You are on page 1of 2

Mangarap Ka!

(After Image Band)

I. Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi


At ito'y iyong damhin
At itanim mo sa iyong puso at ito ay lalaki
Ikaw rin ang aani
Hayaan mong lumipad ang isip
Sa lawak nglangit
Ito'y umaawit
At ito'y nagsasabing

Koro: Mangarap ka, Mangarap ka


Dinggin ang tawag ng iyong loob
Umahon ka
Umahon ka
Mula sa putik ng iyong mundo

II. Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi


At ito'y iyong dalhin
Bawat panaginip na taglay ng iyong isip
Palayain mo at ilipad tungong langit
Ang iyong tinig ay aawit

SAGUTIN MO! Ngayon naman sagutin mo ang mga sumusunod na tanong:


1. Nasiyahan ka ba sa himig ng awit? Sa anong dahilan?

2. Ano ang ibig sabihin ng unang saknong (stanza)? Ipaliwanag.

3. Iugnay ang mensahe ng koro sa mga kabataang mababa ang tingin sa sarili o walang tiwala sa sarili. Ano
ang hamon nito?

4. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na: “Dinggin ang tawag ng iyong loob”? May kaugnayan ba ito sa
pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga sa pagtupad ng iyong pangarap? Pangatwiranan.
5. Sa palagay mo, bakit mahalagang batayan ang pangarapng mga pagpupunyagi mo sa iyong pag-aaral?

6. Bakit kailangang isaalang-alang mo ang iyong mga kasanayan, pagpapahalaga at talento sa pagkamit ng
iyong minimithing pangarap?

You might also like