You are on page 1of 10

ARALING PANLIPUNAN 10- Ikalawang Kwarter

PANGALAN: _________________________________________________________________
Pangkat: _______GURO: _____________________________________________________

Aralin
Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo
1
Most Essential Learning Competencies:
* Nasusuri ang dahilan, dimensyon at epekto ng globalisasyon.

Ang modyul na ito ay ginawa upang ikaw ay magkaroon ng lubos na pag-unawa


sa paksa tungkol sa Globalisasyon. Pagkatapos mong basahin ang modyul na ito
inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang konsepto at lawak ng pagkaunawa ukol sa globalisasyon.
2. Nabibigyang halaga ang iba’t ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon
bilang isyung panlipunan.
3. Nasasagot ng may kawastuhan ang mga pagsasanay na susubok sa naabot
na kaalaman.

Tinalakay sa nakaraang aralin ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan.


Bago ka tumungo sa susunod na paksa ay sagutin mo ang unang pagsubok.
Bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.
1. Alin sa mga sumusunod ang naaangkop na kahulugan ng globalisasyon?
a. Malawakang pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig.
b. Patuloy na pag-uugnayan tungo sa pagbabago sa sistema ng pamamahala sa
buong mundo.
c. Mabilisang paggalaw, pag-uugnayan ng mga tao pagpapalitan ng mga
aspetong pangkabuhayan, teknolohiya at kultural sa buong daigdig.
d. Proseso ng patuloy na pagdaloy at galaw ng mga tao, bagay, impormasyon at
produkto na nararanasan sa iba’t ibang panig ng mundo.
2. Paano nakapagpapabilis sa pagkakabuo at pagsasama-sama ng mga bansa ang
globalisasyon?
a. Nagiging mabilis ang ugnayan ang mga bansa.
b. Mabilis na nakakatugon ang mga bansa sa mga banta ng magdudulot ng
kapinsalaan.
c. Napapabilis ang palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa.
d. Namamasdan ang paghihiwa-hiwalay ng mga bansa sa buong mundo.
3. Ang pag-unawa sa mga pagbabagong dulot ng globalisasyon ay hindi lamang sa
lipunang kinabibilangan ng bawat isa kundi maging sa ______ patuloy na nagbabago.
a. kapaligiran b. pamamahala c. ekonomiya d. pamumuhay
4. Ayon sa kanya, ang globalisasyon ay may tiyak na simula. Ito ay hindi isang bagong
phenomenon o pangyayari at hindi rin siklo.

a. Ritzel b. Friedman c. Thernborn d. Chanda

AP10-QRT 2-WEEK 1
ARALING PANLIPUNAN 10- Ikalawang Kwarter
2

5. Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya na nagbigay daan sa


mabilis na pagdaloy ng mga produkto, serbisyo, ideya, teknolohiya at iba pa sa
pangunguna ng United States.
a. World War I b. Cold War c. Post-Cold War d. Post World War II

DUGTONG DIWA

Panuto: Sa bawat kahon sa ibaba, dugtungan ang mga pahayag.

Ang pagiging handa sa oras ng kalamidad ay


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
_______________

Sa paghahanda sa kalamidad, isang mabisang paraan ay


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
________________

Bilang isang mag-aaral at kabahagi ng lipunan, ako ay tutulong sa ating


pamahalaan kaugnay sa mga kalamidad sa pamamagitan ng
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
________________

Matutunghayan mo naman sa modyul na ito ang mga


kaisipang ukol sa globalisayon bilang isyung panlipunan,
partikular ang mga konsepto tungkol sa pinagmulan nito.
Susuriin din dito ang mga pananaw at isyung pang-
globalisasyon na kaakibat ang implikasyon nito sa pamumuhay
ng mga Pilipino. Hangarin sa modyul na ito na maunawaan mo
ang mga hamon at tugon sa mga isyung tungo sa pagpapabuti
ng kalidad ng pamumuhay. Makatutulong ang pag-unawa sa
Sanggunian: ritiriwaz.com
pagpapanatili ng dignidad ng buhay ng isang indibiduwal.

Halina, ito’y atin ng alamin.

AP10-QRT 2-WEEK 1
ARALING PANLIPUNAN 10- Ikalawang Kwarter
3

Aralin 1: Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo

Ang mga pagbabago ay patuloy na nagaganap sa


ating kapaligiran, maging sa takbo ng lipunang ating
kinabibilangan. Ang ganitong kaganapan ay ang tinatawag
na globalisasyon.

Mga pahayag ng mga kilalang manunulat at


sosyologo ukol sa globalisasyon na kinapapalooban ng
Sanggunian: wallyboston.com limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at
simula ng globalisasyon

•Ritzer,( 2011)-“Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw


ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na
nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.”
• Thomas Friedman,(2005). Sa kanyang aklat na pinamagatang The World is Flat,
na nailathala noong 2006, kanyang ipinahayag na “Ang globalisasyon sa
kasalukuyan ay higit na malawak, mabilis, mura, at malalim.”

Nang dahil dito higit na napapabilis ang ugnayan ng mga tao sa isa’t isa. Sa
tulong nito napapabilis ang teknolohiya at impormasyon, kabilang na dito ang
pamumuhunan at kalakalang panloob at panlabas.

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nangyayari ito, may mga


pangyayaring nakakapagpabagal nito. Ang terorismo, na isang hamong pandaigdig,
dahil sa mabilisang ugnayan at migrasyon ng mga tao sa ibat’ ibang panig ng
daigdig, ito’y mabilis ding nagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian, at
institusyong panlipunan.

Mabilis din namang natugunan ang suliraning ito dulot ng palitang


impormasyon at kolaborasyon ng mga bansa na naging dahilan ng pagkabuo ng
mahihigpit na polisiya at patakaran ukol sa migrasyon.

Anu-ano ang limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng


globalisasyon?

UNA Paniniwalang ang “globalisasyon ay nakaugat na sa bawat isa.


Ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maayos
na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng
pananampalataya, mandigma’t manakop at maging adbenturero o manlalakbay.

PANGALAWA Ito ay nagsasabi na ang globalisasyon ay isang mahabang siklo


(cycle) ng pagbabago. Ayon kay Scholte (2000-2005), maraming globalisasyon na ang
dumaan sa mga nagdaang panahon at ang kasalukuyan o makabagong globalisasyon
ay higit na mataas ang anyo na maaaring magtapos sa hinaharap. Mahirap tukuyin
ang panahon kung kailan nagsimula ang globalisasyon kaya’t higit na mahalagang
tingnan ang iba’t ibang siklong pinagdaanan nito

PANGATLO Pinaniniwalaang may anim na “wave” o epoch o panahon na


binigyang diin ni Thernborn (2005). Para sa kanya, may tiyak na simula ang
globalisasyon.

Sa talahanayan, ang globalisasyon ay hindi isang bagong phenomenon o pangyayari


at hindi rin siklo. Ito’y makikita sa tahanayan na ito…

AP10-QRT 2-WEEK 1
ARALING PANLIPUNAN 10- Ikalawang Kwarter
4

Panahon Katangian
Ika-4 hanggang ika-5 siglo Globalisasyon ng Relihiyon
(Pangkat ng Islam at Kristiyano)
Huling bahagi ng ika-15 siglo Pananakop ng mga Europeo
(late 15th century)
Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa
unang bahagi ng ika-19 na siglo Europa na nagbigay daan sa
(late18th-early 19th century) globalisasyon
Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo Rurok ng imperyalismong Kanluranin
hanggang 1918
Post-World War II Pagkakahati ng daigdig sa dalawang
puwersang ideolohikal partikular ang
komunismo at kapitalismo
Post-Cold War Pananaig ng kapitalismo bilang
sistemang pang-ekonomiya. Nagbigay
daan sa mabilis na pagdaloy ng mga
produkto, serbisyo, ideya, teknolohiya at
iba pa sa pangunmguna ng United
States.
Talahanayan na nagpapakita ng anim na panahon o epoch ng globalisasyon (Therborn,
2005)

IKAAPAT Ito ay hawig ng ikatlong pananaw na ang simula ng globalisasyon ay


mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan. Tinatayang
nagsimula ang globalisasyon noong…

>1956- kalagitnaan ng ika-20 siglo ng unang ginamit ang telepono at nang lumapag
ang ‘transatlantic passenger jet’ mula New York hanggang London.

>1966- nang lumabas ang unang larawan ng daigdig gamit ang satellite

>2001- nang pabagsakin ng mga terorista ang Twin Towers sa New York

Ang mga pangyayaring ito ay gumising sa marami na kailangan ang higit na pag-
aaral sa isang global na daigdig.

IKALIMA Nagsasaad dito na ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa


kalagitnaan ng ika-20 siglo. Sa panahong ito, sinasabing ito’y may tuwirang
kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon, ang sumusunod ay ang tatlong
pagbabagong naganap:

1. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang


Digmaang Pandaigdig
2. Paglitaw ng mga multinational (MNcs) at transnational corporations (TNCs)
3. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War

AP10-QRT 2-WEEK 1
ARALING PANLIPUNAN 10- Ikalawang Kwarter
5

Gawain A: GLOBALISAYON- Letra ko-Dugtungan mo

Panuto: Tukuyin ang nais palutanging kaisipan mula sa pagtatala ng mga


salita mula sa mga letrang bumubuo sa globalisasyon.
G- ___________
L- ___________
O- ___________ Pamprosesong tanong:
B- ___________
A- ___________ 1. Ano ang salitang globalisasyon para saiyo?
L- ___________ 2. Buhat sa mga nabuong salita sa bawat letra ng
globalisasyon, anong kaisipan ang nais mong
I- ___________
ipahiwatig?
S- ___________
3. Naniniwala ka bang matagal ng may
A- ___________
globalisasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.
S- ___________
Y- ___________
O- ___________
N- ___________

Gawain B: Tukoy-Kasaysayan

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang buhat sa kahon ng


pamimilian.

a. Ika-4 hanggang ika-5 siglo d. Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo


hanggang 1918
b. Huling bahagi ng ika-15 siglo e. Huling bahagi ng ika-18 hanggang
ika-19 na siglo
c. Post World War I f. Post World War II

____1. Pananakop ng mga Europeo


____2. Rurok ng imperyalismong Kanluranin
____3. Pagkakahati ng daigdig sa dalawang pwersang ideolohikal particular ang
komunismo at kapitalismo
____4. Globalisasyon ng Relihiyon (Pangkat ng Islam at Kristiyano)
____5. Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay daan sa
globalisasyon.

AP10-QRT 2-WEEK 1
ARALING PANLIPUNAN 10- Ikalawang Kwarter
6

Pamprosesong tanong:
1. Sa limang perspektibo o pananaw, alin sa palagay mo ang may mas
malinaw na pahayag ukol sa pinagmulan ng globalisasyon?
2. Sa pangatlong perspektibo, ang pahayag ba ni Therborn na may
maliwanag na basehan? Ipaliwanag ang sagot.
3. Sa mga ipinahayag na perspektibo, alin sa mga ito ang halos magkatulad
ng paliwanag. Pangatwiranan ang iyong sagot.

Gawain C: Global-Parehula

Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang at piliin sa kanang bahagi ang
angkop at tamang sagot kung kaninong pahayag nagmula
ang nasa hanay ng pamimilian. Isulat ang sagot sa patlang. - Ritzel
1. Ang globalisasyon ay proseso ng mabisang pagdaloy o - Friedman
paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto - Chanda
sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang - Scholte
panig ng daigdig. _____________________________________ - Thernborn
- Thorndike
2. Ayon sa kaniya, ang globalisasyon ay may tiyak na
simula. Ito ay hindi isang bagong phenomenon o
pangyayari at hindi rin siklo. __________________________
3. Para sa kaniya, ang globalisasyon sa kasalukuyan ay higit na malawak,
mabilis, mura, at malalim. __________________________
4. Binanggit niya na ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng
pagbabago, mga panahong maaaring magtapos sa hinaharap. Mahirap
tukuyin ang panahon kung kailan nagsimula ang globalisasyon kaya’t
higit na mahalagang tingnan ang iba’t ibang siklong pinagdaanan nito.
________________
5. Binigyang diin nya na ang globalisasyon ay nakaugat na sa bawat isa. Ito
ay manipestasyon ng paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na
nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng
pananampalataya, mandigma’t manakop at maging adbenturero o
manlalakbay. __________________________

Pamprosesong tanong:
1. Sa paanong paraan nakaaapekto ang globalisasyon sa tao at sa
bansang kaniyang kinabibilangan?
2. Lahat ba ng mga pakahulugan ng mga sosyologo ay
kapanipaniwala? Pangatwiranan.
3. Magkakatulad ba ang mga pahayag ng mga sosyologo ukol sa
globalisasyon? Ipaliwanag.

AP10-QRT 2-WEEK 1
ARALING PANLIPUNAN 10- Ikalawang Kwarter
7

1. Ang globalisasyon ay proseso ng mabisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao,


bagay, produkto at serbisyo, gayun din ang mga impormasyon at teknolohiya
sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
2. Ang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan ang itinuturing na simula
ng globalisasyon, na ipinaliwanag sa limang perspektibo o pananaw.
3. Sa mga kaisipang natutunan ukol sa globalisasyon, na kung may positibong
dulot ang globalisasyon, mayroon din namang nagpapabagal tulad ng
terorismo. Ngunit mabilis din namang natutugunan ang suliraning ito ng mga
bansa sa pamamagitan ng mga impormasyon at kolaborasyon ng bawat isa.
Magaling! Nagawa mo ng buong husay ang inihandang gawain. Ngayon, subukan
mo namang sagutan ang mga sumusunod na pagsubok.

GAWAIN D: Venn Diagram

Panuto: Isulat sa loob ng venn diagram ang pagkaunawa mo sa araling ating pinag-
aralan, mga perspektibo at pananaw ng pinagmulan ng globalisasyon at ang
kinalaman nito sa pamumuhay ng tao.

GLOBALISASYON

POSITIBONG NEGATIBONG DULOT


DULOT

Pamprosesong tanong:
1. Alin sa mga tinalakay na perspektibo ukol sa globalisasyon ang higit na
paniniwalaan mo? Ipaliwanag.
2. Anong epekto ang dulot ng globalisasyon sa mga isyung panlipunan sa
atin at sa iba pang bansa sa buong mundo?

AP10-QRT 2-WEEK 1
ARALING PANLIPUNAN 10- Ikalawang Kwarter
8

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.
___1. Alin sa mga sumusunod ang naaangkop na kahulugan ng globalisasyon?
a. Malawakang pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig.
b. Patuloy na pag-uugnayan tungo sa pagbabago sa sistema ng pamamahala sa
buong mundo.
c. Mabilisang paggalaw, pag-uugnayan ng mga tao pagpapalitan ng mga
aspetong pangkabuhayan, teknolohiya at kultural sa buong daigdig.
d. Proseso ng patuloy na pagdaloy at galaw ng mga tao, bagay, impormasyon at
produkto na nararanasan sa iba’t ibang panig ng mundo.
___2. Pagkakahati ng daigdig sa dalawang pwersang ideolohikal partikular ang
komunismo at kapitalismo.
a. World War I b. Cold War c. Post-Cold War d. Post World War II
___3. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
a. Ekonomikal b. Teknolohikal c. Sosyo-kultural d. Sikolohikal
___4. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa
kasalukuyan?
a. Globalisasyon b. Migrasyon c. Ekonomiya d. Paggawa
___5. Sa limang perspektibo ng globalisasyon, pang-ilan ang nagsasabi na ang
globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago sa mga nagdaang
panahon at sa kasalukuyan o makabagong globalisasyon na higit na mataas ang anyo
na maaaring magtapos sa hinaharap.
a. Una b. Pangalawa c. Pang-apat d. Panglima
___6. Ayon sa kaniya, ang globalisasyon ay may tiyak na simula. Ito ay hindi isang
bagong phenomenon o pangyayari at hindi rin siklo.
a. Ritzel b. Friedman c. Thernborn d. Chanda
___7. Alin sa mga pananaw ng globalisasyon ang kahawig ng ikatlong perspektibo na
nagpapaliwanag ng magkapareho o magkahawig na pahayag ukol sa globalisasyon?
a. Una b. Ikaapat c. Ikalawa d. Ikalima
___8. Sa limang perspektibo, alin ang nagpahayag na posibleng nagmula ang
globalisasyon sa kalagitnaan ng ika-20 siglo ng unang ginamit ang telepono.
a. Una b. Ikalawa c. Ikatlo d. Ikaapat
___9. Alin sa mga sumusunod ang tinatayang nagpapabagal ng globalisasyon?
a. COVID 19 b. Terorismo c. Climate Change d. Kahirapan
___10. Ang pag-unawa sa mga pagbabagong dulot ng globalisasyon ay hindi lamang sa
lipunang kinabibilangan ng bawat isa kundi maging sa ______ patuloy na nagbabago.
a. kapaligiran b. pamamahala c. ekonomiya d. pamumuhay

AP10-QRT 2-WEEK 1
ARALING PANLIPUNAN 10- Ikalawang Kwarter
9

GAWAIN E: Desisyong Pangkaisipan

Panuto: Suriin ang artikulo tungkol sa kaisipang ukol sa globalisasyon.


Sagutin ang mga tanong.

Globalisasyon—Ang mga Inaasam at mga Pinangangambahan

NOONG Disyembre 1999, ang pulong ng World Trade Organization na


ginanap sa Seattle, E.U.A., ay ginambala ng isang kaguluhan. Gumamit ang mga
pulis ng tear gas, gomang bala, at pepper spray upang maisauli ang kapayapaan.
Sa wakas, naaresto nila ang daan-daang nagprotesta.

Ano ang nag-udyok sa kaguluhang ito sa Seattle? Ang buong talaan ng


mga problema tungkol sa kasiguruhan sa trabaho, kapaligiran, at kawalang-
katarungan sa lipunan. Gayunman, sa simpleng pananalita, ipinangangamba ng
mga nagprotesta ang globalisasyon—ang epekto nito sa mga tao at sa planeta.
Mangyari pa, hindi naman itinuturing ng lahat na isang banta ang globalisasyon.
Samantalang hinahatulan ito ng ilan bilang ugat ng mga problema sa daigdig,
ipinagbubunyi naman ito ng iba bilang lunas sa karamihan ng mga problema sa
daigdig. Totoo, ang patuloy na debateng ito ay waring walang epekto para sa
karamihan sa sangkatauhan, na marami sa kanila ay may malabong ideya
tungkol sa globalisasyon. Subalit anuman ang iyong pangmalas, nakaaapekto na
sa iyo ang globalisasyon, at malamang na makaapekto pa nga ito sa iyo nang higit
sa hinaharap.

Mga Inaasam Para sa Mas Maunlad na Daigdig

“Pinagyaman [ng globalisasyon] ang daigdig sa larangan ng siyensiya at


kultura at nagbigay rin ng pakinabang sa maraming tao ukol sa kabuhayan,” ang
sabi ng nagwagi ng Nobel Prize sa ekonomiks na si Amartya Sen. Sinabi rin ng
Human Development Report 1999 na ang globalisasyon ay “naghaharap ng
pagkalalaking posibilidad na maalis ang karukhaan sa ika-21 siglo.” Ang dahilan
sa optimismo na ito ay ang nakagugulat na pag-unlad na idinulot ng
globalisasyon. Iginigiit ni Thomas L. Friedman, sa kaniyang aklat na The Lexus
and the Olive Tree, na “higit na hinihimok [ng globalisasyon] na huwag
makipagdigma at pinatataas nito ang gastusin sa pakikipagdigma sa mas
maraming paraan kaysa sa anumang naunang kapanahunan sa makabagong
kasaysayan.” Isang potensiyal din ang higit na pagtutulungan ng mga tao para sa
pagsulong ng pagkakaisa sa mundo. Ang pamamaraang ito na nagsasangkot ng
pangkaraniwang mga tao ay pinapurihan bilang “isang bagong paraan ng
pagsasagawa ng internasyonal na diplomasya, kung saan magkasamang
nagtutulungan ang mga gobyerno at pangkaraniwang mga mamamayan upang
lutasin ang mga krisis ng mga tao sa mundo.”

AP10-QRT 2-WEEK 1
ARALING PANLIPUNAN 10- Ikalawang Kwarter
10

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102002361

Pamprosesong tanong:
1. Sa iyong sariling pananaw, ang globalisasyon ba ay magdudulot ng magandang
pag-asa o ito’y maghahatid lamang ng pangamba sa hinaharap lalo na sa
kasalukuyang nararanasang pandemiya? Pangatwiranan ang iyong sagot sa
pamamagitang pagbibigay ng 3 mahahalagang sitwasyon na sa tingin mo ay
nakaapekto sa iyo, sa iyong pamilya, komunidad na ginagalawan at sa buong
bansa.

2. Sa paanong paraan nakaapekto ang globalisasyon sa mga sumusunod?


a. Paghubog ng pagkatao
b. Kultura
c. Ekomomiya
d. Komunikasyon
e. Politika
f. Pananampalataya

AP10-QRT 2-WEEK 1

You might also like