You are on page 1of 18

10

ARALING PANLIPUNAN
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Dahilan, Dimensyon at Epekto ng
Globalisasyon

Self-Learning Module
1
10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1 :
Dahilan, Dimensyon at Epekto ng
Globalisasyon

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


2
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat


na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral
sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay
sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala,
pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag- aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang
masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman
sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin
upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na
ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang
mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan
agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng
suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng
ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang
ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 3


Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

• nasusuri ang dahilan, dimensyon at epekto ng globalisasyon

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap.
1. Ano ang tawag sa mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto a iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t
ibang panig ng daigdig.
A. Kontemporaryo C. Globalisasyon
B. Pagbabago D. Rennaisance
2. Ang mga sumusunod ay limang perspektibo o pananaw tungkol a
globalisasyon, maliban sa:
A. Paniniwalang ang globalisayon ay taal o nakaugat sa bawat isa
B. Ang globalisasyon ay paniniwalang may sampung wave o epoch o
panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005)
C. Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago
D. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayari
na naganap sa kasaysayan
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga posibleng pinag-
uugatan ng globalisasyon?
A. Paglaganap ng Protestantismo
B. Kalakalan sa Mediterranean
C. Pananakop ng mga Kristiyano bago man mapanganak si Kristo
D. Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa tatlo sa mga pagbabagong
naganap sa panahong sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng
globalisasyon?
A. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War
B. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang
ikalawang digmaang pandaigdig

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


4
C. Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations
D. Pagkapanalo ng Union Soviet at pagtatapos ng Cold War
5. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at
mga “perennial” na institusyon na matagal ng naitatag
B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at
pulitikal na aspekto
C. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga
mamamayan
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na
pinaunlad ang mga malalaking industriya

5. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa


kasalukuyan?
A. Paggawa B. Migrasyon C. Ekonomiya D. Globalisasyon
6. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
A. Proseso ng pagdaloy o paggala ng mga tao, bagay, impormasyon at
produkto sa iba’t ibang direksyon na nararasan sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig
B. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa
sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo
C. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong
mundo
D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at
ekonomikal ng mga bansa sa mundo
7. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng
impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa
C. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga
banta na magdudulot ng kapinsalaan
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa
daigdig
8. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa
kasalukuyan?
A. Paggawa B. Ekonomiya C. Migrasyon D. Globalisasyon
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo tungkol sa globalisasyon?
A. Hindi na bago ang globalisasyon.
B. Pinapabilis ang pag-unlad ng teknolohiya.
C. Nagiging tamad ang tao.
D. Proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao.

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


5
10. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at
mga “perennial” na institusyon na matagal ng naitatag
B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga
mamamayan
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at
pulitikal na aspekto.
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na
pinaunlad ang mga malalaking industriya
11. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang
globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa
mga banta na magdudulot ng kapinsalaan.
C. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng
impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa
daigdig.
12. Maaaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa:
A. Nearshoring B. Offshoring C. Onshoring D. Inshoring
13. Ano ang migrasyon?
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
. B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng
mga mamamayan
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o
teritoryong politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o
permanente
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi
inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan
14. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa:
A. A. Ekonomikal C. Sosyo-kultural
B. Teknolohikal D. Sikolohikal

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


6
Paksa: Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo
Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga
tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na
nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. (Ritzer, 2011)
Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng
mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na
pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya
at impormasyon.
Kung ihahambing sa nagdaang panahon, ang globalisasyon sa kasalukuyan
ayon kay Thomas Friedman ay higit na ‘malawak, mabilis, mura, at malalim’.

PERSPEKTIBO AT PANANAW

1. Una ay ang paniniwalang ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa


bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng
paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na pamumuhay na
nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng
pananampalataya, mandigma’t manakop at maging adbenturero o
manlalakbay.
2. Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na ang
globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. Ayon kay
Scholte (2005), maraming ‘globalisasyon’ na ang dumaan sa mga
nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago
at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap.
Mahirap tukuyin ang panahon kung kailan nagsimula ang globalisasyon
kaya higit na mahalagang tingnan ang iba’t ibang siklong pinagdaanan
nito.
3. Ang pangatlong pananaw ng globalisasyon ay naniniwalang may anim
na ‘wave’ o epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn
(2005). Para sa kaniya, may tiyak na simula ang globalisasyon at ito’y
makikita sa talahanayan na nasa kasunod na pahina.
Panahon Katangian

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


7
Ika-4 hanggang ika-5 siglo Globalisasyon ng
(4th-5th Century) Relihiyon
(Pagkalat ng Islam at
Kristiyanismo)
Huling bahagi ng ika-15 siglo Pananakop ng mga
(late 15th century) Europeo

Huling bahagi ng ika-18 siglo Digmaan sa pagitan ng


hanggang unang bahagi ng mga bansa sa Europa na
ika-19 na siglo(late 18th-early nagbigay-daan sa
19th century) globalisasyon

Gitnang bahagi ng ika-19 na Rurok ng Imperyalismong


siglo hanggang 1918 Kanluranin

Post-World War II Pagkakahati ng daigdig sa


dalawang puwersang
ideolohikal partikular ang
komunismo at kapitalismo.

Post-Cold War Pananaig ng kapitalismo


bilang sistemang pang-
ekonomiya. Nagbigay-
daan sa mabilis na
pagdaloy ng mga
produkto, serbisyo, ideya,
teknolohiya at iba pa sa
pangunguna ng United
States.

8
DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY
4. Hawig ng ikaapat na pananaw ang ikatlo. Ayon dito, ang simula ng
globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa
kasaysayan. Sa katunayan, posibleng maraming pinag-ugatan ang
globalisasyon. Ilan dito ang sumusunod:
• Pananakop ng mga Romano bago man maipanganak si Kristo
(Gibbon 1998)
• Pag-usbong at paglaganap ng Kristyanismo matapos ang
pagbagsak ng Imperyong Roman
• Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo
• Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland,
Greenland at Hilagang America
• Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon
• Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya
noong ika-12 siglo
5. Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon
ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Tatlo sa mga
pagbabagong naganap sa panahong ito ang sinasabing may tuwirang
kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon. Ito ay ang:
• Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
• Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNcs
and TNCs)
• Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


9
Paksa: Anyo ng Globalisasyon
1. GLOBALISASYONG EKONOMIKO
Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa
kalakalan ng mga produkto at serbisyo. Mabilis na nagbago ang paraan ng
palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa daigdig sa
nagdaang siglo.
• Transnational Corporation (TNC) ay tumutukoy sa mga kompanya o
negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang
serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal.
Halimbawa: Shell, Accenture, TELUS International Phils., at Glaxo-Smith
Klein
• Multinational Corporation (MNC) ay ang pangkalahatang katawagan na
tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang
mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa
pangangailangang lokal ng pamilihan.
Halimbawa: Shell, Accenture, TELUS International Phils., at Glaxo-Smith
Klein

Outsourcing ay sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang


kompanya na may kaukulang bayad.
v Uri ng outsourcing batay sa uri ng ibinibigay na serbisyo
1. Business Process Outsourcing na tumutugon sa prosesong
pangnegosyo ng isang kompanya.
2. Knowledge Process Outsourcing na nakatuon sa mga gawaing
nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng
pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at serbisyong legal.
v Uri ng outsourcing batay sa layo o distansya na pagmumulan ng
kompanya
1. Offshoring- Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang
bansa na naniningil ng mas mababang bayad.

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


10
2. Nearshoring- Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa
kompanya sa kalapit na bansa.
3. Onshoring- Tinatawag ding domestic outsourcing na
nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula
din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa
operasyon.

2. GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL

Mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa developing countries


ang paggamit ng cellular phones o mobile phone na nagsimula sa mauunlad
na bansa. Partikular dito ang mga bansang tulad ng Pilipinas, Bangladesh at
India. Nakatutulong ang teknolohiyang ito sa pagpapabuti ng kanilang
pamumuhay. Sa paggamit nito, mabilis na nakahihingi ng tulong sa panahon
ng pangangailangan tulad ng kalamidad. Isa rin dito ang mabilis na
transaksiyon sa pagitan ng mga tao.
Sa Pilipinas, talamak ang paggamit ng mobile phones. Sa katunayan,
ang pagtetext ay naging bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng
marami. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Pertierra, marami sa mga cellphone users
ay hindi lamang itinuturing ang cellphone bilang isang communication gadget,
ito ay nagsisilbi ring ekstensiyon ng kanilang sarili kaya naman hindi madaling
maihiwalay ito sa kanila.
Kung mabilis na binago at binabago ng mobile phone ang buhay ng
maraming gumagamit nito, higit na pagbabago ang dinala ng computer at
internet sa nakararami.
Ito ay nakaagapay sa pagbibigay ng iba’t ibang uri ng serbisyo tulad
ng e-mail. Napapabilis din nito ang pag-aaplay sa mga kompanya, pag-alam
sa resulta ng pagsusulit sa kolehiyo at pamantasan, pagkuha ng
impormasyon at balita, pagbili ng produkto at serbisyo na mas kilala sa tawag
na e-commerce.
Sa kabila ng mga positibong naidudulot, kaakibat din nito ay mga
suliraning may kinalaman sa pagkalat ng iba’t ibang uri ng computer viruses
at spam na sumisira ng electronic files at minsan ay nagiging sanhi ng
pagkalugi ng mga namumuhunan.
Bukod dito nagkakaroon din ng mga pagkakataon na makagawa ng
intellectual dishonesty dahil sa madaling pag-copy and paste ng mga
impormasyon mula sa internet. Huwag ding kalilimutan ang isyu ng
pambansang seguridad. Ginagamit ng ilang mga terorista at masasamang

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY

11
loob ang internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at
karahasan sa mga target nito.
1. Globalisasyong Politikal
Globalisasyong politikal na maituturing ang mabilisang ugnayan sa
pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging ng
pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang
pamahalaan. Ang mga kasunduang bilateral at multilateral sa pagitan
ng mga bansa ay nagbigay daan sa epektibo at episyenteng ugnayan
ng mga bansa na nagdulot naman ng mabilis na palitan ng mga
produkto, ideya, kahusayang teknikal at maging ng migrasyon ng kani-
kanilang mamamayan.
May magandang dulot ang globalisasyong politikal kung ang layunin
nito ay tulungan ang mga bansa upang higit na maisakatuparan ang
mga programa at proyektong mag-aangat sa pamumuhay ng mga
mamamayan nito ngunit maaari rin itong maging sagabal sa pag-unlad
ng isang bansa kung ang kanilang interes ang bibigyang pansin.

Paksa: Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon

• Guarded Globalization - Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang


panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan
at bigyangproteksiyon ang mga ito upang makasabay sa
kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante.
Halimbawa: pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at
serbisyong nagmumula sa ibang bansa at pagbibigay ng
subsidiya(subsidies) sa mga namumuhunang lokal.
• Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)- ito ay tumutukoy sa
pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na
kalagayan ng maliliit na namumuhunan.
• Pagtulong sa “Bottom Billion”

PANGHULING PAGTATAYA

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


12
I. Itugma ang mga sumusunod na termino na nasa kolum A sa isang
kaukulang paglalarawan sa kolum B.

Hanay A Hanay B
1. Subsidiya a. pagkuha ng isang serbisyo mula sa
isang kompanya
2. Outsourcing b. ang mga produkto ipinagbibili ay hindi
nakabatay sa pangangailangang
lokal ng pamilihan

3. Transnational Corporation c. proseso ng mabilisang pagdaloy o


paggalaw ng mga tao

4. Globalisasyon d. negosyong nagtatatag ng pasilidad sa


ibang bansa
5. Business Process Outsourcing e. Pagkuha ng serbisyo ng isang
kompanya mula sa ibang bansa
na naniningil ng mas mababang
bayad
6. Taripa f. tumutugon sa prosesong pangnegosyo
ng isang kompanya

7. Multinational Corporation g. nakatuon sa mga gawaing


nangangailangan ng mataas na
antas ng kaalamang teknikal
8. Nearshoring h. buwis sa lahat ng produkto at
serbisyong nagmumula sa ibang
bansa
9. Knowledge Process Outsourcing i. tulong pinansyal ng pamahalaan.
10. Offshoring j. Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo
mula sa kompanya sa
kalapit na bansa.

II. Basahin ng mabuti at isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo tungkol sa globalisasyon?
A. Nakaugat na sa bawat isa
B. Isang mahabang siklo
C. Nag-uugat sa ispesipikong pangyayari
D. Nagsimula sa isang simpleng ideya

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 13


2. Alin dito ang hindi kabilang sa anim na pangyayari na binigyang-diin ni
Therborn?
A. Globalisasyon ng Ideya
B. Pananakop ng mga Europeo
C. Rurok ng Imperyalismong Kanluranin
D. Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa
3. Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring pinaniniwalaang simula ng
globalisasyon sa kalagitnaan ng ika-20 siglo, maliban sa:
A. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
B. Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNcs
and
TNCs)
C. Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya
D. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War

4. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?


A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at
mga “perennial” na institusyon na matagal ng naitatag
B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at
pulitikal na aspekto
C. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga
mamamayan
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na
pinaunlad ang mga malalaking industriya
5. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa
kasalukuyan?
A. Paggawa B. Migrasyon C. Ekonomiya D.Globalisasyon

Gawain 1: Isaliksik ang kahulugan ng globalisasyon at pagkatapos bigyang


kahulugan ang salitang GLOBALISASYON base sa nasaliksik na kahulugan.
Isang puntos sa bawat letrang nabigyan ng kaukulang kahulugan at pitong
puntos para sa tanong na mabibigyan ng tamang sagot.
G
L
O
B
A

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


14
L
I
S
A
S
Y
O
N

Pamprosesong Tanong:

1. Base sa ginawa mong pagsasaliksik ng GLOBALISASYON, ano ang


kahulugan nito?

Gawain 2: Punan ang tsart ng mga impormasyon batay sa tekstong binasa.


Isulat sa unang kolum ang pananaw tungkol sa pag-usbong ng globalisasyon
at sa pangalawang kolum naman ang mahahalagang kaisipan kaugnay nito.
Isulat sa ikatlong kolum ang mga susing salita bawat pananaw.

Perspektibo Mahahalagang Kaisipan Susing Salita


Una
Pangalawa
Pangatlo
Pang-apat
Panlima
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?


2. Naniniwala ka ba na ang globalisasyon ay matagal ng umusbong?
Ipaliwanag.
3. Sa iyong palagay, alin ang mas kapani-paniwala na ideya? Bakit?

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


15
Gawain 3: Magbigay ng limang halimbawa ng multinational at transnational
corporations na matatagpuan sa Pilipinas.

Multinational Corporations Transnational Corporations


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
Pamprosesong Tanong:

1. Anu-ano ang mga implikasyon ng pag-usbong ng mga multinational at


transnational corporations sa isang bansa?
2. Paano nakakatulong ang pagsusulpotan ng maraming BPO na
kompanya sa ating bansa?

REFERENCES

https://www.coursehero.com/file/37958663/globalisasyonSUMMARYdocx/

https://web.facebook.com/1168673916555571/posts/araling-panlipunan
10globalisasyon-pandaigdigang-ekonomiya-ng-
malayangkalakalan/2033705833385704/?_rdc=1&_rdr
https://www.coursehero.com/file/36646915/AP-REVIEWER-1docx/

https://www.google.com/search?q=globalization&rlz=1C1SQJL_enPH884PH903&
so urce=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwigs--
p8JvqAhVDM94KHcZ9CegQ_AUoAXoECBQQAw&biw=1366&bih=635#imgrc=r
MU3 QDB2VRX_5M&imgdii=rjsY5eOhAGhUFM

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


16
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

JENNIFER M. SAYSON
Writer

MARITERR P. JUMAO- AS
MENCY B. RABANES
ANCIE U. DOMPOR
Editor

GIOVANNA P. RAFFIÑAN EdD


Education Program Supervisor in Araling Panlipunan

JAIME P. RUELAN EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE EdD


Education Program Supervisor in LRMDS

ESTELA B. SUSVILLA PhD CESE


Assistant Schools Division Superintendent

NIMFA D. BONGO EdD CESO V


Schools Division Superintendent

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 17


For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Division of Mandaue City
Plaridel St., Centro, Mandaue City, Cebu, Philippines 6014
Telephone Nos.: (032) 345 – 0545 | (032) 505 – 6337
E-mail Address: mandaue.city001@deped.gov.ph
Website: https://depedmandaue.net

18

You might also like