Professional Documents
Culture Documents
2nd GLOBALISASYON
2nd GLOBALISASYON
I. ITINAKDANG LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang :
1. Naipaliliwanag ang konsepto ng globalisasyon;
2. Naipaliliwanag ang pangkasaysayan, pampolitikal, pangekonomiya, panlipunan at
pangkultural na pinagmulan ng globalisasyon.
3. Nasusuri ang pangunahing institusyon na may bahaging ginagampanan sa
globalisasyon(pamahalaan,mass media,multinational at korporasyon,mga NGO,at mga
international na korporasyon)
4. Naipaliliwanag ang konsepto ng likas-kayang kaunlaran(sustainable development)
5. Natatalakay ang kasaysayan ng pagkabuo ng konsepto ng likas-kayang kaunlaran.
A. INTRODUKSIYON
Balik – Aral
Pagganyak
Gawain 1
Ang Globalisasyon ay isa sa mga isyung nagkakaroon ng malaking epekto sa ating pamumuhay sa
ngayon. Ano-ano ang nalalaman mo tungkol sa globalisasyon at likas-kayang kaunlaran? Isulat sa mga
box na nakapalibot sa mundo.
“Ano ang ibig mong malaman tungkol sa mga ito?”
B. INTERASKYON
Gawain 1 (IL 1)
Timeline
Hatiin ang klase sa apat o limang maliliit na pangkat sa pamamagitan breakout room. Ganyakin
ang bawat pangkat na gumawa ng timeline na may mga larawan na nagpapakita ng kasaysayan ng
globalisasyon. Magtawag ng kinatawan ng ilang pangkat na siyang maglalahad sa harap ng buong klase
ng kanilang ginawa.
Pangyayari
Taon 2014
Gawain 2(IL 2)
History Frame
Hatiin ang klase na may apat o limang miyembro. Sabihan ang bawat pangkat na pag – usapan
ang paksang inilahad. Magpatala ng isang kalihim na magsusulat ng kanilang mga ideya. Ilahad ang
History Frame sa ibaba:
Pinangyarihan: Suliranin:
Saan:
Kalian:
Mga Tauhan:
Pagkatapos ng pangkatang talakayan,pagbuuin ang bawat pangkat ng isang history frame na nagpapakita
ng kanilang mga ideya tungkol sa paksa. Ipalahad sa harap ng klase ang mga nabuong history frame.
C. INTEGRASYON
Gawain:
Magmatyag sa inyong komunidad at kapanayamin ang inyong mga lokal na opisyal gaya ng
kagawad o kapitan. Gumawa ng video documentary tungkol sa mga ginagawa sa inyong komunidad,
barangay o lungsod upang makaagapay sa globalisasyon at makatutulong sa likas-kayang kaunlaran.
Tungkulin: mamamahayag/corespondents
Manonood: mag – aaral,guro
Produkto: Video Documentary
Kriterya
Kaayusan ng tanong 10
Pakikipagtalakayan 10
Konsistent ang mga katanungan 10
Kabuuang puntos 30 puntos
IV. PAGTATAYA
mabuti Masama
1. Timbangin ang kabuuang epekto ng globalisasyon sa ating bansa. Isulat sa loob ng kaon.
2.
V. TAKDANG - ARALIN
Magpasulat sa kuwaderno ng dalawang pahayag (isang tamang pahayag at isang maling pahayag)
tungkol sa likas-kayang kaunlaran at kaugnayan nito sa sumusunod:
Pagkakapantay-pantay
Kahirapan
Karapatan
kabataan