You are on page 1of 40

WIKA

RAMBULAN
inns through men thal
read glue lua too ray
enter rock shoe null
pear saw knoll
he ewe risk tea quo
Im poor ma teeb
I ma he nash yon
Michael Alexander
Kirkwood Halliday

• M.A.K. Halliday
• Isang bantog na iskolar mula sa
Inglatera
• Ang wika ay isang panlipunang
phenomenon.
• Systematic functional linguistics
Sa obserbasyon ni M.A.K Halliday, nabuo niya ang
gamit ng wika batay sa iba't ibang yugto ng
pagkakagamit ng isang bata. Napansin niya na
ang isang bata ay may hakbang-hakbang na
yugto ng kakayahan sa paggamit ng wika
samantalang ang nakatatanda ay may
kakayahan nang ilapat ang maraming tungkulin na
ito.
Naniniwala si M.A.K Halliday na may gampanin ang
wika sa pagbubuo ng panlipunang realidad at
mahalaga ang panlipunang gamit nito sa
pagbibigay-interpretasyon sa wika bilang isang
sistema. Ibig sabihin, ang wika bilang potensiyal sa
pagpapakahulugan ay naisasagawa sa
pamamagitan ng pagsusuri sa partikular na
panlipunang seting ng komunikasyon.
Gamit ng Wika sa
Lipunan
Instrumental

Ito ang gamit ng wika na tumutugon sa mga


pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-
ugnayan sa iba. Halimbawa ay pagpilit,
pagbibigay-panuto,pagmumungkahi,
panghihikayat, pag-uutos, at iba pa.
Regulatori

Ito ang gamit ng wika na tumutukoy sa pagkontrol


o sa paggabay ng ugali ng iba. Halimbawa ay
pagbibigay ng babala o alituntunin,
pagtatalumpati sa bansa, pag-ayon, pag-alalay sa
kilos, at iba pa.
Interaksyunal

Ang gamit na ito ay nakikita sa paraan ng


pakikipag-ugnayan ng tao sa kaniyang kapwa.
Halimbawa ay pakikipagpalitan ng kuro-kuro,
pakikipagbiruan, pagbati, pagpapaalam, at iba
pa.
Personal

Ang wikang ginagamit upang maipahayag ang


sariling damdamin o opinyon. Halimbawa ay
pagsigaw upang mailabas ang nararamdaman,
pagsulat sa dyornal, at iba pa.
Imahinasyon

Ang wikang ginagamit upang makapagpahayag


ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan.
Halimbawa ang paglikha ng mga popular na pick-
up lines ay nagpapakita ng malikhaing gamit ng
wika upang magpatalas ng isang ipinahihiwatig na
kahulugan at damdamin. Iba panghalimbawa ag
mga akdang pampanitikan.
Heuristiko
Ang wikang ginagamit upang maghanap ng mga
impormasyon o datos upang makatamo ng iba’t
ibang kaalaman sa mundo. Halimbawa pagbuo
ng pananaliksik, pakikipanayam, at pagtatanong
upang makakalap ng mga impormasyon sa mang-
araw-araw na gawain.
Impormatib
Ang wikang ginagamit upang
makapagbigay ng impormasyon. Ang ilang
halimbawa nito ay pag-uulat, panayam,
pagtuturo, pagpapaliwanag, pagsagot,
pagtuturo at pagsusulat ng pamanahunang
papel o tesis.
Gamit ng Wika
1. Ang wika ay ginagamit upang magleybel,
magtakda at maglimit.
2. Ang wika ay nag-eebalweyt – binigyang-diin
ng mga iskolar ng wika na ang wika ay likas
na may taglay na pagpapahalaga (value
laden). Ang bawat salitang ating binibitiwan
patungkol sa isang bagay ay kalimitang may
bahid ng nosyong positibo o negatibo batay
sa salitang ating gagamitin (Richards, 1965).
Gamit ng Wika

3. Ang wika ay ginagamit sa pagtalakay


ng mga bagay na labas sa ating
kasalukuyang karanasan.
4. Iba pang gamit ng wika: a. ang wika ay
nagbibigay ng impormasyon; b. ang
wika ay nagseset-up; at c. ang wika ay
nag-uutos (Hayakawa, 1979).
Karagdagang dahon
ng impormasyon
Di-Berbal na Komunikasyon

Ito ay mga kilos ng katawan at kalidad ng


tinig na kalukob ng mga mensaheng
berbal sa ating pakikipagtalastasan.
Karaniwan itong ginagamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura o komunidad ng
wika at may kasunduang interpretasyon
hinggil dito. (Burgoon, 1994)
Mga Kilos ng Katawan

Kinesiks- tawag sa pag-aaral at


pagpapakahulugan ng galaw ng
katawan. Halimbawa: 1. Pagtingin
(40% sa nagsasalita at 70% sa
tagapakinig) Knapp at Hall, 1992, 2.
Ekspresyon ng Mukha, 3. Galaw ng
mga braso at kamay, 4. Tikas at tindig
Paralanguage – di-berbal na “tunog”
na ating naririnig at nagsasaad kung
paano sinasabi ang isang bagay.
Binubuo ito ng pitch, bolyum, bilis at
kalidad ng tinig kapag tayo’y
nagsasalita.
ANG PAGHAHARAP NG SARILI

1. Pananamit at Pag-aayos ng sarili


2. Katatagan (20% ng populasyon ang
kinakabahan kapag may ibang taong
kaharap kung pagsasalitain sa madla)
Richmond at McCroskey, 1989
3. Oras at Panahon
Pumili ng isa sa mga Gamit ng Wika sa Lipunan. Umisip
ng isang makabuluhang pangyayari sa buhay mo at
sumulat ng sanaysay ayon sa napili. Gawing gabay
ang pamantayan sa ibaba.
PAMATAYAN PUNTOS

Kaugnayan sa napiling gamit ng


10
wika

Nilalaman 10

Paggamit ng salita 5

KABUUAN 25
Magbigay ng dalawang
pinakanatandaan o nagustuan
sa paksa

Magbigay ng isa pang nais


mong linangin sa ating pinag-
Magbigay ng tatlong aralan
mahahalagang naunawaan sa
ating paksa

You might also like