You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Bicol University
COLLEGE OF EDUCATION
Daraga, Albay

Student : KYLE R. AMATOS


Course : BSED III- SOCIAL STUDIES
Professor : MARCIA CORAZON P. RICO
Term : 1st Sem., S.Y 2021-2022
Date Submitted: November 12, 2021

Globalisasyon

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Natatalakay at nasusuri ang iba’t-ibang dahilan,


dimensyon at epekto ng globalisasyon sa bansa.
Tiyak na Layunin:

 Natatalakay ang kahulugan ng


Globalisasyon at iba’t-ibang dahilan,
dimensyon at epekto nito sa mga tao.
LAYUNIN
 Napaghahambing ang iba’t ibang pagbabagona
dulot ngglobalisasyon

 Naipapakita sa pamamagitan ng sining ang


maaaring gawing solusyon at inobasyon
upang mabawasan ang mga isyung dulot
ng globalisasyon.

BATAYAN:
Araling Panlipunan: Mga Dahilan, Dimesyon at
PAKSANG- Epektong dulot ng Globalisasyon Grade 10
Module, 2nd Quarter
ARALIN Pahina:
144-245
Kagamitan:
White Board, Laptop, Projector at Speaker

A. BALIK-ARAL
 Pagbati
 Pambungad na Panalagin
 Pagtatala ng mga pumasok at lumiban sa
klase
 Pagbabalik-Aral
Pagbabalik-aral sa mga sanhi at implikasyon ng
mga hamong
pangkapaligiran upang maging bahagi ng pagtugon
na makapagpapabuti sa pamumuhay ng tao.
Magtatanong kung anu ang natatandaan ng mga
mag-aaral tungkol sa mga kontemporaryong isyu
na kinakaharap at nilalabanan ng Pilipinas.
Magkakaroon ng maikling talakayan at balik aral
tungkol sa iba’t-ibang sanhi at epektong dulot ng
iba’t-ibang kontemporaryong isyu ng bansa
halimbawa na lamang nito ay ang patuloy na
pagkasira ng mga likas na yaman. Maaaring
magpahayag ng maikling komento ang mga mag-
aaral tungkol sa naging sanhi at epekto ng mga
kontemporaryong issue na kinakaharap ng
PAMAMARAAN Pilipinas.
B. PAGGANYAK
 Bago magsimula ang pormal na aralin
magbibigay muna ang guro ng gawaing
pagganyak. Hahatiin ang klase sa apat na
grupo upang magawa at masimulan na
ang inihandang aktibidad. Ang gagawin
ng mga mag-aaral ay ang larong "4 pics 1
word". Simple lamang ang gagawin, may
ididikit ang guro na tig aapat na larawan
sa pisara kung saan kailangan nilang
hulaan ang 1 karaniwang salita na
tinutukoy ng apat na larawan. Pagkatapos
nito ay bibigyang kahulugan o
explinasyon ang mga salitang nahulaan at
isusulat ng lider ang kanilang sagot sa
papel. Sa pamamagitan ng gawaing ito ay
malalaman ng guro kung gaanu kalawak
ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol
sa leksyong tatalakayin pa lang.

C. PAGLALAHAD
 Ayon sa inyong ipinamalas na galing sa
paghuhula at pagbibigay kahuluhgan sa
mga salitang natuklasan sa ating naging
pambungad na gawain, ano ang
kapansin-pansin sa inyong ginawa?
 Mula sa mga larawang inyong
nasaksihan, anung ideya ang tumatak sa
inyong kaisipan?
 Ano-ano ang dahilan,dimensyon at epekto
na dulot ng globalisasyon sa bansa?
 Ano kaya ang maaaring gawin upang
masolusyunan ang mga isyu at
problemang dulot ng globalisasyon ?

Maraming dahilan o sanhi kung papaano


umusbong ang globalisasyon. Malawak din ang
naging saklaw/dimensyon at epektong naidulot
nito sa ating ekonomiya at uri ng pamumuhay.
Ngunit malaking hamon din sa bansa ang mga
makabagong pagbabago sa iba’t ibang larangan
dulot ng globalisasyon. Halos lahat sa atin ay
sinisikap na matutunang tanggapin at isabuhay
ang mga pagbabagong dulot ng globalisasyon.
Kaakibat naman ng mga pagbabagong ito ay ang
mga hamon kung paano tutugunan ng bawat
pamahalaan sa daigdig ang mga suliraning
naidulot ng globalisasyon, mga isyu sa lipunan na
nagdulot ng malaking epekto at pagbabago sa
buhay ng tao.
D. TALAKAYAN
GLOBALISASYON
Ano nga ba ang globalisasyon?
Ang globalisasyon ay tumutukoy sa konsepto ng
mas malawak na pagkakaugnay-ugnay ng iba't
ibang bansa sa mundo. Ang globalisasyon ay ang
pagkalat ng mga produkto, teknolohiya,
impormasyon at trabaho sa iba't ibang mga bansa
at kultura. Ang globalisasyon ang dahilan ng
patuloy na pagliit ng mundo sa aspeto ng
pangangalakal, komunikasyon at iba pa. Sa
kabilang banda, mahalaga na nasusuri natin ang
dahilan, dimensyon at epekto ng globalisasyon sa
ating ekonomiya at pamumuhay dahil isa ito sa
mga paksang tinatalakay sa araling Mga
Kontemporaryong Isyu.

SANHI O DAHILAN NG PAG-USBONG NG


GLOBALISASYON
Ang primaryang dahilan ng globalisasyon ay ang
mga sumusunod:
 Isa sa itinuturing na naging sanhi o dahilan ng
pag-usbong ng globalisasyon ay ang
paglaganap ng digmaan.
 Pagpapalitan ng mga pananaw, produkto,
ideya, at iba pang mga aspeto ng kultura ng
mga tao mula sa iba’t ibang bansa.
 Isa sa mga pangunahing dahilan o salik sa
globalisasyon ang paglago ng teknolohiya,
partikular ang pagkakaroon ng mga
makabagong kasangkapang
pantransportasyon (gaya ng eroplano) at
pangkomunikasyon (gaya ng smart phones at
Internet). Sa paggamit sa mga ito,
nagkakaroon ng mabilis at madaling
pagpapalitan at pagtutulungan
(interdependence) sa mga gawaing
pangkultura, panteknolohiya, at pang-
ekonomiya.
 Dahilan din ng paglaganap ng globalisasyon
ang bumabang gastos (reduced cost) sa
paglikha ng mga transaksiyon o palitan
(exchange), pati na rin ang pinabilis na
pagkilos ng kapital (increased mobility of
capital)

DIMENSYON NG GLOBALISASYON

 PANG-EKONOMIYANG DIMENSYON NG
GLOBALISASYON

Ang pang-ekonomiyang dimensyon ng


globalisasyon ay tumutukoy sa pagpapaigting,
pagdaragdag, at pagpapalawak ng mga
ekonomikong ugnayan sa buong mundo. Ang
pagnanasa para sa kapayapaan at seguridad sa
kabuhayan ang nagtulak sa paglikha ng
pandaigdigang sistemang pang-ekonomiya.

Nagbigay daan sa globalisadong ekonomiya sa


daigdig ang malayang daloy ng kalakal,
teknolohiya, kapital at mga kasanayan. Mula pa sa
panahon ng Silk Road hanggang sa paglikha ng
General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) at
pagsilang ng World Trade Organization (WTO),
gumaganap na ang kalakalan ng mahalagang papel
sa pagsuporta sa kaunlarang pang-ekonomiya at
pagtaguyod ng mapayapang relasyon sa mga
bansa.

Ang globalisasyon sa ekonomiya ay sanhi ng


paglitaw ng malalaking korporasyong
transnasyunal, mga makapangyarihang
internasyunal na ekonomikong institusiyon, at
malalaking sistemang pangkalakalan sa mga
rehiyon sa mundo.

 PAMPULITIKANG DIMENSYON NG
GLOBALISASYON
Ang globalisasyong pampulitika ay ang
pagpapalakas at pagpapalawak ng mga ugnayang
pampulitika sa buong mundo. Nakapaloob sa
dimensyong pampulitika ng globalisasyon ang mga
aspetong makakatulong upang mas pagtibayin at
pagandahin ang samahan ng mga bansang
handang makipagkalakalan at maghatid ng
pagbabago o makabagong teknolohiya.

POSITIBONG EPEKTO NG GLOBALISASYON


1. Pagtangkilik sa produktong tatak kanluranin,
kulturang asyano.
2. Pagbabago at pag-unlad ng isang bansa.
3. Natututunan ng mga Pilipino ang iba't ibang
wikang banyaga
4. Gumagaling ang mga Pilipino sa larangan ng
teknolohiya
5. Malakas na pakikipag-ugnayan at
pakikipagkalakalan sa iba’t ibang bansa.
NEGATIBONG EPEKTO NG GLOBALISASYON

1. Humina at nabura ang pambansang


pagkakakilanlan.
2. Nagiging pamantayan ang wikang Ingles
3. Nalulugi ang lokal na namumuhunan.
4. Mas napapaboran at kinikilala ang mga hindi
lokal na produkto
5. Palagiang paggalaw at pagtaas ng mga presyo
ng produkto at serbisyo na nagdudulot ng
kahirapan sa mamamayang Pilipino.

 Ipapaliwanag ng guro ang iba’t-ibang sanhi o


dahilan kung papaano nagkaroon o
umusbong ang globalisasyon. Tatalakayin din
ng guro kung gaano kalawak ang dimensyon
ng globalisasyon. Dagdag pa dito ay iisa-isahin
din niyang ipaliwanag ang mga naging
positibo at negatibong epekto ng
Globalisasyon sa ating bansa.
 Parte ng masiglang talakayan ang
pagtatanong o pagsusuri kung
nakakasunod ang mga mag-aaral.
Inaasahang makakasagot sila sa
mga susunod na tanong sa
talakayan:

1. Bilang mag-aaral ano ang magagawa


mo upang mas lubos pang maunawan
ang mahalagang impormasyon tungkol
sa mga dahilan, dimensyon at epekto ng
globalisasyon sa ating bansa?

2. Paano mo ipapakita ang pakikiisa


upang masolusyunan ang isyung
kinakaharap natin dulot ng
globalisasyon?

3. Ikaw bilang kabataan, sa tingin mo,


ano ang maaari mong gawin o
maiambag upang mas mapaganda at
umunlad ang ating ekonomiya?

 Inaasahang masasagutan at
matatalakay ng guro at mag-aaral ang
tungkol sa kahulugan ng mga naturang
aralin. Maipapaliwang din ng mga mag-
aaral kung ano ang iba’t ibang isyu at
suliranin na kinahaharap ng paksang-
aralin.
Inaasahang makapagbibigay sila ng mga
sulosyon o mga magagawa para mawala at
masoluyunan ang mga suliraning
maibabanggit sa klase.

 Sa katapusan ng aralin, magbibigay ang


guro ng ilang minuto sa mga mag-aaral
upang balikan at mas maunawaan ang
mga naunang gawain at talakayan.
Pagkatapos nito ay pipili ang guro ng
dalawa o tatlong mag-aaral na maaaring
magbahagi at magpaliwanag ng kanilang
mga natutunan at naintindihan sa
leksyon.

E. Paglalahat
 Natalakay natin sa araw na ito ang
kahulugan globalisasyon at ang iba’t-
ibang sanhi, dimesyon at epekto nito sa
mga isyung paggawa. Isang hamon sa
ating lipunan kung paano natin
masosolusyunan ang mga ganitong
problema. Kaya una sa lahat ay
mahalagang maunawan natin ang
kahulugan ng mga terminolohiyang ito
upang lubos na maintindihan ang ating
lipunan at kung ano ang ginagampanan
nilang gampanin sa lipunan.
 Napaghambing na natin at natukoy ang
iba’t ibang dahilan, dimensyon at naging
epekto ng globalisasyon sa ating
ekonomiya Ngayon, ang maaari nating
gawin ay ipaliwanag at buksan ang
isipan ng kapwa natin mamamayan sa
kung anu ang mga isyung dulot nito sa
ating ekonomiya at kung papaano natin
maiiwasan at mas mapapaganda ang
ating bansa.

 Ngayon, alam narin natin ang


kahalagahan ng pagkatuto ng mga
konseptong ito. Natukoy na natin ang
mga sularinin at isyung kinakaharap ng
kasarian sa ating lipunan. Mula mismo sa
inyo, natutunan natin kung paano
mabibigyang solusyon at karapatan ang
mga na di-discriminate dahil lamang sa
kasarain.

Isahang gawain

Gumawa ng malikhaing output o gawain na


nagpapakita o naglalahad ng iyong mga natutunan
PAGTATAYA tungkol sa globalisasyon. Maaari mong maipakita
kung papaano umusbong ang globalisasyon, kung
gaanu kalawak ito at ang epektong dulot nito sa
ating bansa. Ang iyong outpu na gagawin ay
maaaring sa pamamagitan ng paglikha ng kanta,
sayaw, tula o poster. Nakasalalay ito sa kung
gaanu kalawak ang iyong imahinasyon at
pagkamalikhain.
Sa pamamagitan ng internet,

batas sa Pilipinas na nagbibigay


proteksyon sa iba’t ibang kasarian. Ano ang mga
ito? Bakit mayroong ganito?
TAKDANG- Isulat sa kwaderno ang inyong mga masasaliksik at
ipasa sa susunod na pagkikita
ARALIN

You might also like