You are on page 1of 13

BANGHAY ARALIN SA ARALIN PANLIPUNAN 7

( SINAUNANG PAMUMUHAY NG MGA ASYANO)


7 – A (SETYEMBRE 11, 2018 - 10:00 – 11:00)
7 – D (SETYEMBRE 10, 2018 - 9:10 – 11:00)

I. Layunin
a. Nakakikilala sa mga sinaunang imperyo sa Kanlurang Asya
b. Nakakapag – uri ng iba’t – ibang kagamitan na naipasa ng mga tao mula sa Kanlurang
Asya.
c.Napapahalagahan ang mga bagay na namana natin sa ating mga ninuno.
d. Mapag ugnay – ugnay ang mga bagay at ang imperyo na pinagmulan nito.

II. Paksang Aralin


a. Paksa –Mahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa kanlurang Asya
b. Sanggunian –ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (pahina 136 – 141)
c. Kagamitan – manila paper, larawan, marker, chalk at pisara

III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO
a. Pagdarasal
b. Pagtala ng Liban
c. Balik – Aral
“Noong nakaraang lingo, may pinahulaan ako sa inyong mga litrato na may kaugnay sa
ating susunod na aralin. Naalala niyo ba ito?

d. Pagganyak
“Mayroon akong ipapakita na larawan at sa ilalim nito ay nakalagay ang kanyang
pangalan ngunit ito ay hindi nakaayos. Mahuhulaan ninyo kaya ito?

Cuneiform Code of Hammurabi Hanging Garden of Babylon Ziggurat

“Ang mga sumusunod na larawan ay ang mga bagay na ipinamana sa atin ng mga taga
Kanlurang Asya. Malaki ang tinulong nito sa pangkasalukuyan. Ngayon alamin natin
kung saan itong imperyo nagmula.”
e. Pagtalakay
Imperyo Pag – unlad/Kontribusyon Pagbagsak
Sumerian 3500 BCE Cuneiform – unang Ang pangunahing dahilan
nabuong Sistema ng ng paghina ng mga
panulat. Sumerian ay ang madalas
Gulong – sa pagkakatuklas na labanan at kawalan ng
nito nagawa nila ang unang pagkakaisa ng mga
karwahe lungsod estado nito.
Sistema ng panukat ng Madalas pinagtatalunan
timbang at haba – ang nila ang patubig at
Sumerian ang unang hangganan ng mga lupain.
gumamit nito.
Organisadong puwersa sa
pagtatayo ng mga dike –
sila ang unang nagtatag.
Akkadian Circa 2700 – Si Haring Sargon ang Naging mahina ang
2230 BCE nagtatag nito. kanilang Sistema nang
Pinaunlad ang Sistema ng pagtatanggol sa kanilang
pagsusulat. teritoryo kaya madali silang
Maraming literature ang nasalakay ng mananakop.
nasalin at umusbong sa Kawalan ng tiwala sa mga
imperyong ito. namumuno kaya lumikas
ang maraming mamayan
sa ibang lugar.
Babylonian Circa 1790 – Ang kodigo ni Hammurabi Nang pumanaw si
1595 BCE ay binubuo ng 282 batas Hammurabi naganap ang
na sinusunod ng mga naganap ang pag – atake
Babylon. ng iba’t ibang grupo na
siyang natulak upang
maitatag ang pamayanang
Hittite sa Babylonia.
Assyrian Circa 745 – 612 Gamit ang dahas at bakal, Dahil sa kalupitan ng
BCE lumakas ang pwersa at pamumuno nagkaisa ang
istratehiya ng mga mga Chaldean, Medes at
Assyrian. Persian noong 612 BCE na
Pinakaunang pangkat ng magtulungan upang itaboy
tao na nakabuo ng ang mga Assyrian. Halos
epektibong Sistema ng walang iniwang
pamumuno sa imperyo; karangyaan sa Assyria
Epektibong serbisyong nang lumusob ang hukbo
postal; ni Alexander the Great
Maayos at magandang pagkalipas ng 300 taon.
kalsada.
Chaldean 612 – 539 BCE Hanging Gardens of
Babylon – isa sa
kahangang hangang
tanawin noong sinaunang
panahon, umabot ito sa 75
na talampakan ang taas,
pinagawa ni
Nebuchadnezzar para sa
kanyang asawa si Amytis.
Konsepto ng zodiac at
horoscope.
Ziggurat – na umabot sa
halos 300 talampakan ang
taas, pinangalanang
etemenanki at itinuring na
Tore ni Babel sa Bibliya.
Lydian 680 – 547 BCE Barter – Sistema ng
kalakalan sa pamamagitan
ng pagpapalitan ng mga
produkto sa ibang estado o
bansa.
Naging madali ang
pakikipagkalakalan nang
natuto ang mga tao sa
paggamit ng barya
Phoenician Circa 1200 – Nagsimula rito ang
800 BCE konsepto ng kolonya.
Ang alpabeto na nagging
batayan ng kasalukuyang
alpabeto.
Paggawa ng mga
naglalakihang sasakyang
pandagat na tinatawag na
barko sa kasalukuyan.
Silaa ay tinaguriang
“Tagapagdala ng
Kabihasnan,” dahil hindi
lamang ang mga produkto
ang mga kanilang
naibabahagi kundi ang
pamumuhay din ng mga
tao sa kanilang mga lugar
na napuntahan.
Hebreo Circa 1000 – 722 Bibliya – ang nagging Ang mataas na pagpataw
BCE pundasyon ng ng buwis ni Haring
pananampalatayang Rehoboam na nagging
Judaism at Kristiyanismo. dahilan ng pagrerebelde ng
Ang pagsamba sa nag – mga anak ni Solomon.
iisang Diyos o Monotheism
Hittite Circa 1600 – 12 BCE Pagmimina ng iron core
Paggawa ng iba’t ibang
bakal
Persian Circa 550 – 350 Nagpagawa ng isang Isa rin sa mga itinuturong
BCE mahabang kalsada na dahilan ay ang kawalan ng
nagdugtong sa mga isang mahusay na pinuno
lungsod ng Persia mula at ang malawak na sakop
Susa hanggang Ephesus na teritoryo nito.
sa Asia Minor na umabot
2,400 km.
Gumamit ng pilak at
gintong barya sa
pakikipagkalakalan.
Nagdagdag ng mga satrap
ng Persia ang naglinang sa
konsepto ng
sentralisadong
pamahalaan.
Nagpatayo ng mga
magagarang palasyo at
gusali tulad ng Persepolis.
Nabigyang diin ang
karapatan ng tao maging
sa mga lupaing sinakop.

f. Paglalahat
Mahalaga ba ang naging ambag ng mga imperyong ito sa kasalukuyan? Oo o hindi? At
Bakit?

g. Paglalapat
Bagsak o Pasado
Pag – usapan at suriin sa inyong mga pangkat ang mga naitakdang dahilan nang
pagbagsak ng mga imperyo. Iulat ang epekto sa pamumuhay noon at paano sila
bumangon mula sa pagbagsak. Iulat ito sa klase.
Mga Dahilan ng Epekto sa Pamumuhay Paano sila bumangon
Pagbagsak ng mga noon mula sa Pagbagsak
Imperyo sa Kanlurang
Asya
Unang pangkat –
Summerian at Akkadian
Pangalawang pangkat –
Babylonian at Assyrian
Pangtalong pangkat –
Phoenician at Persian
Pang apat na pangkat -
Hebreo

IV. Pagtataya
Tukuyin kung anong imperyo ito nakontribusyon.
1. Cuneiform
2. Kodigo ni Hammburabi
3. Gulong
4. Ziggurat
5. Konsepto ng zodiac sign
6. Bibliya
7. Hanging Gardens of Babylon
8. Pagmimina ng iron core
9. Gumamit ng pilak at gintong barya sa pakikipagkalakalan
10. Sistema ng panukat ng timbang at haba
V. Takdang Aralin
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa pahina 139 – 140 Gawain 5: Magsuri
Tayo
Inihanda ni: Angelica R. Yap LPT
BANGHAY ARALIN SA ARALIN PANLIPUNAN 7
( SINAUNANG PAMUMUHAY NG MGA ASYANO)
7 – A (SETYEMBRE 11, 2018 - 10:00 – 11:00)
7 – D (SETYEMBRE 14, 2018 – 7:50 – 8:50)

I. Layunin
a. Nakakikilala sa mga sinaunang imperyo sa Silangan at Hilagang Asya
b. Nakakapag – uri ng iba’t – ibang kagamitan na naipasa ng mga tao mula sa Silangan
at Hilagang Asya
c.Napapahalagahan ang mga bagay na namana natin sa ating mga ninuno.
d. Mapag ugnay – ugnay ang mga bagay at ang imperyo na pinagmulan nito.

II. Paksang Aralin


a. Paksa –Mahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa kanlurang Asya
b. Sanggunian –ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (pahina 142 – 147)
c. Kagamitan – manila paper, larawan, marker, chalk at pisara

III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO
a. Pagdarasal
b. Pagtala ng Liban
c. Balik – Aral
“Noong nakaraang talakayan tinalakay natin ang mga imperyo sa Kanlurang Asya.
Maaari mo bang sabihin kung ano – anong imperyo ito at ano ang kanilang naiambag?

d. Pagganyak
“Sa manila paper na ito hahanapin niyo ang mga salitang nakalagay sa ilalim”.
1. Basbas ng langit
2. crossbow
3. Great wall of China
4. Silk road
5. Celadon

“Itong mga bagay na ito ay nagmula naman sa Silangan at Hilagang Asya. Alamin natin
kung anong mga bansa ito at kanilang mga naiambag.”

e. Pagtalakay
Dinastiya sa Pag – unlad/Kontribusyon Pagbagsak
China
Zhou o Chou 1112 Naipasa sa dinastiyang Zhou ang Dahil malawak ang
– 221 BCE “Basbas ng Langit” at ang titulo na teritoryo ng Zhou humina
“Anak ng Langit” ang control nito sa
Naimbento ang araro, crossbow at nasasakupang estadong
bumuo ng hukbong nakakabayo at lungsod. Nauwi ito sa
gumamit ng chariot. panahon ng digmaan ng
Ipinagawa ang mga irigasyon at dike.
mga estado o warring
states.
Qin o Ch’in 221 – Nagapi ng Qin ang mga kalabang Bumagsak ang
206 BCE estado sa ilalim ng pamumuno ni dinastiyang ito dahil sa
Zheng. pagkamatay ni Shih
Zheng – Shi Huangdi o Shi Huang Ti Huangdi
o unang emperador
Legalism – pinakamalupit na batas
ang ipinaiiral.
Great wall of China
Han 206 BCE – Isa sa mga dakilang Dinastiya sa
220 BCE China.
Confucianism
Silk road
Nakarating sa Rome ang seda ng
China na tinatawag na seres
Naimbento ang papel, porselana at
water powdered mill.
Sui 589 – 618 CE Napasok din sa China ang mga
nomadikong mandirigma.
Umabot ang Buddhism sa China
Bumalik ang konsolidasyon.
Itinayo ang Grand Canal na
pinagawa ni Yang Jian
Tang 618 – 907 Gintong Panahon ng China
CE Naimbento sa panahong ito ang
woodblock printing.
Sung 960 – 1278 Itinuring ikatlo sa mga dakilang
CE dinastiya.
Sining at panitikan
Gun
Yuan 1278 – 1368 Kublai Khan ang nagtatag nito.
CE Ipinairal ng Mongol ang
Confucianism.
Pagdating ni Marco Polo.
Ming 1368 – 1644 Ang mga emperador na pumalit ay
mahihina na.
Nanumbalik ang mga Tsino sa
pamamahala sa kanilang bansa.

Mga Dinastiya sa Korea Pag – unlad/ Kontribusyon Pagbagsak


Gojoseon o Lumang Isa sa pinakamalakas na Nasakop ng Han ng China
Joseon 2333 – 108 BCE dinastiya. noong 109 BCE ang
Mula sa pagiging estadong Gojoseon.
pamayanan naging
kaharian ito.
Tatlong Kaharian Ang tatlong kaharian na ito Pinahina ng sigalot sa
ay ang mga sumusunod kaharian.
Goguryeo, Baekje at Silla.
Natalo ng Goguryeo ang
hukbong Tsino.
Hiniram nila ang mga
Sistema ng pamahalaang
Han sa China, Buddhism,
at tradisyon ng pagsusulat
ng kasaysayan.
Pinag – isang Silla 668 – Matapos ang pitong taon
935 CE napatalsik nila ang mga
Tsina.
Balhae 698 – 926 CE Ang kultura nito ay Noong ika – 10 siglo
pinagsanib na Tang at nasakop ito ng mga
Goguryeo. nomadikong Khitan
Goryeo at Koryo 918 – Itinatag ni Wang Geon
1392 CE Ang pangalang Korea ay
nagmula sa kahariang ito.
Nakalikha sila ng sariling
istilo ng porselana na
tinatawag na celadon

Dinastiya sa Japan Naganap/Kontribusyon Pagbagsak


Ang liping Yamato at Nara Si Fujiwara Kamatari ang
batang emperador ang
naging regent.
Namayagpag ang
eleganteng pagsusulat ng
tula, sining ng calligraphy
at pananamit.
The tale of Genji

f. Paglalahat
Mahalaga ba ang naging ambag ng mga dinastiya ito sa kasalukuyan? Oo o hindi? At
Bakit?

g. Paglalapat
Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo at gagawa kayo ng flow chart ng mga pangyayari sa
Silangan at Hilagang Asya. Isulat ito sa isang bond paper at mamili ng magtatalakay sa
harap ng klase
Unang Pangkat – Dinastiya sa China
Pangalawang Pangkat – Dinastiya sa Korea
Pangatlong Pangkat – Dinastiya sa Japan

IV. Pagtataya
Tukuyin kung anong dinastiya ito naimbento o naganap.
1. Basbas ng Langit
2. Pilosopiyang legalism
3. Water powdered mill
4. Silk Road
5. Gintong Panahon ng China
V. Takdang Aralin
Sagutan ang pahina 146 Pamprosesong mga Tanong
Inihanda ni: Angelica R. Yap LPT
BANGHAY ARALIN SA ARALIN PANLIPUNAN 7
( SINAUNANG PAMUMUHAY NG MGA ASYANO)
7 – A (SETYEMBRE 15, 2018 – 7:50 – 8:50)
7 – D (SETYEMBRE 15, 2018 – 5:50 – 6:50)

I. Layunin
a. Nakakikilala sa mga sinaunang imperyo sa Timog Asya
b. Nakakapag – uri ng iba’t – ibang kagamitan na naipasa ng mga tao mula sa Timog
Asya
c.Napapahalagahan ang mga bagay na namana natin sa ating mga ninuno.
d. Mapag ugnay – ugnay ang mga bagay at ang imperyo na pinagmulan nito.

II. Paksang Aralin


a. Paksa –Mahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa kanlurang Asya
b. Sanggunian –ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (pahina 148 – 151)
c. Kagamitan – manila paper, larawan, marker, chalk at pisara

III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO
a. Pagdarasal
b. Pagtala ng Liban
c. Balik – Aral
“Naalala ninyo pa ba ang ating napag aralan nung nakaraan araw? Maaari mo ba itong
talakayin?

d. Pagganyak
Guess the name
Huhulaan ninyo kung ano ang aking tinutukoy. Mamili kayo ng sagot sa kahon.
1. pinakamataas ng uri ng tao sa sistemang caste
2. Mga mandirigma
3. Mga mangangalakal/Magsasaka
4. Pinakamababa
Sudras Kshatriyas

Vaishya Brahmin

“Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay mga mahahalagang pangyayari sa Sinaunang


Panahon ng Timog Asya.”
e. Pagtalakay
Imperyo/Panahon Pag – unlad/Kontribusyon Pagbagsak
Indo – Aryan 1500 BCE Sinalakay ng mga bansa na
Persia, Greece at Italy.
Matatangkad at mapuputi
ang katangian ng mga ito.
Malalakas kumain at
uminom ng alak
Panahong Verdic Tumagal ng 600 na taon
mula 1500 – 900 BCE.
Vedas (Karunungan)
Magsasaka ang unang
ikinabubuhay
Panahong Epiko Pagtatag ng Sistemang Sumugod si Alexander the
Caste. Great.
1. Brahmin – pinakamataas
2. Kshatriyas – Mga
mandirigma
3. Vaishya – Mga
mangangalakal/magsasaka
4. Sudras – pinakamababa

Sanskrit – ang wika sa loob


ng 1000 taon.
Imperyong Maurya 321 Chandragupta Maurya –
BCE unang hari ng dinastiyang
Maurya.
Si Asoka ang sumunod kay
Chandragupta Maurya at
tahimik ang kanyang
nasasakupan.
Niyakap nila ang
Buddhism.
Ang mga Kushan Kanishka –
pinakamakapangyarihang
hari ng Kushan. At
nagpatayo rin ng mga
gusali sa Peshawar.
Nirvana
Pinalaganap ang
Theravada Buddhism o
Hinayana.
Imperyong Gupta Narating nito ang
pinakamataas na
katanyagan sa
pamamagitan ni Haring
Chandragupta II.
Golden Age o Ginintuang
Panahon.
Umunlad ang agham.
Hinduism
Ang mga Mongol at Babur – napagkamalang
Imperyong Mogul Mongol ng mga taga –
India.
Pinagbuti ni Akbar ang
pangangasiwa ng
katarungan.
Hinigpitan niya ang
paggamit ng pisikal na
pagpapahirap at
iginagawad ang parusang
kamatayan para sa may
mabibigat na kasalanan.

f. Paglalahat
Mahalaga ba ang naging ambag ng mga imperyong ito sa kasalukuyan? Oo o hindi? At
Bakit?

g. Paglalapat
Hatiin ninyo sa limang grupo ang inyong klase. Ang gagawin natin ay ang mga
pangyayari, sanhi at bunga sa panahon ng Timog Asya. Ang lahat ay magtatalakay.
Ilagay ang inyong sagot sa isang bond paper.
Natatanging Sanhi ng Bunga ng Puna sa
Pangyayari sa Pangyayari Pangyayari Pangyayari
Timog Asya
Unang pangkat –
Panahong Verdic
Pangalawang
pangkat – Pagtatag
ng Sistemang Caste
Pangtalong pangkat
– Ang mga Mongol at
Imperyong Mogul
Pang apat na
pangkat –
Pamumuno at
Pagsalakay ni
Alexander the Great
Mga Muslim at
Mananalakay

IV. Pagtataya
Tukuyin kung ano panahon naganap ang mga sumusunod;
1. Sumalakay sa Persia, Greece at Italy sa iisang panahon.
2. Sistemang Caste
3. Pagdating ni Bakur
4.Ang paghahari ni Chandragupta Maurya
5. Golden Age o Ginintuang Panahon.
V. Takdang Aralin
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa pahina 151 Pamproseng mga Tanong.
Inihanda ni: Angelica R. Yap LPT
BANGHAY ARALIN SA ARALIN PANLIPUNAN 7
( SINAUNANG PAMUMUHAY NG MGA ASYANO)
7 – A (SETYEMBRE 28, 2018)
7 – D (SETYEMBRE 24, 2018)
Pakisuri ang mga sumusunod na araw: (Nawalan ng pasok dahil sa bagyo)
Setyembre 18 - 19 2018 – Silangan at Hilagang Asya (7 – A SETYEMBRE 11, 2018 -
10:00 – 11:00) 7 – D SETYEMBRE 13, 2018 – 7:50 – 8:50)
Setyembre 20 – 21 2018 – Timog Asya (7 – A SETYEMBRE 14, 2018 – 7:50 – 8:50
7 – D SETYEMBRE 14, 2018 – 5:50 – 6:50)

I. Layunin
a. Nakakikilala sa mga sinaunang imperyo sa Timog – Silangang Asya
b. Nakakapag – uri ng iba’t – ibang kagamitan na naipasa ng mga tao mula sa Timog –
Silangang Asya
c.Napapahalagahan ang mga bagay na namana natin sa ating mga ninuno.
d. Mapag ugnay – ugnay ang mga bagay at ang imperyo na pinagmulan nito.

II. Paksang Aralin


a. Paksa –Mahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa Timog - Silangang Asya
b. Sanggunian –ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (pahina 152 – 155)
c. Kagamitan – manila paper, larawan, marker, chalk at pisara

III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO
a. Pagdarasal
b. Pagtala ng Liban
c. Balik – Aral
“Naalala ninyo pa ba ang ating napag aralan nung nakaraan araw? Maaari mo ba itong
talakayin?

d. Pagganyak
Pagtambalin ang mga sumusunod na kaharian sa taon kung kailan sila namayagpag.

Kaharian ng Vietnam
Kaharian ng Funan Circa 1293 –
Imperyong Angkor 1511
Kaharian ng Pagan Circa 849 – 1287
Malacca Circa 802 CE –
143
Circa 1 CE – 630
CE
Circa 939 - 1945
e. Pagtalakay
Imperyo/Panahon Pag – unlad/Kontribusyon Pagbagsak
Kaharian ng Vietnam Tanging bansa na
direktang nakaranas ng
pamumuno ng China.
Kinukuhanan ng hilaw na
produkto ng China.
Namana ng Vietnama ang
paggamit ng apelyido,
relihiyon at iba pang
impluwensya.
Funan Naging malakas ang Bumagsak ang Champa
Chenla kapangyarihan dahil sa dahil sa pananakop ng
Champa impluwensya ng kulturang Vietnamese.
India at China.
Ang Chenla ang nagbigay
daan sa pagbagsak ng
Funan.
Imperyong Angkor Pinakamakapangyarihan
lupain sa rehiyon.
Matatagpuan sa Cambodia.
Si Jayavarman II ang
pinakamakapangyarihang
namuno sa Khmer.
Ang Angkor wat ang
pinakadakilang templong
ipinagawa sa panahong ito.
Kinilalang pinakamatanda
at pinakamalaking
strukturang pang –
arkitektura sa daigdig.
Pagan Umusbong sa Burma Humina at bumagsak dahil
noong ika – 11 siglo. sa pagpasok at
Ito ang pamayanang pamamayagpag ng mga
agricultural. Tai.
Malawak ang kanilang
sakop na teritoryo.
Maraming naging
mahuhusay na pinuno tulad
nila Anawrahta at
Kyanzitha.
Ayutthhaya Itinatatag ito ni U Thong. Bumagsak sila matapos
Darmasastra – isang ang sunud – sunod na
kodigong legal batay sa pakikidigma sa kanila ng
tradisyong Hindu at Thai. Burma.
Srivijaya Kinilala bilang
Dalampasigan ng Ginto
dahil mayaman sila sa mina
ng ginto.
Nasakop nila ang Malay
Peninsula, Kanlurang
Sumatra, Kanlurang
Kalimantan at Java.
Majapahit Nanakop ng maliliit na Dahil sa iba’t – ibang
teritoryo. pwersang pangrelihiyon at
Pinamunuan ni Gaja Mada. sa pagdating ng mga
dayuhan ay humina ang
pwersa ng imperyo.
Malacca Kilalang daungan ito. Humina ito ng maagaw ng
Kontrolado nila ang mga Muslim ang
monopoly ng kalakalan sa kapangyarihan sa
pagitan ng India, China, at relihiyon.
Timog – Silangang Asya.
Pilipinas Binubuo ng mga barangay
sa Luzon at Visayas at
tanging Mindanao ang
yumakap sa Islam.

f. Paglalahat
Mahalaga ba ang naging ambag ng mga imperyong ito sa kasalukuyan? Oo o hindi? At
Bakit?

g. Paglalapat
Gamit ang mga datos mula sa batayang aklat, mga sipi at teksto. Makilahok sa maikling
debate tungkol sa isyung ito. “Timog – Silangang Asya, anino lamang ba ng India at
China?

IV. Pagtataya
Tukuyin kung ano panahon naganap ang mga sumusunod;
1. Tanging bansa na direktang nakaranas ng pamumuno ng China
2. Pinakamakapangyarihang lupain sa rehiyon
3. Ito ay itinatag ni U Thong
4. Dalampasigan ng Ginto
5. Darmsastra
V. Takdang Aralin
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa pahina 154 Gawain 11: Sinimulan Ko,
Tapusin mo!
Inihanda ni: Angelica R. Yap LPT

You might also like