You are on page 1of 2

Camarines Sur National High School

City of Naga

Class Observation Tool (COT) 1


January 11, 2023
Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 10
Bldg. 19 – Room 8 (10-Crone)

I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at
pandaigdigang isyung pang ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa
matalinong pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pang -
ekonomiyang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

C. Pamantayan sa Pagkatuto
Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa
bansa.

D. Tiyak na Layunin
1. Nakabigay ng sariling pakahulugan sa konsepto ng unemployment
2. Naipaliwanag ang mga dahilan at epekto ng pagkakaroon ng unemployment
3. Nakabuo ng isang mungkahi upang malutas ang suliranin ng unemployment

II. Nilalaman:
A. Paksa : Konsepto ng Unemployment
B. Sanggunian : Araling Panlipunan 10: ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN,
pahina 198-207.
C. Mga Kagamitan : Slide presentation, projector, flash drive, speaker
D. Istratehiya : Cooperative Learning, Experiential Learning, and 4 A’s
E. Integrasyon : ICT/Quizziz.com

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pang-araw araw na gawain
a. Pagdarasal
b. Pagbati
c. Pagtala ng liban
d. Balik aral

2. Pagganyak
Quizziz: Pagbabalik-aral sa nakaraang paksa. Pagbuo ng limang (5) pangkat
para sa maikling pagsusulit.

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain (Activity)
#KaranasanKo: Ang mga mag-aaral ay papangkatin sa limang grupo at
bibigyan ng 15 minuto kung saan ang bawat isa sa kanila ay magbabahagi ng
kanilang karanasan tungkol sa naoobserbahan na unemployment sa kanilang
pamayanan. Kanilang isusulat sa isang buong manila paper ang resulta ng
kanilang pag-uusap at ito ay ibabahagi sa klase.

2. Pagsusuri (Analysis)
Pagkatapos ng pag-uulat, kanilang sasagutan ang mga sumusunod na mga
pamprosesong katanungan:
a. Batay sa talakayan ano kaya ang iyong pagkakaunawa sa salitang
“unemployment”?
b. Alin sa mga nabanggit na dahilan ng unemployment ang sa iyong palagay
ay
dapat pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan? Bakit?
c. Alin sa mga nabanggit na epekto ng unemployment ang sa iyong palagay ay
dapat pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan? Bakit?

3. Abstraksiyon (Abstraction)
Malaking hamon sa bansa ang mga makabagong pagbabago sa iba’t ibang
larangan dulot ng globalisasyon. Mas nagiging bukas ang bansa sa iba’t ibang
oportunidad na tuklasin ang potensiyal na pakikipagsabayan sa pandaigdigang
kompetisyon. Kaakibat ng mga pagbabagong ito ay ang mga hamon kung
paano tutugunan ng bawat pamahalaan sa daigdig ang mga isyu sa lipunan na
napag-iwanan na ngunit hindi pa lubusang natugunan bagkus patuloy pang
lumalala lalo na sa mga usapin sa paggawa.

4. Aplikeysiyon (Application)
#Mungkahi Ko: Tumukoy ng isang dahilan ng unemployment na sa iyong
palagay ay nararapat bigyan prayoridad ng ating pamahalaan at magmungkahi
ng mga programa o solusyon upang ito ay matugunan.

C. Paglalahat:
Batay sa ating talakayan, masasabi mo ba na dapat nating bigyan pansin ang isyu
ng unemployment o kawalan ng trabaho? Ipaliwanag ang iyong sagot.

D. Pagtataya:
Maikling pagsusulit.

IV. Takdang Aralin:

Sagutan ang mga katanungan sa Gawain 9 sa pahina 207.

Inihanda:

ROSARIO WELDA L. ALVAREZ


T III, Social Studies Department

Binigyan-puna:

ADONIS M. BAŃAS EVANGELINE V. MAGALONA


Master Teacher II, SS Department HT VI, SS Department

You might also like