You are on page 1of 17

PINAL NA PAPEL SA KURSONG RIZAL

NOLI ME TANGERE AT

EL FILIBUSTERISMO

Tauhan: Juanito Pelaez (El Filibusterismo)

Ipinasa ni: Donna Elaine Ordoñez – ECO11

Ipapasa kay: Sir Bernard Fuentes Esternon

Kursong Rizal, 2nd Semester AY 2020-2021


NOLI ME TANGERE / EL FILIBUSTERISMO

o TAUHAN: JUANITO PELAEZ (EL FILIBUSTERISMO)

o IPAKILALA

Si Juanito Pelaez ay ipinakilala sa El Filibusterismo bilang isang mag-aaral na

may komportableng kalagayan ng pamumuhay. Isa siyang indiyo na may dugong

mestizo sapagkat ang kanyang amang si Don Timoteo Pelaez ay isang kastila. Kilala

ang kanyang ama bilang isang negosyante. Sa kabila ng pagiging mayaman at

areglado sa buhay, si Juanito ay tamad mag aral mula sa Unibersidad ng Santo

Tomas o University of Santo Tomas (UST). Sa katunayan, madalas ay umaasa

lamang ito sa pangongopya at dikta ng kamag-aral na si Placido Penitente sa tuwing

magkakaroon ng pagsusulit at tatanungin ng guro. Ang kanyang pisikal na anyo ay

sadyang pang karaniwan at mabiro kahit kanino man. Mahilig din siyang magtago

kaya naman ang kanyang likod ay nagmistulang kuba. Mayroong siyang

kayabangang taglay sa nobelang ito. Bagamat may naunang maging kasintahan

si Paulita Gomez, siya pa rin ang pinakasalan at nakatuluyan ng dalaga sa wakas ng

nobela.

o MGA KABANATA

Ang mga kabanata na kinapabibilangan o binanggit si Juanito Pelaez sa El

Filibusterismo ay ang mga sumusunod; Kabanata 12, 13, 14, 16, 17, 19, 21, 22, 24,

25, 26, 32, 34, 35, at 37. Aking ilalahad sa mga susunod na pahina ang titulo ng bawat

kabanata kabilang na lengwahe nito sa orihinal na Espanyol, wikang Filipino, at


wikang Ingles, pati na rin ang mahahalagang kaganapan ni Juanito sa kabanatang

iyon at ang aral na aking natutunan.

o TITULO NG MGA KABANATA

KABANATA 12

o ORIHINAL NA ESPANYOL: Placido Penitente

o FILIPINO: Placido Penitente

o INGLES: Placido Penitente

MAHALAGANG KAGANAPAN NI JUANITO PELAEZ SA KABANATA 12:

Si Juanito Pelaez ay unang ipinakita sa tarangkahan ng Sto. Domingo. Nagulat si

Placido nang makapasok siya sa Magallanes (dating Sto. Domingo) at siya’y tapikin ni

Juanito Palaez sa balikat. Si Palaez ay mapaghangin at paborito ng kaniyang mga guro

sa Unibersidad ng Santo Tomas. Siya ay anak ng mestisong kastila na mayaman, ngunit

siya ay may pagkakuba. Kinamusta ni Juanito ang bakasyon ni Placido. Pagkatapos ay

ibinalita ni Juanito ang pagbabakasyon niya sa Tiyani kasama si Padre Camorra.

Kinuwento niya na nangharana raw sila ng magagandang babae at wala raw silang bahay

na hindi napanhik. May ibinulong din si Juanito kay Placido na pang-iinsulto kay Huli, na

katipan ni Basilio. Nagtanong si Juanito kay Placido tungkol sa kanilang leksyon dahil

noong araw lamang na iyon ang unang pagpasok niya. Niyaya rin ni Pelaez si Penitente

na maglakwatsa, ngunit tumutol ito. Nang naglakad pa sila ay nanghingi ng abuloy si

Juanito para raw sa monumento ni Padre Baltazar. Sinubukan niya ring mangolekta ng

pera para sa kaarawan ng kanilang propesor sa kasaysayan. Lumipas ang ilang saglit ay
dumating sina Donya Victorina at Paulita Gomez. Inalis ni Juanito Pelaez and kanyang

sombrero at yumuko bilang respeto. Nginitian naman siya ni Donya Victorina.

ARAL SA KABANATA 12:

Bukod sa aral na ang pamahalaan ay minsang naging abusado at sakim sa

kapangyarihan noong panahon ng kastila dahil sa pagtutol nila sa pagkatuto ng mga tao,

natutunan ko rin na nararapat lamang na bilang estudyante ay huwag tayo maging tamad

dahil hindi lahat ay mayroong kakayahan na makapag-aral. Bukod pa rito natutunan ko

rin na lahat tayo ay mayroong pinagdadaanan kung kaya’t nararapat na kamustahin natin

ang kalagayan ng ating kapwa maging maingat tayo sa ating pakikitungo sa kanila.

KABANATA 13

o ORIHINAL NA ESPANYOL: La Clase de Fisica

o FILIPINO: Ang Klase sa Pisika

o INGLES: The Class in Physics

MAHALAGANG KAGANAPAN NI JUANITO PELAEZ SA KABANATA 13:

Pumasok si Juanito Pelaez sa klase sa Pisika ni Padre Millon. Tinanong ni Padre

Millon, ang tanyag na maestro sa Pisika, ang isang estudyanteng antukin at sinagot nito

ang sinaulong leksyon. Binulungan siya ni Pelaez ng maling sagot at sinunod naman nito.

Tinawag ng guro si Pelaez at nagpabulong ito ng sagot kay Placido. Sa kakatapak ni

Juanito sap aa ni Placito ay napasigaw ito kaya siya tuloy ang napagbalingan ng inis ng

guro at tinanong. Utal-utal siyang sumagot at nagalit si Padre Millon at binigyan siya ng

mababang marka kasabay ng panlalait at mura mula sa pari. Dahil rito, nainis si Placido

at biglaang umalis sa klase na ikinagulat ng lahat.


ARAL SA KABANATA 13:

Mayroon mga pagkakataon na lumalabis na ang pagdidisiplina sa iba na kahit pa

maganda ang iyong intensyon, kung hindi naman maganda ang pamamaraan ng

pagdidisiplina ay wala rin itong bisa.

KABANATA 14

o ORIHINAL NA ESPANYOL: En la Casa de los Estudiantes

o FILIPINO: Sa Bahay ng mga Mag-aaral

o INGLES: In the House of the Students

MAHALAGANG KAGANAPAN NI JUANITO PELAEZ SA KABANATA 14:

Si Juanito Pelaez ay kabilang sa mga inanyayahan at dumalo sa pagpupulong sa

bahay na tinutuluyan ng mga mag-aaral nap ag-aari ni Makaraig. Pinagusapan nila ang

tungkol sa kilusan para sa nais nilang Akademya sa wikang Kastila. Nagboluntaryo si

Juanito na kitain si Pepay dahil sila ay magkaibigan upang matulungan siya na hikayatin

si Don Custodio na aprubahan ang kanilang panukala. Sa makatuwid, napagkasunduan

ng mga mag-aaral na kay Ginoong Pasta na lamang sila hihingi ng tulong at si Isagani

ang kakausap sakaniya.

ARAL SA KABANATA 14:

Isang magandang gawi ang pagpaplano at pag-uusap tungkol sa mga adhikain.

Kung ang bawat-isa ay kikilos ng sabay-sabay at iisa ang hangarin, tiyak na makakamit

ang kanilang mithiin.


KABANATA 16

o ORIHINAL NA ESPANYOL: La Desgrasia de un Chino

o FILIPINO: Ang Kasawian ng Isang Intsik

o INGLES: The Tribulations of a Chinese

MAHALAGANG KAGANAPAN NI JUANITO PELAEZ SA KABANATA 16:

Iginigiit ni Juanito Pelaez na makikita ang Sphinx sa perya sa Quiapo. Sinamahan

niya si Don Custodio, Padre Salvi, Padre Camorra, Padre Irene, at Ben Zayb sa Quiapo.

ARAL SA KABANATA 16:

Ipinakita sa kabanatang ito na sa oras ng kagipitan, kahit hindi pabor ay

napapasang-ayon ang isang tao. Kahit pa mayroong pangambang nararamdaman, basta

para sa ikaluluwag ng sitwasyon ay aayon ito. Ngunit hindi naman mabuti ang ganitong

gawain dahil maaari itong magresulta sa pang-aabusa.

KABANATA 17

o ORIHINAL NA ESPANYOL: La Feria de Quiapo

o FILIPINO: Ang Perya sa Quiapo

o INGLES: The Quiapo Fair

MAHALAGANG KAGANAPAN NI JUANITO PELAEZ SA KABANATA 17:

Habang sila ay nasa Quiapo, nakasalubong ni Juanito Pelaez sina Isagani, Paulita

Gomez, and Dona Victorina. Binati niya ang mga ito. Binati rin siya ni Donya Victorina sa

kadahilanang mas gusto niya ito kaysa kay Isagani.


ARAL SA KABANATA 17:

Ang pagnanasa at makamundong gawain ay walang pinipiling anyo o antas sa

buhay. Basta hindi ka bukas sa pagbabago ay iikot ka sa mga masasamang pagnanasa

ng isang tao.

KABANATA 19

o ORIHINAL NA ESPANYOL: El Fusible

o FILIPINO: Ang Mitsa

o INGLES: The Fuse

MAHALAGANG KAGANAPAN NI JUANITO PELAEZ SA KABANATA 19:

Nakita Placido at Simoun si Juanito Pelaez kasama sina Donya Victorina, Paulita

Gomez, at Isagani. Napansin ni Placido Penente na masaya siya, sinabi naman ni

Simoun na nararapat lamang dahil masarap maging bata. Hindi nila tinukoy kung ang

tinutukoy ba ni Placido Penitente at Simoun ay si Isagani o Juanito Pelaez o silang

dalawa.

ARAL SA KABANATA 19:

Hanggang mayroong pagkakataon, samantalahin ito upang makapagtapos ng pag-aaral

dahil ang oras ay lumilipas at hindi na ito maibabalik pa. Hindi masama ang magpakasaya

habang ika’y bata pa basta’t alam mo ang iyong limitasyon.


KABANATA 21

o ORIHINAL NA ESPANYOL: Formas de Manila

o FILIPINO: Mga Anyo ng Taga-Manila

o INGLES: Manila Types

MAHALAGANG KAGANAPAN NI JUANITO PELAEZ SA KABANATA 21:

Habang nag-aantay sa labas ng teatro bago mag umpisa ang palabas, Napansin

ni Tadeo na kasama ni Juanito Pelaez si Paulita Gomez, at ang kaniyang kaibigan na si

Donya Victorina. Natuklasan niya na binigyan sila ni Juanito Pelaez ng pwesto ng upuan

sa palabas.

ARALIN SA KABANATA 21:

Hindi balakid ang kahirapan sa buhay upang maging malinis, maayos, at katangi-

tangi ang kaanyuan. Huwag umasta at gumalaw mistulang mayaman basta kaya mo itong

dalhin at panindigan.

KABANATA 22

o ORIHINAL NA ESPANYOL: El Desempeño

o FILIPINO: Ang Palabas

o INGLES: The Performance

MAHALAGANG KAGANAPAN NI JUANITO PELAEZ SA KABANATA 22:

Habang nanonood si Isagani ng palabas, nakita niya si Paulita Gomez at Juanito

Pelaez na magkatabi, kaya naman ay nagselos siya. Iniisip ni isagani na hamunin si

Juanito Pelaez. Matapos ang ilang sandali, sinabihan ni Juanito ang isang babae at ang
kanyang asawa na huwag mag ingay kahit na nagpapanggap lamang siya na

naiintindihan ang palabas. Kinakausap niya si Donya Victorina habang nanonood ng

palabas at pinupuri naman siya nito. Noong ikalawang tanghalan, tinanong ni Paulita

Gomez si Juanito Pelaez kung ano ang pinagkaiba ng servants at domestiques. Mali ang

naisagot ni Juanito ngunit sinang-ayunan parin siya ni Donya Victorina. Nagpalusot na

lamang si Juanito na nagkamali ang nagtatanghal. Si Donya Victorina naman ay ninais

na magpakasal kay Juanito Pelaez noong pumanaw si Don Tiburcio.

ARAL SA KABANATA 22:

Ang pagkakaroon ng sariling wika ay tanda ng isang ganap na Kalayaan. Hindi lamang

ito Karapatan bilang isang tao kundi ay para rin sa Kalayaan ng kaisipan at pang-unawa

natin bilang tao.

KABANATA 24

o ORIHINAL NA ESPANYOL: Sueños

o FILIPINO: Mga Pangarap

o INGLES: Dreams

NABANGGIT SI JUANITO PELAEZ SA KABANATA 24:

Noong nakita ni Isaani si Paulita Gomez at Donya Victorina, nagtanong si Donya

Victorina tungkol kay Juanito Pelaez at pinuri naman ito ni Isagani. Pribadong nakipag-

usap si Isagani kay Paulita Gomez at binanggit ang kaniyang pagseselos kay Juanito

Pelaez, ngunit tumawa lamang si Paulita at sinabing gusto ni Donya Victorina si Juanito.

Naging maayos naman si Paulita Gomez at Isagani matapos noong pag-uusap nila at

sila ay tumawa lamang.


ARAL SA KABANATA 24:

Tandaan na ang lihim ay dapat manatiling lihim dahil kung minsan ay kapag

masyadong masaya, nagpapadala tayo sa ating emosyon at naisisiwalat ang mga

nakatagong lihim.

KABANATA 25

o ORIHINAL NA ESPANYOL: Sonrisas y Lagrimas

o FILIPINO: Tawanan at Iyakan

o INGLES: Smiles and Tears

NABANGGIT SI JUANITO PELAEZ SA KABANATA 25:

Si Juanito Pelaez ay hindi dumalo sa salo-salo sa hapunan ng mga mag-aaral.

Sinabihan siya ng mga kapwa mag-aaral niya na siya ay irresponsible.

ARAL SA KABANATA 25:

Walang kagandahanag maidudulot ang pagiging mapusok, lalo na para sa mga

kabataan. Laging tatandaan na ang pagsisisi ay laging nasa huli.

KABANATA 26

o ORIHINAL NA ESPANYOL: Pasquines / El Pasquin / Carteles

o FILIPINO: Mga Paskil

o INGLES: Pasquinades

MAHALAGANG KAGANAPAN NI JUANITO PELAEZ SA KABANATA 26:

Nakasalubong ni Basilio si Juanito Pelaez araw matapos ang insidente. Tinanong

niya si Juanito kung ano ang nangyari ngunit nagpakita ng nag-aalalang mukha si Juanito
at sinabi na lamang kay Basilio na kailangan niya maging saksi at patunay na hindi

kalianman sumali si Juanito sa samahan ng mga mag-aaral na sangkot sa paglulungsad

ng himagsikan. Tumakbo rin agad si Juanito Pelaez noong nakita niya na may paparating

na guwardiya.

ARAL SA KABANATA 26:

Ang tadhana ay tila ba mapagbiro. Kung minsan ang tinuturing mong kaibigan ay

siya pa ang maghahatid sayo sa tiyak na kapahamakan na hindi mo inaasahan.

KABANATA 32

o ORIHINAL NA ESPANYOL: Efecto de los Pasquines / El fruto de los Carteles

o FILIPINO: Ang Bunga ng mga Paskil

o INGLES: Effect of the Pasquinades

MAHALAGANG KAGANAPAN NI JUANITO PELAEZ SA KABANATA 32:

Nagbago ang mukha ng edukasyon sa San Diego dahil sa nangyaring

pagpapaskil. Bihira na lamang ang nakakapasa sa mga pagsusulit. Kabilang sa mga hindi

nakapasa sina Juanito Pelaez, Pectosn, Makaraig, at Tadeo. Noong una ay nalungkot

siya, ngunit siya rin ay sumama sa ama niya sa Negosyo. Makalipas ay napawi rin ang

lungkot niya at unti-unti na ring ngumingiti. Sa mga sumunod na Linggo, nagkaroon ng

usap-usapan na papakasalan ni Juanito Pelaez si Paulita Gomez. Kinumpirma rin ni

Paulita Gomez na nawalan siya ng pagtingin kay Isagani at mas gusto niya na si Juanito

Pelaez dahil siya ay matalino, at anak ng isang mayaman na negosyanteng Kastila’t

Meztiso. Ang kasalan ni Juanito Pelaez at Paulia Gomez ay magaganap sa katapusan

ng Abril. Nagpaplano si Don Timoteo Pelaez ng malaking pagdiriwang.


ARAL SA KABANATA 32:

Dahil sa paninira ng mga nasa kapangyarihan sa isang institusyon, nawawala ang

kredibilidad nito kahit ang katotohanan lamang ang nais nito ilahat at mapagpabuti ang

kapwa tao.

KABANATA 34

o ORIHINAL NA ESPANYOL: La Boda de Paulita

o FILIPINO: Ang Kasal ni Paulita

o INGLES: The Wedding of Paulita

MAHALAGANG KAGANAPAN NI JUANITO PELAEZ SA KABANATA 34:

Nakita ni Basilio na dumating ang sasakyan ng bagong kasal na sina Paulita at

Juanito. Nahabag si Basilio kay Isagani. Naisip niyang yakaging sumama sa kanya si

Isagani sa himagsikan ngunit naisip niyang hindi papaya ito dahil wala pa naming pasakit

na naranasan ito sa buhay. Dumating na rin si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiyago kung

saan gaganapin ang piging dala ang lamparang mayroong pampasabog.

ARAL SA KABANATA 34:

Sa buhay, mayroon tayong mga bagay na ginagawa at ninanais na hindi para sa

ating mga sarili. Maaaring ito ay para sa isang minamahal natin sa buhay na gusto nating

pasiyahin.
KABANATA 35

o ORIHINAL NA ESPANYOL: La Fiesta / El Fiesta

o FILIPINO: Ang Piging

o INGLES: The Fiesta

MAHALAGANG KAGANAPAN NI JUANITO PELAEZ SA KABANATA 35:

Nag-umpisa nang dumating ang mga bisita sa piging. Naroon na ang bagong kasal

na sina Juanito Pelaez at Paulita Gomiz, kasama si Donya Victorina. Noong nakita sila ni

Ben Zayb ay pinaghambing sila kay Kupido at Psyche. Nasa loob narin ng bulwagan si

Padre Salvi ngunit ang heneral ay hindi pa rin dumadating. Nang mga oras na iyon ay

nag-iba ang pananaw ni Basilio at nais nang mailigtas ang mga tao sa loob sa

nakatakdang pasabog mula sa lampara. Ngunit hindi siya pinapasok dahil sa madungis

niyang anyo. Sa di kalayuan ay nakita niya ang kaibigang si Isagani. Dali-daling umalis

ang binata mula sa usapan dahil naisip si Paulita. Habang nasa itaas naman, nakita nila

ang isang papel na may nakasulat na “MANE THACEL PAHRES JUAN CRISOSTOMO

IBARRA.” Sabi ng ilan ay biro lamang iyon ngunit nangangamba na ang ilan na gaganti

si Ibarra. Sinabi ni Don Custodio na baka lasunin sila ni Ibarra kaya binitiwan nila ang

mga kasangkapan sa pagkain. Nawalan naman ng ilaw ang lampara. Itataas sana ang

mitsa ng ilawa nang pumasok naman si Isagani at kinuha ang ilawan at itinapon sa ilog

mula sa asotea.

ARAL SA KABANATA 35:

Mapapansin na namamayani parin sa ilan ang kabutihang loob kahit na mayroong


pagnanasang gumanti sa kapwa. Sa bandang huli, ang paghihiganti ay hindi lunas sa

sugat ng kahapon.

KABANATA 37

o ORIHINAL NA ESPANYOL: El Misterio

o FILIPINO: Ang Hiwagaan

o INGLES: The Mystery

MAHALAGANG KAGANAPAN NI JUANITO PELAEZ SA KABANATA 37:

Kahit na gumawa na ng hakbang ang pamahalaan sa nangyari ay lumaganap pa

rin ang balita sa mga mamamayan. Kani-kaniyang hula ang mga tao kung sino ang may

sala. Mayroong nagsasabi na si Don Timoteo o Isagani na kaagaw ni Juanito Pelaez kay

Paulita. Nagpatuloy ang mga usapan tungkol sa pagsabog. Lumakas ang hinala nila nang

maisip si Simoun. Kapansin-pansin daw kasi ang pag-alis niya bago ang hapunan at sila

rin umano ni Don Timoteo ang nag-ayos ng piging at pinaalis ang lahat. May mga nagsabi

naman nab aka mga prayle ang nagpasabog. Mayroon ding naniwala na si Quiroga o si

makaraig. Ngunit buo na sa isip nil ana may kinalaman si Simoun dahil kasalukuyan na

ring nawawala ito at pinaghahanap ng mga sundalo.

ARAL SA KABANATA 37:

Naging bahagi na ng kulturang Pilipino ang pagkalat ng tsismis o pagpapalitan ng

hindi kumpirmadong balita. Ito ay nag-uugat sa kalituhan at madalas ay nakadaragdag

pa sa suliranin na hinaharap.
• KAHALAGAHAN SA NOBELA/STORYA/KWENTO

Mayroon mahalagang papel na ginampanan ni Juanito Pelaez sa nobelang

akda ni Rizal na El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman dahil siya ay kinilalang

tagapagpatawa sa kanilang klase noong siya’y nag-aaral sa Unibersidad ng Santo

Tomas. Bagamat may pagkasutil, tamad pumasok sa klase, maloko, kinilala pa rin siyang

paborito ng kanyang mga propesor dahil sa kanyang masiyahin at palakaibigang ugali na

ipinpakita niya sa kaniyang kapwa. Bukod sa pagiging palaasar niya sa kaniyang mga

kamag-aral, wala siyang pakialam kahit na minsan ay naiinsulto na siya sa kaniyang mga

ginagawa at natatawag na siyang mahina ang utak.

Mayroong mga pagkakataon na nagiging makasarili rin si Juanito Pelaez, at mas

nauunang ikwento ang tungkol sa sarili niya. May pagkakataon rin na gusto niyang

patunayan na inosente siya at wala siyang kinalaman sa himagsikan ng mga kapwa niya

kamag-aral tungkol sa Akademya ng wikang Kastila, kahit na kasali siya rito. Ang ibang

mga kamag-aral niya ay iniisip na siya ay irresponsible at hindi mapagkakatiwalaan dahil

bihira lamang siya dumalo ng kanilang mga pagpupulong at bihira rin pumasok sa

klase.Ngunit, ang pagsisikap at tiyaga sa sarili ni Juanito Pelaez ay naipakita sa kaniyang

pakikisama kay Paulita Gomez.

Mahalaga ang papel ni Juanito Pelaez dahil bukod sa mga nabanggit, isa siya sa

mga nagbigay ng buhay, nagpatawa, at nagpasaya sa mga kapwa niya kamag-aral na

naghihirap sa sitwasyon ng akademyang isinusulong ng mga prayle noong panahon ng

Kastila. Kahit papaano ay nabigyan niya ng kasiyahan ang kwento ng El Filibusterismo

dahil sa kasiglahan ng kaniyang karakter.


• SINO SA LIPUNAN ANG KINAKATAWAN

o NOONG PANAHON NI RIZAL

Ang kinakatawan sa lipunan ng karakter ni Juanito Pelaez noong panahon ni Rizal

ay katulad lamang ng mga Pilipinong takot manindigan para sa bayan. Ang kinakatawan

rin ni Juanito ay kumakatawan din noong panahon ni Rizal sa mga mag-aaral na

mayaman at areglado sa buhay ngunit tamad mag-aral, maloko, at umaasa lamang sa

kamag-aral at tagapagmana ng mga negosyo ng kaniyang negosyanteng kastilang ama.

o KASALUKUYANG PANAHON

Ang kinakatawan naman sa lipunan sa kasalukuyang panahon ng karakter ni

Juanito Pelaez ay ang mga estudyanteng mayroon ring marangyang buhay at

nakakapag-aral sa magandang paaralan ngunit maloko, palabiro, tamad pumasok sa

klase, at umaasa lamang sa pangongopya at dikta ng kamag-aral sa tuwing magkakaroon

ng pagsusulit at tatanungin ng mga guro. Kinakatawan din ng karakter ni Juanito Pelaez

sa kasalukuyang panahon ang anak ng mga mayayaman na negosyante o may puwesto

sa gobyerno na tagapagmana ng yaman.

• KATAUHAN NI RIZAL

Ang taong nagkaroon ng kaugnayan kay Rizal na nasa karakter o katauhan ni

Juanito Pelaez ay maaaring halimbawa ng uri ng kamag-aral na nakasalimuha niya sa

Unibersidad ng Santo Tomas (UST), noong siya ay ilustrado pa. Ito ay ang kaniyang

kamag-aral na marangya ang pamumuhay at may pribilehiyo makapag-aral sa

magandang paaralan ngunit tamad, maloko, at umaasa lamang sa kaklase nito dahil

mayaman naman ito kaya kahit hindi ito magseryoso ay mayroon paring magandang
kinabukasan na haharapin. Bukod pa rito, maaari ring ang karakter ni Juanito ay

maihahambing sa nakasalimuha ni Rizal na tagapagmana ng malaking Negosyo at anak

ng kastila na kayang kunin pati ang pag-ibig gamit ang pangalan at pera.

• ARAL NA AKING NATUTUNAN SA TAUHAN NI JUANITO PELAEZ:

Ang aral na aking natutunan sa tauhan ni Juanito Pelaez ay huwag abusuhin ang

kakayahan sa pagkakaroon ng magandang buhay at pag-aaral upang magkaroon ng

masayang kabataan sapagkat hindi lahat ay may pribilehiyo at kakayahang makapag-

aral at mamuhay sa gusto nila. Marami ang kabataang naghihirap magtrabaho at walang

kakayahan mag-aral kahit pa gusto nila. Hindi masama ang maging palabiro at

magpakasaya, basta’t alam mo ang limitasyon mo at siguraduhing hindi ito

makakasagabal sa pag-aaral mo. Hindi dapat iasa lamang natin sa ating kapwa ang mga

bagay na tayo dapat ang gumagawa dahil nagpapakita lamang ito ng pagiging

irresponsibilidad natin. Natutunan ko rin kay Juanito Pelaez na hindi maganda na

umaasta tayo na alam natin ang lahat kahit na hindi dahil kapag ikaw ay nakasalamuha

ng taong may sapat na kaalaman talaga ay maaaaring manliit ka sa sarili mo. Isa pa ay

natutunan ko rin kay Juanito na maganda rin minsan na hindi natin pinapansin ang insulto

sa atin ng ibang tao at maging masaya na lamang. Ngunit taliwas rin ako sa kontekstong

iyon kung ang insulto naman sayo ay totoo at alam mong nararapat mo itong baguhin

para rin sa ikabubuti ng sarili mo. Sa makatuwid, tunay ngang palabiro, maloko, tamad,

at mayroong pagkasutil si Juanito Pelaez, ngunit mayroon parin namang kagandahan sa

kaniyang kalooban at ito ay ang pagpapasaya niya sa mga tao sa paligid niya na isa rin

sa mga nagbigay kulay sa nobela ni Rizal na El Filibusterismo.

You might also like