You are on page 1of 20

7

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
IKAAPAT NA MARKAHAN – MODYUL 1
( Week 1-2 )
Mangarap Ka Para sa Makabuluhang Buhay
Ikaapat na Markahan: Modyul 1
Mangarap Ka Para sa Makabuluhang Buhay

Mga Kasanayang Pampagkatuto

1. Nakikilala na ang mga pangarap ang batayan ng mga pagpupunyagi tungo


sa makabuluhan at maligayang buhay, sa mga aspetong:
(WBLS EsP7PB-Iva-13.1)
a. personal na salik na kailangang paunlarin kaugnay ng pagpaplano ng
kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
( WBLS EsP7PB- IVe-15.1 -15.2)
b. pagkilala sa mga (a) kahalagahan ng pag-aaral bilang paghahanda sa
pagnenegosyo at paghahanapbuhay at ang (b) hakbang sa paggawa ng
Career Plan (WBLS EsP7PB-IVg-16.1)

2. Nakapagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin upang magkaroon


ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap, maging ang
pagsaalangalang sa mga: (WBLS EsP7 IVa-13.2, WBLS EsP7PB-IVd-
14.3)
a. sariling kalakasan at kahinaan at pagbalangkas ng mga hakbang upang
magamit ang mga kalakasan sa ikabubuti at malagpasan ang mga
kahinaan (WBLS EsP7PB-IVg-16.2)
b. pagtanggap ng kawalan o kakulangan sa mga personal na salik na
kailangan sa pinaplanong kursong akademiko o teknikalbokasyonal,
negosyo o hanapbuhay (WBLS EsP7PB-IVh-16.3)
Balikan

A. BALIK-ARAL
Sa nakaraang modyul, naunawaan mo na bilang isang nagbibinata o
nagdadalaga, mahalaga na nabubuhay ka nang makahulugan at makabuluhan. Ito ay
magagawa sa pamamagitan ng pagpili na gawin ang mas mataas na antas ng
pagpapahalaga kaysa sa mababang antas. Bilang pagbabalik sa nakaraang paksa,
basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Tukuyin ang tamang sagot at
bilugan ito.
1. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa
pangunahing pangangailangan ng tao at sa mga bagay na maituturing lamang na
rangya o luho.
A. Pambuhay na halaga
B. Pandamdam na halaga
C. Ispiritwal na halaga
D. Banal na halaga
2. Tinatawag na “ordo omoris” o order of the heart ang Hirarkiya ng Halaga dahil:
A. Ang puso ng tao ang unang dapat na pairalin sa pamimili ng pahahalagahan
at hindi kalianman ang puso
B. Ang puso ng tao ay may kakayahang magpahalaga sa mga bagay na tunay
na makabuluhan samantalanag ang isip ay nagpapahalaga lamang sa mga
bagay na panandalian
C. Ang puso ng tao ay kayang magbigay ng kanyang sariling katwiran na
maaaring hindi mauunawaan ng isip.
D. Lahat ng nabanggit
3. Si Mario ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa maagang pag-aasawa. Dahil
sa ganitong kalagayan labis ang supota na kanyang natatanggap mula sa kanyang
mga magulang na naninirahan sa ibang bansa. Dahil dito naniniwala siya na hindi niya
kailangan pang magtrabaho. Wala siyang ginagawa kundi ang lumabas kasama ang
kanyang mga kaibigan na uminom at magsugal. Nasa anong antas ang halaga ni
Mario?
A. Pambuhay na halaga
B. Pandamdam na halaga
C. Ispiritwal na halaga
D. Banal na halaga
4. Alin sa sumusunod ang hindi kasali sa katangian ng mataas na antas ng halaga?
A. Mataas ang antas ng halaga kung tumatagal at hindi nababago ng panahon
B. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay nagiging batayan ng iba pang
halaga
C. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay nakabatay sa organismong
nakaramdam nito
D. Kahit dumadami pa ang nagtataglay ng halaga mahirap pa ring mabawasan
ang kalidad nito.
5. Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Lito, pinili niyang ilaan ang kanyang
panahon para sa pagtulong sa mga batang lansangan. Ipinagkatiwala niya ang
kanyang negosyo sa mga taong kanyang pinagkatiwalaan at ibinahagi niya ang
kanyang yaman sa mga batang kanyang tinutulungan. Nakahanda siyang laging
tumugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapwa na walang hinihintay na
ano mang kapalit. Nasa anong antas ang halaga ni Lito?
A. Pambuhay na halaga
B. Pandamdam na halaga
C. Ispiritwal na halaga
D. Banal na halaga

B. SUBUKIN
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at bilugan ang titik ng
tamang sagot sa mga sumusunod na katanungan.

1. Ayon kay Helen Keller, “Mas Malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin
ngunit walang tinatanaw na kinabukasan.” Ano ang higit na malapit napakahulugan ng
pahayag ni ito?
A. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay
B. Mahirap maging isang bulag
C. Hindi mabuti ang walang pangarap
D. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin
2. Ito ang pinaka tunguhin o pinakapakay na iyong nais marating o puntahan sa
hinaharap.
A. Pantasya
B. Panaginip
C. Mithiin
D. Career Plan
3. Sa pagtakda ng mithiin, ang ibig sabihin ng SMARTA ay:
A. S-specific, M-manageable, A-attainable, R-relevant, T-time-bound,
A-action-oriented
B. S-specific, M-measurable, A-attainable, R-relevant, T-time-bound,
A-Action-oriented
C. S-smart, M-measurable, A-attainable, R-refreshing, T-time-bound,
A-action-oriented
D. S-smart, M-measurable, A-attainable, R-relevant, T-time-bound,
A-affordable
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pansariling salik na kailangan
bigyan pansin sa pagpili ng kursong akademiko, teknikal-bokasyonal o Negosyo?
A. birtud
B. kakayahan
C. hilig o interes
D. pagpapahalaga
5. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “Ang taong may pormal na edukasyon ay higitt
na may kakayahang magtamasa pa ng higit na kaalaman at maging isang highly
skilled na maggagawa?
A. Ang taong nakatapos ng kolehiyo ay maaring mag-aral pa ng ibang kurso o
kaya’y magtamo pa ng mas mataas na titulo.
B. Ang taong may pormal na pag-aaral ay mas madaling makaunawa at
makagawa ng tamang pagpasya.
C. Ang taong hindi marunong bumasa at sumulat ay wala nang pag-asang
umasenso sa buhay.
D. Ang isang taong hindi marunong bumasa o sumulat ay walang kakayahan
upang matanggap ang mga kaalaman at impormasyong pinalalaganap sa
buong mundo sa pamamagitan ng edukasyon.
Mga Talang Konsepto

Hindi nakabubuti ang pagtakas sa suliranin. Ang tama ang ang mangarap at mag-
ambisyon dahil ang pagtamo ng mga ito ay nasa mga kamay mo. Ikaw ang timon na
nagdidikta ng iyong pupuntahan, ang kapitan ng iyong sariling buhay.
Ayon kay Helen Keller, “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin
ngunit walang tinatanaw sa buhay” sa pangarap nagsimula ang lahat.
Laging tandaan, ang taong may pangarap ay:
1. Handang kumilos upang maabot ang pinapangarap.
Ang isang taong may panagarap ay handing magsumiskap at magtiyaga upang
marating ang mga ito. Maaga siyang gumising sa umaga at ginagawa ang nakaatang
sa sawain para sa kanya na hindi nagrereklamo kahit na nahihirapan dahil alam
niyang bahagi ito sa pagtamo ng kanyang pinapangarap.
2. Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap.
Nadarama ng taong nangangarap ang pagnanasang matupad ang mga ito. Masaya at
positibo ang kanyang pananaw na matupad ang kanyang mga pangarap.
3. Nadarama ang pangangailangang makuha ang mga pangarap. Lubos ang
kanyang paghahangad na makuha ang mga pangarap dahil sa naniniwala siyang
kailanagan niya ito sa kanyang buhay.
4. Naniniwala na maging totoo ang mga pangarap at kaya niyang gawing totoo
ang mga ito. Malaking kontribusyon sa pagsisikap ng tao ang paniniwala na matupad
ang mga pangarap. Ito ay nagpapalakas ng kanyang loob upang harapin ang
anumang hamon tungo sa tagumpay.
5. Bilang tao ang katuparan ng ating pangarap ay nakatali sa ating pinipiling
bokasyon o “ calling”. Ang bokasyon ay naayon sa plano ng Diyos sa atin.

Ang mithiin o “goal” ay ang tunguhin na iyong nais marating sa hinaharap.


Ayon kay Sta. Maria, 2006, ang mga pamantayan sa pagtatakda ng mithiin
ay SMARTA o tumutukoy sa sumusunod:
Specific (Tiyak) - Ang iyong mithiin ay tiyak kung nakakasiguro ka kung ano ang nais
mong mangyari sa iyong buhay. Ang mahusay na mithiin ay tumutukoy sa mga tiyak
na hakbang o pagkilos ng gagawin. Halimbawa: Hindi mo lamang sasabihin na
“Nais kong maging isang guro”, kundi, “Tatapusin ko ang mga pangangailangang pag-
aaral para sa kusong Edukasyon sa isa sa mga mataas na pamantasan sampung
taon mula ngayon.”
Measurable (Nasusukat) – Kailangang nasusukat mo ang iyong mga kakayahan sa
kurso o trabahong nais mo. Kung nasusukat ang mithiin nasusubaybayan natin ang
ating pagsulong sa pagtatamo ng mithiin at natutukoy kung kalian ito nakamit na.
Halimbawa: Kung alam natin ang mga pangangailangan (course requirements) sa
kursong Edukasyon, malalaman mo kung ano-ano ang natapos mo na at kailangan
pang tapusin.
Attainable (Naaabot) – Ang iyong mithiin ay makatotohanan at maaabot sa kabila ng
mga mapaghamong buhay. Halimbawa: Ang pagtatapos ng kursong Edukasyon sa
loob ng tatlong taon ay hindi makatotohanan lalo na’t kapos sa buhay ang pamilya at
kinakailangang suportahan ang sariling pag-aaral.
Relevant (Angkop) – Kailangan mong timbangin at suriin ang iyong mga prayoridad o
mga bagay na mas mahalaga sa iyong buhay. Ang mithiing ating itinakda ay
karaniwang siyang ating inaakala na makapagbibigay sa atin ng kasiyahan o
makapupuno sa ating pangangailnagan. Ngunit may pagkakataong tayo ay nabubuyo
o naiimpluwensyahan lamang ng damdamin. Mas mahusay ang mithiin kung ito ay
pinag-isipan at ginawa nang may hinahon.
Time-bound (Mabibigyan ng Sapat na Panahon) – Bigyan pansin ang haba ng
panahong gugulin mo bago matupad ang iyong mithiin at ang pakay mo para rito.
Nararapat na may takdang panahon ang pagkakamit o pagkatupad ng mithiin upang
hindi masayang ang ating pagsususmikap sa mga bagay na maaring walang
patutunguhan o katiyakan.
Action-Oriented (May Angkop na Kilos) – Kailangan nasa pangkasalukuyang kilos
ang pagpapahayag ng mithiin. Nararapat ding ito ay mga bagay na kaya mong gawin.
Ang lahat ng mithiin ay dapat isinasakatuparan.
Uri ng Mithiin
1. Pangmadaliang Mithiin (short-term goal) ay maaaring makamit sa loob ng isang
araw, isang lingo, o ilang buwan lamang.
* Ang kakailanganing mithiin ay espesyal na uri ng pangmadaliang mithiin dahil
ito ay pantulong sa pagkamit ng pangmatagalang mithiin.
2. Pangmatagalang Mithiin (long-term goal) ay maaaring makamit sa loob ng isang
semester, isang taon, limang taon o sampung taon.
Mga Personal na Slik na Kilangan Paunlarin Kaugnay sa Pagplano ng Kursong
Akdemiko, Teknikal-Bokasyonal o Negosyo
Bago pa man tingnan ang trabahong maging in-demand anim hanggang
sampung taon mula sa kasalukuyan, nararapat na pag-aralan at suriin munang mabuti
ang sariling mga kakayanan, interes o hilig, pagpapahalaga at ang mga mithiin.
Mahalaga sa pagpili ng akmang karera o negosyo ang pagkilala sa sariling
kakayahan, interes o hilig, pagpapahalaga at mithiin. Ang pagkakaroon ng malinaw na
pagkikilala ng mga ito ay nakatutulong upang magkaroon ng sapat na paghahanda o
pagpaplano upang maabot ang pinapangarap na karera o Negosyo balang araw.

Kahalagahan ng Pag-aaral Bilang Paghahanda sa Pagnenegosyo at


Paghahanapbuhay
Ano ang mangyayari sa kinabukasan mo kung hindi ka mag-aaral? Paano
nalang ang pangarap mong maging abogado, guro, doctor o matagumpay na
negosyante kung sa hayskul ay tinatamad ka?
Malaki ang kaugnayan ng kasanayan at natapos na pormal na edukasyon sa
pagtatagumpay sa mercado ng paggawa. Ang taong may higit na mataas na
kasanayan sa pamamagitan ng pormal na edukasyon – akademiko o teknikal-
bokasyonal, o sa kaugnay na karanasan sa hanapbuhay ay higit na matagumpay sa
mercado ng paggawa. Mahalaga rin ang edukasyon sa pagpapanatili ng trabaho. Higit
na mataas ang kawalan ng trabaho sa mga mas kakaunti ang kasanayan o pormal na
edukasyon.

Career Plan - Isang sistematikong proseso sa pagpaplano ng karera na tumutugma


sa indibidwal na kakayahan at layunin na may pagkakataon para sa kanilang
katuparan.
Mga Hakbang sa Paggawa ng Career Plan
1. Tukuyin ang iyong mithiin at ang iyong layunin
2. Suriin ang iyong mga kasalukuyang kasanayan
3. Pagninilayan ang mga napagtagumpayan
4. Isipin kung ano ang gusto at ayaw mo
5. Kilalalnin kung sino ang makakatulong sa iyo sa pagkamit ng iyong mithiin.
6. Maghanap ng mga pagsasanayan sa mga pagkakataon sa pag-unlad
7. Kumuha ng isang tagapagturo/ o coach upang suportahan ang iyong plano
8. Suriing muli at i-update ang iyong plano bawat taon

Mga Gawaing Pampagkatuto

A. GAWAIN 1: Tukoy na Kita!


Panuto: Basahin ang pag-uusap ng mga kabataan sa larawan at sagutin ang
sumusunod na katanungan sa ibaba.
Mga Gabay na Tanong:
1. Anu-ano ang mga motibasyon o dahilan ng bawat mag-aaral sa pagpili nila ng
kurso o negosyong tatahakin? Itala ang mga salik na nabanggit batay sa pag-uusap
ng mga mag-aaral
Mag-aaral D : Halimbawa: Hilig o Interes
Mag-aaral C: ______________________
Mag-aaral B: ______________________
Mag-aaral A: ______________________
2. Nakaiimpluwensya ba ang mga kakayahan, kahinaan, pagpapahalaga at hilig o
interes sa iyong pagkakamit ng mga mithiin sa buhay? Ipaliwanag.
3. Ikaw, ano ang pinapangarap mong karera o negosyo balang araw?
4. Naaayon ba ito sa iyong mga mithiin? Pangatuwiran.
5. Ano-ano ang mga naging batayan mo sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal
bokasyonal, negosyo o hanapbuhay? Ipaliwanag.

B. GAWAIN 2: Pangarap, Kayang Abutin!

Panuto: Basahin ang anekdota hinggil sa taong naging matagumpay sa kanyang


trabaho o negosyo at sagutin ang mga gabay na katanungan upang lubos na
maunawaan kung paano siya naging matagumpay sa kanyang buhay.

Si Diosdado Banatao ay anak ng isang magsasaka sa Cagayan Valley. Noon,


tinitiis niyang maglakad ng nakayapak patungo sa paaralan araw-araw para lamang
makatapos ng elementarya at haiskul. Dahil sa janyang pagnanais na makatapos ng
kolehiyo nagtungo siya sa Maynila upang mag-aral ng electrical engineering at
nakatapos naman na cum laude dahil sa likas na talino, sipag at pagtitiyaga.

Dahil sa kanyang kahusayan sa pag-aral, siya ay agad nakapagtrabaho bilang


nagsasanay na piloto sa Philippine Airlines. Ito ang naging daan upang magkatrabaho
siya sa Boing Co. bilang design engineer sa Amerika. Doon, nagtapos siya ng
Master’s Degree sa Electrical Engineering at Computer Science sa Stanford
University.
Sa kanyang pagtratrabaho sa mga pinakamahusay na technology campanies
sa America, nagkaroon si Banatao ng pagkakataong idisenyo ang kauna-unahang
single-chip 16-bit microprocessor-based calculator. Noong 1981, ang Ethernet ay
naghahanap ng computers at si Diosdado ang itinalaga ng Seeq Technology para
gawin ito. Si Diosdado Banatao ang gumawa ng single-chip controller na nagbigay ng
data-link control at transreceiver para sa 10-Mbit Ethernet CMOS.

Itinatag ni Diosdado Banatao ang kanyang unang kumpanyang Monstroni


noong 1985 sa kapital na $500,000. Wala pang isang taon ay kumita na ang kanyang
kumpanya ng
$12 million. Noong 1996, ibinenta ni Diosdado ang Chips and Technologies Co. sa
Intel sa halagang $430 million.

Hindi nalimutan ni Diosdado ang bayang tinubuan. Ang Banatao Filipino


American Foundation ay nagbibigay ng engineering scholarship sa mga Pilipinong
mag-aaral ng Northern California. Ang paaralang elementarya sa Cagayan Valley ang
tanging paaralan sa rehiyon na may pinakamodernong computer system.

Mga Gabay naTanong:


1. Anu-ano ang mga personal na salik ang pinaunlad ni Diosdado Banatao upang
maging matagumpay sa kanyang trabaho at Negosyo?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. Paano nakakatulong ang pagpaunlad ng mga personal na salik na ito sa kanyang
tagumpay?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
3. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral sa kanyang paghanda para sa kanyang buhay?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
4. Ano ang kailangan mong linangin o paunlarin sa iyong sarili upang maging
matagumpay ka sa iyong napiling karera o Negosyo?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
5. Paano makakatulong sa iyong pagtatagumpay sa napiling kursong akademiko o
teknikal bokasyonal, negosyo o hanapbuhay ang paglinang at pagpapaunlad ng mga
salik na kailangan mo paunlarin?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

C. KAYANG KAYA KITANG BUUIN!


Panuto: Gawin ang Crossword Puzzle sa pamamagitan ng pagbuo ng mga salita mula
sa mga pahayag na makikita sa ibaba nito.

1. P
2. K 6. M
3. C R E
P
4. S R A H

A
H N
7. H
L 5. E G E R

8. T A
A G
Pababa:

1. Siya ang naging dahilan upang ang isang bagay o ideya ay maging kanais-nais,
kaiga-igaya, kahanga-hanga o kapaki-pakinabang. Nagsilbi itong motibo upang piliin
ang isang hakbang o pasya (Hall, 1973)

2. “Intellectual power” o kalakasan upang makagawa ng pambihirang bagay tulad sa


musika o sining. Ito ay taglay ng tao dahil na rin sa kanyang kakayahang mag-isip.
6. Ang pinaka tunguhin o pinakapakay na iyong nais marating sa hinaharap.
7. Preperensya sa particular na uri ng gawain. Ito ay naggaganyak sa iyo na kumilos o
gumawa

Pahalang:

3. Ang _________ plan ay sistematikong proseso sa pagpaplano ng karera na


tumutugma sa indibidwal na kakayahan at layunin na may pagkakataon para sa
kanilang katuparan.

4 . Pamantayan sa pagtakda ng mithiin


5. Halimbawa ng highly-skilled worker
8. Ang iyong mithiin ay ______ kung nakakasiguro ka kung ano ang nais
mong mangyari sa iyong buhay

D. GAWAIN 4: Ako, Sa Hinaharap


Panuto: Sagutan ang Äko, Sampung Taon Mula Ngayon,” sa pamamagitan ng
pagsususlat ng sagot sa mga tanong sa loob ng kahon. Maging tapat sa sarili sa
inyong paglalarawan ng iniisip at ninanais sa sarili sampung taon mula ngayon.
Ako, Sampung Taon Mula Ngayon

Ang Aking Trabaho


(Anu-ano ang aking mga gawain? Saana ko nagtratrabaho? Sino-sino ang mga katrabaho
ko? Ako ba ay nasa opisina o lumalabas ng opisina? Ano ang kalagayan sa aking
pinagtratrabahoan? Ginagamit ko ba ang aking kasanayan sa paggamit ng laks, isip, o mga
talent?)
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Ang Aking Natapos na Pag-aaral


(Mayroon ba akong titulo sa kolehiyo? Ako ba ay nagpapatuloy sap ag-aaral? Ako ba ay
may karagdagang mga pagsasanay? May mga karagdagan ba akong kasanayan bukod sa
kinakailangan sa aking trabaho? Natupad ko ba ang aking mithiin sap ag-aaral?)
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Ang Aking Oras sa Paglilibang
(Ano ang kinahiligan kong mga gawain? Mayroon ba akong kasanayang natutunan para sa
paglilibang? May natamo na ba akong ninananis na gawin na dati-rati ay wala akong
panahong gawin? Ako ba ay nagbibiyahe sa ibang bansa o sa ibang lugar sa bansa? Ang
akin bang tirahan ay may impluwensiya sa uri ng aking paglilibang? Mayroon ba akong
panahon sa sa sarili? Ako baý nakapagbabasa pa ng mga aklat?)
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Ang Aking Pakikipagkapwa


( Paano ako makisama sa ibang tao? May sarili na ba akong pamilya? Ako ba ay isa nang
potensyal na lider? Nagustohan baa ko ng mga tao? Marami ba akong kaibigan o iilan
lamang? Marunong na ba akong lumutas ng mga alitan o suliranin sa ugnayan? Guso ko
ba nag makihalubilo sa ibang tao? Mas gusto ko ba ang napag-iisa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Mga Gabay na Tanong:


1. Pagkatapos ong sagutan ang Gawain 3, ano ang natuklasan mo sa iyong sarili?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. Ihambing ang nais mong maging sampung taon mula ngayon sa kung ano ka
ngayon.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, possible bang maging katotohanan ang sariling inilarawan mo sa
Ako, Sampung Taon Mula Ngayon? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot at bilugan ito.
1. Isang halimbawa ng highly skilled worker ang inhinyero sapagkat…
A. siya ang nagbubuo ng mga bahagi ng produkto sa isang industriya
B. siya ang gumagawa ng balangkas at nag-iisip ng mga kailangang sangkap
at disenyo ng produkto
C. malaki ang pasahod sa kanya ng kumopanya
D. magaling siya sa Math at sa pagguhit
2. Anu-ano ang dalawang hangganan ng pagtakda ng mithiin?
A. Pangmatagalan at Panghabambuhay
B. Pangmatagalan at Pangmadalina
C. Pangmadalian at Panghabambuhay
D. Pangngayon at Pangkinabukasan
3. Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?
A. Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan
B. Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan
C. Ipagpasa Diyos ang mga itinakdang mithiin
D. Isulat ang takdang-panahon sa pagtupad ng mithiin
4. Saan sa sumusunod ang tamang pakahulugan ng pamantayang SMARTA sa
pagtakda ng mithiin?
A. S-specific, M-measurable, A-attainable, R-relevant, T-time-bound,
A-Action-oriented
B. S-specific, M-manageable, A-attainable, R-relevant, T-time-bound,
A-action-oriented
C. S-smart, M-measurable, A-attainable, R-refreshing, T-time-bound,
A-action-oriented
D. S-smart, M-measurable, A-attainable, R-relevant, T-time-bound,
A-affordable
5. Ito ang pinaka tunguhin o pinakapakay na iyong nais marating o puntahan sa
hinaharap
A. Pantasya
B. Career Plan
C. Panaginip
D. Mithiin
6. Isa sa mga hakbang sa pagtakda ng mithiin ang pagkakaroon ng tuon san ais
nating maabot, may kasiguruhan at pinag-isipan.
A. Angkop o Relevant
B. Nasusukat o Measurable
C. Tiyak o Specific
D. May itinakdang panahon o Time-bound
7. Bakit isa sa mahalagang indikasyon ng pagkaroon ng sapat na edukasyon ang
tamang pag-awit ng Lupang Hinirang?
A. Isang palatandaan ng sapat na edukasyon ang paggalang sa mga simbolo
ng Pilipinas
B. Bahagi ng pormal na edukasyon ang pagtuturo ng tamang pag-awit ng
Lupang Hinirang
C. Araw-araw inaawit sa paaralan ang pambansang awit.
D. Ang kahusayan sa pagmememorya ng kanta ay isang palatandaan ng sapat
na edukasyon
8. Ang sumsunod ay katangian ng taong may pangarap maliban sa isa.
A. Handang kumilos upang maabot ang pinapangarap.
B. Nadarama ang pangangailangang makuha ang mga pangarap.
C. Naniniwala na maging totoo ang mga pangarap at kaya niyang gawing totoo
ang mga ito
D. Wala sa nabanggit
9. Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals sa pagtakda ng
pangmatagalang mithiin?
A. Nakakatulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang
mithiin
B. Nakakatulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin
C. Napapabilis nitong makamit ang itinakdang mithiin
D. Wala sa nabanggit
10. “Mas Malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang
tinatanaw na kinabukasan.” Ano ang higit na malapit napakahulugan ng pahayag ni
Helen Keller?
A. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay
B. Mahirap maging isang bulag
C. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin
D. Hindi mabuti ang walang pangarap

Pagninilay

Panuto: Isulat sa ibaba ang iyong itinakdang mithiin at tukuyin ang mga maaaring
makakahadlang sa pagtamo nito. Pagkatapos, isulat ang mga paraan upang
malampasan mo ang mga hadlang na ito upang maabot mo ang iyong minimithi sa
buhay.
Abiva, Thelma,(1993), Learning Resource for Carer Development, Quezon City, Abiva
Human Development Services, pages 28-30
Dy Jr., Manuel B., Sheryll Gayola, Marivic Leaño, Mary Jean B. Brizuela, and Ellanore
G. Querijero. Edukasyon sa Pagpapakatao: Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City,
Philippines: Vibal Publishing House, Inc., 2013.
Esteban, Esther J. (1990), Education in Values: Why, and For Whom, Manila Sinag-
tala Publishers, Inc., pp. 72, 76, 106
Gorospe, Vilaliano R. SJ (1974), Search for Meaning: Moral Philosophy in A Philippine
Setting, Jesuit Educational Association
Santamaria, Josefina (2006), Career Planning Workbook (4th edition), Makati City,
Philippines, Career Systems, Inc., Pages 137-149
https://brainly.ph/question/2087684
https://brainly.ph/question/3724177
https://brainly.ph/question/536582
https://e-edukasyon.ph/filipino/ano-ang-ibig-sabihin-ng-pangarap-na-445876
https://learning.perpetualsuccouracademy.school/wp-
content/uploads/wpcfto_files/f09c40b31904a6183fbaea2e756101ffWEEK%20%20%2
06-7%20ESP.docx
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/15805
https://www.powtoon.com/online-presentation/bRTzmGRKaOB/esp-module-15-by-
joana-maligro/
https://www.slideshare.net/jomarienel/modyul-13-pansariling-salik-sa-pagpili-ng-
kursong-akademiko-teknikal-bokasyunal-sining-at-isports-o-negosyo
https://www.slideshare.net/manuelii/edukasyon-sa-pagpapakatao-grade-7
https://www.slideshare.net/RoselleVelasco/esp7-modyul-13-mangarap-ka
5.
Answers may vary 4.
B 5. 3.
D 5. A 4. 2.
C 4. A-Pagpapahalaga
B 3. B 3.
may vary B-Kakayahan
C 2. C 2.
D 1. Answers 1. C-Kakaayahan
1. B

Balik-Aral Subukin Gawain 3 Gawain 1

Tiyak 7.
Engineer 5.
SMARTA 4. 10. C
Career 3. 9. B
Pahalang
8. D
7. A
Hilig 8. 6. C
Mithiin 6. 5. D
Kakayahan 2. 4. A
Pagpapahalaga 1. 3. D
vary vary 2. B
Answers may Pababa Answers may 1. B
Gawain 2 Gawain 3 Crossword Puzzle Gawain 4 Tayain

Itinipon ni:
___ELENA L. RUIZ___
(Pangalan)

___Bankal National High School -JHS__


(Paaralan)

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Curriculum Implementation Division ( CID )


Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 340-7887
Email Address: deped.lapulapu@deped.gov.ph
Website: http://depedlapulapu.net.ph

You might also like