You are on page 1of 26

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan

Gawain Bilang : 2.1

Paksa: KAHULUGAN NG GLOBALISASYON


Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang konsepto at dimensyon ng globalisasyon bilang isa
sa mga isyung panlipunan. AP10GKA-IIa-1
Layunin: Naipapaliwanag ang kahulugan ng globalisasyon.
Sanggunian Kontemporaryong Isyu LM, pahina 156 - 157
Konsepto

Globalisasyon - proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,


impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang
panig ng daigdig. (Ritzer, 2011).
-proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o
maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at
pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon.

Mga pangyayari at salik na naging dahilan ng pag-usbong ng globalisasyon:

 Pagkakaroon ng pandaigdigang kalakalan


 Pag-unlad ng teknolohiya
 Pag-unlad ng mga polisiya sa palitan ng kalakal at serbisyo, pamumuhunan
at migrasyon na ipinatupad sa nagdaang mga taon
 Paglawak ng kalakalang transnational corporations
 Pagdami ng foreign direct investments sa iba’t ibang bansa
 Ang pagpapalaganap ng makabagong ideya at teknolohiya

PAGSASANAY:
1. Isulat sa kahon ang kahulugan ng globalisasyon?

GLOBALISASYON

2. Nadarama mo ba ang globalisasyon sa kasalukuyan? Pangatwiran.


Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan

Gawain Bilang : 2.2

Paksa: KONSEPTO AT DIMENSYON NG GLOBALISASYON


Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang konsepto at dimensyon ng globalisasyon bilang isa sa mga
isyung panlipunan. AP10GKA-IIa-1
Layunin: Naipapaliwanag ang konsepto at dimensyon ng globalisasyon.
Sanggunian Kontemporaryong Isyu LM, pahina 157 - 158
Konsepto

Kapitalismo - sistemang pang-ekonomiya na nagbigay daan sa mas malawak na kalakalang


internasyunal at pamumuhunan.
Karagdagang mga tanong na makatutulong sa gamit ng kahulugan ng globalisasyon:
 Ano-anong produkto at bagay ang mabilis na dumadaloy o gumagalaw? Electronic gadgets,
makina o produktong agrikultural?
 Sino-sinong tao ang tinutukoy rito? Manggagawa ba tulad ng skilled workers at propesyunal
gaya ng guro, engineer, nurse o caregiver?
 Anong uri ng impormasyon ang mabilisang dumadaloy? Balita, scientific findings and
breakthroughs, entertainment o opinyon?
 Saan madalas nagmumula at saan patungo ang pagdaloy na ito? Mula sa mauunlad na bansa
patungong mahihirap na bansa o ang kabaligtaran nito?
 Mayroon bang nagdidikta ng kalakarang ito? Sino? United States, China, Germany, Japan,
Argentina, Kenya o Pilipinas?
Globalisasyon - isang pangmalawakang intergrasiyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong
pandaigdig
Terorismo - nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong panlipunan.
Mabilis na tumutugon ang mga bansa sa terorismo sa pamamagitan ng palitan ng
impormasyon at kolaborasyon na naging dahilan ng mga kolaborasyon na naging dahilan ng
pagkakabuo ng mga mahigpit na polisiya at patakarantungkol sa migrasyon na nagpabagal
naman ng integrasyong sosyo-kultural.

PAGSASANAY: A. Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon na nagpapakita ng globalisasyon. Isulat ang
mga sumusunod na titik na kumakatawan sa mga katanungan upang higit na maunawaan ang
globalisasyon.
AA- Ano-anong produkto SS- Sino-sinong tao
AN- Anong uri ng impormasyon P - Paano dumadaloy
S - Saan madalas nagmumula M - Mayroon bang nagdidikta

1. Ginagaya ng karamihang kabataang Pilipino ang “K- Pop”.


2. Lalong dumami ang nag-search sa “You Tube” kahit malalaswang na video, pinapanuod pa rin.
3. Mag-aaplay sa Globe upang lalong lumakas ang signal ng wifi at maka-“ surf” sa iba’t ibang URL.
4. Patuloy ang pagdami ng OFW.
5. Ang ibang bansa ay gustong tumulong sa Pilipinas para may makuha silang malaking hiling sa bandang
huli.
6. Sa ngayon, kadalasang ginagamit ang “Facebook” para malaman ang pang-araw-araw na pangyayari.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan
Gawain Bilang : 2.3

Paksa: PERSPEKTIBO AT PANANAW NG GLOBALISASYON - UNA, IKALAWA


AT IKATLO
Pamantayan sa Pagkatuto: Naiuugnay ang iba’t ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon
bilang
suliraning panlipunan . AP10GKA-IIa-2
Layunin: Naipag- iisa-isa ang tatlong perspektibo at pananaw ng globalisasyon.
Sanggunian : Kontemporaryong Isyu LM, pahina 159 – 161
:
Konsepto:
May Limang Perspektibo ang Globalisasyon
 Ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa.
Ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na
pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya, mandigma’t
manakop at maging adbenturero o manlalakbay
 Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.
Ayon kay Scholte (2005), maraming globalisasyon na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at
ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa
hinaharap
 Naniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005).
Panahon Katangian
Ika-4 hanggang ika-5 siglo (4th- Globalisasyon ng Relihiyon (Pagkalat ng Islam at Kristiyanismo)
5th Century)
Huling bahagi ng ika-15 siglo (late Pananakop ng mga Europeo
15th century)
Huling bahagi ng ika-18 siglo Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay-daan sa
hanggang unang bahagi ng ika-19 globalisasyon
na siglo( late 18th-early 19th
century)
Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo Rurok ng Imperyalismong Kanluranin
hanggang 1918
Post-World War II Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal
partikular ang komunismo at kapitalismo.
Post-Cold War Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya.
Nagbigay-daan sa mabilis na pagdaloy ng mga produkto,serbisyo,
ideya, teknolohiya at iba pa sa pangunguna ng United States.
[Suggested video presentation _________
PAGSASANAY: Punan ang graphic organizer na Balangkas- Kaalaman. Isulat sa unang kolum ang pananaw
tungkol sa pag-usbong ng globalisasyon at sa pangalawang kolum naman ang mahahalagang kaisipan. Isulat
sa ikatlong kolum ang mga susing salita o esensyal na kaisipan sa bawat pananaw.

BALANGKAS KAALAMAN
Perspektibo at Pananaw Detalye Susing Salita
1. _________________
__________________
2. _________________
__________________
3. _________________
__________________

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan
Gawain Bilang : 2.4
Paksa: PERSPEKTIBO AT PANANAW NG GLOBALISASYON – IKA-APAT AT
IKALIMA
Pamantayan sa Pagkatuto: Naiuugnay ang iba’t ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon
bilang
suliraning panlipunan . AP10GKA-IIa-2
Layunin: Naiuugnay ang tatlong perspektibo at pananaw ng globalisasyon sa ikaapat at
ikalima.
Sanggunian: Kontemporaryong Isyu LM, pahina 161

Konsepto

 Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa


kasaysayan.
 Pananakop ng mga Romano bago man maipanganak si Kristo (Gibbon 1998)
 Pag-usbong at paglaganap ng Kristyanismo matapos ang pagbagsak ng Imperyong Roman
 Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo
 Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland, Greenland at Hilagang
America
 Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon
 Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 siglo

1956 - unang ginamit ang telepono at lumapag ang ‘transatlantic passenger jet’ mula
NewYork hanggang London.
1966- lumabas ang unang larawan ng daigdig gamit ang satellite
-nang pabagsakin ng mga terorista ang Twin Towers sa New York.

 Ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Tatlong


pagbabagong naganap:
 Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
 Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNcs and TNCs)
 Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War
[suggested video presentationConcept notes with short movie maker….]

PAGSASANAY: Punan ang graphic organizer na Balangkas- Kaalaman. Isulat sa unang kolum ang
Perspektibo at pananaw tungkol sa pag-usbong ng globalisasyon at sa pangalawang kolum naman ang
mahahalagang kaisipan. Isulat sa ikatlong kolum ang mga susing salita o esensyal na kaisipan sa
bawat pananaw.

BALANGKAS KAALAMAN
Perspektibo at Pananaw Detalye Susing Salita
4. _________________
__________________

Pangunahing Kaalman
5. ________________
__________________

Pangunahing Kaalman

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan

Gawain Bilang 2.5


Paksa: Anyo ng Globalisasyon – Anyong Ekonomiko
Pamantayan ng Pagkatuto: Nasusuri ang implikasyon ng anyo ng globalisasyon sa
lipunan.AP10GKA-II-3
Layunin: Nasusuri ang implikasyon ng globalisasyong ekonomiko
Sanggunian: LM, Kontemporaryong Isyu, pahina 166-174
Konsepto:

May iba’t bang anyo at mukha ang globalisasyon: Ekonomiko, Politikal, Teknolohikal at Sosyo-
kultural

 Globalisasyong Ekonomiko - uri ng globalisasyon kung saan makikita ang progreso ng


kalakalan ng mga produkto at serbisyo ng bawat bansa mula sa iba’t ibang panig ng
daigdig. Kinakikitaan ito ng pag-usbong ng malalaking korporasyon na ang operasyon
ay nakatuon hindi lamang sa bansang pinagmulan kundi maging sa ibang bansa.
 Multinational Companies (MNCs) - pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa
mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang produkto at serbisyong
ipinagbili ay hindi nakabatay sa pangangailangang local. Halimbawa: Unilever,
Practor and Gamble, Mc Donald’s, Coca-Cola, Google, UBER, Starbucks, Toyota
Motors, Seven-Eleven, Dutch Shell, at iba pa.
 Transnational Companies (TNCs) - mga kompanya o negosyong nagtatag ng
pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbili ay batay sa
pangangailangang lokal.
Halimbawa: Kompanyang petrolyo, I.T. consulting, pharmaceutical, at iba pa.
Mga manipestasyon ng globalisasyong ekonomiko:
 Outsourcing - pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na
may kaukulang bayad. Halimbawa nito ay paniningil ng utang ng isang institusyong
pinansyal sa isang credit holder.
Uri:
Offshoring - pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa
na naniningil ng mas mababang bayad
 Nearshoring - pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa
 Onshoring (domestic outsourcing) - pagkuha ng serbisyo sa isang
kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang
gastusin sa operasyon.
 Overseas Filipino Workers (OFW)- pangingibang bansa ng mga manggagawang
Pilipino

Pagsasanay:

1. Ano ang globalisasyong ekonomiko?


2. Paano naiiba ang MNCs at TNCs bilang korporasyon na ang operasyon ay nakatuon hindi
lamang sa bansang pinagmulan kundi maging sa ibang bansa?
3. Magbigay ng mga halimbawa ng mga produktong gawa sa ibang bansa na tinatangkilik ng
mga mamamayang Pilipino? Bakit?
4. Ano ang implikasyon ng anyong ekonomiko sa lipunan?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan

Gawain Bilang 2.6


Paksa: Anyo ng Globalisasyon – Anyong Politikal
Pamantayan ng Pagkatuto: Nasusuri ang implikasyon ng anyo ng globalisasyon sa lipunan
AP10GKA-II-3
Layunin: Nasusuri ang impluwensya ng anyong globalisasyong politikal.
Sanggunian: LM, Kontemporaryong Isyu, pahina 176-178

Konsepto:

 Globalisasyong politikal
Ito ay uri ng globalisasyon kung saan makikita kung paano naiimpluwensyahan ng mga
politikong tao at grupo ang kabuuan ng bansa at relasyon ng bansa sa iba’t ibang panig
ng daigdig. Mabilis ang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging
ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.

 ang kasunduang bilateral at multilateral sa pagitan ng mga bansa ay nagbigay daan


sa epektibo at episyenteng ugnayan ng mga bansa na nagdulot naman ng mabilis na
palitan ng mga produkto, ideya, kahusayang teknikal at maging ng migrasyon ng
kani-kanilang mamamayan.
 Ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa ibang mga bansa na nagdala ng mga
oportunidad pang-ekonomiko at pangkultural sa magkabilang panig gaya ng JICA
project ng Japan, military assistance ng US atbp.

 Sa samahang rehiyunal nariyan ang ASEAN na isa sa nagbigay daan sa mabilis na


pag-angat ng ekonomiya ng rehiyon.

Pagsasanay:

1. Ano ang globalisasyong politikal?


2. May globalisasyong political ba sa Pilipinas? Patunayan.
3. Ano ang implikasyon ng globalisasyong politikal sa lipunan?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan

Gawain Bilang 2.7


Paksa: Anyo ng Globalisasyon – Teknolohikal at Sosyo-Kultural
Pamantayan ng Pagkatuto: Nasusuri ang implikasyon ng anyo ng globalisasyon sa lipunan
AP10GKA-II-3
Layunin: Nasusuri ang implikasyon ng globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-kultural
Sanggunian: LM, Kontemporaryong Isyu, pahina 174-176

Konsepto:

 Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-Kultural


Ito ay isang uri ng globalisasyon kung saan matutukoy ang pag-unlad ng mga lumang
kagamitan at paraan ng pamumuhay mula noon hanggang ngayon.

 pagtangkilik ng mga mamamayan sa cellular phones o mobile phone;

 paggamit ng computer at internet. Kaugnay nito naging mabilis ang pagdaloy ng


mga ideya at konsepto patungo sa iba’t ibang panig ng mundo dahil ang mga ito ay
nasa digitized form. Ang mga ideyang ito ay nakapaloob sa iba’t ibang anyo tulad ng
musika, pelikula, videos, larawan, e-books at iba pa na makikita sa iba’t ibang social
networking sites at service provider;

 pagtangkilik sa mga ideyang nagmumula sa ibang bansa tulad ng United States, pop
culture ng Korea na makikita sa pananamit, pananalita at pakikisalamuha ng
maraming kabataang Pilipino;

 Pag-usbong ng social networking sites na naging daan ng mga ordinaryong


mamamayan na maipahayag ang kanilang saloobin sa iba’t ibang paksa o usapin.
Aktibo nang nakikibahagi ang mga netizens sa mga usaping lubos na nakakaapekto
sa kanila. Netizen ang terminong ginagamit sa mga taong gumagamit ng social
networking site bilang midyum o entablado ng pagpapahayag.

Pagsasanay:

1. Ano ang globalisasyong teknolohikal at sosyo-kultural?


2. Ano ang kabutihang naidulot ng globalisasyong teknolohikal at sosyo-kultural sa buhay ng
mamamayang Pilipino?
3. Paano nabago ang pamumuhay ng mga Pilipino dala ng globalisasyong teknolohikal at sosyo-
kultural?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan

Gawain Bilang 2.8


Paksa: Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon - Positibong Epekto
Pamantayan ng Pagkatuto: Napahahalagahan ang iba’t-ibang tugon sa pagharap sa epekto ng
Globalisasyon AP10GKA-IIC-4
Layunin: Natatalakay ang mga positibong epekto ng globalisasyon
Sanggunian: Kayamanan, Mga Kontemporaryong Isyu, pahina 102

Iba-iba ang pananaw ng mga tao tungkol sa globalisasyon at nananatili itong isang
kontrobersyal

na isyu.

Mga Positibong epekto ng globalisasyon:

 Pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng iba’t-ibang bansa sa daigdig


 Paglago ng pandaigdigang transaksyon sa pananalapi
 Paglaki ng pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal na nakapagbibigay ng
trabaho sa mga mamamayan at paglaki ng produksyon na makatutugon sa
pangangailangan ng mga tao
 Pagkakaroon ng pandaidigang pamilihan
 Paglaganap ng teknolohiya at kaalaman sa tulong mabilis na transportasyon at
komunikasyon sa iba’t-ibag panig ng daigdig
 Pagtatag ng demokrasya sa mga dating komunistang bansa
 Patuloy na pagkakaisa ng mga bansa sa pamamagitan ng pagbuo ng mga
pandaidigang at panrehiyong organisasyin tulad ng UN, ASEAN, APEC at WHO
 Pag-unlad ng pamamaraan sa paggawa sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng
teknolohiya
 Paglago ng iba’t-ibang sangay ng agham na nakatutuklas ng gamot sa pagsugpo ng
iba’t-ibang sakit at mga epidemya
 Pag-usbong ng mga korporasyong multinational at pandaigdigang institusyon na
nangangalaga sa kalakalan at pananalaping pandaidig
 Pagbilis ng pagbibigay tugon at tulong ng iba’t-ibang bansa sa mga nasalanta ng
kalamidad
 Pagdali ng pamamahagi sa iba’t-ibang lugar ng mga makabagong gamut
 Pagtaas ng antas ng kaunlaran sa pamamagitan ng pagbibigay ng maraming
opurtuniddad para sa mga trabaho sa ibang bansa
 Pagdami ng mga estudynteng nakapag-aral sa ibang bansa
 Sinisikap na mapabuti ng mga local na kompanya ang presyo at kalidad ng
serbisyo at produkto upang maging kompetitibo laban sa mga banyagang
kompanya o mga multinational.
Pagsasanay: Pangkatang gawain.(5 minuto bawat pangkat)

Pumili ng isa sa mga positibong epekto ng globalisasyon na sa palagay ninyo ay higit na


nakatutulong sa pag-unlad ng lipunan. Ipakita ito sa pamamagitan ng isang malikhaing
pagtatanghal.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan

Gawain Bilang 2.9


Paksa: Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon – Negatibong Epekto
Pamantayan ng Pagkatuto: Napahahalagahan ang iba’t-ibang tugon sa pagharap sa epekto ng
globalisasyon AP10GKA-IIC-4
Layunin: Natatalakay ang mga negatibong epekto ng globalisasyon
Sanggunian: Kayamanan, Mga Kontemporaryong Isyu, pahina 102-103

Mga Negatibong epekto ng globalisasyon:


 Pagbaba ng capital ng mga local na industriya na hindi kompetitibo dahil sa pagtatanggal
ng mga patakaran na nagbibigay proteksiyon sa mga ito
 Pagtaas ng antas ng kahirapan sa ating bansa dahil sa mataas na antas ng kawalan ng
trabaho ata mataas na anatas ng kompetisyon ng trabaho sa merkado
 Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil natutumba ng maliliit na negosyo
 Pagbaba ng halaga ng sahod ng mga manggagawa
 Paghihgpit ng mga patakaran sa pagggawa
 Pagsasara o pagkalugi ng mga local na kompanya at industriya na hindi makasabay sa
pandaidigang kompetisyon
 Paglaki ng kakulangan sa mauhusay na manggagawa o brain drain sa bansa
 Pagbuo ng maliliit na armadong grupong may basbas at suporta ng ilang malalakas na
armadong grupo sa ibang bansa
 Pagkalat ng biological weapons
 Pagkasira ng kalikasan dahil sa hindi maayos na paggamit ng mga likas na yaman
 Pagkawala ng katutubo o indigenous na kultura
 Pagtaas ng dependency rate ng mga bansang may mabagal na kaunlaran at papaunlad na
bansa sa mga maunlad na bansa dahil sila ang nagsisilbing merkado ng duty free ng mga
produkto at mababang pasahod sa empleyo
 Pagpasok at pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa iba’t-ibang panig ng mundo
 Pagkakaroon ng mga suliranin na may kaugnayan sa ugnayang panlabas bunsod ng patuloy
na paghahanap ng likas na yaman na makakatulong sa ekonomiya ng mga tao sa ibang
bansa.
Pagsasanay:

Picture Analysis. Ano ang masamang epekto ng globalisasyon batay sa larawang naipakita?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan
Gawain Bilang 2.10
Paksa: Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon – Mga Solusyon
Pamantayan ng Pagkatuto: Napahahalagahan ang iba’t ibang tugon sa pagharap sa epekto ng
globalisasyon AP10GKA-IIC-4
Layunin: Napahahalagahan ang angkop na solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na
isinasakatuparan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Sanggunian:LM, Kontemporaryong Isyu, pahina 178-181

Hindi mapasusubalian ang impluwensiya ng globalisasyon sa buhay ng tao. Nagdala ito ng mga
pagbabagong nagpabuti sa ilang aspeto ng ating buhay ngunit kalakip din nito ang mga suliraning
kailangang harapin at bigyang katugunan.
Malaki ang ginagampanan ng pamahalaan sa pagharap sa hamon ng globalisasyon maging ito man
ay sa dimensiyong ekonomikal, politikal o sosyo-kultural.

Ilang solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon


 Guarded Globalization- Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong
hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang proteksiyon ang mga ito upang
makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante. Ilan sa mga halimbawa
ng polisiyang ito ay ang:
 pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa ibang
bansa. Sa ganitong paraan ay mas tumataas ang halaga ng mga ito kaya naman mas
nagkakaroon ng bentahe ang mga produktong lokal; at
 pagbibigay ng subsidiya(subsidies) sa mga namumuhunang lokal.
 Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)- Ayon sa International Fair Trade Association
(IFTA), ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na
kalagayan ng maliliit na namumuhunan. Para naman sa pananaw ng neo-liberalismo, ang fair
trade ay nangangahulugan ng higit na moral at patas na pang-ekonomiyang sistema sa
daigdig. Layunin nito na mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa
pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mga bumibili at nagbibili upang sa gayon
ay mapangalagaan hindi lamang ang interes ng mga negosyante kundi pati na rin ang kanilang
kalagayang ekolohikal at panlipunan.
 Pagtulong sa ‘Bottom Billion’-Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon mang
dapat bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinahaharap ang daigdig, ito ay ang
isang bilyong pinakamahihirap mula sa mga bansa sa Asya lalo’t higit sa Africa.

Pagsasanay:

A.Isulat ang kahalagahan ng bawat tugon sa pagharap sa epekto ng globalisasyon.

Mga tugon sa pagharap sa epekto ng globalisasyon Kahalagahan


1. Guarded Globalization a.
b.
2. Patas o Pantay na Kalakalan a.
b.
3. Pagtulong sa ‘Bottom Billion’ a.
A. Alin sa tatlong tugon sa pagharap sa epekto ng globalisasyon ang may malaking epekto sa buhay ng
mamamayang Pilipino? Ipaliwanag.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan
Gawain bilang 2.11
Paksa: Ang Globalisasyon at ang mga Isyu sa Paggawa
Pamantayan ng Pagkatuto:Naipapaliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang
suliranin sa
Paggawa AP10MIP-IId-5
Layunin: 1. Naiisa-isa ang iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa.
2. Nabibigyang-halaga ang mga naidudulot ng globalisasyon sa paggawa sa kabila ng mga
suliraning dulot nito.
Sanggunian: LM, Kontemporaryong Isyu, pahina 187-189

Konsepto:
Malaking hamon sa bansa ang mga makabagong pagbabago sa iba’t ibang larangan dulot ng
globalisasyon. Mas nagiging bukas ang bansa sa iba’t ibang oportunidad na tuklasin ang potensiyal
na pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon. Kaakibat ng mga pagbabagong ito ay ang mga
hamon kung paano tutugunan ng bawat bgpamahalaan sa daigdig ang mga suliraning naidulot ng
globalisasyon, mga isyu sa lipunan na napag-iwanan na ngunit hindi pa lubusang natugunan bagkus
patuloy pang lumalala lalo na sa mga usapin sa paggawa.

Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa
paggawa tulad ng:
 mababang pasahod
 open economy
 ang mura at flexible labor
 kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya
 job-mismatch’ bunga ng mga ‘job-skills mismatch
 foreign investment
 iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa, at
 Money and Monetary policy in an open economy

Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga sumusunod:


 una, demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally
standard;
 pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa
pandaigidigan pamilihan;
 pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng
pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang
makabagong kagamitan sa paggawa; at
 pang-apat, dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali
lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang
produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal.

Pagsasanay:
1. Paano nakaaapekto ang mga isyu sa paggawa sa kalagayan ng mga manggagawa sa
kasalukuyan?
2. Bilang isang mag-aaral, paano mo mabibigyan ng kahalagahan ang mga naidulot ng
globalisasyon sa paggawa?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan
Gawain bilang 2.12
Paksa: Mga Isyu sa Paggawa - Kakayahan na makaangkop sa Globally Standard na Paggawa
Pamantayan ng Pagkatuto:Naipapaliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang
suliranin sa
paggawa AP10MIP-IId-5
Layunin: 1. Naiisa-isa ang mga haligi para sa isang disente at marangal na paggawa.
2.Natatalakay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang disente at marangal na paggawa
Sanggunian: LM, Kontemporaryong Isyu, pahina 189-191

Konsepto:
Hamon ng globalisasyon ang pagpasok ng Pilipinas sa mga kasunduan sa mga dayuhang
kompanya, integrasyon ng ASEAN 2015 sa paggawa at mga bilateral at multi-lateral agreement
sa mga miyembro ng World Trade Organization o WTO. Bunga nito ay binuksan ang pamilihan ng
bansa sa kalakalan sa daigdig. Isa sa pagtugon na isinagawa ng bansa ay iangkop ang kasanayan ng
lilinangin sa mga mag-aaral na Pilipino.
Talahanayan 2.1
Mga Kasanayan at Kakayahan na Kakailanganin
Basic writing, reading, arithmetic Elementary

Theoritical knowledge and work skills Secondary

Practical knowledge and skills of work Secondary


Human relations skills Secondary

Work Habits Secondary


Will to work Secondary
Sense of responsibility Secondary
Social responsibility Secondary
Ethics and morals Secondary
Health and hygiene Elementary
Apat na Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa (DOLE, 2016)
 Employment Pillar- tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na
oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggawa.
 Worker’s Rights Pillar – Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas
para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
 Social Protection Pillar- Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa
paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap-
tanggap na pasahod, at oportunidad.
 Social Dialogue Pillar -Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng
pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective
bargaining unit.
Pagsasanay:
1. Ano ang ginawang hakbang ng DOLE para matiyak ang kaunlarang pang-ekonomiya ng
bansa?
2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng isang disente at marangal na paggawa?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan

Gawaing bilang 2.13


Paksa: Mga Isyu sa Paggawa - Kalagayan ng mga Manggagawa sa Iba’t ibang Sektor
Pamantayan ng Pagkatuto:Naipapaliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang
suliranin sa
paggawa AP10MIP-IId-5
Layunin: Nasusuri ang kalagayan ng mga manggagawa sa sektor ng Agrikultura, Industriya at
Serbisyo.
Sanggunian: LM, Kontemporaryong Isyu, pahina 192-196

Konsepto:
Ang distribusyon ng paggawa sa bawat sektor ay nagpapakita na papaliit ang industriyal at
agrikultural na kumakatawan sa produktibong sektor habang papalaki ang nasa sektor ng
serbisyo.
 Sektor ng Agrikultura
 Kakulangan para sa patubig
 Bagsakan ng mga produkto mula sa TNCs
 Pagkawasak ng mga kabundukan at kagubatan
 Paglaganap ng patakarang neo-liberal sa bansa simula dekada 80’s
 Suporta ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda lalo na kapag may mga nananalasang
sakuna sa bansa tulad ng bagyo, tagtuyot, at iba pa.
 Pagkonbert ng lupang sakahan upang patayuan ng mga subdibisyon, malls, at iba pang
gusaling pangkomersyo para sa mga pabrika, pagawaan
 Sektor ng Industriya
 Beverages
 Konstruksyon
 Mining at Enerhiya
 Telecommunikasyon
 Import liberalizations
 Tax incentives sa mga TNCs
 Pagbubukas ng pamilihan ng bansa
 Deregularisasyon sa mga polisiya ng estado
 Pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo
 Industriya na naaapektuhan ng globalosasyon
 Imposisyon ng International Monetary Fund (IMF)-WB bilang isa sa mga kondisyon ng
pagpapautang nila sa bansa
 Sektor ng Serbisyo
 Tax incentives
 Patakarang liberalisasyon
 Malayang patakaran ng mga mamumuhunan
 Samu’t saring suliranin tulad ng over-worked
 Mababang pasahod sa mga mangagawang Pilipino
 Mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga manggagawa sa BPO
 Patuloy ng pagbaba ng bahagdan ng bilang ng Small-Medium Enterprices (SMEs)

Pagsasanay:
1. Ano-ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga manggagawa sa sektor ng agrikultura, industriya at
serbisyo?
2. Para sa iyo, ano ang mas mahalaga sa ating bansa, ang pagyabong ng sektor agrikultura o ang sektor
ng industriya o ang sektor ng serbisyo?Pangatuwiran.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan
Gawain bilang 2.14
Paksa: Mga Isyu sa Paggawa - Iskemang Sub-contracting
Pamantayan ng Pagkatuto:Naipapaliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang
suliranin sa
Paggawa AP10MIP-IId-5
Layunin: Nasusuri ang iskemang sub-contracting.
Sanggunian: LM, Kontemporaryong Isyu, pahina 196-198
Konsepto:
Iskemang Subcontracting
 Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay komukontra ng
isang ahensiya o indibidwal na sub-contractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa
isang takdang panahon.
 Dalawang umiiral na anyo ng sub-contracting
 Ang Labor only Contracting na kung saan ang subcontractor ay walang sapat na
puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay
may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya.
 Ang Job contracting naman ang subcontractor ay may sapat na puhunan para
maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng
subcontractor. Wala silang direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya. Hindi
pinapayagan sa batas ang job contracting dahil naapektuhan nito ang seguridad ng
mga manggagawa sa trabaho.

Pagsasanay:
1. Ano ang iskemang sub-contracting? Bakit ito umiiral sa sektor ng paggawa sa bansa?
2. Sino-sino ang mga self-employed without any paid employee at unpaid family labor?
3. Ano-ano ang mabuti at di mabuting epekto ng iskemang sub-contracting sa mga
manggagawang Pilipino?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan
Gawain bilang 2.15
Paksa: Mga Isyu sa Paggawa – Implikasyon sa Iba’t ibang Suliranin
Pamantayang sa Pagkatuto: Natataya ang implikasyon ng iba’t ibang suliranin sa paggawa sa
pamumuhay at sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa AP10MIP-II-f-6
Layunin: Nakapagbibigay ng implikasyon sa iba’t ibang suliranin sa paggawa.
Sanggunian: LM, Kontemporaryong Isyu, pahina 196-198

Konsepto:

Malaking hamon sa bansa ang mga makabagong pagbabago sa iba’t ibang larangan dulot ng
globalisasyon. Mas nagiging bukas ang bansa sa iba’t ibang oportunidad na tuklasin ang potensiyal
na pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon.
Ang mga pagbabagong ito ay nakaapekto din sa mga manggagawa sa iba’t ibang aspekto na
nagbunsod ng maraming isyu sa paggawa na hinaharap ng mga manggagawang Pilipino sa
kasalukuyan upang magkaroon ng disente at marangal na pamumuhay.
Nagbunga ito ng mga inaasahan at di inaasahang suliranin sa paggawa sa pamumuhay at sa
pag-unlad ng ekonomiya sa bansa. Kabilang na dito ang mga Sektor ng Agrikultura, Industriya, at
Serbisyo.

Ang ilan sa mga suliranin ay ang paglabag sa mga batas ng ating saligang batas kung kaya
nahihirapan tayo na paunlarin ang ating bansa at ang ating ekonomiya ay umiikot pa sana hanggang
ngayon at ito ay mababalik kung tayong lahat ay iwasan ang pagkakamali at paglabag sa batas ng
bansa.

Pagsasanay: Isulat sa talahanayan ang implikasyon ng bawat suliranin sa paggawa na nasa ibaba.

Suliranin sa Paggawa Implikasyon

1. Mababang Pasahod

2. Open Economy

3. Pagkonbert ng lupang
sakahan upang patayuan
ng mga gusali

4. Job-mismatch

5. Foreign Investment
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan

Gawain bilang 2.16


Paksa: Mga Isyu sa Paggawa- Mga Suliranin sa Paggawa
Pamantayan ng Pagkatuto: Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang iba’t ibang
suliranin sa paggawa. AP10MIPIIg-7
Layunin: Natutukoy ang iba’t ibang suliranin sa paggawa
Sanggunian: Kontemporaryong Isyu LM, pahina 198 – 219

KONSEPTO:

Mga Suliranin sa Paggawa:

 Kawalan at kakulangan ng hanapbuhay


 Kontraktuwalisasyon
 Mura at flexible labor

Kahulugan:

 Unemployment - kawalan ng oportunidad at marangal na trabaho.


Underemployment - pagkuha ng trabaho na mababa sa kursong natapos.
(Job - mismatch)
 Kontraktuwalisasyon - sistema ng pagpapatupad o paggawa ng iba’t ibang flexible
working
arrangements.
 Mura at Flexible Labor – pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa
panahon
ng paggawa ng mga manggagawa.

Pagsasanay: Suriin ang bawat pahayag sa ibaba. Isulat ang titik lamang kung ang tinutukoy nito
ay

A. Unemployment/Underemployment
B. Kontraktuwalisasyon
C. Mura o Flexible Labor
1. Mabilis na lumalaki ang bilang ng Pilipinong nangingibang- bayan para magtrabaho.
2. Hindi sapat ang perang sinasahod o hindi tugma ang trabaho na hinahawakan ng isang
manggagawa.
3. Pagbabawas sa mga manggagawa at ng kanilang oras o araw ng paggawa.
4. Hindi binabayaran ang mga manggagawa ng karampatang sahod at mga benepisyong ayon sa
batas na tinatamasa ng mga manggagawang regular.
5. Naiiwasan ng mga kapitalista maging ang pagbabayad ng separation pay, SSS, PhilHealth at
iba pa.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan

Gawain bilang 2.17


Paksa: Mga Isyu sa Paggawa – Mga Mungkahing Solusyon
Pamantayan ng Pagkatuto: Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang iba’t ibang
suliranin sa paggawa. AP10MIPIIg-7
Layunin: Nakapagbibigay ng mungkahing solusyon sa mga suliranin sa paggawa
Sanggunian: Kontemporaryong Isyu LM, pahina 198 - 222

KONSEPTO:

Apat na Haligi para sa isang Disente at Marangal na Paggawa (DOLE, 2016)

 Employment Pillar

Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa


paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggawa.

 Worker’s Rights Pillar

Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat
na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.

 Social Protection Pillar


Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga
mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggaptanggap na pasahod, at
oportunidad.

 Social Dialogue Pillar


Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at
kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit.

Pagsasanay:
Pangkatang gawain. (Malikhaing gawain batay sa kakayahan ng bawat pangkat)
Bawat grupo ay magbigay ng isang mungkahing solusyon sa mga suliranin sa paggawa
at ibahagi ito sa klase.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan

Gawain bilang 2.18


Paksa: Migrasyon - Kahulogan
Pamantayan ng Pagkatuto: Naipapaliwanag ang konsepto at dahilan ng migrasyon dulot ng
globalisasyon AP10MIGIIh-8
Layunin: Nakapagbibigay ng sariling kahulugan sa salitang migrasyon
Sanggunian: Kontemporaryong Isyu LM,pahina 198-222

KONSEPTO

Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o


teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.

(more elaboration on migration)

PAGSASANAY.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan

Gawain bilang 2.19


Paksa: Migrasyon – Mga Dahilan
Pamantayan ng Pagkatuto: Naipapaliwanag ang konsepto at dahilan ng migrasyon dulot ng
globalisasyon AP10MIGIIh-8
Layunin: Nasusuri ang mga dahilan ng migrasyon sa buhay ng tao sa loob at labas ng bansa
Sanggunian: Kontemporaryong Isyu LM,pahina 198-222

KONSEPTO

MGA DAHILAN NG MIGRASYON

• hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang


pamumuhay;

• paghahanap ng ligtas na tirahan;

• panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa;

• pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado.

TALAHANAYAN 1

Top 10 Destinations/Countries of Overseas Filipinos

Rank Countries Filipino Migrants

1 USA 3,535,676
2 Saudi Arabia 1,028,802
3 UAE 822,410 4
4 Malaysia 793,580
5 Canada 721,578
6 Australia 397,982
7 Italy 271,946
8 United Kingdom 218,126
9 Qatar 204,550
10 Singapore 203,243

PAGSASANAY.

1. Ano-anong bansa ang madalas puntahan ng mga Pilipinong manggagawa? Sa iyong palagay, bakit
sa mga bansang ito sila nagpupunta? Pangatuwiran.

2.Maglista ng mga salik o dahilang nakaiimpluwensiya sa mga manggagawa sa pagpili ng bansang


kanilang pupuntahan. Pangatuwiran ito.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan

Gawain Bilang : 20

Paksa: PERSPEKTIBO AT PANANAW NG MIGRASYON


Pamantayan sa Pagkatuto: Naipapaliwanag ang konsepto at dahilan ng migrasyon dulot ng
globalisasyon . AP10MIC-II-8
Layunin: Naipapaliwanag ang perspektibo at pananaw ng migrasyon.
Sanggunian: Kontemporaryong Isyu LM, pahina 223- 229

KONSEPTO
 Globalisasyon ng migrasyon. Mga bansang madalas puntahan: Australia, New Zealand,
Canada at United States. Mga migrante - mula sa mga bansa sa Asya, Latin America at
Aprika.
 Mabilisang paglaki ng migrasyon. Malaki ang implikasiyon nito sa mga batas at polisiya na
ipinatutupad sa mga destinasyong bansa.
 Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon
 labour migration – tumutukoy sa phenomena ng isang estado kung saan dumadayo
patungo sa ibang bansa ang mga mangagawa nito.
 refugees migration – pangibang bansa ng mga tao na kailangan ng dobleng pag-iingat sa
seguridad.
 irregular migrants - mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado,
walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
 Temporary migrants- mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang
permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.. Ang
ilan sa halimbawa nito ay mga foreign students na nag aaral sa bansa at mga negosyante
na maaari lamang manirahan pansamantala ng anim (6) na buwan.
 Permanent migrants- overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay
hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman
kalakip dito ang pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.
 Pagturing sa migrasyon bilang isyung political. Ang usaping pambansa, pakikipag-
ugnayang bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya tungkol sa pambansang seguridad ay
naaapektuhan ng isyu ng migrasyon.
 Paglaganap ng ‘migration transition’. Ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga
nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t
ibang bansa. South Korea, Poland, Spain, Morocco, Mexico, Dominican Republic at Turkey.
 Peminisasyon ng migrasyon. 1960, naging kritikal ang ginampanan ng kababaihan sa labour
migration. Sa kasalukuyan ang mga manggagawang kababaihan ng Cape Verdians sa Italy,
Pilipina sa Timog-Kanlurang Asya at Thais sa Japan ay nagpapatunay rito.
PAGSASANAY:
1. Ano ang naging epekto ng mga bansang napupuntahan at naiwan?
2. Ano ang mga dahilan ng kanilang pangingibang bansa?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 10 Kontemporaryong Isyu


Ikalawang Markahan

Gawain Blg.21
Paksa: Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon – Forced Labor
Pamantayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspetong panlipunan,
pampolitika, at pangkabuhayan AP10MIG-IIi-9
Layunin: Nakapagbibigay ng reaksyon sa mga palatandaan ng forced labor;
Nakabubuo ng angkop na hakbang sa pagtugon ng mga suliraning dulot ng migrasyon
na may kaugnayan sa forced labor.

Konsepto:
Ang forced labor ay isang anyo ng human trafficking. Ayon sa International Labour
Organization ang Forced Labor (o Forced Labour) ay konektado sa “mga sitwasyon kung saan ang
mga tao ay puwersadong pinagtatrabaho sa pamamagitan ng dahas o pananakot o kaya’y sa mas
tagong pamamaraan tulad ng pagbabaon sa utang, pagtatago ng ID at passport, or pagbabanta ng
pagsusuplong sa immigration.” (salin ng My Labor Matters team)

Mga Palatandaan ng Forced Labor ayon sa Hope for Justice

 May pananakot o pananakit na pisikal.


 Hindi maaring lumabas sa opisina, factory, dormitory o pinagtratrabahuhang lugar.
 Pinagtratrabaho upang makabayad ng malaking utang. Ang mga biktima ay kadalasang
binabayaran ng maliit o wala dahli sa laki ng mga kaltas.
 Di pagbigay ng sahod o sobra-sobrang kaltas sa sahod.
 Pagtatago ng ID tulad ng passport at ibang identifying documents.
 Pananakot na isusuplong sa immigration ang hindi maayos na visa o status of residence ng
trabahador.
 Mababa o walang health and safety standards.
 Ang pagre-require ng pagbayad ng pagkain at kagamitan. Depende pa din ito sa usapan ng
Pilipinas sa bansang pinagpadalhan sa manggagawa.
 Puwersahang pagpapatira sa accommodation at pagbabawas sa suweldo dahil dito.
 Sahod na mas mababa sa minimum wage.
 Walang ibang maaasahan kung hindi ang employer. Ibig sabihin lang nito na walang
kakayahan ang manggagawa na tulungan ng sarili o kaya’y lumapit sa iba na nagreresulta sa
isolation at kawalan ng access sa mga serbisyo tulad ng doktor, unyon, at iba pa.
 Walang kopya o hindi makakuha ng kopya ng kontrata.
 Sobra-sobrang work hours at napakakaunting breaks.

Pagsasanay:

1. Ano ang iyong reaksiyon sa mga palatandaan ng forced labor?


2. Magbigay ng mga angkop na hakbang sa pagtugon ng mga suliraning dulot ng migrasyon.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 10 - Kontemporaryong Isyu


Ikalawang Markahan

Gawain Blg. 22
Paksa: Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon – Human Trafficking
Pamantayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspektong
panlipunan, pampolitika, at pangkabuhayan; AP10MIG-IIi-9

Layunin: Nakapagbibigay ng reaksyon tungkol sa limang palatandaan ng human


trafficking;
Nakabubuo ng angkop na hakbang sa pagtugon ng mga suliraning dulot ng
migrasyon.

Konsepto:
Ayon sa United Nations Office of Drugs and Crime, ang human trafficking ay ang
“pagrerecruit, pagdadala, paglilipat, pagtatago, o pagtanggap ng mga tao sa pamamagitan ng di
tamang paraan (katulad ng dahas, pag-kidnap, pangloloko, o pamumuwersa) para sa hindi
magandang dahilan tulad ng forced labor o sexual exploitation.” (salin ng My Labor Matters
team)

Human Trafficking ayon sa ating Batas


Section 3 of RA 9208 (Anti-Trafficking Law), ang trafficking in persons ay tumutukoy sa
pagrecruit, paglilikas, paglipat, pagtatago, o pagtanggap ng mga tao, payag man ang biktima o
hindi, sa loob man o labas ng bansa, sa pamamagitan ng pagbabanta o paggamit ng pwersa, o iba
pang uri ng pamimilit, pagtangay o abduction, pamemeke o panloloko, pang-aabuso sa
kapangyarihan o katangkulan, pagsasamantala sa kahinaan ng isang tao, o ang pagbibigay o
pagtanggap ng kabayaran o iba pang benepisyo upang makamit ang pagpayag ng isang taong may
control sa isa pang tao, para sa eksploitation, na kasama subalit hindi lamang para eksploitasyon,
prostitusyon o sekswal na pang-aalipin, pang-aalila, o ang

Batay sa expanded version ng Anti-Human Trafficking Law - RA No. 10364,


May limang (5) uri ng human trafficking:
 sexual exploitation;
 forced labor or services;
 slavery;
 servitude; and
 removal or sale of organs

Pagsasanay:

1. Bakit mahalaga ang kaalaman sa mga isyu kalakip ng migrasyon na may kaugnayan sa
human trafficking?
2. Ano ang angkop mong gawin para maiwasan ang human trafficking?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan

Gawain Blg. 23
Paksa: Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon-PANG-AALIPIN
Pamantayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspektong
panlipunan, pampolitika, at pangkabuhayan; AP10MIG-IIi-9
Layunin: Naihahambing ang tradisyunal at makabagong pang-aalipin .AP10MIG-IIi-9

Sanggunian : https://ph.search.yahoo.com/yhs/search?hspart=itm&hsimp=yhs-001&type ;
https://www.sbs.com.au/yourlanguage/filipino/fil/audiotrack/modern-
slavery;
http://radyo.inquirer.net/87440/slavery-o-pang-aalipin-target-rin-supilin
Konsepto
Tradisyunal na kahulugan:
Pang-aalipin - isang uri ng sapilitang paggawa na kung saan tinuturing o tinatratro ang isang
tao
bilang pagmamay-ari ng iba. Inaari ang mga alipin na labag sa kanilang kalooban mula nang
sila'y
nabihag, nabili o sinilang, at inaalisan ng karapatan na magbakasyon, tanggihang
magtrabaho,
o tumanggap ng bayad (katulad ng sahod).

Makabagong kahulugan:
Pang-aalipin - malimit na pumapasok sa isipan ang tungkol sa pwersahang trabaho, o pagta-
trapiko sa sex, subali't ang pang-aalipin ay maraming uri, kasama ang pang-aalipin sa
utang,
at pwersahang kasal. 

‘Slavery o pang-aalipin, target rin supilin ni Pangulong Duterte’


Ayon sa pangulo, ito kasi ang isa sa mga nagdulot ng hidwaan sa pagitan ng mga
Kristyano
at Muslim sa bansa. Bukod dito, nais rin niyang wakasan ang problema ng human
trafficking,
na kabilang na rin sa maituturing na modern slavery. Giit niya, matindi ang kakaharaping
parusa ng mga mahuhuling dumudukot sa mga tao at ginagawang alipin ang kanilang mga
bihag, dahil ipapantay niya ang mga ito sa lebel ng mga durugista. Hahabulin niya ang
mga
terorista lalo na kung may umabot sa kaniyang mga ulat o sumbong na nadukot ang
kanilang
mga anak at ginagawang alipin. Nais na niyang matigil ang slavery dahil hindi ito
makatao at
hindi dapat ginagawang alipin ang isang tao sa kaniyang buong buhay.

PAGSASANAY: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon at tukuyin kung ito ba ay tradisyonal o
makabagong pang-aalipin.
1. Ang mga anak ng biniling alipin ay maaari ring bilhin at gawing alipin. Ang mga ito ay
maaaring ipamigay ng bumili sa mga anak nito at gawing alipin.
2. Kung ang lalakeng alipin ay ayaw nang umalis dahil mahal nito ang asawa at mga anak at ang
amo, ito at ang pamilya nito ay habang buhay na magiging alipin.
3. Human Trafficking
4. Ang ginawa ng mga terorista sa mga bihag nila sa Marawi City noong kasagsagan ng
bakbakan doon.
5. Nagpapatuloy na pangangalakal ng tao upang gamitin sa prostitusyon, sapilitang paggawa at
pagbebenta ng mga human organs

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 10 Kontemporaryong Isyu


Ikalawang Markahan

Gawain Blg. 24

Paksa: Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon sa Pamilyang Pilipino


Pamantayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspetong panlipunan,
pampolitika, at pangkabuhayan AP10MIG-IIi-9
Layunin: Natutukoy ang mga mabuti at di mabuting epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino;
Nakabubuo ng angkop na hakbang sa pagtugon ng mga suliraning dulot ng
Migrasyon sa pamilyang Pilipino..

Konsepto:
Malaki ang isyu ng migrasyon sa Pamilyang Pilipino. Ito ay nagdudulot ng positibo at
negatibong epekto nito.
Mga Epekto ng migrasyon sa Pamilyang Filipino
Positibong epekto ng migrasyon sa Pamilyang Pilipino
 Pagpapanatili ng kaugaliang pamana sa atin tulad ng magandang asal at pagpapahalaga
 Nababawasan ang populasyon ng pamilya
 Pagdagdag ng kita ng pamilya
 Pagkakaroon ng maraming oportunidad kung magmamigrate sa ibang bansa
 Pagkakaroon ng pagkakataon na makapag-aral sa mga kilalang paaralan

Negatibong epekto ng migrasyon sa Pamilyang Pilipino


 Maaring maging dahilan sa paghina ng katatagan ng pamilya at paghihiwalay ng mga mag-
asawa
 Pagbabagong konsepto ukol sa tradisyunal na pamilya at transnational na pamilya
 Kakulangan ng makabulohang komunikasyon at atensyon ng mga magulang sa anak at anak
sa magulang
 Pagbabago sa mga pagpapahalaga at pamamaraan sa pamumuhay
 Mabagal na pag-unlad sa pangkaisipan at panlipunang aspekto ng mga anak

Mga epekto ng edukasyon sa pamilyang Pilipino


Malaki ang papel ng edukasyon sa pag-angat sa ekonomiya ng pamilyang Pilipino. Para sa
globalisasyon ng edukasyon at pantay na pagkakataon, nagkaroon ng pagbabago ng kurikulum sa
kagawaran alinsunod sa mga kasunduan ng ibang bansa, ang Bologna Accord ng Europa at
Washington Accord ng Amerika.
Ang Bologna (bo-LO-nya) Accord ay kasunduan na nilagdaan ng 29 na mga bansa na
naglalayon na iakma ang kurikulum ng bawat isa upang ang nakapagtapos ng kurso sa isang bansa
ay madaling matatanggap sa mga bansang nakalagda rito kung siya man ay nagnanais na lumipat
dito.
Ang Washington Accord na nilagdaan noong 1989 ay kasunduang pang-internasyunal sa
pagitan ng mga international accrediting agencies na naglalayong iayon ang kurikulum ng
engineering degree programs sa iba’t ibang kasaping bansa
Pagsasanay:
1. Paano naapektuhan ng migrasyon ang katatagan ng pamilyang Pilipino?
2. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa paggawa ng mga hakbang sa pagtugon sa mga
suliranin dulot ng migrasyon?

You might also like