You are on page 1of 4

Mala-masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 2

Petsa: Ika-13 ng Disyembre, 2021

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 nailalahad ang konsepto sa sektor ng paglilingkod;
 napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng sektor ng
paglilingkod; at
 nakagagawa ng SWOT Analysis tungkol sa sektor ng paglilingkod.
II. Nilalaman
A. Paksa: Pagkilala sa Komunidad
B. Talasangunian: Araling Panlipunan 2 Patnubay ng Guro Pahina 3-
C. Kagamitan sa pagtuturo: Libro, zoom, google form, at slide presentation
D. Pagpapahalaga: Nabibigyang-halaga ang kontribusyon na naiambag ng
sektor ng paglilingkod bilang pinakamahalagang salik ng produksiyon at
itinuturing na mahalagang yamang tao ng bansa.
III. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimulang gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng lumiban sa klase
4. Pagbabalik-aral
5. Pagganyak- Guess who
 Ang bawat mag-aaral ay huhulaan kung sino ang tinutukoy sa mga
pahayag. Magbibigay ng clue ang guro upang magkaroon ng ideya ang
mga mag-aaral kung sino ang tinutukoy sa mga pahayag. Ang bawat
tauhan ay may kaugnayan sa paksang tatalakayin.
B. Paglinang ng aralin
Paglalahad
 Bilang isang kasapi ng lipunan, papaano mo ilalarawan nag
kahalagahan ng sektor ng paglilingkod?
 Paano mabibigyang solusyon ang unemployment?
 Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang edukasyon para sa mga
manggagawa tungkol sa kanilang mga karapatan?
C. Pangwakas na gawain
a. Paglalahat
Magkakaroon ng malayang talakayan patungkol sa pamilihan.
1. Mga Uri ng Manggawa
2. Mga Teorya Tungkol sa Sahod
3. Patakarang Pang-Ekonomiya na Nakatutulong sa Sektor ng Paglilingkod

b. Paglalapat
Ang klase ay hahatiin sa dalawang bahagi. Bawat pangkat ay bibigyan ng
limang (5) minuto upang masagutan ang SWOT Analysis tungkol sa sector ng
paglilingkod.

Kalakasan Kahinaan
(Strength) (Weakness)

Banta
Pagkakataon
(Threats)
(Opportunities)

Pamantayan sa Pag-uulat
Pamantayan Puntos Natamong
Puntos
Kawastuhan ng ideya batay sa paksa 5
Organisado at malikhain na paglalahad ng ideya ayon sa 5
paksa ng araling inilahad
Kagamitang ginamit sa paglalahad 5
Kooperasyon ng bawat kasapi ng pangkat 5
Kabuuang Puntos 20

Katumbas na Interpretasyon:
 Magaling 5
 Lubhang kasiya-siya 4
 Kasiya-siya 3
 Hindi gaanong kasiya-siya 2
 Dapat pang linangin 1

IV. Pagtataya
Buuin ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang iyong mga sagot sa mga patlang.
Apat na teorya ng sahod
1.
2.
3.
4.
Dalawang uri ng suliranin ng mga manggagawa
5.
6.
Dalawang uri ng sahod
7.
8.
Dalawang uri ng manggagawa
9.
10.

V. Kasunduan
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa mga nakalaang
espasyo.
1. Bakit kailangang tulungan ng pamahalaan ang mga manggagawa?
2. Paano makakaapekto ang unemployment o kawalan ng mapapasukang
trabaho sa ekonomiya ng bansa?

Inihanda ni: JULIE TRINIROSE L. SOQUIÑO

You might also like