You are on page 1of 21

Kakayahang Pragmatik at

Kakayahang Diskorsal
Mga Layunin:
A. Natatalakay ang kakayahang pragmatik at diskorsal.
B. Nakapagsasagawa ng dayalogo na nagpapakita ng
kakayahang komunikatibo.
C. Nakasusulat ng kritikal na sanaysay ukol sa iba’t
ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang
grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.
PAGBASA NG TEKSTO
•Gabay na Tanong:
•1. Tungkol saan ang binasa mong teksto?
•2. Anu-ano ang mahahalagang impormasyong
hatid ng nabasa mong teksto?
•3. Ano ang mabuting dulot ng pagbabasa?
Panonood ng video:

• 1. Ano ang ibig sabihin ng Kakayahang Pragmatik at Kakayahang


Diskorsal?
• 2. Itala sa kwaderno ang mahahalagang impormasyon na makikita o
mababasa sa video.
Kakayahang Pragmatik at
Kakayahang Diskorsal
Pragmatiks
• - isang sangay ng lingguwistika na
inilalarawan bilang pag-aaral ng
ugnayan ng mga anyong
lingguwistiko at mga gumagamit
nito.
Ayon kay (Yule, 1996)

•Binibigyang pansin dito ang ang gamit


ng wika sa mga kontekstong
panlipunan gayundin kung paano
lumilikha at nakauunawa ng kahulugan
ang tao sa pamamagitan ng wika .
Sang-ayon naman kina Badayos at mga
kasama (2010)
Ang pragmatiks ay kinapapalooban ng tatlong
pangkalahatang kakayahan sa komunikasyon: (1) ang
gamit ng wika sa iba’t ibang layunin gaya ng pagbati,
pagbibigay- impormasyon, pagnanais, paghiling, at
pagbibigay-pangako: (2) paghiram ng pagbabago ng
wikang gagamitin batay sa pangangailangan o inaasahan
ng tagapakinig at/o sitwasyon: (3) pagggamit ng tuntunin
sa isang talastasan at mga naratibong dulog gaya ng
pagkukuwento, pagbibigay ng ulat at iba pa.
Ayon naman kina Lightbown at Espada
(2006)
•Pragmatiko ay tumutukoy sa pag-
aaral sa paggamit ng wika sa isang
partikular na konteksto upang
magpahayag sa paraang
diretsahan o may paggalang.
Para sa pilosopo sa wika na si J.L Austin
(1962; sipi kay Holf 20010)
• ang pakikipag-usap ay hindi lamang paggamit
ng mga salita upang maglarawan ng isang
karanasan kundi “paggawa ng mga
• bagay gamit ang mga salita “o speech act.
• Halimbawa nito ay pakikiusap, pagtanggi,
pagpapaumanhin, pangangako at iba pa
May tatlong (3)sangkap ang speech act:

•1. illocutionary force


•2. Locution
•3. Perlocution
Kakayahang Pragmatik

kakayahang iparating ang isang tukoy na


mensahe, ang lantad at di- lantad nitong
kahulugan sa anomang konteksto hinggil sa
kultura, at gayundin ang pagbibigay kahulugan
dito ng tagatanggap ng mensahe sang-ayon na
rin sa nais iparating ng tagapaghatid nito.
Diskurso
Tumutukoy sa pagpapahayag ng mga
ideya, nosyon, teorya, at pangkalahatan,
ang kahulugang maaaring nasa pasulat o
pasalitang paraan, tinuturing na
pagpapalitan ng pagpapahayag.
• Sa kabilang banda, ang Konteksto gaya ng
inilahad ni Hymes sa kanyang SPEAKING
theory, tungo sa ikatatagumpay ng isang
pakikipagtalastasan, mainam na makita ang
kabuoang konteksto (setting, participants, ends,
acts, keys, instrumentalities, norms at genre)
• Sa pamamagitan nito, maaaring mapaangat ang
sensitibi ng dalawang nag-uusap.
Kakayahang Diskorsal (discourse competence)

•Nagbibigay-pansin sa kakayahang
bigyan interpretasyon ang isang
serye ng mga napakinggang
pangungusap upang makagawa ng
isang makabuluhang kahulugan.
Gawin Natin:

• Panuto: Basahin ang diyalogo pagkatapos,


bigyang hinuha kung ano ang ipinahihiwatig
ng mga pahayag na may bilang.
A. pag-uutos B. pakiusap C. pasalaysay E.
pagbibigay-atensyon D. pag-uulat F. patanong

______Jerome: (5) Mukhang bago ang suot mong damit.


______Jenny: (4) Hindi ba halata?
Jerome: Ikaw naman, ngayon ko lang kasi nakita yan na suot
mo.
_____ Jenny: (1) Ganoon ba, Aalis ka ba?
_____ Jerome: (3) Oo, bibili ako ng gamot sa botika.
_____ Jenny: (2) Pakibili naman ako ng gamot para sa lagnat.
Jerome: Walang problema.
DAYALOGO

•Panuto: Lumikha ng usapan na


nagpapakita ng kakayahang
komunikatibo ng bawat
kasangkot.
Indibiduwal na Gawain
• Panuto: Bumuo ng isang kritikal na sanaysay ukol sa iba’t
ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong
sosyal at kultural sa Pilipinas. Pumili ng isa sa mungkahing
mga paksa. Gawing batayan ang rubrik.

• Mungkahing Paksa
• A. Kabataan sa Makabagong Panahon
• B. Mga Gurong Nagtuturo sa mga Tribo o Pangkat Etniko
• C. Mga Manlalakbay
• D. Sariling Paksa
Indibidwal na Gawain

Pinagkukunan ng
Deskripsyon Puntos
Puntos
Pagbuo ng mga ideya na kaugnayan
Nilalaman 10
sa paksa
Kaisahan ng talata, konstruksyon ng
Organisasyon mga pangungusap, gamit ng mga 5
bantas

Balarila Gramatikal na isyu 5

Kabuoan   20

You might also like