You are on page 1of 4

Daily Lesson Plan

Araling Panlipunan 10

______________________________________________________________________________

Petsa: Hunyo 27-28, 2017


Baitang at Seksyon: Grade 10 - Einstein
Oras: 3: 00- 4:00pm

I. PAMANTAYAN, KASANAYAN, PATUNAY, LAYUNIN


A. Pamantayang Pangninilaman
 Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sanhi at
implikasyon ng mga hamong pangkapaligiran upang maging
bahagi ng pagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng
tao

B. Pamantayan sa Pagganap
 Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng angkop na plano sa
pagtugon sa hamong pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng
pamumuhay ng tao

C. Kasanayan sa Pagkatuto
 Natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng
Pilipinas

D. Layunin
a. Naiisa-isa ang mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas
b. Nakakapagbigay ng sariling opinion upang mabawasan ang
suliraning
pangkapaligiran ng bansang Pilipinas

II. NILALAMAN

A. Paksa : Ang mga Suliranin at Hamong Pangkapaligiran


B. Aralin: Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran

III. KAGAMITAN SA PAGKATUTO

a. Sanggunian
 Learner’s Material, Teacher’s Guide
b. Mga pahina Gabay ng Guro:
 p. 51-55
c. Mga pahina sa kagamitang Pag- mag aaral
 p. 44-56

IV. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
a.) Balik- aral
 Pagbalik tanaw sa nakaraang aralin tungkol sa mga pangunahing
isyung panlipunan.
b.) Pagganyak/Paghahabi ng Layunin
 Pagbuo ng tanong tungkol sa paksa
a. Ipaunawa ang Tsart ng mga Inaasahang Matututuhan sa
Modyul. Ipasagot ang Panimulang Pagtataya. Ito ay
pasasagutan sa mga mag-aaral upang mataya ang
kanilang kaalaman, kasanayan, at pag-unawa sa mga
paksang tatalakayin.
b. Pag-uugnay ng Halimbawa

 Larawan o biswal na bagay, salita, pagganyak, graphic


organizer
a. Sa pamamagitan ng Venn Diagram, suriin ang
pagkakatulad at pakakaiba ng katangian ng top-down at
bottom-up approach.

B. Paglinang ng Aralin
a.) Gawain at Istratehiya
 Isasabuhay ang mga sitwasyon iibigay ng guro sa oras ng
kalamidad, Isipin ang hakbang na dapat gawin ng tauhan na
naitalaga sa iyo sa sumusunod na pagkakataon: bago ang bagyo,
pagtama ng bagyo, pagkatapos ng bagyo

b.) Gawain at Istratehiya


 Sasagutin ang mga pamprosesong tanong:

1. Sa iyong palagay, tama ba ang iyong ginawang aksiyon sa


naganap
na kalamidad? Bakit?
2. Bakit may mga pagkakataon na malaki ang pinasalang dulot
ng mga
kalamidad sa buhay at ari-arian?
3. Paano magiging handa ang isang lugar sa pagharap sa mga
kalamidad?

C. Pangwakas na Gawain
a. Paglalahat
 Pagtatalakay tungkol sa aralin, Ang mga Suliranin at Hamong
Pangkapaligiran/pagpapalalim ng diskusyon

b. Paglalapat
 Isahang Pagsusulit/ Tukuyin ang sagot sa pamamagitan ng
pagsusulat ng saloobin sa Inner/Outer Circle.
c. Paglalahat
 Pagtatanong na makakatulong upang mapalalim ang
diskusyon/oral recitation

d. Pagtataya
 Isahang pagsusulit sa pamamagitan ng Data Retrieval Chart
 Punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong natutuhan
sa suliranin sa solid waste sa Pilipinas.

Suliranin Sanhi Bunga Mga solusyon


ginagawa

e. Pagpapahalaga
 Sasagutin ang mga pamprosesong tanong:

1. Ano ang pangunahing sanhi ng suliranin sa solid?


2. Paano ito nakaaapekto sa ating pamumuhay?
3. Paano ka makatutulong upang mabawasan ang suliranin
sa solid waste?

V. Takdang Aralin

 Magsaliksik ng programa para sa solid waste management


na ipinatutupad sa inyong paaralan o barangay. Gumawa
ng presentation tungkol dito.
 Bibigyan ng pamantayan para sa pagbibigay ng grado sa
ginawang presentasyon.

Rubric para sa presentation

Pamantayan Deskripsiyon puntos

Nilalaman Makatotohanan ang 10


nilalaman ng presentasyon.
Gumamit ng mga larawan,
datos, at iba pang
sanggunian upang
suportahan ang
impormasyong binanggit sa
presentasyon.
Pagsusuri Naipahayag ang mga dahilan 10
ng mga kinahaharap na
pagsubok o pagtatagumpay
ng programa at
nakapagbigay ng mungkahi
upang magpatuloy ang mga
ito.
Pagkamalikhain Gumamit ng malikhaing 5
paraan sa paglalahad ng
programa.

Kabuuan 25 puntos

Prepared by:

May Rachel L. Narraga

Preapared by:

Rudy I. Oximas, Jr.


School Head

You might also like