____Isulat ang mga maaaring solusyon sa mga balakid o hadlang na natukoy.

____Isulat ang mga inaasahang kabutihang maidudulot mula sa itinakdang mithiin at sa paggawa

ng plano para ito.

____Isulat ang iyong itinakdang mithiin.

____Tukuyin ang mga maaaring balakid o hadlang sa pagtupad ng iyong mga mithiin.

II. Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot.

a) Nagbibigay ng Layunin:

b) Nagmumula ng Inspirasyon

c) Nagbibigay Motibasyon

d) Tagapagbuklod

e) Pag-unlad

f) Pakiramdam ng Tagumpay

g) Balang Araw na Pag-asa

6. Binibigyan tayo ng direksyon at focus sa ating mga gawain.

7. Nakakapagbigay inspirasyon upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa buhay.

8. Aalamin natin ang ating mga kakayahan at magtatrabaho ng masigla para sa mga

pangarap natin.

9. Nagbubuklod ito ng mga tao sa iisang adhikain, tulad ng pamilya at komunidad.

10. Nagtutulak ito sa atin na magpatuloy sa pag-unlad at pag-aangat sa sarili at sa lipunan.


Inihanda ni:

MILLET M. CASTILLO
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:

RICA MHIA GUPIT


Gurong Tagapagsanay

Sinuri ni:

MARIA ANGELICA DENIA


Academic Coordinator – Basic Education

You might also like