You are on page 1of 1

Hazel Ann T.

Beltran 9-Amethyst ESP

SINDAK 1941 REACTION PAPER


Hango ang Sindak 1941 sa totoong pangyayari sa Pilipinas noong World War
II under Japanese Regime. Ang kuwento ay tungkol sa magkakapatid na sina
Felipe at Nestor, at ang kanilang pagmamahal sa kanilang minamahal na sina
Sofia and Emilia, respectively.

Nagsimula ang kwento sa pagkakaiba ng magkapatid, si Nestor ay mas


matagumpay sa paaralan, at sa kalaunan ay ginamit niya ang lahat ng mga
bagay na natutunan niya sa paaralan upang magsimula ng isang matagumpay
na negosyo sa paggawa ng sapatos. Sa kabilang banda, ang kanyang kuya na
si Felipe ay nagtapos sa pag-aararo ng mga bukid. Kalaunan ay mapagtanto
nila ang epekto ng giyera na ang bawat isa ay biktima, at hindi nito
pinipigilan ang sinuman.

Mapapakita din ang katatagan at katapangan ng mga Pilipino at ang iba pang
pangyayari sa kasaysayan na hindi pa lubos pinag-aaralan sa mga iskwelahan
katulad ng eskandalo ng pagbalik sa Pilipinas ni General Douglas MacArthur
at ang pagbuo ng HUKBALAHAP.

Para sa akin mahusay ang pagkakalahad ng Philippine Stagers Foundation sa


dulang ito dahil naipakita nila ang mga pangyayari at mga pagdurusa noon ng
mga Pilipino noong World War II sa kamay ng mga Hapon. Naakaengganyo
ito dahil ito ay musikal at nadala ng mga aktor at aktres ang kanilang mga
gampanin ng maayos at nagmumukhang totoo. Maganda din na hinde
masyadong matagal ang pagpalit ng scene kaya di ito nakakainip dahil
pagtapos ay may susunod agad o kaya ay may kakanta at sasayaw.

Sadyang kaabang abang ang mga dula ng Philippine Stagers Foundation kaya
ito ay sumisikat at hinde lamang ito basta bastang inaakto dahil bukod na sa
maeengganyo ka ay marami ka pang matututunan. Dapat ito ay pinapanood
tiyak ay hinde magsisisi.

You might also like