You are on page 1of 55

Gawain 1.

Guess
the Logo
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-anong kompanya ang kinakatawan ng
mga logo?
2. Madali mo bang nasagot ang mga ito?
Bakit?
3. Sa iyong palagay, bakit sumikat ang mga
produkto/serbisyong ito?
4. Ano ang kaugnayan ng gawaing ito sa
paksang globalisasyon?
GLOBALISASYON
Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang
pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang
panig ng daigdig. (Ritzer, 2011)
Itinuturing din ito bilang proseso ng
interaksyon at integrasyon sa pagitan ng
mga tao, kompanya, bansa o maging ng
mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng
kalakalang panlabas at pamumuhunan sa
tulong ng teknolohiya at impormasyon.
Hindi na bago ang globalisasyon.

BAKIT?
ugnayan ng mga tao sa pamamagitan ng
kalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig
Teknolohiya at kalakalan
Kung ihahambing sa nagdaang panahon,
ang globalisasyon sa kasalukuyan ayon kay
Thomas Friedman ay higit na ‘malawak,
mabilis, mura, at malalim’.
Ayon sa kanyang aklat na pinamagatang
‘The World is Flat’ na nailathala noong taong
2006
Any job- blue or white collar- that can be
broken down into a routine and transformed
into bits and bytes can now be exported to
other countries where there is a rapidly
increasing number of highly educated
knowledge workers who will work for a small
fraction of the salary of a comparable
American worker.’
Matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig

nagbigay daan
sa mas malawak
na kalakalang
internasyunal at
pamumuhunan.
 Ano-anong produkto at bagay ang mabilis na dumadaloy o
gumagalaw?

 Anong uri ng impormasyon ang mabilisang dumadaloy?

 Paano dumadaloy ang mga ito? Kalakalan, Media o iba pang


paraan?

 Saan madalas nagmumula at saan patungo ang pagdaloy na ito?


Mula sa mauunlad na bansa patungong mahihirap na bansa o ang
kabaligtaran nito?

 Mayroon bang nagdidikta ng kalakarang ito? Sino? United States,


China, Germany, Japan, Argentina, Kenya o Pilipinas? Isyu nga bang
maituturing ang globalisasyon? Bakit?
Sa mga kaisipang nabanggit, ang
globalisasyon ay tinitingnan bilang isang
pangmalawakang intergrasiyon o
pagsasanib ng iba’t ibang prosesong
pandaigdig. Ngunit hindi nangyayari ito sa
lahat ng pagkakataon sapagkat may mga
pangyayaring nakapagpapabagal nito.
Terorismo
Dahil sa mabilisang ugnayan at migrasyon
ng mga tao sa iba’t ibang panig ng daigdig,
ang terorismo ay mabilis ding
nakapagdudulot ng malaking pinsala sa
buhay, ari-arian at institusyong panlipunan.
Mabilis na tumugon ang mga bansa sa
banta ng terorismo sa pamamagitan ng
palitan ng mga impormasyon at
kolaborasyon na naging dahilan ng
pagkakabuo ng mga mahigpit na polisiya at
patakarantungkol sa migrasyon na
nagpabagal naman ng integrasyong sosyo-
kultural.Nariyan ang iba’t ibang paalala o
advisories na ipinalalabas ng mga bansa sa
mga turista nito sa ilang mga bansa tulad ng
Pilipinas.
Bakit maituturing itong isang isyu?
(GLOBALISASYON)
Maituturing na panlipunang isyu ang
globalisasyon sapagkat tuwiran nitong
binago, binabago at hinahamon ang
pamumuhay at mga perennial institusyon na
matagal nang naitatag.
Perennial institutions ang pamilya, simbahan,
pamahalaan at paaralan sapagkat ang mga
ito ay matatandang institusyong nananatili pa
rin sa kasalukuyan dahil sa mahahalagang
gampanin nito.
Perspektibo at Pananaw
 Upang higit na
maunawaan ang
globalisayon bilang isang
kontemporaryong isyung
panlipunan, mahalagang
gumamit ng mga
pananaw o perspektibo sa
pagsusuri nito
UNA
Una ay ang paniniwalang ang ‘globalisasyon’
ay taal o nakaugat sa bawat isa. Ayon kay
Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng
paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na
pamumuhay na nagtulak sa kaniyang
makipagkalakalan, magpakalat ng
pananampalataya, mandigma’t manakop at
maging adbenturero o manlalakbay
Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay
PANGALAWA
nagsasabi na ang globalisasyon ay isang
mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. Ayon
kay Scholte (2005), maraming ‘globalisasyon’ na
ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at
ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago
at higit na mataas na anyo na maaaring
magtapos sa hinaharap. Mahirap tukuyin ang
panahon kung kailan nagsimula ang
globalisasyon kaya higit na mahalagang
tingnan ang iba’t ibang siklong pinagdaanan
nito.
PANGATLO
Sa kabilang banda,
ang pangatlong
pananaw ng
globalisasyon ay
naniniwalang may
anim na ‘wave’ o
epoch o panahon na
siyang binigyang-diin ni
Therborn (2005).
PANG-APAT
Hawig ng ikaapat na
pananaw ang ikatlo. Ayon
dito, ang simula ng
globalisasyon ay mauugat
sa ispesipikong
pangyayaring naganap sa
kasaysayan. Sa katunayan,
posibleng maraming pinag-
ugatan ang globalisasyon
Pananakop ng mga Romano bago man
maipanganak si Kristo (Gibbon 1998)
 Pag-usbong at paglaganap ng Kristyanismo
matapos ang pagbagsak ng Imperyong Roman
 Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo
 Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe
patungong Iceland, Greenland at Hilagang
America
 Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang
Panahon
 Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-
estado sa Italya noong ika-12 siglo
.
PANGLIMA

Ang huling pananaw o


perspektibo ay nagsasaad
na ang globalisasyon ay
penomenong nagsimula sa
kalagitnaan ng ika-20 siglo.
Tatlo sa mga pagbabagong
naganap sa panahong ito
ang sinasabing may tuwirang
kinalaman sa pag-usbong ng
globalisasyon
Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global
power matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.

Paglitaw ng mga multinational at transnational


corporations (MNcs and TNCs)

Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng


Cold War
KASUNDUAN
ISYU SA PAGGAWA
GAWAIN.

NOON KAGAMITAN NGAYON

ATM

ON-LINE SHOPPING

CALL CENTER
KASUNDUAN

Magsaliksik ng mga Suliranin


Paggawa
MIGRASYON
Obserbasyon:

Globalisasyon ng migrasyon
 Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at
naaapektuhan ng migrasyon. Ang mga bansang
madalas puntahan o dayuhin tulad ng Australia, New
Zealand, Canada at United States ay patuloy pa ring
dinadagsa at sa katunayan ay nadadagdagan pa ang
bilang ng mga bansang pinagmumulan nito.
 Malaking bilang ng mga migrante ay mula sa mga
bansa sa Asya,
Mabilisang paglaki ng migrasyon
Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan
ay patuloy ang pagtaas sa iba’t ibang
rehiyon ng daigdig. Malaki ang
implikasiyon nito sa mga batas at polisiya
na ipinatutupad sa mga destinasyong
bansa.
Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon
 Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan
ng halos lahat ng mga bansang nakapaloob sa usaping
ito. May mga bansang nakararanas ng labour
migration, refugees migration at maging ng
permanenteng migrasyon nang sabay-sabay.
 Bukod sa nabanggit, mayroon pang tinatawag na
irregular, temporary at permanent migrants.
 Ang irregular migrants ay ang mga mamamayan na nagtungo sa
ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para
magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.

 Temporary migrantsnaman ang tawag sa mga mamamayan na


nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles
upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon..
Ang ilan sa halimbawa nito ay mga foreign students na nag aaral
sa bansa at mga negosyante na maaari lamang manirahan
pansamantala ng anim (6) na buwan.

 Samantala, ang permanent migrants ay mga overseas Filipinos na


ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang
trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa
kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ng pagkamamamayan
o citizenship.
Pagturing sa migrasyon bilang isyung politikal

 Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon


sa mga bansang nakararanas nito. Ang usaping
pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal
at maging ang polisiya tungkol sa pambansang
seguridad ay naaapektuhan ng isyu ng migrasyon. Kaya
naman, higit kailanman kinakailangan ang higit na
kooperasyon at ugnayan sa pagitan ng mga bansang
kasangkot sa usaping ito.
Paglaganap ng ‘migration transition’

Ang migrationtransition ay nagaganap kapag


ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng
mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na
rin ng mga manggagawa at refugees mula sa
iba’t ibang bansa. Partikular dito ang
nararanasan ng South Korea, Poland, Spain,
Morocco, Mexico, Dominican Republic at
Turkey.
Peminisasyon ng migrasyon

 Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping


migrasyon sa kasalukuyan. Sa nagdaang panahon, ang
labour migration at refugeesay binubuo halos ng mga
lalaki. Nang sumapit ang 1960, naging kritikal ang
ginampanan ng kababaihan sa labour migration. Sa
kasalukuyan ang mga manggagawang kababaihan ng
Cape Verdians sa Italy, Pilipina sa Timog-Kanlurang Asya
at Thais sa Japan ay nagpapatunay rito.
Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano ang ibig sabihin ng peminisasyon ng migrasyon?


Ipaliwanag ang
iyongsagot.
2. Ayon sa artikulo, bakit mas marami ang bilang ng
kababaihan na
dumarayo sa Hongkong, China, Singapore at maging Nepal?
3. Ano sa iyong palagay ang implikasyon ng peminisasyon ng
migrasyon
sa mga bansang iniwan ng mga migrante? Magbigay ng
halimbawa.
Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon
1. Forced Labor, Human Trafficking and Slavery
 Halos 21 milyong tao ang biktima ng forced labor, 11.4 milyon dito ay mga
kababaihan at 9.5 milyon naman ay mga kalalakihan
 Umabot sa 19 na milyon ang biktima ng eksploytasyon ng pribadong
indibiduwal at mga kompanya at lagpas sa dalawang milyon naman ng
mga rebeldeng grupo
 - Sa mga biktima ng eksploytasyon, 4.5 milyon ay biktima ng eksploytasyong
sekswal
 - Nakalilikha ng US$ 150 bilyong illegal na kita ang forced labor taon-taon
 - Malimit na mga migrant workers atindigenous peoples ang nagiging
biktima ng forced labor
2. Pag-angkop sa pamantayang internasyunal
 Ang Bologna (bo-LO-nya) Accord
 Washington Accord
 K12

You might also like