You are on page 1of 3

TUKURAN TECHNICAL – VOCATIONAL HIGH SCHOOL

TUKURAN, ZAMBOANGA DEL SUR


LEARNING ACTIVITY SHEETS NG KONTEMPORARYONG ISYU - GRADE 10
Unang Markahan – Ikalawang Linggo

Name of Learner: _________________________________ Grade Level: ______________________


Section: __________________________ Date: ______________ Contact Number: ______________

I. Nilalaman: Mga Isyungq Pangkapaligiran


II. Panimula o Susing Konsepto:
Binigyang-kahulugan ng Batas Republika Bilang 9003 na kilala bilang Solid Waste Management
Act of 2000 ang solid waste bilang mga itinapong basuravna nanggagaling sa mga kabahayab at
komersyal na establisimyento, mga non-hazardous na basurang institusyunal at industriyal, mga
basura na galing sa lansangan at konstruksiyon, mga basura na nagmula sa sektor ng agrikultura,
at iba pangbasurang hindi nakalalason. Ayon sa National Solid Waste Management Status Report
(2008-2018). Ang municipal solid wastes (MSW) ay nagmumula sa residensyal, komersyal,
institusyunal, at instrustriyal na establisimyento. Ayon sa ulat, pinakamalaking bahagdan nito ay
mula sa mga kabahayan (56.7%). Ang mga basurang nagmula sa mga kabahayan ay ang kitchen
waste gaya ng tirang pagkain, mga pinagbalatan ng gulay at prutas at mga garden waste tulad ng
damo at mga dahon. Binanggit din sa ulat na ang pinakamalaking uri ng tinatapong basura ay ang
tinatawag na biodegradable na may 53.31%. Halimbawa ng biodegradable na basura ay ang
kitchen waste at yard waste. Samantala, ang tinatawag namang rcycle waste ay kumakatawan sa
27.78% ng MSW gaya ng papel, plastik, bakal, bote at bubong.
Nagkaroon ng suliranin sa solid waste sa bansa dahil sa iba’t ibang dahilan. Marami ang walang
disiplina sa pagtatapon ng basura. Marami ang nagtatapon ng basura mula sa tahanan kung saan-
saan. Tone-toneladang basura ang itinapon sa mga ilog, estero kalsada, at bakanteng lote na
lalong nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng mga insekto na nagdudulot naman ng iba’t ibang
sakit Nakadadagdag pa sa suliranin sa basura ang kakulangan ng kaalamano di kaya’y di
pagsunod sa tinatawag na waste segregation o pagbubukod ng basura lalo na ang pagbubukod ng
basura sa pinagmulan nito. Kung mahigpit sanang ipinatutupad ito gaya ng patakarang “no
segregation, no collection policy” mas madali sana ang pamamahala sa mga basura.
Mababawasan din ang trabaho ng mga waste collector dahil hindi na nila kailangan pang
magsagawa ng waste segregation bago dalhin ang mga nakolektang basura sa mga dumpsite.

IV. Kasanayang pampagkatuto at koda:

Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung suliranin pangkapaligiran ng


pilipinas. Ap10ksp-ic-3

IV. Panuto:

Ang mga sumusunod ay mga mahalagang bagay na dapat tandaan:


a. Gamiton ng maayos ang Learning Activity Sheet/Gawaing Pagkatuto;
b. Basahing mabuti at sundin ang mga panuto sa bawat gawain;
c. Isulat ang inyong sagot sa isang malinis na sagutang papel.
V. Gawain:
Gawain 1: Kumpletuhin Mo!

Punan ang graphic organizer sa ibaaba batay sa iyong naunawaan mula sa binasang teksto.
Sagutin din ang mga kasunod na mga tanong. Gumamit ng ibang sagutang papel at
sumanguni sa rubriks para sa pagwawasto.

Suliranin;
Epekto: Ang Aking
Solusyong Mungkahing
Ginagawa ng Solusyon
Pamahalaan o ng
Iba Pang Sektor
Gawain 2: Talahanayan Ng Paglalahat
Gamit ang mga kaalaman na iyong nakuha mula sa mga paksang binasa, gumawa ng
talahanayan gaya ng nasa ibaba sa iyong sagutang papel.

Suliraning Mga Ginagawa


Pangkapaligiran Sanhi Epekto Ng Pamahalaan Mga Mungkahing
(Kahulugan/Paglalarawan At Iba Pang Solusyon Sa
) Sektor Upang Suliranin
Malutas Ito

Gawain 3: Anong Nasa Isip Mo!


Sagutin ang mga tanong sa loob ng callout. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Ano ang kasalukuyang kalagayang


pangkapaligiran ng Pilipinas?

Bakit nagkakaroon ng mga suliraning


pangkapaligiran ang Pilipinas? Paano
naaapektuhan ng mga suliraning ito
ang mga mamamayan?

VI. Pamprosesong Tanong:


a. Anonang solid waste? Gaano kalala ang suliranin sa solid waste sa Pilipinas?
b. Bakit nagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa ating bansa?
c. Paano tinutugunan ng pamahalaan at ng iba pang sektor ng suliraning ito?
d. Sa iyong palagay, mabisa ba ang mga programa o patakaran ng mga pamahalaan upang
malutas ang suliranin sa solid waste? Pangatwiran ang sagot.

VII. Rubrik sa Pagpupuntos:


Rubric sa Pagmamarka ng Gawain 1, 2, 3 at Pamprosesong Tanong
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos
Kawastuhan Ang mga inilagay na 7
larawan o konsepto ay
tugma sa konsepto
Nilalaman Wasto at makatotohan 6
Organisasyon Kumprehesibo at malinaw 4
ang daloy ng photo essay.
Pagkamalikhain May sariling istilo sa 3
pagsasaayos ng photo
essay.
Kabuuan 20

VII. Pangwakas:

Paano mabisang matutugunan ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran?

VIII. Mga Sanggunian:

Araling Panlipunan 10 Modyul kontemporaryong Isyu (Draft), pages 51-60

Inihanda ni: Naitala ni: Inaprobahan ni:

MA. ANGELICA C. EPANTO MERCEDITA I. FRIAS LUTHER D. CASTELO, EdD


Guro Head Teacher – I Secondary School Principal – IV

You might also like