You are on page 1of 48

Yunit 3.

KRITIKO AT MUKHA NG KULTURA SA KULTURANG


POPULAR NG/SA PILIPINAS

Buksan natin ang kaalaman sa Yunit 3.

Ang mga Pilipino ay may napakayamang kulturang masasalamin sa mga natatanging


kaugalian, tradisyon, paniniwala, wika, sining, pamumuhay, pagkain, pananamit at iba
pa. Iilan lamang sa mga kulturang ito ay ang pamamanata, pagdidiwata, pag-uuma at pag-
uukir, pananahan, pag-aaliw, pagtutol, pagkabansa atiba pa, subalit sa a paglipas ng
panahon ang mga kinagisnang kulturang ito ay unti- unting nagbago kasabay ng pag-unlad
ng agham at teknolohiya dala ng modernisasyon at globalisasyon.

Tatalakayin sa yunit 3 ang mga pagbabago sa kinagawiang kultura ng mga katutubo


at kung paano ito nagbago dahil sa impluwensya ng kolonisasyon o pananakop ng
makapangyarihang mga bansa tulad ng Espanya, Amerika at Hapon.

Ang mga sumusunod ay ang mga aralin sa yunit 3:

Aralin 1: Bakas ng Kolonyalismo, Ang Mga Tunggaliang Ideolohikal at


Diskurso ng Kulturang Popular sa Panahon ng Komersyalismo

Aralin 2: Ang Post-Kolonyalismo

Aralin 3: Kasaysayan ng LGBTQ+ at ang Social Movement

Aralin 4: Talastasan sa Kulturang Popular

Aralin 5: Pananamit

Aralin 6: Pagkain

Aralin 7: Mga Larong Mobile

Kaya samahan mo akong galugarin ang yunit 3, tara na…


Matutuhan mo ang mga sumusunod:

Pagkatapos ng yunit 3, ikaw ay inaasahang:

1. nakababasa ng kasaysayan ng bansa sa panahon ng pangongolonya at


nauugnay ang epekto nito sa kultura ng mga Pilipino;

2. nakagagamit ng mga teorya upang masuri ang kaugnayan komersyalismosa


radyo at telebisyon bilang domestikasyon at komodipikasyon ng malawakang
uri ng midya sa buhay ng komukunsumo nito; at

3. nakalilinang at napahahalagahan ang wikang Filipino at ang uri ng


talastasang kulturang popular.

Aralin 1. Ang Kolonyalismo, Ang Mga Tunggaliang


Ideolohikal atDiskursong Kulturang Popular sa Panahon ng
Komersyalismo

Paliparin

Panuto: Bago mo galugarin ang aralin 1, subukin mong buuin ang salitang
tinutukoy ng bawat bilang.

1. G N 6. daluyan ng A
armadong pag-aaklas,
pagsasalu sining na
ngatan ng naririnig at
dalawa o nakikita
higit pang
mga 7. midyum na
E I N
partido ginamit sa
pangangamp
2. panahon anya noong
ng O S
Amerikano
; sundalo; 8. bansang H
guro sumakop sa
Pilipinas
3. noong 1942-
pananakop N N Y 1945;
ng isang Tagalog
makapang
ya-rihang
bansa
4. P O 9. uri ng
sumakop midya; P N
sa Pilipinas inilimbag
mula 1565-
1898
10. bantog; U A
5. midyum pinag-
D uusapan;
na
nagdadala tanyag
ng
impormas-
yon sa
buong
bansa
noong
1928

Galugarin

Bakas ng Kolonyalismo

Naging pormal na teritoryo ng Espanya ang Pilipinas noong 1565 nang italagani
Haring Philip II si Miguel Lopez de Legazpi bilang unang Gobernador-Heneral ng kapuluan
at nagwakas ang kanilang pananakop sa pamamagitan ng Kasunduan sa Paris na
nilagdaan noong 10 Disyembre 1898 at ang pagbili sa Pilipinas mula sa Espanya sa
halagang $20,000,000 ng Estados Unidos. Sa taong ding ito naging teritoryo ng Estados
Unidos ang Pilipinas hanggang 1946. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nilusob
naman ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas at sinakop ito mula 1942 hanggang 1945 habang
nasa ilalim pa ito ng kapangyarihanng Estados Unidos.

Ano-ano ang naging epekto ng kolonisasyong ito sa mga Pilipino? Ayon kay Hornedo
(2004), ang panahon ng pananakop ng Espanyol ay ginamit ang krus, sandata at maskara
bilang mga natatanging simbolikonginstrumentong ginamit para sa panlulupig at
pagpapayapa ng kaayusan ngmga ng mga Pilipino. Relihiyon ang ginamit upang palaganapin
ang Kristiyanismo sa bansa. Ginamit naman ang dahas at puwersang militar, upang
maipamukha ang katatagan at kalakasan ng mga dayuhan sa pananakop nila gamit ang
istrakturang politikal at ekonomiko. Maskara naman ang ginamit bilang pananakop sa kultural
na lebel kung saan ginamit ang komedya at sarsuwela upang mahubog ang mga sinakop sa
kaisipan at kostumbreng dayuhan. Subalit masasabing naging mahina ang imahe ng maskara
dahil sa hindi paglaganap ng wikang Espanyol. Naging isang miskalkulasyon sa loob ng
tatlong daang taon ang hindi pag-ayon sapaglaganap ng nasabing wika. Nagkaroon ng
status quo ang mga katutubong Pilipino at itinuring na may pinakamababang antas sa
lipunan,kumpara doon sa mga may lahing Espanyol (Macaraeg 2005).
Ayon kay Macaraig (2005), ang ganitong karanasan ng mga Pilipinoay
nangahulugang mariing pagbawal sa pag-aalsa, pagpataw ng mga bagong batas at ang
pag-abuso sa ating mga likas na yaman. Ngunit sa loob din ng panahong ito, tayo’y binigyan
ng relihiyon, pinagkalooban ng edukasyon at binahagian ng iba’t ibang sining at literatura.

Sa panahong ito, ang kakayahang makapagsalita ng wikang Espanyol ay


maituturing na isang sandata laban sa mga Espanyol, kaya nanatili silang bobo sa wikang ito
at di man lang maipagtanggol ang sarili.Walang lantarang hangaring bigyan ng kasarinlan
ang mga Pilipino noon sa ilalim ng Espanya. Subalit ang pagsasabansa ng lahing Pilipino
kabilangang mga Muslim, Intsik at iba pang lahi ay isang implikasyon ng pagbabago o pag-
aaklas laban sa mga Espanyol.

Ang kolonisasyon ng mga Espanyol ay ang pagtatalaga ng katauhanna sila mismo


ang humubog, isang katauhan ng imahen bilang indio sa paningin nila ngunit naging
tensyon at kontradiksyon na gagapi sa kanila.

Pagdating ng mga kolonisador na Amerikano ay ginamit ang teknolohiya at mas midya.


Itinuro ng mga Thomasites ang wikang Ingles. ginamit itong midyum na wika sa paaralan at
naging bukas sa publiko ang sistema ng edukasyon, nagkaroon ng mga ospital at sentro,
tinangkilik ang mga produktong galing U.S., ang kanilang musika istilo ng kanilang
pananamit, uri ng pagkain at iba pa. Nagkaroon ng akses sakomunikasyon gaya ng
telepono, radyo, telebisyon at telegrama. Marami ring mga Pilipino ang nais na pumunta ng
Amerika upang doon mag-aral at magtrabaho.

Ipinakilala rin nila ang mga konseptong nabuo mula sa Estados Unidos na wala
namang puwang sa Pilipinas. Isang halimbawa nito ay ang terminongwhite Christmas, na
nangangahulugang pag-ulan ng nyebe sa kapanahunan ng Pasko. Dahil sa posisyon ng
Pilipinas sa mundo na malapit sa ekwador, malabong maranasan ito. Sa kabila nito
maraming Pilipino pa rin ang nangingibang bansa sa tuwing Pasko, sa pag-iisip na sawhite
Christmas lamang nila mararanasan ang tunay na diwa nito.

Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2 1942. Sumuko ang Bataan sa puwersa
ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones
(ang tinatawag na Martsa ng Kamatayan) papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas sa
lalawigan ng Tarlac. Nagtatag sila ng pamahalaan at ang nagsilbing tau-tauhang pangulo ay si Jose P.
Laurel. Nagsimula ang digmaan ng pagpapalaya sa Pilipinas mula sa mga Hapones nang lumapag
ang mga puwersa ni Douglas MacArthur sa Leyte noong Oktubre 1944. Naproklama bilang bagong
pangulo ng Pilipinas si Sergio Osmeña nang mamatay si Manuel Quezon. Malakas na nabomba ng
mga sundalo ng Estados Unidos ang Maynila noong Pebrero 1945. Nasukol ng mga Amerikano ang
mga puwersang militar ni Heneral Homma sa Lalawigang Bulubundukin (Mountain Province), na
napilitang sumuko noong mabigo ang mga ito sa tinatangka nilang pagtakas. Tinaguriang "Gintong
Panahon" ng Panitikang Filipino dahil naging mas malaya ang mga Pilipino (kumpara noong panahon
ng Amerikano) sa pagsanib ng kultura, kaugalian, at pagsulat. Sa panahon din nito, maraming babae
ay naging manunulat. Isa sa mga ito ay si Liwayway A. Arceo na nagsulat ng mga maikling kwento.
Kahit naging marahas ang ibang mga sundalong Hapon, ang wika ng Pilipinas ay naging matatag
dahil ipinagbawal ang pagsasalita sa Ingles at mga iba’t-ibang librong Amerikano.
Mahalagang pag-aralan ang kasaysayan ng Pilipinas, sapagkat angbansa ay
produkto ng iba’t ibang impluwensya at kaugaliang namana o kusang umusbong sa lahing
Pilipino. Ngunit hindi sa pag-aaral ng kasaysayan nagtatapos ang hamon ng mga minsang
sumakop sa ating bansa. Ang pagsusuri sa kalagayan ng ating lahi sa post-kolonyal na
panahon ay higit na kailangan din.

Ang Mga Tunggaliang Ideolohikal

Sa pagpasok ng panahon ng Amerikano ay ginamit na daluyan ng pag-aaklas ang


paggamit ng drama. Ayon sa pag-aaral ni Chua (1999), yumabong ang drama simboliko sa
Maynila at karatig-Katagalugan. Ang ganitong uri ng pagsasadula gamit ang mga dramang
naisulat nina AurelioTolentino (Kahapon, Ngayon at Bukas), Juan Matapang Crus (Hindi Aco
Patay), Juan Abad (Tanikalang Ginto), at Tomas Remigio (Malaya) ay nagdulot ng
pangamba sa mga Amerikano. Itinuturing itong mga obrang subersibo at mapanganib
sapagkat ang nilalaman ng pagtatanghal ay laban sa imperyalistang Amerikano (Riggs,
1999).

Upang maiwasan ang ganitong pagkakataon sa unang salvo ng mgakolonyalistang


Amerikano. Pinalaganap ang tunggaliang ideolohikal na hindi nakatutok sa pwersa kundi sa
tinaguriang inobasyon at benevolent assimilation o makataong asimilasyon na pinairal ni
Pang. William McKinley. Naitatag sa Pilipinas ang Partido Federal upang payapain ang mga
Pilipinong patuloy na nakikipaglaban sa mga Amerikano. Iminungkahidin na sa halip na
gawing kolonya ang Pilipinas ay ituring ito bilang isang estado ng Estados Unidos. Pinasok
din ang edukasyon bilang instrumentong kolonisasyon sa mga Pilipino. Kinontrol ng Amerika
ang sistema ng edukasyon upang mabaluktok at mapigilan ang impormasyong paglaban ng
Pilipinas sa kalupitan ng mga sundalong amerikano. Ang ganitong kaparaanan ay mabisa
namang naisakatuparan ayon kay Constantino (1978).

Ang pangkalalatang ideolohiya ay umikot sa agenda ng pagpapayapa ng resistans


bitbit ng sistemang edukasyunal na inihain ngmga Amerikano.

Komersyalismo: Pagpasok ng Radyo at Telebisyon Bilang Domestikasyon at


Komodipikasyon o Pakikisangkot ng Mass Medyasa Buhay ng Komukunsumo
Nito

Ang komersyalismo ay makabagong kultura na mabilis ang pagkalat sa buongmundo


dala ng globalisasyon. Ito ang produkto ng paglipat ng merkado mula sa produksyon ng mga
bagay na sumasagot sa pangangailangan (needs) ng mamamayan patungo sa kagustuhan
(wants) lamang.
Kasama ng radyo, ang telebisyon ay bunga ng imbensyon at eksperimentasyondala ng
mapusok na edad ng industrialisasyon hanggang di nagtagal pumasok ang mga imbentong
ito sa larangan ng komersyo. Ang teknolohiya at inobasyon ang naging sisidlan ng
panibagong pagbulusok ng domestikasyon at komidipikasyon ng pangangailangan ng tao.
Komodipikasyon ang tawag sa isang konsepto ng pagpapalit o pagbabagong anyo ng isang
bagay bilang isang produkto na maaring ibenta sa isang pamilihan. Dati wala naman itong
katumbas na halaga na salapi sa isang kalakalan.
Ngunit sa pag usbong ng isang sistemang pang kalakalan nagkakaroon ito ng halaga
tulad ng ng tubig, sa sinaunang panahon libre ang pagdaloy ng tubig sa mga batis at
palayan. Ngunit nang pumasok ang sistemang kapital sa mundo. Ang tubig ay nagkaroon ng
katumbas nang halaga na salapi. Katulad ng paglagay sa bottled water at sa kumpanya ng
Maynilad.
Ang industriya, imprastraktura, telekomunikasyon at merkado ay mahahalagang
sangkap sa komersyo ng isang bansa. Nagsimula ang mga ito sa panahon ng Amerikano na
kung saan sila rin ang naglalakad at nakinabang sa negosyong pambansa ng Pilipinas sa
panahon ng Komonwelt at Unang Republika. Sa ilalim ng panunungkulan ni dating Pang.
Manuel Roxas ay binigyan niya ng pantay na karapatan ang mga Amerikano sa negosyo at
kalakalan, dahil dito ay nakinabang nang husto ang mga namumuhunan o kapitalista. Ang
mga bagong teknolohiya ay naging kasangkapan upang lumikha ng artipisyal na pagnanasa,
hilig at fanstasya. Ikinumpol ang produksyon sa pamamagitan ng teknolohiya para sa higit na
nakakaraming tao o masa. Ayon kay Lagda (1999), binaha ng mga produktong buhat sa
Amerikanong kulturang popular ang Pilipinas at dahil dito nagmistulang di makatakas sa
Amerikanisasyon ang masa kahit hindi sila natutong lahat ng WIKANGIngles o nakapag-aral.

Naipasok nila ang radyo sa merkado noong 1928. Ito ang nagdadala ng impormasyon
sa mga kapuluan at nakitaan ng gamit sa palitan at bilihan sa merkado at komersyo,
samantala, pumasok naman ang telebisyon bilang isang midyum na kilalang-kilala at patok
na patok sa Amerika noong dekada singkwenta. Dinala ito sa Pilipinas bilang bahagi ng
mekanismong politikal upang palakasin at pabanguhin ang imahe ng isang pangulong
nagnanais muling tumakbo. Sa tulong ng kapatid ni ElpidioQuirino na si Judge Antonio Quirino
ay dinala ang telebisyon sa bansa at ginamit sa pangangampanya, subalit, bigo sila na manalo
sa halalan kahit na matagumpay na naipasok ito sa bansa. Hindi man nagtagumpay sa unang
sigwa ng pagpasok ng telebisyon sa larangan ng politika, kabaligtaran naman ito sa nangyari
sapagpapaunlad ng industriya ng mas midya at ng negosyo sa bandang huli sapagkat napunta
sa mga kamay ng mga negosyante ang mas midya (del Mundo, Jr., sa Patajo-Legasto, 1998).

Bunga nito nakisangkot ang mas midya bilang daluyan ng impormasyon at


enterteynment na kinagigiliwan ng tao. Bawat tahanan ay nagnanais na magkaroon kung hindi
man radyo, tv set o ng pareho. Sa simula ang distribusyon ay nakatuon sanapripribilehiyong
iilan na may salapi at kapangyarihan para magmay-ari o magkaroonng akses sa mas midya.
Sapagkat ang pamantayan ay negosyo, katulad nangnabanggit iilan lamang ang nagkakaroon
ng akses dito. Subalit babaguhin lahat ito ngkulturang sinusustene ng iilan na tututok sa kultura
ng komukunsumong masa.

Ang pagkonsumo sa produkto ng mass midya—radyo, telebisyon, pahayagan— ay


nagtatakda ng pagtangkilik sa kalakaran ng oras o panahon. Sa pamamagitan ng midya ay
nalalaman natin kung ano ang uso o ano ang sikat at ano ang popular sa ngayong panahon.
Ang mass midya ay kinokonsumo hindi dahil ito ay mahalaga sa panapanahong yugto, kundi
nagbibigay ito ng tuluyang pangagailangan ng tao sa lahatng yugto ng panahon. Lahat na yata
halos ng galaw, hilig, pagpapahalaga, hitsura, problema, kaalaman at iba pa ay tumatakbo
bilang mga nag-aagawang tema sa programa o produkto ng mass midya.

Mahalaga ang puhunan o capital sa pag-angat o pagbagsak ng isang bansang


yumayakap sa ideolohiya at praktika ng imperyalistang Amerika.
Ayon kay Tolentino (2001) kung bakit ganito ang kinahihinatnan ng mga komukonsumo
ng mass midya ay sa dahilang hindi na ito tinitingnan bilang repleksyono representasyon ng
realidad bagkus ang mass midya mismo ay bumubuo na ng realidad ng tao. Samakatuwid,
nagdidikta ito kung ano ang kakainin, iinumin, susuotinaalamin at panoorin, pakikinggan at
sasabihin. At ganitong kaganapan ay nagiging mistulang normal at natural lamang ang
pagkonsumo sa pangkalahatang diskurso at praktika ng mga tao.

Pagkatapos na mabasa ang seleksyon, marahil ay nadagdagan ang iyong kaalaman


hinggil sa kolonyalismo sa bansa, ang mga tunggalian at ang diskurso ng kulturang popular sa
panahon ng komersyalismo. Ngayon naman ay susubukin mong sagutin ang bahaging
talakayin.

Talakayin

Panuto: Punan ang talahanayan ng positibo at negatibong epekto ng


kapanahunan ng kolonisasyon sa ating mga Pilipino.

Epekto ng Kolonisasyon
Kapanahunan Positibo Negatibo

Espanyol

Amerikano

Hapon
Palawakin

A. Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod: Ilimita lamang ang iyong sagot sa limampung (50)
salita bawat bilang.

1. Bakit itinuturing na daluyan ng pag-aaklas ng mga Pilipino laban sa Amerikano ang drama?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
______________________________________________

2. Gaano kahalaga ang teknolohiya sa panahon komersyalismo? Ipaliwanag.

Subukin:

Tama o Mali: IIguhit ang masayang emoticon kung ang ipinahahayag ng

pangungusap ay tama at malungkot na emoticon naman kapag ito ay mali.

_ 1. May mga nandarayuhan na sa ating bansa bago ang pananakop ng mga


Espanyol.

_ 2. Ang kolonisasyon ng mga Espanyol ay nagsimula pagdating ng pangkat ni


Magellan sa bansa.

--------- 3. Hawak ng mga kapitalista ang telebisyon, kaya mabilis ang pagpapaunlad
ng industriya ng mas midya at ng negosyo.

_ 4. Ang tunggaliang ideolohikal ay nakatutok sa pwersa sa panahon ng


Amerikano.

_ 5. Ang mga bagong teknolohiya ay naging kasangkapan upang lumikha ng


artipisyal na pagnanasa, hilig at fanstasya sa panahon ng Hapon.

_ 6. Ang pagtangkilik ng mga Pilipino ng mga sikat at nauusong Amerikanong


produktong kultural ay naging bahagi ng Amerikanisasyon.
Palawakin
_ 7. Ang mass midya ay kinokonsumo hindi dahil ito ay mahalaga sa
panapanahongA. Panuto:
yugto,Ipaliwanag ang mga
kundi nagbibigay itosumusunod:
ng tuluyang (Ilimita lamang ang
pangagailangan ng
tao iyong
sa lahat
sagot
ng sa
yugto
limampung
ng panahon.
(50) salita bawat bilang.

1. Bakit itinuring na daluyan ng pag-aaklas ng mga Pilipino laban sa


Amerikanoang drama?
_ 8. Mga Pilipino ang nakinabang sa negosyong pambansa ng Pilipinas sa
ilalim ng panunungkulan ni dating Pang. Manuel Roxas.

_ 9. Sa kasalukuyan, kulturang popular ang nagdidikta kung ano ang kakainin,


iinumin, susuotin, aalamin at panoorin, pakikinggan at sasabihin.

_ 10. Mass midya ang nagbibigay ng tuluyang pangagailangan ng tao sa lahat


ng yugto ng panahon.

Maraming salamat sa pagsagot sa mga gawain sa unang aralin ng yunit 3.


Handa ka na ba para sa ikalawang aralin? Kung gayon, samahan mo at ating
galugarin ang aralin 2.
Maraming salamat sa pagsagot sa mga gawain sa unang aralin ng yunit 3. Handa ka
na ba para sa ikalawang aralin? Kung gayon, samahan mo at ating galugarin ang
aralin 2.
Aralin 2. Ang Post-Kolonyalismo

Paliparin

Bago mo basahin ang teksto tungkol sa post-kolonyalismo, sagutin mo muna ang


gawaing nasa ibaba.
Panuto: Isulat ang mga tatak ng mga gamit na iyong sinusuot o ginagamit sa pang-
araw araw.

sinusuot/ginagamit Tatak (brand)


damit/t’shirt/pantalon
sapatos
sabong pampaligo
shampoo
toothpaste
cell phone
bentilador
relo
hikaw
telebisyon

Bigyang pansin ang mga sagot mo sa itaas, masasabi mo bang ikaw ay


tumatangkilik sa gawang Pinoy o mas tinatangkilik mo ang mga produkto sa ibang
bansa? Matapos mong masuri ang iyong sarili, sa palagay ko ay handa ka ng
basahin ang bahaging galugarin.

Galugarin

Ano ang post-kolonyalismo?

Ang post-kolonyalismo ay isang teoryang gabay natin sapag-unawa sa mgaisyu


hinggil sa uri, kasarian at sekswalidad, lahi at etnisidad na may pag-uugat sa kolonyal na
karanasan at kasaysayan. Pinag-aaralan sa teoryang ito ang impluwensiya ng kolonyalismo
sa mga bansang nasakop.

Ayon sa pag-aaral ni Macaraig (2005), sumasaklaw ang katagang post- kolonyal sa


lahat ng kulturang dumaan sa proseso ng imperyalismo simula noong panahon ng
pananakop hanggang sa kasalukuyan. Tumutukoy ito sa yugto ng kasaysayan ng paglaya
ng bansa sa kolonyal na kapangyarihan. Nilalayon ng post-kolonyalismo na bigyan ng
pribelihiyo ang sariling kasarinlan at determinasyon na nawaglit dahil sa karanasan at
kasaysayan ng kolonyalismo. Pinag-aaralan dito ang kasaysayan at pamana ng
kolonyalismo mula sa disiplinaryong perspektibo ng literariat kultural na pag-aaral.
Mababatid na naging matagumpay ang mga kolonyalista na nakawin ang identidad
nating mga Pilipino bilang isang lahi. Naging sunud-sunuran tayo sa kanila.Sinabi naman ni
Loomba (2005), kailangan natin ang isang radikal na proseso upangmaging malaya sa
kolonisasyon at ang epekto nito sa ating pagkatao. Tinatawag niyaitong decolonisasyon, o
ang paglilinis ng isang estadong kolonisado. Binubuwag ng ganitong proseso ang istigma na
ang lahing sinakop ay mas mababang kaysa mga sumakop. Kaya, dapat iwaksi ng mga
Pilipino ang mga bagay na dinala ng mga kolonyalista at paglinangin ang mga kulturang
totoong sa atin. Sa kabilang dako, dapat nang wakasan ang mapanirang pagtingin ukol sa
orientalismo, isang pananaw na ang mga nasa lahing silanganin ay mas mahina kaysa lahing
kanluranin.

Aniya, hindi makatuwirang ipagpalagay ng mga Kanluranin na unang naging


sibilisado sila kaysa mga Silanganin, sapagkat ang mga katutubo sa ating mga kapuluan ay
may sarili ng paraan at sistema ng sibilisasyon na iba sa pamantayan sakanilang urbanidad.
Ang mga katutubo ay may sarili ng kultura, politika, at ekonomikong aktibidad na, bago pa
man sila dumating.

Ang pagtanggap ng mga Pilipino ng kultura ng mananakop ay tinatawag na


hybridization (paghahalo) at mimicry (pangagaya), isang paraan ng paganggap ng mga
kulturang dinala sa kanila ng mga kolonyalista (Bhabha, 2018).

Bagama’t tuluyan nang nakamit natin ang kalayaan ay nararamdaman pa rinang


epekto ng kolonyalismo sa bansa. Nakakalungkot mang sabihin, ngunit patuloypa ring
nararanasan impluwensya ng kolonyalismo sa ating pamumuhay. Sa kabila ng pagsisikap
ng teoryang post-kolonyalismo na bigyan ng solusyon ang pagdodomina ng mga
kolonisador sa ating lipunan lalo na sa mga bansang nasakopkatulad ng bansa nating
Pilipinas.

Ayon kay Macaraig (2005), naging isang penomena ang paglabas ng mga libro ni
Bob Ong sa larangan ng Panitikan. Batay sa kanyang pagsusuri, nangibabawsa mga ang
akda ni Bob Ong ang tungkol sa mga morals at values ng Pilipino na kung saan naipakita
ni Bob Ong ang mga pangit at magandang ugali ng Pinoy, mga manipestasyon ng post-
kolonyal na identidad ng mga Pilipino. Ginamit niya ang satira upang talakayin ang mga
paksa. Gumamit sya ng parabula, alegorya at innuendo. Gumamit din sya ng mga simbolo
at pagpapahiwatig na hindi tuwiran ang atake sa kanyang mga pagkukuwento na
naglalarawan ng post-kolonyal na identidad ng lahing Pilipino.

Ilan sa mga aklat na ito ay ang mga sumusunod:

1. A B N K K B S N P L A ko?! Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong


2. Bakit Baligtad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino?! Mga Kuwentong Barbero niBob
Ong
3. Ang Paboritong Libro ni Hudas
4. Bob Ong’s Alamat ng Gubat
Aralin 3. Kasaysayan ng LGBTQ+ at ang Social Movement

Batid kong marami ka ng natutuhan mula sa aralin 1, ngayon ay patuloy kang


maglalakbay sa aralin 2 ng yunit 3. Ang yunit 2 ay naglalaman ng mga impormasyongtungkol
sa Kasaysayan ng LGBTQ+ at ang Social Movement sa kulturang popular. Bago mo basahin
ang teksto ng aralin 2 ay sagutin mo muna ang mga tanong na nasaibaba?

1. Ano ang sinisimbolo ng nakawagayway na watawat sa itaas? Maaari mo bangtukuyin ang


mga kulay sa watawat at ang mga kahulugan nito?

Maraming salamat sa pagsagot! Ngayon naman ay basahin mo ang teksto.

Galugarin

Kasaysayan ng LGBTQ+ at ang Social Movement

Ayon sa pag-aaral, ang kasaysayan ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender)


sa Pilipinas ay napakalimuot. Ngunit bago pa man sumiklab ang rebolusyong sekswal noong
dekada 60s at 70s sa Amerika at sa iba’t ibang panig ng mundo, ay mayroon na ang Pilipinas
ng mga tradisyong primitibo na maituturing na isang maagang pagkamulat sa usaping
kasarian. Nagsimula ito noong ika-16 hanggang ika-17 siglo sa pamamagitan ng mga
Babaylan o Baylan na naging pinuno sa mga gawaing ispiritwal. Sila ay may tungkuling
panrelihiyon at maihahanlintulad samga sinaunang priestess o shaman. Ang salitang babaylan
ay tumutukoy sa babae atmayroon ding lalaking babaylan gaya ng mga asog sa Visayas noong
1ka-17 siglo na nagbibihis babae at nagbabalatkayong babae upang ang kanilang mga
panalangin aymadinig ng mga espiritu. Ginagaya rin niya ang kilos ng babae. Pinagkalooban
din silang panlipunang simboliko bilang “tila-babae”. Ilan sa mga babaylang iyo ay kasal din sa
mga lalaki, kung saan sila ay may relasyong sekswal, subalit pagdating ng mga Espanyol ay
nawala ito. Naging mas konserbatibo ang mga tao.
Lumipas ang daang mga taon, sumiklab ang kultural na pagbabago sa buong
mundo lalo noong 1960s. Nagkaroon na ng opinyon tungkol sa LGBT at nagkaroon ng
pagkamulat ang nakararami. Umiral ang konsepto ng LGBT sa impluwensya ng
internasyonal na midya at ng lokal na interpretasyon ng mga taong LGBT na nakaranas
na mangibang bansa. Sa mga huling bahagi ng dekadang 80 at huling bahagi ng
dekada 90, maraming pagsulong ang inilunsad na naging daan ng pagsulong ng
kamalayan ng Pilipinong LGBT. Gaya ng paglabas ng Ladlad, isang antolohiya ng
panulat ng mga miyembro ng gay community na inedit nina Danton Remoto at J. Neil
Garcia noong 1993. Sumulat din si Margarita Go-Singco Holmes ng “A Different Love:
Being gay in the Philippines noong 1994. Sumali rin ang samahan ng Lesbian
Collective sa martsa ng International Women’s day noong Marso 1992 na naging
kauna-unahang demonstrasyon na nilahukan ng isang organisang sektor ng LGBT sa
Pilipinas

Ang Dekada 90 ang simula ng LGBT movement sa Pilipinas. Itinatag


namanang Pro-Gay Philippines noong 1993. Ang Metroplitan Community Church
noong 1992, at ang U.P. Babaylan (pinakamatandang organisasyon na mga mag-
aaral naLGBT sa U.P.) noong 1992. Ilang kilalang Lesbian organisasyon noong
dekada 90,gaya ng CLIC (Cannot Live in a Closet) at lesbian Advocates
Philippines (LeAP).

Unang partidong politikal na kumunsulta sa LGBT community ang partidong


Akbayan Citizen’s Action Party na naging unang LGBT lobby group – ang Lesbian
Gay Legislative Advocacy Network o Lagablab noong 1999. Itinatag naman ni
Danton Remoto, propesor ng ADMU ang political na partido ang Ladlad. Sa simula
hindi sila pinayagan ng COMELEC na tumakbo sa eleksyon noong 2010 dahil sa
isyung imoralidad, subalit ganap namang pinayagan ng Kataas-taasang Hukuman
ngPilipinas noong Abril 2010 lumahok sa halalan. Noong 2004 naman, ginanap sa
Maynila ang ika-10 anibersaryo ng LGBT pride sa Pilipinas bilang ng Gay Pride
March. Ang pagdiriwang na ito ay dinaluhan ng mga Indibidwal n kinilala ang sarili
bilang bahagi ng pamayanan ng LGBT.

Kahulugan ng LGBTQ+

Nangangahulugang tomboy, bakla, bisexual, transgender, queer at iba pa.


Ang "plus" ay kumakatawan sa iba pang mga sekswal na pagkakakilanlan kabilang
ang pansexual, intersex, at asexual. Ang unang apat na letra ng akronim ay ginamit
mula pa noong dekada 1990, ngunit sa mga nagdaang taon ay nagkaroon ng mas
mataas na kamalayan sa pangangailangan na isama ang iba pang mga sekswal na
pagkakakilanlan upang mag-alok ng mas mahusay na representasyon. Ginagamit
ang akronim upang kumatawan sa magkakaibang hanay ng mga sekswalidad at
pagkakakilanlang kasarian na tumutukoy sa sinumang hindi cisgender o di-
heterosexual.

Ang Kahulugan Ng Bawat Titik

L (Tomboy): Lesbian sa wikang Ingles. Ang isang tomboy ay isang babae


nanakadarama ng isang sekswal at romantikong pagkahumaling sa ibang
mga kababaihan. Habang ang mga pagkakaiba-iba ng akronim ay umiiral,
ang L (para sa tomboy) ay kadalasang inilalagay muna.
G (Bakla): Karaniwan ang gay ay isang term na ginamit upang tumukoy sa
mga kalalakihan na nakadarama ng sekswal at romantikong
pagkahumalingsa ibang mga kalalakihan. Gayunpaman, ang mga tomboy
ay maaari ding tawaging gay. Ang paggamit ng term na gay ay naging mas
tanyag noong dekada 1970. Ang salitang 'pamayanan ng bakla' ay
kalaunan ay pinalitan angpariralang 'gay at tomboy na pamayanan'
hanggang sa mas naging popular ang paggamit ng inisyal na mga akronim
na LGB at LGBT.
B (Bisexual): Ipinapahiwatig ng Bisexual ang pagkakaroon ng isang
romantikong at pang-akit na sekswal sa kapwa kalalakihan at kababaihan.
Ang pagkilala sa mga indibidwal na bisexual ay mahalaga dahil may mga
panahon kung kailan ang mga tao na kinilala bilang bi ay hindi naintindihan
bilang isang bakla ngunit ayaw o hindi makalabas bilang isang bakla.
T (Transgender): Ang Transgender ay isang term na nagsasaad na ang
pagkakakilanlan o ekspresyon ng kasarian ng isang tao ay naiiba mula sa
kasarian na itinalaga nila noong ipinanganak.
Q (Queer o Pagtatanong): Ang paunang ito ay karaniwang kumakatawan
saqueer o
pagtatanong. Ang Queer ay itinuturing na isang termino ng payong para sa
sinumang hindi cisgender o heterosexual. Ang Queer ay maaaring gamitin ng
mga taong nag-iisip na ang ibang term na tulad ng gay, tomboy, o bisexual
aymasyadong nililimitahan o hindi kinatawan ng kanilang pagkakakilanlan.
Ang pagtatanong ay tumutukoy sa mga tao na maaaring hindi sigurado sa
kanilangoryentasyong sekswal o pagkakakilanlang kasarian.
+ (Plus): Ginagamit ang 'plus' upang tukuyin ang lahat ng iba pang
pagkakakilanlan at oryentasyong kasarian na hindi partikular na sakop ng
ibapang limang mga inisyal. Kasama rito ang mga indibidwal na intersex,
asexual, pansexual, agender, at genderqueer.

Maraming salamat sa pagbasa ng buong teksto. Ngayon naman sagutin mo ang


gawain sa ibaba.

Palawakin

Panuto: Isulat ang iyong saloobin tungkol sa mga sumusunod na larawan:

1. Pagiging kinatawan ng kasapi ng LGBTQ+ sa Miss Universe 2021

https://www.google.com/search?q=lgbtq+miss+universe+philippines+2021&sxsrf=APq-

_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
2. Legalisasyon ng Same Sex Marriage sa Pilipinas

https://www.google.com/search?q=same+sex+marriage+in+the+philippines&tbm=isch&ved=2ahUKEwik6JqR-

_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________

Aralin 4. TALASTASAN NG KULTURANG POPULAR

Sumasabay ang wika sa mabilis na pag-usad ng panahon; nagbabago man ang anyo o
may natatalikdan, ngunit patunay na ito ay buhay at puno ng kulay. Ang bahaging ito ay
tatalakay sa mga sitwasyong pangwika ng Pilipinas na nakapokus sa talastasan sa kulturang
popular. Alam nating isa sa mga katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na
paglago ng wika ay umuusbong ang iba`t ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na
rin sa impluwensya ng mga pagbabagong pinalalaganap ng media. Ang bahaging ito ay
makakatulong sa iyo upang maunawaan mo ang mahahalagang kaisipan/konsepto na saklaw
ng aralin. Ang mga bagong talastasang pag-aaralan natin sa bahaging ito ay pick-up lines,
hugot lines, Fliptop, Internet Slangs,teenage lingo at gay lingo.

1. PICK-UP LINES
Hindi maikakaila ang pag-usbong ng mga makabagong anyo ng talastasan sa
bansa katulad ng pick-up lines na karaniwang maririnig sa radyo, telebisyon at
pampublikong mga lugar.

Pick-up Lines…Tunog Makata

Simulan natin ang paglalakbay sa mundo ng bagong talastasan. Naghanda ako ng isang laro.
Subukin mong sagutin ang ilan sa pick-up linesna kasunod. Sinagot na ang una para maging
gabay mo sa susunod na tanong.

Lapis ka ba? Bakit? Kasi nais kung isulat lagi ang pangalan mo sa isip ko…
1. Aklat ka ba?
2. Papel ka ba?
3. Table of contents ka ba?
4. Bagyo ka ba?
5. Teleserye ka ba? _ _
Ano ang napansin mo sa larong ito? Tama! Ito ay ginagamit na paraan ng
panunuyoo panliligaw ng kabataan sa kasalukuyan o modernong panahon. Idadaan
sa simpleng patanong at ihahambing sa isang bagay ang sinusuyo upang
maipahatid ang kaniyang nararamdaman. Pick-up lines ang tawag sa pamamaraang
ito ng paghahatidng damdamin.

KAHULUGAN

Ang pick-up lines ay isang deretsahang paglalahad na nadarama ng walang paligoy


ligo na may halong biro at kalokohan. Itinuturing na makabagong bugtong kung saan may
tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas naiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng
buhay. Ito’y mga bana na tumutukoy sa magiliw na paggamit ng paghahambing upang
makatawag atensiyon sa taong pinatutungkulannito.
Isang paraan ng pagbubukas ng konbersasyon sa isang kilala o hindi gaanongkilalang
tao upang ipahayag ang iyong saloobin sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga pahayag na
sadyang nakakatawag pansin.
Karaniwang wikang Filipino ang ginagamit ngunit may pagkakataon ring nasa
wikang Ingles o kaya naman ay Taglish. Pero sino ba ang nakaisip nito? Nakita ba niya na
darating ang araw na lahat na halos ng tao ganito na mag-usap? Na kapag tinanong ka ng
ganito…iisipin mo pa kung pick-up line ba to o simpleng tanong lang.
Ayon naman kay dating senador Mirriam Defensor Santiago, na binansagan naming
queen of pick-up lines ng mga mag-aaral na ang pick-uplines ay ginagamit na paraan sa
pagpasa sa pag-aaral o inspirasyon sa pag-aaral.

Narito ang ilang nakakaaliw at mataray na banat ni Sen. Santiago:

“Nakalimutan ko ang pangalan mo eh, pwede bang tawagin na lang kitang akin?”

“Kung magkakaroon ako ng sariling planeta, gusto ko ikaw ang axis nito, para sa ‘yo
sa lang iikot mundo ko.”

“Para kang hold-upper, lahat ibibigay ko sa ‘yo ‘wag lang akong saktan.”
“Google ka ba? Lahat kasi ng hinahanap ko, sa ‘yo ko natagpuan.”
“Pangalan mo pa lang kinikilig na ako. Paano kaya kung magkaapilyedo na tayo.”
“Ano height mo? Paano ka nagkasya sa puso ko?”
“Masasabi mo bang bobo ako? Kung ikaw lang naman ang laman ng utak ko.”
“When someone told me “ang ganda mo”, I answered “sana ikaw rin.”
“Huwag kang masyadong masama. Baka ikulong kita sa puso ko.”
“Kung nahihirapan kang maging IKAW, try mong maging TAYO baka mas madali.”
Hindi naman lahat ng pick-up lines ay patungkol sa pag-ibig:

“Para kang chicharon, nakaka-high blood ka!”


“Si Antonio Banderas ka ba? Kasi Desperado ka e”. “Kuya,
bukod sa mukha mo, ano pang joke mo?” “Sarangola ka
ba? Kasi sa malayo ka lang maganda.”“Bagyo ka ba? Kasi
ang galing mong manira e.”

KATANGIAN

Hindi naiiwasan ang paghahambing ng mga makabagong paraaan ng talastasanna gaya


ng pick-up lines sa mga makalumang sining ng talastas tulad ng mga bugtong at balagtasan.

Pagkakaiba sa bugtong. Ayon kay Joselito de los Reyes, isang makata at propesor ng
Filipino sa Unibersidad, hindi tahasang maituturing bilang makabagongbugtungan ang mga
banat. “Mananatili itong bago at luma sa parehong panahon depende sa kung sino ang
gumagamit at pinatutungkulan ng “palaisipan,” aniya.

Dagdag pa niya, hindi rin naman ganoon kabago ang pick-up lines dahil kungiisipin,
mayroon na noong ibang katawagan sa mga banat. Sinasabing mayroong pagkakahawig
ang bugtong at banat sa pamamagitan ng pag-uudyok nito sa mganakakarinig na mag-
isip at gamitin ang sariling imahinasyon upang matukoy ang pinatutungkulan ng nagsabi
nito.
Ayon naman kay Jose Wendell Capili, isang propesor ng Creative Writing sa
University of the Philippines (Diliman) at pop culture expert, nagtataglay ang mga banat
ng “appeal” sa kabataan kaya naman mataas ang kanilang pagtangkilik dito.“Unang-una,
payak ngunit matalinghaga ang paggamit ng wika [sa mga banat].
Ikalawa, kontemporaryo ang antas ng mga talinghaga,” aniya.

Bagaman nagsimula sa pagiging makabagong uri ng talastasan hanggang sa maging


isang uri ng libangan at katuwaan, naniniwala naman si
De los Reyes na may iba pang magandang dulot ang mga pick-up line at sa mga
Filipino. Panandang-bato na ito sa kasaysayan. Malaos man o lalong yumabong, hindi
na maikakailang bahagi na ng ating kultura at kasaysayan.

LAYUNIN

Ito ay isang pambungad na pag-uusap na may layuning imungkahi, ipahiwatig,ipaalam o


ipadama ang saloobin sa isang tao.
Isang uri ng pagsasalita na may makatang pagkakagawa na
kadalasang ginagamit sa katuwaan. Ginagamit ng mga taong torpe o natatakot magsabi
ng katotohanan kaya dinadaan na lamang sa pick-up lines, sa ganong paraan ay wala
silang masasaktan at maipapahayag nila ang nais nilang sabihin.
KAHALAGAHAN

Nakakatulong ito upang pantawag ng pansin at interest ng kausap dahil isa itongparaan
ng pagbubukas ng kombersasyon sa kilala o hindi gaanong kilalang tao.
Sa mga manunuyo ang mga pick-up lines ay ginagamit upang makapagdulot ng
magandang impresyon sa babaeng sinusuyo. Ito ay maaaring ipahayag sa pamamagitan
ng iba't ibang paraan ng komunikasyon (text, chat, sulat, personal napakikipag-usap
atbp.). Ito ay isa ring pagpapagaang paraan ng pamumuna.

EPEKTO

Ang positibong dulot nito ay nakapagpapasaya at nakapag-aalis ng lungkot ng tao.


Samanatala, ang negatibong dulot nito ay minsan di na namamalayang nakakasakit na ng
damdamin ng pinatutungkulan.

A. Hanap sagot:

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na mga salitang nasa kahon.


Pagkatapos, gamitin mo ito sa pangungusap.

Hanay A Hanay B
1. Bangin ka ba? a. Ang tamis kasi ng ngiti mo
2. Kape ka ba? b. Kasi ikaw lang ang
nakapagbukas ng puso ko
3. Pustiso kaba? c. Kasi, I can’t smile without you
4. Kumain ka ba ng asukal? d. Ninenerbiyos kasi ako sa iyo
5. Surgeon ka ba? e. Nahulog kasi ako sa iyo
2. HUGOT LINES

Galugarin

KATANGIAN NG HUGOT LINES

Ang mga hugot lines ay mga modernong tayutay. Ito ay mga pangungusap nanabuo
mula sa paghinuha ng mga sariling karanasan na kalimitang tungkol sa romansa o pag-ibig.
Kalimitan ito'y balbal (slang) o pang-aliw sa mga diskurso.
Tinatawag din itong love lines o love quotes na isa pang patunay na ang wika nga
ay malikhain. Hugot lines ang tawag sa linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakakatuwa,
cute, cheesy, o minsa’y nakakainis. Ito ay ginagamit ngayon sa mga social networking
sites kagaya ng Facebook at Twitter. Ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay may
malalim na pinagkukunan o pinanghuhugutang emosyon sa kaniyang sinasabi.
Kadalasan, mga liriko ng kanta at mga quotes tungkol sa pag-ibigang mga ginagamit.
Ang salitang "hugot" ay kagaya rin ng ibang mga salita na napalitan na ang
kahulugan. Ito’y isang kontemporaryong ekspresyon o pagpapahayag ng
nararamdaman gamit ang retorika sa paghahambing/paghahalintulad. Kalimitan ang
paksa ay tao, bagay, pangyayari atbp. na siyang paghahambingan ng karanasan.
Masasabi nating lahat na tunay na malawak ang kaisipan ng mga tao sa
henerasyon na ito dahil nakakagawa ng mga bagay na tulad ng pagbabago ngkahulugan
ng mga salita. Ito ay naging parte na rin ng kwentuhang Filipino.
Kadalasan nang maririnig ang pagsambit ng “Hugot!” matapos ang isang kwento.

HANGUAN

Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon na


nagmarka sa puso’t isipan ng mga manonood. May mga pagkakataong nakakagawarin
ang isang tao ng sarili nilang “hugot lines” depende sa damdamin o karanasang
pinagdadaanan nila sa kasalukuyan. Sa mga taong nasaktan, napagluruan ng pag-ibig at
ng buhay.
Sa mga taong naglalabas ng sama ng loob sa pamamagitan ng paghugot sa
paraan ng pagsasalita. Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit madalas ay Taglishang
gamit sa salita ng mga ito.

DAHILAN NG PAGPATOK NG HUGOT LINES

Kapag maraming sawi sa pag-ibig, maraming humuhugot. Hanggang sa, pati 'yung iba,
nakihugot na. Trending na kasi. Ganun naman pag maybagong nauuso, lahat gusto maki-join.
Walang magpapahuli, tulad ng:

“Kung mahal mo, habulin mo, ipaglaban mo. ‘Wag mong hintaying may magtulak sa kanya palayo
sa’yo. Hilahin mo. Hanggang kaya mo, wagkang bibitaw.”
Isa lang ‘yan sa mga sikat na hugot lines sa movie film at nag- trending. Kapansin-pansing pati sa
simpleng bagay may hugot.

KAHALAGAHAN

Sa paggamit ng mga kabataan sa mga hugot lines, mas


naipapalaganap at napagyayaman pa nila ang ating sariling wika. Sa pamamagitan nito ay
maaaring mahubog dito ang mabilisang pagsalita, bilis at talas ng isip tulad ng pag gamit ng
rhymes at mga malalalim na salita.

Nabigyan ng bagong kahulugan at nausong gamitin sa mga Hashtags (#) samga online
social media tulad ng Twitter at Facebook.

Ngayon, ginagamit ang salitang “hugot” sa pang-araw-araw na pananalita bilang isang


pandiwang nangangahulugang ang isang tao ay mayroong malalim na pinanghuhugutan o
pinagkukuhaan ng emosyon tungkol sa kanyang sinasabi.

Interesante ang paggamit sa salitang "hugot" sa mga usaping puno ng emosyono


damdamin sapagkat kung tutuusin, ang orihinal na kahulugan ng salitang ito ay hindi angkop sa
ganoong konteksto. Bukod pa rito, napukaw rin ang interes ng mga mananaliksik sa pag-evolve ng
gamit ng salita -- mula sa paggamit nito sa mga seryoso o ordinaryong usapin (e.g., “Hugutin mo
nga ang lubid na nakasabit.”) mula sa isang pang-araw-araw na pagpapahayag ng emosyon (e.g.,
“Ang lalim ng hugot mo ah!”).

Ang pagdalas ng paggamit ng salitang “hugot” ay nakapagpapahayag ng paraan ng


pag-iisip at ang mga mahalaga na pinagdadaanan ng mga kabataan ngayon.

HUGOT PA MORE …

Anong kaisipan ang ipinapahayag sa sumusunod na Hugot Lines?

https://www.google.com/search?q=i+gave+you+everything+but+you+left+me+with+nothing&tbm=isch&ved=2ahUKEwjGla_N-
uX1AhWRHaYKHaWLDu
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
https://www.google.com/search?q=kasi+ang+totoo+umaasa+pa+rin+akong+sabihin+mo+sana+ako+pa+rin.+ako+na+lang.+ako+na+lang+ulit&tbm=is
ch&ved=2ahUKEwibmevPgeb1AhXCMHAKHTNIChwQ2-

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. FLIP TOP

Galugarin

PANIMULA
Ang Fliptop ay maari nating maituring na makabagong sining pampanitikan. Bakit? Dahil ito ay
mayabong na pamamaraang pampanitikan para ipaabot ang isyung personal hanggang politikal. Sa
bawat banat o bato din nila ng salita sa isa’t isa ay nakikita kung paano o kung gaano kahalaga ang
wika na siyang sumasalamin sa lipunan. Malaki ang potensiyal ng fliptop para sa kalagayan ng sining at
panitikan. Kayanaman ang Fliptop ay mapabilang na isang uri ng panitikan.

KATANGIAN NG FLIPTOP
Ano ang FLIP TOP?

Ang fliptop ay isang paligsahan ng mga rapper o mga taong gumagamit ng rap sa
pagsasalita. Ito ay may dalawang panig, bawat isa ay kailangang mag-rap sa loob ngisang
minuto. Sari-saring panlalait, pang-aasar at pang-iinsulto ang laman ng rap na binabanggit ng
mga kalahok.

Ang Fliptop ay ating maituturing na Makabagong Balagtasan dahil tulad ng balagtasan,


itong Fliptop ay nakikipagtalastasan rin. Ngunit kumpara sa pormal na balagtasan, walang
malinaw na paksa ang Fliptop. Sa balagtasan kasi, pormal na ibinibigay ang paksa at siyang
pag-iisipan ng dalawang kupunan at pagdedebatehan.
Ang Fliptop rin ay maituturing nating isang rap. Ito ay ginagamitan ng maliksing pag- iisip
ng mga salita, kailangan ay may tunog, nasa tono at tiyempo sa paraan ng pakikipagtalastasan
sa katunggali. Ang bawat isa rin ay binibigyan ng oras upang mailahad ang bawat mensahe
nila sa isa’t isa. Ang fliptop battle ay palitan ng mga ‘banat’ hinggil sa kalabang rapper at
madalas ay tumatagal ng 15-30 minuto.

May magandang madudulot ang Fliptop. Pwede ito gawing pampalipas ng oras o
pampahasa ng ating mga isip. Dito nagbibigay kasiyahan at kasiglahan an gating industriya.

KASAYSAYAN NG FLIP TOP

Paano nagsimula ang fliptop? Ayon sa isang lalaki na nagngangalang Alaric Yuson o
mas kilala sa tawag na Anygma, isang anak ng negosyante sa Maynila, na sinasabing
nagpasimula nito ay mayroong ideya na kinopya mula sa bansang Amerika. Ito ay
ginagawa na dati pa sa nasabing bansa at nang napanood ito ay sinubukan niyang
gayahin. Naghanap siya ng magagaling na rapper sa iba’t ibang samahan sa Maynila.Una ay
tinuruan niya ang mga ito ng pamantayan at pinapaglaban niya ang dalawangtao sa
pamamagitan ng pang – aasar o panlalait sa isa’t isa gamit ang magkakatunogna salita sa
huli ng binabanggit na pangungusap. Kasama ni Anygma na bumubuo ngfliptop, si Kev ang
kumukuha ng video, si Dj Ump ang nag-eedit ng nakuhang video. Ayon sa pananaliksik, si
Anygma rin ang hurado ng fliptop. Ang kanyang mga batayanay ang pagbabato ng salita,
daloy nito, kung magkakatunog ang huling salita at pati narin ang paraan ng pagkakarap.

ANG FLIPTOP BILANG POSTMODERNONG BALAGTASAN

Napag-usapan sa klase ang postmodernong moda bilang isang estilo ng panitikan. Ang
isa sa mga katangian ng modang ito ay ang pagiging mapaglaro nito atang pagkakaroon ng
mas tahasang lapit nito sa gustong talakayin.

Ngayong dekada lang na ito nagsimula ang mga fliptop battles sa ating bansa,
pagkatapos ng ilang taong nang sumikat at maitatag ang rap sa Pilipinas. Dito unang sumikat
ang mga local rappers gaya ni Abra, ang kumanta ng ‘Gayuma’, at ni Basilyo,‘Lord Patawad’.
May mga rappers din namang hindi nagsimula sa fliptop battles gayanina Francis Magalona at
Gloc-9 ngunit dahil sa pag-usbong ng fliptop, nagkaroon ngpanibagong mukha ang rap at mas
maraming mga rappers ang nakilala.

Ang parody ay maituturing na postmoderno. Masasabi kong ang fliptop battles ay


ang modernong parody ng balagtasan noon. May mga pagkakapareho ang
dalawa dahil ang dalawa ay parehong nagpapalitan ng mga ideya sa loob ng itinakdang oras.
Pareho ding paramihan ng boto mula sa mga hurado ang paraan kungpaano nalalaman ang
panalo. Ang fliptop battles at ang balagtasan ay pareho ding mayroong paraan kung paano
sinasabi ang mga argumento ng bawat isang kalahok dito.

Dahil nga postmoderno, mayroong mga binago ang fliptop battles na siyangnagbigay ng
modernong elemento dito. Sa pananamit pa lang, ang fliptop ay umangkop na sa kanluraning
pinagmulan nito. Ikalawa, sa sinaunang balagtasan, angmadalas na paksang pinag-uusapan
ay mas seryoso kumpara sa fliptop. Madalas, mga isyung pampulitika o hinggil sa pagiging
Pilipino ang paksa sa balagtasan.Sa fliptop naman, walang pinag-uusapang seryosong
paksa o isyung pulitikal.
Madalas, puro pagmumura at pambabatikos sa panlabas na anyo at kakayahang mag-
isip ng kalaban ang laman ng mga ‘banat’ ng mga lumalahok sa fliptop battles. Itong aspekto
naman ng fliptop ang wala sa balagtasan; bawal ang pagkakaroon ng personal na komento
patungkol sa kalaban at pagmumura, dapat ang mga argumento ay nakabase lamang sa
paksang pinag-uusapan. Ngunit dahil nga walang tiyak at seryosong pinag-uusapan ang
fliptop, madalas ay nakakiling lamang sa personal na aspekto ng kalaban ang mga ‘banat’ dito.

Mula sa seryosong balagtasan noon at sa pagsikat ng rap sa ating bansa, nagkaroon ng


panibagong paraan sa pagkakaroon ng mga diskurso, at iyon ayang fliptop. Maraming
naiimbentong mga bagong paraan ng pagpapahayag ng sarili mula sa tradisyunal na moda sa
pagdaan ng mga taon at ito ang nagbibigay ng postmodernong timpla rito – ang pagiging
malikhain at mapaglaro nito at ang pagkakaroon nito ng katangiang eksperimentalismo.

MGA HALIMBAWA NG FLIPTOP

1. "kaya black skin, black head, all black everything kahit nakahubad dahil sasobra
mong itim "
2. "kung bat nakaganun ang ngipin mo gusto kong alamin13
anyos ka pa siguro sumususo ka pa rin"
3. "pag eto kalaban ko kailangan ko ng kopi ko pag
ako kalaban mo kailangan mo ng kodigo"
4. "ito ba yung kabattle ko sa rap na galing probinsyaanak
ni apple d ap kay aling dionisia?"
5. "pero champion ka pala lately ko lang nalaman kaya
naman pala grade three lang yong kalaban"
6. "kasi, yung iniigib mo, iniigib mo pa sa balon. At sa
sobrang hirap mo, nagtitipid ka sa sabon"
7. “kaya ang balat mo mas madulas pa sa preskong hito kasi
mas madalas ka pang magbirthday kaysa maligo"
8. "hindi porket negro ka kamaganak mo si Obama
kasi mas maitim ka pa sa mga balak ni Osama"
9. “kaya tanong ko lang handa ka na ba talagang makipag tagisan
sa sobrang init ng venue natin pre nagmukha kang singit na pinagpawisan.”
10. “sikat na sikat ka daw pero sa’king palagay
sikat ka lang kasi wanted ka sa maraming barangay.”

Paghihinuha
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Sa palagay mo, paano pakinabangan ng mga kabataan ang Fliptop bilang uri
ng makabagong talastasan?
2. Bakit maituturing na makabagong panitikan ang Fliptop?
3. Ano ang ikinaiba ng Fliptop sa balagtasan?
4. Ano ang fliptop battle at paano ito isinasagawa?
4. MGA SALITANG BALBAL SA INTERNET (INTERNET SLANGS)

Galugarin

PANIMULA

Sa pang-araw-araw na patuloy ang komunikasyon ng isang Filipino, patuloy rinang


paggamit niya ng wika na nagiging daan sa pagpapayabong nito. Ang komunikasyon ay
naisasagawa sa tulong ng wika sa kung paanong ang wika ay umuunlad sa pamamagitan ng
komunikasyon. Sa kondisyong patuloy ang paggamitnito, lumalawak ang saklaw na
bokabularyo ng isang wika at ito ay katotohanang hindi maitatanggi.
Ang social media ay may sariling bokabularyo at patuloy na lumalago at yumayabong
tulad ng isang karaniwang wika. Ito ang dahilan kung bakit kailangan mong pag-aralan ang
aralin na may kinalaman sa mga salitang balbal sa internet napalasak na ginagamit ng mga
kabataan bilang wika ng makabagong henerasyon.

KALIKASAN

Ang internet slang ay tinatawag ding internet shorthand, cyber-slang, net speak ochat
speak na tumutukoy sa mga barayti ng mga salitang ginagamit ng iba’t ibang taosa internet.
Mahirap bigyan ng istandard na depinisyon ang Internet Slang sa kadahilanang ito’y palaging
nagbabago sa kalikasan nito. Gayunpaman, alam natin na ito’y uri ng salitang balbal na
pinapauso o pinasisikat ng mga taong gumagamit nginternet. Ang mga terminolohiyang ito ay
sumibol upang mapaikli ang salita o makagamit ng ilang titik lamang. Karamihan sa mga tao
ay gumagamit ng daglat lamang pagte-text, sa mga instant messaging at social networking
websites. Ang akronim, mga simbolo sa keyboard at pagdadaglat ang mga karaniwang uri ng
internet slang. Sa kasalukuyan, maraming tao ang gumagamit ng mga salitang balbal hindi
lamang sa pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng internet bagkus kahit na sa harapan.

Isa ang bansang Pilipinas sa may pinakamaraming aktibong gumagamit ng social media
kung kaya’t masasabi na naimpluwensiyahan ang mga Filipino ngmadalas na paggamit
ng social media sa aspekto ng paggamit ng wika at mga partikular na salita.

HANGUAN

Ang internet slang ay nagsimula noon pa mang bago pa ang internet. Ito’y ginagamit
sa chat rooms, social networking services, online games, video games at sa online
community. Mula noong 1979, ito ginawa na ng mga gumagamit ng komunikasyon sa
networks tulad ng Usenet na lumikhang kanilang sariling shorthand.
Ang mga salitang balbal sa internet ay nagmumula rin sa iba’t ibang pangkat ng masa
gaya ng mga: estudyante drayber ng jeep, artista, empleyado at gay community. Sa
pamamagitan ng paggamit ng ganitong uri ng salita, naipahahayag ngtao ang kanilang
saloobin nang may ganap na kalayaan sa paraang nais at kaaya-aya. Sa kabuuan, ang mga
salitang balbal ay malawak ang saklaw sa lipunang ating ginagalawan.
MGA POPULAR NA SALITANG BALBAL SA INTERNET

Dahil sa ang komunikasyon sa internet ay kadalasang personal,karaniwan at


impormal, hindi maiiwasa ang paggamit ng mga salitang balbalng mga nag-uusap. Ang
pag-alam sa mga karaniwang akronim at mga simbolo ng texting ay makakatulong sa
pag-decode at pag-unawa ng anumang mensahe sa text, email o instant messaging sa
online. Kung titingnan mo ang mga blog posts, online forums o mga komento sa
YouTubevideo, makikita mo ang maraming pagdadaglat ng mga salita at ang mga
salitang ito ay parang di pangkaraniwan sa simpleng diskurso. Talagang anginternet ay
may sariling wika na kaiba sa pamantayan ng mga wikang iyong nakasanayan.

Narito ang ilan sa mga salitang balbal sa internet o internet slangs,mga simbolo,
daglat at akronim at mga kahulugan nito.

B4: Before DWBH: Don’t Worry,


AAK: Alive and Kicking B4N: Bye For Now Be Happy
AFAIC: As Far As I’m Bae: Babe/Before Anyone EOS: End Of Story
Concerned Else FAQ: Frequently
AFAICT: As Far As I BBL: Be Back Later Asked Question
Can Tell BBT: Be Back Tomorrow FB: Facebook
AFAIK: As Far As I BFF: Best Friends Forever FIFY: Fixed It For You
Know On FTW: For The Win
AFAIR: As Far As I BRO: Brother FWB: Friends With
Remember BTW: By The Way Benefits
AKA: Also Known As CU: See You FYEO: For Your Eyes
ASAP: As Soon As CUL: See You Only
Possible FYI: For Your
ATM: At The Moment Information

GAL: Get A Life NVM: Never Mind TIME: Tears In My


HAND: Have A Nice OIC: Oh ! I See Eyes
Day OMG: Oh My TLC: Tender Loving
HBD: Happy Birthday Goodness Care
HBU: How About You OMW: On My Way TMI: Too Much
HRU: How Are You OT: Off Topic Information
IC: I See PAW: Parents Are TTYL: Talk To You
ICYMI: In Case You Watching Later
Missed It PLS: Please TTYS: Talk To You
IDC: I Don’t Care POTD: Photo Of The Soon
IDK: I Don’t Know Day
IIRC: If I Remember POV: Point Of View U: You
Correctly PPL: People U4F: You Forever
IKR: I Know Right PTB: Please Text Back UR: Your
ILY: I Love You Q4U: Question For You VBG: Very Big Grin
IMHO: In My Humble QQ: Crying VSF: Very Sad Face
Opinion RBTL: Read Between RT: Retweet
IRL: In Real Life The Lines RTM: Read The
IS: I’m Sorry RL: Real Life Manual
ISO: In Search Of SIS: Sister WB: Welcome Back
J4F: Just For Fun SM: Social Media WBU: What About
JAM: Just A Minute SMH: Shaking My You?
JFY: Just For You Head WKND: Weekend
JIC: Just In Case SOL: Sooner Or Later WOM: Word of Mouth
JK: Just Kidding Str8: Straight WOTD: Word Of The
L8R: Later SYS: See You Soon Day
LMK: Let me Know SWAK: Sealed with a Wru: Who Are You
LOL: Laugh Out Loud Kiss WU?: Whats Up
LTNS: Long Time No TBA: To Be WYCM: Will You Call
See Announced Me?
LYLAS: Love You Like TBH: To Be Honest WYWH: Wish You
A Sister TBT: Throwback Were Here
MP: My pleasure Thursday XOXO: Hugs and
MU: Miss You TBT: Truth Be Told Kisses
MYOB: Mind Your Own TFTI: Thanks For The YGM: You’ve Got Mail
Business Invite YNK: You Never Know
NBD: No Big Deal TFW: That Feeling When YOLO: You Only Live
NSFL: Not Safe For TGIF: Thank God It’s Once
Life Friday YT: YouTube
NSFW: Not Safe For THX: Thanks YW: You’re Welcome
Work TIL: Today I Learned
5. TEENAGE LINGO

Galugarin

PANIMULA

Ang pagbabago sa wika ay karaniwan ng bahagi ng pagbabago sa buhay. Ang


pamamaraan ng komunikasyon ay sumasabay sa pagbabagong ito. Binibigyang- buhay ng
komunikasyon ang pagyabong ng kultura, lipunan lalo na ng wika. Sa patuloynitong pagbabago,
umuusbong ang mga salita na tangi sa isang pangkat ng tao.

PAG-USBONG NG TEENAGE LINGO

Ang dimensiyong sosyal ang nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga register, jargono


sosyal na varayti tulad ng wika ng bakla (gaylingo), wika ng LGBTQ+, wika ngkabataan, wika
ng mag-aaral, wika ng kababaihan, register ng guro, wika ng isports, at iba pa. Pinapatunayan
nito na ang wikang pantao ay isang arbitratryo. Gayundin, ito ay buhay dahil sa
pagbabanyuhay ng mga salita. Tulad ng isang ilog, sumasabayito sa agos ng pagbabago sa
ating lipunan, positibo o negatibo mang manipestasyon.

Ang pagbabago sa wika ay dumaraan sa ebolusyon at nakabatay sa bokabularyong


napagkakasunduan ng mga mamamayang gumagamit nito. Sa paglipas ng panahon,
nakabubuo rin ng mga bagong salita dahil sa pagiging malikhain ng tao.
Ang wika ay sumasabay rin sa uso. Naging bahagi ng kulturang popular ang
swardspeak, jejemon at konyo. Sa kasalukuyan nauuso ang mga Teenage Lingo – slang na
wika ng mga kabataang Filipino. Binubuo ito ng isang leksikon ng mga hindiestandardisadong
salita at parirala sa isang tiyak na wika. Ito rin ay isang impormal na wika na ginagamit sa
karaniwang pakikipagkomunikasyon. Bahagi ang slang ng isang wika na lagpas sa
kombensiyonal o istandard na gamit ng wika.

Binubuo ito ng mga bagong hangong salita, parirala o may pinalawak na kahulugan na
nakapaloob sa bawat terminolohiya. Kadalasan itong nagbibigay ng impresiyon sa tagapakinig
tungkol sa pag-uugali o nakagawian ng nagsasalita.

KRAYTERYA NG TEENAGE LINGO

Tumutugon din ang teenage lingo sa mga sumusunod na krayterya:

1. ibinababa nito, kahit pansamantala ang karangalan ng pormal na pagsasalitao


pagsulat;
2. ang paggamit nito ay nagpapahiwatig na ang tao ay may kaalaman sa mga
terminong ginagamit ng ibang pangkat;
3. ang salita ay isang taboo sa ordinaryong diskurso sa pagitan ng mga taongmay
mas mataas na katayuan sa lipunan o may mas higit na responsibilidad;
4. ginagamit ito upang mabawasan o maiwasan ang pagkayamot na dulot ng
mahabang salita o mahabang paliwanag tungkol sa kahulugan ng salita.
Ang teenage lingo ay nag-aambag sa wika sa kasalukuyan mula sa mga
transpormasiyon na nagaganap sa kanilang panahon bunsod ng pag-unlad ng teknolohiya o
impluwensiya ng online platforms tulad ng social media.

MGA HALIMBAWA NG TEENAGE LINGO

1. Havey/ Waley - magaling/ walang kwenta


2. Jowa - kasintahan
“Jowable” - kasintahang may dating
3. Charot - biro lang
4. Lodi - idol
5. Petmalu - malupet o malupit
6. Mumshie - nanay
7. Werpa - power, lakas
8. Keri - makakaya
9. Bes / Beshie - matalik na kaibigan
10. Chika - tsismis
Chikahan - usapan
11. Beast mode - galit
12. Tigok - patay
13. Dedo - patay
16. Wafu / Wafa - guwapo/ maganda
17. Dehins - hindi
18. Taratitat - madaldal
19. Kulelat - talunan; pinakamababa
20. Syonga - bobo
Engot - Kahulugan: bobo

6. GAY LINGO

GALUGARIN

PANIMULA

Sa pagdaan ng panahon, mapapansin natin ang naging mabilis na paglago ng


Swardspeak o Gay Lingo. Ang tinagurian noong “lihim na wika” ng mga bakla ay madalas na
natin ngayong maririnig na ginagamit sa radyo at telebisyon upang mang-aliw at magpatawa.
Maging sa ibang mga lathalain ay ginagamit na rin ito sa gayundingkadahilanan. Sa ngayon,
hindi na rin lamang mga bakla ang maririnig na nagsasalita ng gay lingo. Ito’y dahil pati na rin
ang mga babae, mga bata at ibang mga kalalakihanay natututo na ring gumamit ng kakaibang
lenggwaheng ito.

Dahil sa mga pagbabagong ito, masasabi nating may maaaring maging epektoito sa
ating kultura at lipunan. Kaya naman ang pag-alam sa kasaysayan at mga pagbabago sa
lenggwaheng ito ay kailangan.

Kahulugan ng Gay Lingo


Ang Gay Lingo ay isang patagong wika o salitang balbal na nagmula sa Englog
(pagpapalit wika ng Tagalog-Ingles) na ginagamit ng ilang mga homoseksuwal sa Pilipinas.
Ang lingo na ito ay gumagamit ng ilang salita mula sa Tagalog, Ingles, Kastila, at ilan mula sa
Hapon, pati na rin sa pangalan ng mga kilalangtao at tatak, na nagbibigay sa kanila ng mga
bagong kahulugan sa iba’t ibang konteksto.
Sa pagdaan ng panahon, mapapansin natin ang naging mabilis na paglago ng
Swardspeak o Gay Lingo. Ang tinagurian noong “lihim na wika” ng mga bakla ay madalas na
natin ngayong maririnig na ginagamit sa radyo at telebisyon upang mang-aliw at magpatawa.
Maging sa ibang mga lathalain ay ginagamit na rin ito sa gayundingkadahilanan. Sa ngayon,
hindi na rin lamang mga bakla ang maririnig na nagsasalita ng gay lingo. Ito’y dahil pati na rin
ang mga babae, mga bata at ibang mga kalalakihanay natututo na ring gumamit ng kakaibang
lenggwaheng ito.

Dahil sa mga pagbabagong ito, masasabi nating may maaaring maging epektoito sa
ating kultura at lipunan. Kaya naman ang pag-alam sa kasaysayan at mga pagbabago sa
lenggwaheng ito ay kailangan.

Ayon sa mga lingwista, pidgin ang tawag sa isang uri ng wika na nabuo sa
kadahilanang may pangangailangan ang ilang grupo ng tao na mag-usap gamit ang pananalita
na sila lamang ang nakakaintindi (Lim,2009). Ito rin ay mayroong alituntuning gramatika o
baliralang sinusunod. Alinsunod dito, ang gay lingo ay sinasabing isang pre-pidgin sapagkat
wala itong sinusunod na alituntunin. Walang makapagsasabi na mali ang barirala o ang
pagbigkas ng isang tao sa mga salita sa gay lingo (Santos,2007).

Ayon kay Renerio Alba, ang gay lingo ay isang jargon na ginagamit ng mga Pilipinong
gay sa tuwing sila ay nakaharap sa malaking grupo ng mga tao upang itagoo ikubli ang kanilang
usapan tungkol sa apkikipagtalik upang maprotektahan ang mgatao na hindi sanay sa ganitong
paksa (Alba,2006).

Kasaysayan ng Gay Lingo

Ang mga lalaking may pusong mamon ay nakaranas ng matinding pang- iinsulto sa
kanilang pagkatao na naging resulta ng diskriminasyon nila sa lipunan. Ito ang nagtulak sa
kanila upang buuin ang kanilang pagkakakilanlan sa bayan. Dahil dito,nakaisip sila ng paraan
kung saan maaari nilang maitago ang bawat paksang kanilang pag-uusapan. At doon na
nagsimulang umusbong ang gay lingo. Nagsimula ang gay lingo sa Pilipinas noong dekada 60
upang itago sa lipunan ang kanilang mga kwento (Ruth,2008).

Mula sa mananaliksik na si Reinero Alba, tinawag ni Jose Javier Reyes noong1970 na


“swardspeak” ang gay lingo subalit pinabulaanan ito ni Ronald Baytan sapagkat sa panahong
ngayon, itinuring ang terminolohiyang “sward” na makaluma nakung kaya’t mas kinilala ito sa
terminolohiyang gayspeak o gay lingo. Sa pamamagitan ng gayspeak, nakakagawa ng bagong
imahe ang mga gay na naiiba sa dominantenglipunan noon, ang patriarchal (Alba, 2006).

Ayon kay Santos (2007), ang gay lingo ang nagging sandata nila upang makamit
nila ang kalayaan at karapatan na kanilang inaasam. Ito ang nagging simbolo ng kanilang
paglaban sa lipunang nais silang burahin, ang lipunang naging mapanghusga sa kanilang
pagkatao.

Ang Gay Lingo sa Larangan ng Media

Nang nagsimula ang ika-21 siglo, patuloy na umunlad ang gay lingo dahil na rin sa
teknolohiya at modernisasyon. Ang media ang nagsilbing pinakamabilis na pamamaraan
upang makilala ng mga mamamayan ang gay lingo. Ayon sa pag aaral ni Santos (2007),
mayroong isang nangingibabaw na uri ng gay lingo at tinawag niya itong showbiz slang. Ito
ang pinakapopular na gay lingo dahil na rin sa impluwensya ng media tulad ng radyo,
telebisyon at pahayagan. Lumabas ang gay lingo sa media na nagsimula sa Giovanni Calvo’s
80’s show na “Katok mga Misis” kung saan tinuruanang mga tumatangkilik dito ng mga gay
words tulad ng “badaf” at “ma at pa” na ang ibig sabihin ay malay ko at pakialam ko. Unang
lumabas ang gay lingo sa telebisyon noong 2004, ito ay ang GMA-7’s “Out”. Ayon kay Alba
(2006) ito ang kauna-unahang gay show sa kasaysayan ng telebisyon. Pinasikat nito ang ilang
salita tulad ng “purita”o mahirap. Sinundan pa ito ng ilang talk shows tulad ng isang blind item
segment sa GMA7 na “Da Who” ng Startalk. Lumabas din ang gay lingo sa ilang FM stations.
Karaniwan itong ginagamit ng mga DJ na babae at gay tulad na lamang ng 90.7 LoveRadio sa
“Tambalang Balasubas at Balahura” na pinangungunahan nina Chris Tsuperat Nicolliala. Sa
tulong ng media, nakahanap ng pagtanggap sa lipunan ang mga gay gamit ang gay lingo.
Patuloy itong tinangkilik ng mga mamamayan. Mas lalong nakilala ang gay lingo dahil sa
internet sa tulong ng mga blogs, internet forumsat websites na nagbigay ng pagkakataon sa
mga gay na ipakilala sa mundo ang kanilang pagiging malikhain. Unti-unti itong kumalat
hanggang naabot nito ang text messaging. Tinangkilik ito ng masang Pilipino sapagkat ito ay
nasa anyong katatawanan.

Ang Gay Lingo sa Larangan ng Akademika

Dumating din ang panahon na ginamit na rin ito sa akademika tulad ng mgababasahing
libro. Naitala sa pananaliksik papel na “The Evolution and Expansion of Gay Language in the
Philippines” na ilan sa mga nalimbag na babasahin ay ang diksyunaryo na pinagsama- sama
ng UP College of Arts and Letters kung saan naitalaang maraming gay terms; nailimbag din
ang isang komiks na pinamagatang “Zsa zsaZaturnnah” sa panulat ni Carlo Vergara. Nakuha
ng komiks na ito ang panlasa ng mambabasa kung kaya’t agad itong dinala sa entablado sa
pamamagitan ng isang musikal na pagtatanghal hanggang tuluyan itong ginawang pelikula.
Patuloy na ginamit ang gay lingo sa mga pahayagan tulad na lamang ng UP’s Philippine
Collegian kung saan makikita sa isang seksyon nitong “Eksenang Peyups” ang tuwirang
paggamit nggay lingo sa kanilang mga blind item. Ginamit din ang gay lingo ng pahayagan ng
PUP,ang PUP’s The Catalyst sa panghihikayat na tanggapin ang gay lingo (Ruth, 2008). Hindi
na nga maikukubli ang lawak ng pagtanggap ng taong bayan sa gay lingo. Nakuha ng mga
gay ang inaasam nilang pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng gay lingo.

Ang Gay Lingo Bilang Isang Lengguwahe

Masasabi natin na ang gay lingo ay nauuri bilang isang sosyolek. Unahin muna natin
ipaliwanag kung ano ang sosyolek. Ang bawat lipunan ay may iba’t-ibang grupo na may iba’t
ibang oryentasyon batay sa kanilang tungkulin na ginagampanan o katayuan at ang mga
grupong ito ay may sari-sariling baryason ng wika. Ang baryasyon ng wikana batay sa katayuan
ng speaker sa lipunan o sa lupon na kanyang kinabibilangan ay tinatawag na sosyolek. At sa
depinisyong ito, masasabi natin na ang mga bakla, bilangisang grupo sa lipunan ay may sariling
barasyon ng wika na sila lamang ang nakakaintindi.

Ang lexicon ng isang wika ay nagsasaad ng uri ng pamumuhay at pananaw ng


gumagamit nito, pati na rin ang mga bagay na pinahahalagahan nito. Sa kabilang banda, ang
argot naman ay ang sikretong lenguahe na ginagamit ng iba’t ibang grupoupang maitago ang
kanilang pinag-uusapan. Kung susumahin natin ang depinisyon ng lexicon at ilalapat sa
kalagayan ng gay lingo, ang gay lingo ay mismong nagsasaad nguri ng pamumuhay ng isang
bakla at bilang isang argot, upang maitago ang kanilang ulayaw na pag-uusap at
maprotektahan ang mga birheng tenga ng mga nasa paligid (Alba, 2009).

MGA HALIMBAWA NG GAY LINGO

Narito ang ilang halimbawa sa pagbuo ng mga salita sa Gay Lingo:


Salita Kahulugang Klasipikasyon Pangungusap
nakakabit sa mga
salita
Akengkay Akin Panghalip Akengkay ang suot
niyang damit.
Catchus Gupit Pandiwa Maganda ang catchus ng
kanyang
buhok.
Domo marami Pang-uri Grabe! Ang domo ng
tao sa mall.
Erna Dumi ng tao Pangngalan Kadiri my erna pa sa
banyong iyan!
Kuray Tip(pera) Pangngalan Hindi man lang nagbigay
ng kuray
yung kostumer.
Nyokas bukas Pang-abay Nyokas na tayo
pumunta ng
divisoria.
Tanters Matanda Pangngalan Tanters na ang may-ari ng
bahay na iyan.

Salita Salita Salita Salita


chefar – kasintahan ikura – magkano nyobyz- sabay shope- kape
sabay

chipangga – done jodan-joke oha- girl sorotera –


manloloko

chu – hindi jutay- maliit okani- pera star bucks – lamay


naniniwala
dakis- malaki kalerki – kaloka pest – mukha tegi – patay

doko – saan keme- pudyay- tatay tiboni- tomboy


nagsisinungaling

getshie – nakuha keta – cellphone shobayo – kabayo warla – gulo

gora- let’s go kiber- walang shobie – tabi wititit – hindi


pakielam

hanchi- anong oras mahogany – mabaho shogay – tagay yobe – sabi

hawai – 50.00 mudyay – nanay shonta – kanta yotas- gastos


Pagsusuri sa Gay Lingo

Isa pang paraan ng pagbuo ng salita ay ang tinatawag nilang “Name Game” kung saan
nakakabuo ng bagong salita sa pamamagitan ng paggamit ng pangalan ng mga tao lalo na ng
mga artista o kaya naman ay mga tatak ng produkto (Maruja, 2008). Ang mga halimbawa ay
ang mga sumusunod:

Chanda Romero na ang ibig sabihin ay tiyan


Carmi Martin na ang ibig sabihin ay karma
Luz Valdez (mula sa salitang Ingles na loose) na ang ibig sabihin ay natalo
Orocan (isang tatak ng plastik na kabinet) na ang ibig sabihin ay plastik
Cookie Chua (mula sa salitang Ingles na cook) na ang ibig sabihin ay magluto
Nina Ricci (mula sa salitang Ingles na rich) na ang ibig sabihin ay mayaman
Gelli de Belen (mula sa salitang Ingles na jealous) na ang ibig sabihin ay naiinggit

Marami sa mga gay words ay gumagamit naman ng mga dagdag na salita, pantig, o
titik. Ang ilan naman ay binabawasan ng mga pantig o titik. Ang iba namang salita ay
pinagsasama-sama. Narito ang ilang mga halimbawa:

crayola mula sa salitang cry


pagoda mula sa salitang pago
rita mula sa salitang naiirita
rhapsody mula sa salitang sarap
Aglipay (ugly at Pinay) na ang ibig sabihin ay pangit na Filipina
Lucita Soriano (loser at sorry) na ang ibig sabihin ay loser na, sorry p
Rica Peralejo (Rica-rich at pera) na ang ibig sabihin ay mayaman

Sanggunian:

7Esl. (2018). Internet Slang: Thousands of Trendy Internet Slang Words You Need to
Know.https://7esl.com/internet-slang/
Alba, R. (2006). The Filipino gayspeak. Retrieved January 7, 2010,from
http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-
a/article.php?=289&subcat=13

Ang Hugot Lines Bilang Teknik sa Paglinang sa Malikhaing Pag-iisip ni Jenny B Belza

Cascabal, N. 2008. Gay Language: Defying the Structural Limits of English Language in the
Philippines. Nakuha Enero 11, 2010. Hango
sa http://www.philjol.info/index.php/KK/article/viewFile/754/699

Gamuyao, Natalie U. (2018). Pagsusuri sa mga Pick Up Lines ni Meriam Santiago BilangKulturang
Popular: Isang Mungkahing Disenyong Aralin.

Genton, K. (2017). Paano gumawa ng Tulang may Hugot. https://www.facebook


com/1864641553769311/posts/paano-gumawa-ng-tulang-may-hug otni-honey-kathleen-
gentonmadali-lang-naman

https://scholar.google.com/scholar?hl=en&as_sdt=0%2C5&q=hugot+lines&btnG=
http://thetody.blogspot.com/2015/09/papanimulakaligiran-fliptop-ay-ating.html

https://angtinigngdagat.tumblr.com/post/99227745281/ang-fliptop-bilang-postmodernong- balagtasan
https://www.researchgate.net/publication/342849144_WikaGenZ_Bagong_anyo_ng_Filipino_
slang_sa_Pilipinas
https://www.youtube.com/watch?v=xM5Z_AQzo5Y
http://www.studymode.com/essays/Fliptop-629262.html
https://owlcation.com/humanities/20-Tagalog-Slang-Words

https://reference.yourdictionary.com/reference/other-languages/20-common-filipino-slang- words-
and-expressions.html

https://www.academia.edu/37915340/Ang_Ambag_ng_mga_Makabagong_Terminolohiya_ng
_mga_Millenials_sa_Social_Media_tungo_sa_pagpapaunlad_ng_Wikang_Filipino

Lim, J. (2009). Philippine gay language: A pidgin. Retrieved January 5, 2010,from


http://www.filipinowriter.com/philippine-gay-language-a-pidgin

Maruja, E. (2008). Deciphering the Filipino Gay Lingo. Retrieved December 20, 2009,from
http://www.ampedasia.com/forums/filipino-gay-lingo-t-10957.html

Ruth, E. (2008). The evolution and expansion of gay language. Retrieved December 13,2009,
from http://email031791.multiply.com/journal/item16

Santos, M. (2007). Chiswisang baklush en leksh edades de empormusyones. Retrieved December


22, 2009, from http://www.pinoyblogsphere.com/2007110/16/chiswisangbaklush-en-leksh-edades-
de-impormasyones
Aralin 5. Pananamit (fashion, ukay-ukay)

Galugarin

UKAY-UKAY
Etimolohiya
Ang ukay-ukay ay salitang Bisaya na nangangahulugang maghalungkat sa mga damit
na itinumpok sa mesa, itinambak sa kahon, o ikinalat sa nakalatag na sako.
Konektado ito sa salitang Tagalog na hukay (dig) na parang naghahalukay nglupa ang
mga mamimiling naghahanap ng makukursunadahang damit.
Ang ukay-ukay ay tinatawag din sa pangalang “wagwagan” kung saan kailangan
munang pagpagin upang matanggal ang mga alikabok at makita ng tuluyanang isang produkto.

Ang ukay-ukay ay halo-halo, walang ayos at bunton-bunton lalo na ang mga tinitinda
sa bangketa tindahan sa mga bayan-bayan. Subalit nakatupi at nakahanger na sa mga mall
at shopping complex. Tinitinda rin ito sa mga garahe ng mga bahay na ng mga may-ari upang
makatipid sa renta ng pwesto.
Ang ukay-ukay ay itinuturing din na “magandang alternatibo para sa mga mas mahal
na bilihin” (Abueg, 2005). Dahilan upang mas tangkilikin ito kaysa sa mga bagongunit mas
mahal na produkto.

Kasaysayan

Hongkong
Ayon kay de Castro (2001), ang mga ukay-ukay ay
kadalasang nanggagaling sa Hong Kong-based Salvation Army’s
rummage sale sites at sa United States na kadalasang galing sa mga
garage sale at ipinapadala sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga
balikbayan boxes. Sa pagdating ng mga kagamitan sa bansang
Pilipinas, ibinebenta na ito sa mas murang halaga, kadalasan,
naibebenta ito sa kalahati ng orihinal na presyo nito. Ayon kay
Cabreza (2001), ang pagbebenta ng mga kagamitang ito sa murang
halaga ay dahil hindi na ito bago at nababawasan ang kalidad nito ng
Finance as a market research. (2020, July 24).NEW
kaunting porsye INNOVATIVE REPORT ON SHIP TO
SHORE CRANES MARKET SWOT
Baguio ANALYSIS & STRATEGIC ASSESSMENT
2020-2027| ANUPAM INDUSTRIES
LIMITED,,MAC PORT MACHINE
OPERATRICI PORTUALI S.R.L.
Niretrib sa: https://primefeed.in/covid-19-
Ang ukay-ukay ay mistulang industry-impact/721861/new-innovative-
report- on-ship-to-shore-cranes-market-
mall. Ang lumang mga gusali ay swot-analysis- strategic-assessment-2020-
2027-anupam- industries-limitedmac-port-
nilusob ng ukay-ukay at lumawak macchine-operatrici- portuali-s-r-l/

ang teritoryong sakop nito. Kung


noon tumutukoy ito sa mga segundamanong damit,
ngayon tumutukoy ito salahat ng klase ng bag, stuffed
toys at iba pang laruan, sapatos, tsinelas, sinturon,
kumot, kubrekama at punda ng unan, mga gamit sa
kusina, kurtina, baseball caps, Christmas décor at pati
bookmarks na galing saEhipto at Turkiya.
Leonido, J., Atuan , C.,Magsisi, M., Mendoza, A., at Reyes, C. (2018, October 23). Kulturang Fiipino sa Ukay-ukay.
Niretrib sa: https://1a12.home.blog/2018/10/23/kulturang-fiipino-sa-ukay-ukay/
Napakalaki ng potensiyal ng salitang ukay-ukay kaya natural lamang na lumawak pa
ang kahulugan nito. Para mga sikat na fashion designer na tulad nina Rajo Laurel, ginagamit
ngayon ang ukay-ukay para tukuyin ang “vintage fashion.” Dahil sa ukay-ukay, naging “in” ang
mga lumang damit na ngayon ay nire-recycle at ginagamit sa paglikha ng mga makabagong
kasuotan na kinatutuwaan ng mga fashionista. Dahil sa koneksiyon nito sa mga bagay na
luma o gamit na, ang ukay- ukay ay nagamit na rin bilang katumbas ng “archive,” tulad
halimbawa ng paggamit ng UP Film Institute sa salitang ito para tukuyin ang archive ng sineng
Filipino na dapathalukayin upang mahanap ang mga lumang pelikula na nabaon na sa limot.
Kinakatawan ng salitang ukay-ukay ang kultura at lipunang Filipino sa
kontemporanyong panahon (Tolentino,2004). Nakakaya ng mahihirap na bumili ng damit sa
murang halaga at sunod pa sa moda. Ang kalakasan ng ukay-ukay ay ang halos bagsak
presyo na halaga ng mga produkto kung ikukumpara sa mga malalakingpamilihan. Kung sa
mga mall ay nagtataasan ang mga presyo, sa ukay-ukay, kahit hindi panahon ng sale ay
sobrang baba ng mga presyo ng mga damit. Nang dahil sa bagsak presyong mga produkto,
mas tinatangkilik ng masa ang mga ibinebenta dito.

Karamihan sa mga Pilipinong mamimili ay nahihilig sa pagbili ng mga mura ngunit


dekalidad na produkto.

Kuwento sa Ukay-ukay
May mga kwento ang ukay-ukay noon, tulad ng mga damit at gamit ng mga patay o
maysakit at donasyon ng ibang bansa para sa mga biktima ng sakuna sa Pilipinas, subalit
pinabulaanan ito ng pag-aaral ni Abueg (2005), ang mga produktongibinebenta sa ukay ukay
ay mula pa sa ibang bansa na iniimport sa atin bilang donasyon o pasalubong at ibinebenta
ito sa murang halaga. Idinagdag pa niya na mayposibilidad din na makasira sa kalagayan ng
isang tao o maaaring magdulot ng sakit sapagkat ayon kay Dr. Dana Ruiz, na isang
dermatologist, ang mga kagamitan galingsa isang ukay-ukay ay puwedeng magdulot ng skin
disease, allergy, at AtopicDermatitis lalo na kung ang immune system ng isang tao ay mahina
dahil wala namang kasiguraduhan na lahat ng binibili sa ukay-ukay ay tiyak na malinis.

Ugnayan ng Ukay-ukay sa Kulturang Filipino


Mayroong kaugnayan ang ukay-ukay sa kulturang Filipino dahil nasasalamin ang
pagiging matipid ng mga Filipino sa konsepto ng pagtawad sa mga bilihin at pagtangkilik sa
mga gamit na mababa ang presyo. Nasasalamin din ang pagiging mapamaraan ng mga
Filipino dahil nakahahanap sila ng mas mura at alternatibong paraan upang magkaroon ng
mga damit na sikat ang disenyo. Sa pagtangkilik ng mgadamit mula sa ukay-ukay, makikita rin
ang hilig nating mga Filipino sa pagtangkilik samga produktong hindi naman sariling atin.

Marahil ay natamo mo na ang mga layunin ng pagbasa sa tekstong ito.


Ngayon ay sasagutin mo ang inihanda kong mga katanungan sa talakay.
Pangalan: Iskor:
Kurso at Seksyon: Petsa:

Talakayin

1. Ano ang Ukay-ukay? Sagutin ito gamit ang modelo ni Frayer. (12 pts.)
Sariling Depinisyon Depinisyon ng ibang awtor

Katangian Mga halimbawa

2. Bakit tinatangkilik ng mga Filipino ang ukay-ukay? Ilimita ang sagot sa


20 salita. (2 pts.)
Subukin

Alam kong marami ka nang natutunan tungkol sa paksang ukay-ukay,


subukin mong punan ng tamang salita ang patlang sa bawat pangungusap.
1. Sa bansang ito nagsimula ang negosyong ukay-ukay.
_
2. Sa lungsod na ito unang ibinenta ang ukay-ukay, at nang maglaon balakpa
itong ngalanan ni Pang. Arroyo na Ukay-ukay Kapital ng bansa.

3. Ayon sa pag-aaral ni Luisito Abueg noong 2005, ang ukay-ukay ay


kumakatawan sa kultura at lipunang Filipino sa
panahon.
4. Sa wikang galing ang salitang ukay-ukay na
nangangahulugang maghalungkat sa mga damit na itinumpok sa mesa,
itinambak sa kahon, o ikinalat sa nakalatag na sako.

5. Ang pagtangkilik ng mga produktong imported ay pinananiwalaang may


masamang epekto sa ating ekonomiya at sa mga lokal na mga negosyante. Ito
ay tinatawag na isang _ na pag-iis
Aralin 6. Pagkain
Pag-aralan sa araling 1ang mga pagkaing naging bahagi ng kulturang popular
ng ating bansa. Ngayon naman ay babasahin mo ang teksto tungkol sa mga pagkaing
Pinoy, mula sa mga pagkaing niluto ng mga katutubohanggang mga pagkaing dala ng
mangangalakal na Tsino at mga mananakop na mga Espanyol at Amerikano.
Inaasahang matugunan mo ang mga sumusunod na layunin:

1. nababatid mo ang iba’t ibang uri ng pagkaing inihahanda sa


hapag-kainan ng pamilyang Filipino
2. natatalakay ang impluwensya ng mga dayuhan sa mga pagkaing
Filipino at
3. nauunawaan kung bakit ang pagkain ang pinakapopular sa kulturangPinoy.

Paliparin

1Reddit. (2008,January 25).I ate Filipino lechon. Niretrib sa;


https://www.reddit.com/r/food/comments/bvra5m/i_ate_filipino_lechon/

Likas sa ating mga Filipino ang pagkahilig sa mga pagkain.Naghahanda tayo


ng masasarap na pagkain sa tuwing nagsasama-sama ang pamilya at reunion ng
magkamag-anak, magkaklase at magkakaibigan. Hindi buo ang mahahalagang
okasyon, tulad ng Pasko, binyag, kasal, Pasko ng Pagkabuhay, anibersaryo at
pasasalamat kung walang naihandang pagkain sa hapag. Kaya ang pagkain ay
masasabing bahagi na ng kultura natin. Ang paghahanda ay tunay na pinagplanuhan,
mula sa pangunahin (main dish) at pandagdag (sidedish) na mga ulam, hanggang sa
mga inumin, pampagana atpanghimagas.
Kaya, sama na, maglakbay tayo sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas,
galugarin at tikman ang mga natatangi at masasarap nilang pagkain.
Galugarin

Google.(2020).Agricultural products. Niretrib sa:


https://www.google.com/search?hl=fil&tbs=simg:CAESiAEJsBPCrCjM5LcafQsQsIynCBphCl8IAxIn1hbYFmnXFu ILzRbZFtUW2hbaA9s33Df
eN7MyjyKbINg3jiKNIto3GjAmXnrhARLouaY-T_1KS-jTmJlwdA4MkGQtfzSztNg85xTCHmgPI-
QCus3B9sxtm6OcgBAwLEI6u_1ggaCgoICAESBA4mbrgM&sxsrf=ALeKk02b-
xRbe20DE5EiAlyOCthWAc6swQ:1596356393255&q=agricultural+products&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjFxYT-
ivzqAhVvx4sBHeZCCA8Qsw56BAgIEAE&biw=1422&bih=666

Pagkain
Ayon sa Wikipedia (2017), Pagkain ang tawag sa anumang kinakain o iniinom
ng anumang buhay na organismo, hayop man o halaman. Ang pagkainay may literal
na kahulugan sa mga wikang Ebreo at Griyego tulad ng bagay na kinakain, sustansiya,
tinapay, karne, o laman.
Ang ating bansa ay may mayamang kalikasan. Biniyayaan tayo ng mgaisla na
pinalilibutan ng tubig at sagana sa mga lamang dagat, tulad ng mga isda, kabibe at
halamang dagat. Ang mga kapatagan, burol, at mga lambak aymay mayamang lupa
na kahit anong halaman ay tutubo at lalago. Maaari rin tayong makapag-alaga ng mga
hayop, tulad ng baka, kalabaw, manok, iitik, pato, kambing at iba na mapagkukunan
ng ulam sa bukid.
Nakikilala kung saang rehiyon o pangkat etniko tayo galing sa uri ng pagkaing
ating niluluto. Mula sa karaniwang kainan hanggang sa iba’t ibang uring okasyon.Gaya
ng nakasulat sa isang blog na “Eating is more fun in the Philippines“ (Jdennise,
2017).
Ayon kay Fernadez (2016), ang pagkain ay nilikha ng buong sambayanan,
sang-ayon sa kanilang panlasa, para sa kanilang pag-apruba, para sa pang-araw-
araw nilang gamit, at inaasahan para sa kanilang kasiyahan. Idinagdag pa niya na ang
pagkain ang pangunahing laman ng kamalayang Filipino noon at magpahanggang
ngayon. Naglalarawan ito ng identidad nating mga Filipino.
Pangunahing produktong pagkain ng bansa ay ang palay, sinundan ito ng
mais, niyog at mga ugat pananim tulad ng kamote, mani, patatas, kamotengkahoy, ube,
gabi at iba pa. Dahil walang lasa ang kanin, nakakapaglikha ang mga ninuno natin ng
iba’t ibang ulam upang pamares dito. Nakalilikha rin ang mga Filipino ng mga kakanin
mula sa bigas at mga ugat pananim, tulad ng puto, bibingka, kutsinta at iba pa…
Sinabi rin ni Fernandez (2016), nakapagluluto rin ng putahe mula sa mga
inaalagang hayop tulad ng manok, baboy, baka at kambing at iba pa.

Maging di- pangkaraniwang sa iba-ibang rehiyon tulad ng ahas, bayawak,


batang pugita, kuhol, tamilok at iba pa.
Bawat pangkat-etniko ay may mga katutubong pagkain gaya ng laswa, KBL
at dinuguan ng mga Ilonggo, pinakbet ng mga Pampango, Kare-kare ng mga
tagalog, laing at bicol express ng mga Bikolano, nailayawang manok ng mga aeta
sa Pampanga, dinengdeng ng mga Ilokano, Pinikpikan ng mga Ifugao, Chicken
Piaparan ng mga Maranao at marami pang iba.

Dennise, J. (2017, January 22). Pagkaing Pinoy. Niretrib sa:


https://jdennise.wordpress.com/2017/01/22/pagkaing-pinoy

Mga mangangalakal na Tsino ay nandito na sa ating bansa bago pa man ang


pananakop ng mga Espanyol. Kaya hindi kailangan na naibigan na ring kainin ng mga
katutubo.
Makikita rin sa mga putaheng Pinoy ang impluwensya ng mga Espanyol.Ang
mga putaheng ito ay pangmaykaya o pagkaing principalia na karaniwang ginigisa
gamit ang bawang, sibuyas at kamatis. Ang mga putaheng ito ay masmaluho kaysa
mga pagkaing katutubo. Madalas itong niluluto sa mga handaanat fiesta
Impluwensya naman ng mga Amerikano ang mga pagkaing madaling ihanda
o iluto gaya ng burger, timpladong manok, sandwich, pie, at iba pa.

The Toritilla Guy. (2007, August 20).History Of Food And


Drink.https://ifood.tv/facts/12585-history-of-food-and-drink

Bukod pa sa mga pangunahing putahe (main dishes), marami pang masasarap


na pagkain ang bawat bayan, probinsya at rehiyon sa bansa. Karamihan sa mga ito
ay ginagawang merienda tulad ng mga kakanin, panghimagas at pampagana.
Panlasang Pinoy Recipe. (2015, April 17).Top 10 Kakanin Recipes. Niretrib sa:
https://www.panlasangpinoyrecipes.com/top-10-kakanin-recipes/

Sa kasalukuyan, tinatangkilik na rin ng mga Filipino ang iba pang mga kilalang
putahe o cuisine mula sa mga karatig bansa sa Asya tulad ng Korean,Japanese, Thai,
Vietnames at iba pa, kaya ganoon na lamang ang pagsulputanng mga restawrant sa
mga pangunahing lungsod ng bansa. Subalit nangingibabaw pa rin ang mga pagkaing
Pinoy natin.

Natuwa ka ba sa tekstong iyong nabasa at nasarapan sa mga larawangiyong


nakita? Upang lubos na maunawain ang teksto samahan mo ako sa susunod na
bahagi ng araling ito ang pagtalakay.
Pangalan: Iskor:
Kurso at Seksyon: Petsa:_

Talakayin

A. Ang mga sumusunod ay mga pagkaing Pinoy na matatagpuan sa ating


bansa. Klasipikahin mo sa talahanayan ang mga pagkaing ito kung saan
ito matatagpuan. Lagyan ng tsek kung inihahanda itong ulam,
panghimagas, minindal o pampagana.
Chicken Piaparan Pinakbet Kare-Kare Laing Sanz Rival
Bandi Baye-baye Pinikpikan Suman Moron Durian Candy KBL
Ulam Minindal Panghimagas Pampagana

LUZON

VISAYAS

Hal. Baye-
/ /
baye

MINDANAO

B. Kung ikaw ay tapos na sa pagsagot sa unang gawain, dadako tayo sa


ikalawang gawain. Sa pamamagitan ng mga kahon sa ibaba ay
ilalarawan mo ang mga pagkaing Tsino, Espanyol at Amerikano. Mga
salita o parirala lang ang isulat sa kahon.
Tsino Espanyol Amerikano
Pangalan: Iskor:
Kurso at Seksyon: Petsa:

Subukin

Marahil ay nauwaan mo nang mabuti ang araling ito. Kaya, sagutin ang inihanda
kong maikling pagsubok. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.
1. Alin ang totoo?
A. Mayaman sa mga lutong kakanin ang mga Pilipino
sapagkat tinuruan tayong mga Tsino sa pagluluto nito?
B. Agrikultural na bansa ang Pilipinas at ang pangunahing produktoay
Palay, kaya nakalilikha ang mga Filipino ng mga kakanin.
C. Maraming mais, saging, at mga lamang ugat pananim, tulad ng ube,
kamote at kamoteng kahoy na mapagkukunan upang gawing kakanin.
D. B at C

2. Ang mga sumusunod ay Ilonggo delicacies maliban sa isa.


A. Biscocho B. Baye-baye C. Piaya D. Pinasugbo

3. Ang Guimaras ay kilala sa jelly, jam, marmalade, mango pizza at


mango dried candy nabibilang sa mga halimbawa ng
A. pampagana B. panghimagas C. palaman sa tinapay D. Sawsawan

_ 4. Ang brazos de mercedez ay impluwensya ng


A. Mehiko B. Pransis C. Espanyol D. Brazil

_ 5. Sinabi rin ni Fernandez ( 2016), nakapagluluto ang mga Pinoy ng mga


putaheng mula sa mga inaalagang hayop tulad ng manok, baboy,
baka at kambing at iba pa. Ang salitang nakapahilis ay
A. katutubo B. hiram sa Espanyol C. likhang salita D. salitang Intsik

_ 6. Ang mga sumusunod ay pagkaing impluwensya ng mga Espanyol,


maliban sa isa.
A. Afritada, Sarciado at Valenciana C. Bijon at Sotanghon Guisado
B. Paella, Imbotido at Kaldereta D. Pochero at Menudo

_ 7. Pagkaing impluwensya ng Tsino at dinadayo ng mga turista sa mga


sikat na restawrant sa Lunsod ng Iloilo.
A. Mami B. Bachoy C. Pancit Molo D. B and C

8. Pagkaing karaniwang inihahanda upang makuha ang umay samga


mamantikaing niluluto natin.
A. Panghimagas B. Pampagana C. Katas ng prutas D. walang sagot
9. Natutuhan sa kanila ang pagbabalot ng iba-ibang kombinasyon ng gulay,
hipon, at karne sa manipis na pambalot na gawa sa bigas tuladng pancit
molo at lumpiya.
A. Tsino B. Amerikano C. Espanyol D. Italyano
10. Ang pagkain ng tinapay tulad ng pandesal tuwing
umaga’y impluwensya ng mga
A. Espanyol B. Amerikano C. Tsino D. Pranses

Aralin 6. Mga Larong Mobile Games

Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:

1. nasuri ang impluwensyang dulot ng larong mobile at epektonito


sa kultura
2. naanalisa ang pagbabagong sosyal dulot ng kinahiligang laro

Paliparin
A larong mobile o mobile games ay nilalaro gamit ang mga gadget katulad ng
smartphone. PDA, tablet computer, portable media player omaging sa calculator. Hindi
dito kasama ang mga larong handheld video gamessystem katulad ng Nintendo 3DS o
PlayStation. Ang kauna-unahang laro sa mobile phone ay ang Tetris sa Hagenuk MT-
2000 device noong 1994. Matapos ang tatlong taon inilunsad ng Nokia ang larong
Snake sa mga piling model noong 1997. Ang larong snake at ang mga kauri nito ang
pinaka-naging popular sa mga nilalarong video games na umabot ng 350 milyong
devices sa buong mundo.
Dahil sa karamihan sa mga mobile devices ay maroon lamang limitadong
sistemang mapagkukunan, ang mga tampok nito ay hindi kasingdami ng mga larong
dinesensyo para sa PC’s o mga larong pang-aliw. Halimbawa ay isangmobile device
(noong 2011)- Ang Sony Ericsson Xperia PLAy- ay ang tangingmay kontrol sa gamit
ng laro na kung saan tanging may tampok na pagkontrolng laro.

Ang mga augmented reality games ay ang pinakabagong laro na talaga


namang naging popular ngayon. Ang mga programang ito ay kumbinasyon ng mga
totoong nararanasan sa kapaligiran na may grapikong kompyuter upang maghatid ng
pinalawak na realidad. Isang halimbawa ay ang Sky Siege, kung saan ang manlalaro
ay tatamaan ang birtuwal na helicopter na makikitang lumilipad sa loob ng silid. Sa
aktuwal, ang buhay na imahe sa loob ng silid ng manlalaro ay nakuha sa kamera at
makikita sa iskren na kalalabasan na makakatotohanan sa mata ng manlalaro.

Epekto ng Mobile Games

Hindi na nga mabilang ang mga balitang negatibo tungkol sa mga mobile games.
Ayon sa mga pag-aaral, nagiging sanhi ang mga paglalaro nito sa mga mababang
markang nakukuha ng mga mag-aaral. Ang pagkahumaling sa mobiles games ay may
malaking epekto sa kalusugan lalo pa’t ito ay kinakailangan nang matinding
pagpupuyat at hindi pagkain nang wasto at tamasa oras.
Galugarin

Ang Mobile Legends o ML

Marahil naiinis ka na sa iyong boyfriend kung nawawalan na siya ng oras


upang itext ka, tumawag, o mag-chat man lang kaya sayo lalo pa’t alam mo na itoay
walang pinagkakaabalahan kundi ang paglalaro ng ML. Maaari din naman
na napakahirap utusan ng nakababata mong kapatid dahil mas pokus siya sa
paglalaro ng ML kesa sundin ang utos mo. O di kaya ikaw mismo ay nahuhumaling na
sa larong ito kaya nahihirapan ka nang bumawi sa eskwela sanhi ng marami mong
pagliban na resulta nang pagbagsak mo sa mga asignatura. Subalit ano nga ba talaga
ang ibig sabihin ng mobile legends o MLsa pinaiksing tawag dito?

Ang mobile legends ay isang pangmaramihang paglalaro kung saan ang mga
manlaalro ay nakikipagtunggali sa pamamagitan ng online o multiplayer online battle
arena (MOBA) para sa iOS at Android devices na dinevelop at inilathala ng Shanghai
Moonton Technology ang kompanya na lumilikha ng mga laro na nakabase sa Kuala
Lumpur, Malaysia. Ito ay inilunsad taong 2016.

Ang larong ito ay naiulat na may pinaka-angat sa lahat ng larong online dahil sa
limang daang (500) milyong pagdownload nito at may pitumpu’t limang
(75) milyong aktibong manlalaro mula nang ito ay inilunsad. Ang Pilipinas halimbawa,
ay mayroon na ring sariling liga ng larong mobile legends na tinawag na MLBB
Proffesional League (Rappler.com).

Paano ito nilalaro?

Ang larong Mobile Legends ay nilalaro sa pagitan ng dalawang koponan na


mayroong tigli-limang karakter sa bawat panig. Sa pag-uumpisa ng laro, ang bawat
manlalaro ay kailangan munang pumili ng kanyang bayani (hero) ang bawat bayani ay
may kakaibang kakayahan at kasanayan. Sa kasalukuyan ay mayroon itong
siyamnapu’t dalawang mga bayani, Pinapapangkat sa anim na may kanya-kanyang
papel na gagampanan sa laro. Sila ang tank, fighter, assassin, marksman, support at
mage. Ang bawat tungkuling kanilang gagampanan ay magtutukoy sa kung anong
responsibilidad ang kanilanggagawin para sa kani-kanilang pangkat (team). Ang mga
support heroeshalimbawa ay maaaring umatake o di kaya naman ay magpagaling sa
kanilangpangkat. Kaya kinakailangang manatili sila sa kanilang koponan upang manatili
silang buhay. Kinakailangang gumawa ng estratehiya ang manlalaro upang maunang
mawasak ang tatlong tore at ang base ng kalaban. Ang tamang pagpili ng karakter ng
bawat miyembro at pagtutulungan nang magkakasama ay nagbibigay nang malaking
pagkakataon upang mapagtagumpayan ang nasabing laro.
Tunay nga namang nakakalibang ang mobile games. Ika nga, pampalipas oras
lalong-lalo na sa kabataan. Subalit kinakailangang, may kontrol o may limit ka lamang
sa paglalaro nito dahil ito ay nagbubunga nang masamang epekto sa iyong kalusugan.
Tandaan na ang bawat kalabisan ay hindi nakakabuti.
Talakayin

1. Isulat sa tsart ang positibo at negatibong dulot ng paglalaro ng


mobile games.

NEGATIBO POSITIBO
Palawakin

Bukod sa mobile legends at iba pang mga larong


mobiles, magbigay ng isang larong iyong kinahiligan at ibigay
ang iyong dahilankung bakit ito ay gustong-gusto mo.

Pangalan ng Laro

Paano ito nilalaro?

Dahilan

Binabati kita! Nawa’y may natutunan ka sa araling ito at magamit mo araw-


araw sa pakikisalamuha sa kapwa. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na
aralin.

You might also like