You are on page 1of 9

-1

ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER


PANGALAN:
PANGKAT: GURO:

Aralin
Anyo ng Globalisasyon

2
Most Essential Learning Competencies:
Nasusuri ang dahilan, dimensyon, at epekto ng globalisasyon.

Ang modyul na ito ay ginawa upang matuklasan mo ang iba’t ibang aspekto ng
globalisasyon at malaman kung paano nito naaapektuhan ang kalagayan ng lipunan.
Sa iyong pag-aaral ng modyul inaasahan na masasagutan mo ang sumusunod na
mahahalagang katanungan matapos mong pag-aralan ang mga nakapaloob dito:

1. Ano – anong mga pagbabago ang dala ng globalisasyon sa ating lipunan?


2. Ano – anong aspekto ng lipunan ang naaapektuhan ng mga
pagbabagong dala ng globalisasyon?
3. Ano ang mga mabuti at hindi mabuting epekto ng mga pagbabagong ito?
4. Paano tinutugunan ng ating lipunan ang mga hamong dala ng
globalisasyon?

Ang modyul na ito ay nakatuon sa pagbibigay ng isang matibay na batayang


konseptuwal sa iyong pagsusuri sa sari-saring isyung panlipunan. Sa araling ito,
gagabayan kita sa iyong pag-alam sa:

1. Mga katangian ng globalisasyon


2. Mga pagbabagong dala ng globalisasyon
A. Sosyo-Kultural
B. Teknolohikal
C. Politikal
D. Ekonomiko
3. Pagtugon sa mga hamong dala ng globalisasyon

Pagpili. Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang at isulat sa patlang ang iyong
sagot.

1. Anong uri ng outsourcing ang kumukuha ng serbisyo sa isang kompanyang


nasa loob rin ng parehong bansa? Tinatawag din itong domestic outsourcing.
A. Nearshoring C. Onshoring
B. Offshoring D. Outsourcing
2. Ano ang tawag sa mga kompanyang nagtatayo ng mga pasilidad sa labas ng
sariling bansang pinagmulan?
A. BPOs C. TNCs
B. MNCs D. Lahat ng nabanggit

AP 10- Qtr2-Week 2
-2
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER
3. Aling anyo ng globalisasyon ang kakikitaan ng pagkakaroon ng magandang
relasyon at kooperasyon sa pagitan ng mga bansa?
A. Globalisasyong Ekonomiko C. Globalisasyong Sosyo-Kultural
B. Globalisasyong Politikal D. Globalisasyong Teknolohikal
4. Sinong sosyologo ang nagsasabing ang cellphone/smartphone ay hindi
lamang isang gadget na ginagamit sa komunikasyon, kundi isa ring
ekstensiyon ng katauhan ng isang indibidwal?
A. Ivana Milojevic C. Paul de Beer at Ferry Koster
B. Melanie Pooch D. Raul Pertierra
5. Ano ang tawag sa proseso ng pagkuha ng isang kompanya ng isang serbisyo
sa isa pang kompanya ng may kaukulang bayad?
A. Nearshoring C. Onshoring
B. Offshoring D. Outsourcing

Paunang Gawain: Pagsusuri

Suriin ang sumusunod na mga larawan sa ibaba. Sagutin ang mga gabay na
tanong na kasunod ng mga larawan ilagay ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano sa iyong palagay ang pagkakatulad o kaugnayan ng mga nakita mong


larawan?
2. Paano nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao ang mga larawang iyong nakita?

Paksa: Mga Pagbabagong Dala ng Globalisasyon


Kung ang sagot mo sa mga gabay na tanong ay may kaugnayan sa teknolohiya at
komunikasyon, hindi ka nalalayo sa tamang sagot. Natuklasan mo sa naunang aralin
kung ano ang globalisasyon. Ito ang mabilisang pagdaloy at paggalaw ng mga
kalakal, impormasyon at mga tao mula sa isang bansa patungo sa iba pang panig ng
daigdig.

Isa sa mga pangunahing salik na nagtulak sa paglawak na globalisasyon ay ang


pag-unlad ng teknolohiya sa paglalakbay (tulad ng tren, eroplano, atbp.) at
komunikasyon (internet, smartphone at online applications). Ayon kina Paul de Beer at
Ferry Koster (2005), itinuturing ng maraming eksperto ang teknolohiya bilang isa sa

AP 10- Qtr2-Week 2
-3
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER
mga pangunahing salik na nagtutulak sa paglawak ng globalisasyon. Dahil sa
teknolohiya, ang paglalapat ng kaalaman sa pagresolba ng mga problema at isyu, at
ang pagkakamit ng isang maayos na linya ng komunikasyon sa mga indibidwal at
kompanya ay napabilis. Sa pamamagitan nito, ang antas ng industriya ng
komunikasyon at transportasyon sa daigdig ay umunlad nang husto sa nakalipas na
ilang taon.

Ngunit hindi lamang sa teknolohiya nananatili ang diskusyon patungkol sa


globalisasyon. Ayon pa rin sa pag-aaral nina de Beer at Koster (2005), maaaring hatiin
ang globalisasyon sa tatlong dimensyon:

1. Economic Openness – tumutukoy sa lahat ng uri ng kalakalang panlabas, foreign


direct investment, mga buwis sa pandaigdigang kalakalan at iba pang
interaksiyong ekonomiko ng isang bansa na kabilang sa kaniyang GDP.

2. Social Openness – ito naman ay tumutukoy sa lawak at antas ng


pakikipagpalitan ng impormasyon, ideya/kultura at mga tao. Lahat ng uri ng
komunikasyong pumapasok at lumalabas sa isang bansa (telepono, email, at
internet service), maging ang daloy at bilang ng mga dayuhan sa bansa, kasama na
rin ang antas ng turismo.

3. Political Openness – tumutukoy ito sa kalagayan ng politikal na relasyon ng mga


bansa kaugnay sa international community. Ang bilang ng mga embahadang
dayuhan sa isang bansa, maging ang pagsali ng isang bansa sa mga
pandaigdigang mga kumperensiya at organisasyon ay ilan sa mga gawaing
kabilang dito.
Sa kabila ng pagkakaroon ng tatlong dimensiyon hindi agad nangangahulugang
direktang magkakaugnay ang mga ito. Ayon sa kanilang pag-aaral, ang economic
openness at social openness ay mayroong malakas na ugnayan. Ang social at political
openness ay may katamtamang ugnayan. At ang economic openness at political
openness ng isang bansa ay mayroon lamang mahinang ugnayan sa isa’t isa.

Ano ngayon ang kahulugan nito?

1. Ang isang bansang may magandang kalakalang pandaigdig (economic openness)


ay kadalasang mayroon ding magandang komunikasyon at turismong
pandaigdig (social openness).

2. Ang politikal na kalagayan ng isang bansa (political openness) ay mayroon


lamang maliit na epekto sa kalakalan (economic openness) nito sa daigdig
ngunit may katamtamang epekto sa ugnayan at turismo ng bansa sa daigdig
(social openness).
Ngunit ano nga ba ang mga pagbabagong dala ng globalisasyon sa ating
lipunan? Halina at iyong alamin

Economic
Openness

Social Political
Openness Openness
AP 10- Qtr2-Week 2
-4
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER
Pigura 1: Flowchart ng ugnayan sa pagitan ng Economic, Social at Political Openness ng mga bansa kaugnay ng
globalisasyon.

Apat na Anyo ng Globalisasyon


Ang globalisasyon ay nahahati sa apat (4) na anyo: Teknolohikal, Sosyo-Kultural,
Politikal at Ekonomiko. Bagaman magkakaibang anyo ang mga ito, ang bawat anyo
ng globalisasyon ay mayroong magkakaibang ugnayan at epekto sa isa’t isa at
mayroong magkakaibang epekto sa isang lipunan.

A. Teknolohikal at Sosyo-Kultural

Ayon kay Melanie U. Pooch (2007), may tatlong puwersang nagtutulak sa


globalisasyong teknolohikal:

1. Pangangailangan sa malawak na ugnayang digital


2. Pangangailangan sa mga makabagong teknolohiya
3. Pangangailangang makipagtagpo o makipag-usap sa kabila ng malawak
na distansya

Dahil dito, nakatuon ang malaking bahagi ng mga ekonomiya sa daigdig upang
matustusan ang mga pangangailangang ito. Ito ang nagbigay daan upang malikha
ang iba’t ibang uri ng mga teknolohiya at applications tulad ng smartphones,
tablets, DSL at Fiber Connections, at social media techonologies tulad ng YouTube,
Facebook at Twitter.

Sa pamamagitan ng mga teknolohiyang ito, ang daigdig sa kasalukuyan ay


nagmistulang isang malaking network ng mga relasyong sosyal (Hannerz, 1990)
kung saan nagkakaroon ng palitan ng magkakaibang kultura sa pagitan ng mga
magkakaibang lokasyon sa daigdig (Castell, 2004). Tinatawag din ito ni Castell na
network society.

Ang mga teknolohiyang ito ay hindi lamang nakatutulong sa pang-araw-araw


na pamumuhay ng mga tao, binabago rin nito ang kultura ng mga tao sa iba’t
ibang lipunan. Ayon kay Alfonso De Toro (2006: 20), binago ng internet ang daigdig
sa pamamagitan ng pagpapaliit sa malawak ng daigdig. Sa pamamagitan ng social
media tulad ng Twitter nagbago ang konsepto ng mga tao sa kahulugan ng
libangan. Habang ang Facebook ay lumilikha ng mga digital community para sa
mga kabataan.

Dagdag naman ni Dr. Raul Pertierra, marami sa mga cellphone/smartphone


users ay hindi lamang itinuturing ang cellphone/smartphone bilang isang
communication gadget, ito ay nagsisilbi ring ekstensiyon ng kanilang sarili kaya
naman hindi madaling maihiwalay ito sa kanila.

B. Ekonomiko

Itinuturing ang ekonomiya bilang sentro ng globalisasyon dahil na rin sa


malawak at mabilis na palitan ng produkto sa pagitan ng mga bansa. Dahil dito
patuloy na tumataas ang interaksyon ng mga bansa at malalaking mangangalakal
na nagreresulta sa likhang-isip na pagkabuwag ng mga pandaigdigang hangganan
at mga limitasyon. Mayroong dalawang uri ng mga kompanyang nagpapabilis sa
paglawak ng globalisasyong ekonomiko.

AP 10- Qtr2-Week 2
-5
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER
1. Multinational Companies (MNCs) - Ang pangkalahatang katawagan na
tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa isang bansa ngunit ang mga
produkto o serbisyo ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng
pamilihan. Kadalasan, ang MNC ay may mga home country ngunit nagtatayo
ng mga opisina sa isang bansa upang matugunan ang mga pangangailangan ng
mga consumer sa isang tiyak na bansa.
Mga Halimbawa: Unilever, McDonalds, Coca-Cola, Starbucks at Seven Eleven

2. Transnational Companies - Tumutukoy sa mga kompanya na nagtatatag ng


pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang serbisyong pinagbibili ay batay sa
pangangailangang lokal.
Mga Halimbawa: Shell, Accenture, TELUS International Phils., Glaxo-Smith
Klein

Mga Implikasyon ng Paglaganap ng TNCs at MNCs

• Pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili na


nagtutulak naman sa pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan.

• Nakakalikha rin ito ng mga trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.

• Kaugnay ng mga kompanyang ating napag-usapan, ang iba’t ibang uri ng


pamamaraan upang mapadali ang paglikha ng mga kalakal para sa mga
pandaigdigang kompanya, ito ay tinatawag na outsourcing. Ang outsourcing ay
pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may
kaukulang bayad. Pangunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang
kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na
mahalaga.

Tatlong Uri ng Outsourcing

1. Nearshoring – Isang paraan ng outsourcing kung


saan ang pinagkukunan ay nasa loob din ng bansa
o isang karatig na bansa. Hindi halos naiiba ang
kultura o masyadong malayo ang pinanggalingan ng
mga kailangan.

2. Offshoring – Pagkuha ng serbisyo ng isang Pigura 2: Halimbawa ng Nearshoring ay


kompanya mula sa isang bansa na naniningil ay pagpapalitan ng serbisyo at
produkto ng mga kompanya sa
ng mas mababang bayad. Saksi ang Pilipinas sa magkalapit na bansa
ganitong uri ng outsourcing.

AP 10- Qtr2-Week 2
-6
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER
Pigura 3: Ang offshoring ay tulad ng ilustrasyon sa kaliwang bahagi kung saan nagpapalitan ng serbisyo at salapi
ang dalawang magkapatid na kompanyang nasa magkaibang kontinente.

3. Onshoring – Tinatawag ding domestic outsourcing. Nangangahulugang pagkuha


ng serbisyo sa isang kompanyang mula rin sa loob ng bansa na nagbubunga ng
higit na mababang gastusin sa operasyon.

C. Politikal

Ang globalisasyong politikal naman ay ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng


mga bansa, samahang rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon na
kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan. Hindi tulad ng naunang tatlong uri ng
globalisasyon, ang politikal na kalagayan ng isang bansa ay hindi kakikitaan ng
hayag na mga ebidensiya ng epekto ng globalisasyon.

Madalas gamiting batayan ang pagsali ng mga bansa sa iba’t ibang samahang
pandaigdig tulad ng ASEAN, APEC, United Nations, UNICEF, WHO at marami pang
iba. Layunin ng mga samahang ito na magkaroon ng kooperasyon sa pagitan ng
mga bansa upang masugpo ang ilang mga suliraning kinaharap ng daigdig.
Halimbawa na rito ang kasalukuyang epekto ng COVID 19 Pandemic na ang
pagsasaliksik ng lunas ay nilalahukan ng maraming mga bansa sa daigdig sa
pangunguna ng WHO. Isang halimbawa rin ang UN Security Council na siya
namang humahawak sa pagsugpo sa banta ng terorismo at iba pang anyo ng
bayolenteng kaguluhan sa daigdig.

Pigura 4: Mula sa kaliwa: mga logo ng ASEAN, APEC, UNICEF, United Nations at World Bank (ibaba kanan)

AP 10- Qtr2-Week 2
-7
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER

Gawain A. Techanalysis. Gumawa ng isang pagsusuri sa mga positibo at


negatibong epekto ng mga sumusunod. Gawin ang format sa isang buong bond paper.
Matapos ay sagutin ang gabay na tanong at isulat ang iyong sagot sa likod ng bond
paper.

Smartphones at Personal
Internet at Social Media
Computers
Positibo Positibo

Negatibo Negatibo

Mga Gabay na Tanong:


a. Ano sa iyong palagay ang maaari mong maibigay na suhestiyon upang
masugpo ang mga negatibong epekto na nabanggit sa gawain?
b. Bilang isang mag-aaral papaano mo maipapakita ang isang responsableng
consumer na gumagamit ng Internet, Social Media, Smartphones at Personal
Computers?

Gawain B. Global-Talent Natunghayan mo ang negatibong epekto ng


globalisasyon sa lokal na ekonomiya ng ating bansa. Gumawa ng isang campaign na
tumatalakay sa negatibo at positibong epekto ng globalisasyon sa ating lipunan.
Maaari ka ring magbigay ng iyong sariling opinyon kung paano masolusyunan ang
mga hamong dala ng globalisasyon?

Bilang panghuling gawain maaari kang pumili ng 1 paraan ng pagpepresenta ng


iyong campaign sa listahan sa ibaba. Maaari ka ring magkaroon ng kolaborasyon sa
iyong mga kaklase at bumuo ng pangkat upang matapos ang gawain.

1. Campaign Poster/Slogan (Digital Art)

Gumawa ng isang digital poster o slogan na mayroong dimensiyon na 12 in. x 17


in. I-save ang iyong/inyong gawain sa file format na jpeg o png. Ipasa ang
iyong/inyong natapos sa email address ng guro. Ilagay ang apelyido, antas at
pangkat at ang anyo ng gawaing iyong ipinasa, halimbawa: DelaCruz 10 Galilei
Poster.jpg

2. Awit (Verse Chorus Verse) o Tula na Mayroong 3 Stanza

Gumawa ng isang awit o tula na mayroong 3 bahagi (verse chorus verse para sa
isang kanta at 3 stanza naman para sa isang tula). I-record sa isang video ang
nagawa mo/ninyong kanta o tula at ipasa sa email address ng guro. I-save ang

AP 10- Qtr2-Week 2
-8
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER
video sa mp4 file format. Ilagay ang apelyido, antas at pangkat at ang anyo ng
gawaing iyong ipinasa, halimbawa: DelaCruz 10 Galilei Awit.mp4

3. 30 Segundo – 1 Minuto at 30 Segundong Infomercial/Radiomercial

Gumawa ng isang Infomercial o Radiomercial na tatagal lamang ng 30 segundo


hanggang 1:30 minuto. I-save ang infomercial sa mp4 file format habang ang
radiomercial naman ay sa isang mp3 file format. Ilagay ang apelyido, antas at
pangkat at ang anyo ng gawaing iyong ipinasa, halimbawa: DelaCruz 10 Galilei
Awit.mp4. Ipasa ito sa email address ng guro.

Gamitin ang sumusunod na criteria bilang gabay sa paghahanda ng iyong produkto o


presentasyon:

Criteria sa Pagtataya ng Global-Talent

1. Nilalaman (40 Puntos) – nakalikha ng isang konseptong naaayon sa tema ng


campaign nang wasto at eksakto sa kinakailangan
2. Pagkamalikhain (30 Puntos) – nakapag-isip ng konseptong natatangi at
kakaiba sa nakasanayan or karamihan
3. Kaayusan ng Presentasyon (30 Puntos) – nailahad nang maayos at malinaw
ang nilalaman ng tema

 Ang Globalisasyon ay maaring suriin sa pamamgitan ng Tatlong Dimensiyon:


Economic Openness, Social Openness, at Political Openness.
 Mayroong apat na aspekto o anyo ang Globalisasyon: Sosyo-kultural,
Teknolohikal, Ekonomiko, at Politikal.
 Mayroong dalawang uri ng dayuhang pamumuhunan: Transnational
Corporations (TNCs) at Multinational Corporations (MNCs)
 Mayroong Tatlong uri ng Outsourcing: Nearshoring, Offshoring, at Onshoring

Binabati kita! Natapos mo na ang mga pangunahing nilalaman at mga gawain


para sa modyul na ito. Upang tuluyan mong mailahad ang iyong pagkatuto,
kompletohin mo ang graphic organizer sa ibaba.

Dimensiyon
ng
Globalisasyon

AP 10- Qtr2-Week 2
-9
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER
Anyo ng
Globalisasyon

HAMON NG GLOBALISASYON

Sa kasalukuyang nararanasan ng ating bansa at ng buong mundo at mabilis


na pagkalat ng nakahahawang sakit mula sa virus na tinawag nating COVID ’19 dulot
ng malayang pagdaloy ng mga produkto at mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo, sa
iyong palagay may kahandaan ba ang ating bansa sa mga ganitong klaseng dulot ng
globalisasyon? Pangatwiranan ang iyong sagot at paano ka makakatulong upang
mabawasan ang malawakang epekto nito sa iyong sariling pamamaraan?

AP 10- Qtr2-Week 2

You might also like