artista? Gusto mo rin b siyang gayahin paglaki mo? Ano-ano ang mga nais magawa, makamit o matupad mo sa iyong buhay? 1.Ikaw ba ay mayroon ding pangarap na gusto mong matupad o makamit? 2. Ano ang iyong pangarap? 3. Paano mo ito makakamit o matutupad? 4. Bakit mahalagang magkaroon ng pangarap ang isang tao? Pangkatin ang mga bata ayon sa kanilang mga pangarap o ninanais. Magkaroon ng maikling dula-dulaan na ipapakita ng bawat pangkat ang mga ginagawa ng mga taong kanilang pinapangarap. Tandaan Ang bawat bata ay ay may sariling pangarap. May mga kailangan kang gawin upang makamit mo ang iyong pangarap. Tukuyin ang iyong pangarap. Piliin at kulayan ang larawan ng iyong pinapangarap o ninanais. Iguhit sa isang malinis na papel ang iyong pangarap o ninanais pagkalipas ng 15 taon? Isulat sa ibaba ang mga dapat mong gawin upang matupad ito.