You are on page 1of 14

ARALING PANLIPUNAN 8

Quarter 1- Week 6 - 7

Name:________________________________Grade & Section:_______________________Date:____________

Paksa: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig


Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India at China
batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan.
Concept/ Short Input:

⮚ Ang kabihasnan o sibilisasyon ay lipunan ng isang pangkat ng tao na nakararanas ng pag-unlad sa kanilang
paniniwala, pamumuhay ,kultura at kasaysayan.

⮚ Malaki ang papel na ginampanan ng mga kabihasnan sa sinaunang Asya sa pag-unlad ng pamumuhay ng
mga tao sa buong mundo.

⮚ Ang kabihasnan ang nagsisilbing modelo sa pagtatatag at pamamalakad ng lipunan hanggang sa


kasalukuyan.
Halimbawa:

Not For Sale


Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
Mesopotamia MapThis Photo by FDRMRZUSA is licensed under CC BY-SA

Sumer(3500-2340 BCE)

⮚ Namalagi sa mga lupaing sakahan ng lambak-ilog

⮚ Tinawag na ziggurat ang estrukturang nagsisilbing tahanan at templo ng mga patron o diyos na makikita sa
bawat lungsod

⮚ Cuneiform- ang paraan ng pagsulat na ginamitan ng stylus at clay o luwad na lapida

⮚ Madalas ang tunggalian ng mga lungsod-estado tungkol sa lupa at tubig kaya hindi nakabuo ng isang matatag
na pamahalaan

Not For Sale


Ziggurat Cuneiform
ziggurat by Unknown Author is licensed under CC BY-SA cuneiform by Unknown Author is licensed under CC BY-SA

Akkad(2340-2100(BCE)

⮚ *Sinakop ni Sargon ang mga lungsod-estado at itinatag ang kauna-unahang imperyo sa daigdig

⮚ Si Sargon ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod -estado ng Akkad o Agade

⮚ Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng


sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa katimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay
nagtunggalian upang makontrol ang rehiyon
Babylonian(1792-1595)

⮚ Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng lungsod ng Babylon ang Mesopotamia

⮚ Sa panahon ng kanyang paghahari, nasakop niya ang mga kaharian sa hilaga,kabilang ang kahariang Ashur

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
⮚ Nang mamatay siya ay nagkawatak-watak ang kaharian ng Babylon

⮚ Noong 1595 BCE, sinalakay ng mga Hittite Anatolia ang Babylon

Not For Sale Code of Hammurabi


Prologue Hammurabi Code by Marie-Lan Nguyen is licensed under CC BY-SA

Assyrian(1813-605 BCE)

⮚ Noong 1120 BCE, nasupil ni Tiglath-Pileser ang mga Hittite at naabot ng puwersa ang baybayin ng
Mediterranean at itinatag ang Imperyong Assyrian

⮚ Isa si Ashurbanipal(circa 668-627 BCE) sa mga haring kinakitaan ng maayos na pamamahala sa kanyang
panahon

⮚ Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa

Chaldean(612-539 BCE)

⮚ Si Nabopolassar (612-605 BCE) ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan ang
isang pag-aalsa laban sa Assyria

⮚ Si Nebuchadnezzar II ang pinuno ng imperyo nang natamo nito ang ruruk ng kadakilaan.Siya rin ang
nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kanyang asawa

⮚ Noong 539 BCE, nilusob ng hukbo ni Cyrus the Great ng Persia ang kaharian

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
Persian(539-330 BCE)

⮚ Nagtatag ng isang malawak na imperyo ang mga Persian na tinawag na Imperyong Achaemenid. Nasa Persia
(Iran) ang sentro ng imperyong ito

⮚ Sa ilalim ni Cyrus the Great (559-530 BCE)nagsimulang manakop ang mga Persian.

⮚ Darius the Great (521-486 BCE)-umabot ang sakop hanggang India

⮚ Epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Persian sa kanilang imperyo. Hinati ang imperyo sa mga
lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap

⮚ Napatanyag din ng mga Persian ang pagsulong ng relihiyong Zoroastrianismo na itinatag ni Zoroaster

Gawain 1:
Kumpletuhin ang pangalan na tinutukoy na pook. Isulat ang mga akmang letra sa patlang.
1. ______ _____M_____ ____ - Mga unang lungsod-estado ng Mesopotamia
2. _____K____ _____ ______ - Unang imperyong itinatag sa daigdig
3. ____ ____ _____ _____ L_____ _____ - Kabisera ng Imperyong Babylonia

Not For Sale


4. C ____ ____ ______ _____ _____ _____ - Imperyong itinatag ni Nabopolassar
5. ____ _____ T ____ _____ _____ -Tawag sa mga lalawigang bumuo sa Persia

Short Input:
Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa wikang Griyego na ‘meso’, ibig sabihin ay gitna at
‘potamos’ibig sabihin ay ilog. Ang Mesopotamia ay nabuo sa pagitan ng Ilog Tigris at Ilog Euphrates.Ang mga
lupain ay mataba at mayaman. Ang pagkakaroon ng mahinang pinuno at ang hindi pagkakaisa ang naging dahilan
ng pagbagsak ng kabihasnan.

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
Mohenjo-daro and Harappa by Pashley is licensed under CC BY-SA

⮚ Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang kabihasnang Indus na nakasentro sa mga lambak ng Indus River.

⮚ Dumadaloy ang Indus River sa kasalukuyang bansang India at Pakistan.

⮚ Not For Sale


Sa nasabing ilog umunlad ang kambal na lungsod ng kabihasnang Indus: ang Harappa at Mohenjo-daro.

Natuklasan ang dalawang lungsod na ito sa lambak Indus at tinatayang umusbong ito noong 2700 BCE.

⮚ .Isang lumang paliwanag ang teoryang Mohenjo-daro at Harappa ay nawasak dahil sa paglusob ng mga
pangkat nomadiko-pastoral mula sa gitnang Asya, kabilang ang mga Aryan.

⮚ Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran ng Europe at timog-silangan ng Persia at India.

⮚ Nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang terminong ito ay hango sa salitang casta na
nangangahulugang “lahi o angkan”.

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
Pyramid of Caste system in India by Kwj2772 is licensed under CC BY-SA
GAWAIN 2:

1.

2.
3.
Not For Sale
Ano ang iyong opinyon tungkol sa pagpapangkat-pangkat ng mga tao sa India batay sa sistemang caste?
Ipaliwanag ang sagot.
Maaari kayang mangyari sa ating bansa ang sistemang caste? Ipaliwanag ang iyong sagot
Ano ang dalawang lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus? Ilarawan ang mga ito.
4. Bakit kadalasang matatagpuan sa mga lambak-ilog ang mga sinaunang kabihasnan?
Suriin ang iyong gawain ayon sa sumusunod na pamantayan sa rubric
Pamantayan Lu Lubos na mahusay Mahusay Di Di-gaanong mahusay Kailangan pang magsanay
(10) (8) (5) (2)
Malinaw na Angkop na angkop at Angkop at wasto Hindi gaanong Maraming kamalian na
naipahayag wasto ang mga ang mga ginamit na angkop at wasto ang paggamit ng mga salita at
ginamit na mga salita mga salita at mga ginamit na mga pahayag
at pahayag pahayag salita at pahayag
Makahihikaya Nakahihikayat nang Nakahihikayat ang Bahagyang Hindi nakahihikayat ang
t lubos ang ginawang ginawang gawain nakahihikayat ang ginawang gawain
gawain ginawang gawain

Short Input:

Ang Kabihasnang Indus ay umusbong sa lambak ilog ng Indus River pati na rin sa Ganges River. Ang
dalawang sinaunang lungsod na natagpuan ay ang Mohenjo-daro at Harrapa. Ang kanilang mga bahay ay hugis

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
parisukat at halos magkakadikit-dikit. Ang kulturang umusbong rito ay nagsimulang humina at bumagsak dahil sa
panganib na dulot ng mga sumasalakay na tribo sa kanilang hangganan.

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

Not For Sale


KABIHASNANG TSINO:
1. XIA (2000-1570 BCE)-

⮚ Sinasabing nag-ugat ito mula sa Longshan, isang kulturang Neolitikong laganap sa lambak ng Huang
Ho.Hindi pa ito lubusang napatutunayan dahil sa kawalan ng matibay na ebidensyang arkeolohiya.
2. SHANG(1570-1045 BCE)

⮚ Sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse sa panahong ito. Ang mga naiwang
kasulatan ng panahong ito ang pinakamatanda sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga oracle bones
3. ZHOU O CHOU(1045-221 BCE)

⮚ Naniniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o Basbas ng Kalangitan na ang emperador ay namumuno sa
kapahintulutan ng langit.

⮚ Kapag siya ay naging masama at mapang-abuso, ay babawiin ng kalangitan sa anyo ng lindol, bagyo,
tagtuyot, peste o digmaan

⮚ .Umusbong ang mahahalagang kaisipang humubog sa mga Tsino ang CONFUCIANISM,TAOISM at


LEGALISM
4. Q’IN O CH’IN(221-206 BCE)
For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
⮚ Sa ilalim ng Ying Zheng ng Q’in o Ch’in, nagawang pag-isahin ang mga nagdidigmaang estado at isinailalim
sa kanyang kapangyarihan ang iba’t ibang rehiyon sa China.

⮚ Inihayag niya ang sarili bilang ‘Unang Emperador” ng China at kinilala bilang si Shi Huangdi o Shih Huang
Ti(221-210 BCE).

⮚ Ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo upang magsilbing tanggulan laban sa mga tribong
nomadiko na nagmula sa hilaga ng China.
5. HAN(202 BCE-200 CE)

⮚ Ito ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa Confucianism

6. SUI(589-618 CE)

⮚ Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall of China na napabayaan sa mahabang panahon. Ginawa rin ang
Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng Huang Ho at Yangtze
7. T’ANG(618-907 CE)

⮚ Ibinalik ang civil service examination system na naging mahalaga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan.

Not For Sale


8. SONG(960-1127 CE)

⮚ Nilikha ang isang paraan ng paglilimbag.

9. YUAN(1279-1368 CE)

⮚ Itinatag ito ni Kublai Khan, isang Mongol.

⮚ Sa unang pagkakataon para sa mga Tsino, ang kabubuang China ay pinamunuan ng mga dayuhang
barbaro.
10. MING(1368-1644 CE)

⮚ Naitayo ang Forbidden City sa Peking na naging tahanan ng emperador.

⮚ Naglayag at nakarating sa Indian Ocean at silangang bahagi ng Africa ang mga Tsino sa pangunguna ni
Admiral Zheng He.
11. QING O CH’ING(1644-1911)

⮚ Itinatag ito ng mga Manchu.

⮚ .Lalong humina ang dinastiya nang magapi ang hukbong Tsino sa Digmaang Sino-French (1883-1885) at
Digmaang Sino-Japanese(1894-1895).

⮚ Noong 1911, nagwakas ang sistema ng dinastiya sa China nang maganap ang Rebolusyon ng 1911 na
nagbigay -daan sa pagkatatag ng Republika ng China.
For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
Gawain 3:

Panuto: Tukuyin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kabihasnang Tsino. Kabilang ang tinutukoy na
dinastiya, mga tanyag na tauhan, at mga ambag nito sa kasalukuyan.
MGA DINASTIYA: CHOU, MING, QING, SHANG, SUI, T’ANG, YUAN

1. Nakasulat sa mga oracle bone ang mga naiwang kasulatan ng mga sinaunang Tsinong nabuhay sa
dinastiyang ito.
2. Unang dayuhang dinastiyang namahala sa China.
3. Huling dinastiya sa China.
4. Yumaong sa dinastiyang ito ang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino tulad ng Confucianism, Taoism,
at Legalism.
5. Ipinagawa ang Grand Canal sa ilalim ng dinastiyang ito.
6.
7.
Not For Sale
Sa dinstiyang ito nagsimula at lumaganap ang kaisipang Mandate of Heaven.
Ipinatayo ang Forbidden City sa Peking.
MGA TAUHAN: ZHENG HE, KUBLAI KHAN,CONFUCIUS, SHI HUANGDI
8.Itinuring ang kaniyang sarili bilang “unang emperador”.
9.Itinatag niya ang Dinastiyang Yuan sa China.
10.Pinangunahan niya ang mga ekspedisyon sa Indian Ocean at Silangang bahagi ng Africa.
11.Nakasentro sa kaniyang mga aral ang kaisipang Confucianism.
MGA AMBAG: GREAT WALL, FORBIDDEN CITY, MANDATE OF HEAVEN, TAOISM
12.Pagpapahintulot ng kalangitan na mamuno ang emperador.
13.Nagsilbing tanggulan ang estrukturang ito laban sa mga tribong nomadiko sa Hilagang China.
14.Naging tahanan ng mga emperador noong Dinastiyang Ming.
15.Hangad ang kaisipang ito ang balanseng kalikasan at pakikiayon ng tao sa kalikasan.
Short Input:

Ang Kabihasnang Tsino o Shang ang nananatiling pinakamatanda at namamayaning kabihasnan sa daigdig na
tinatayang nasa 4,000 taon na ang tanda. Hinubog ang kasaysayan sa pamumuno ng mga dinastiya o mga linya ng
pamilyang namuno sa Tsina sa halos ilang libong taon. Ang dinastiya ay karaniwang nagpapalit-palit sa paglipas
ng panahon dulot ng dynastic cycle o pagdanas ng kaharian ng kaguluhan at pananalakay ng ibang grupo.

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
ANG KABIHASNANG EGYPTIAN:

⮚ Ang Egypt ay matatagpuan sa hilagang silangang Asya kung saan umaagos ang Nile River.

⮚ Ang Ilog Nile ay may habang 6671 km. Mula sa kabundukan ng Africa palabas ng Mediterranean Sea.

⮚ Si Menes ay isa sa mga pinakaunang pharaoh. Pharaoh (paraon ang tawag sa mga pinunong Egyptian na
nag ibig sabihin ay dakilang tirahan,na nang lumaon ay itinuring na mga diyos na nasa pisikal na anyo ng tao.

Ang Egypt sa Iba’t Ibang Panahon

⮚ Lumang Kaharian (2686 B.C. – 2181 B.C.)


Tinawag itong panahon ng pyramid. Sa panahong ito nagsimula ang pagtatayo ng mga piramide sa Ehipto na
nagsisilbing libingan ng mga paraon.
Mga namumuno:
1. Menes (3100BCE) – naging batayan ng lumang kaharian ang kanyang pamamahala sa pinag-isang
kaharian.
2. Khufu o Cheops (2650 BCE) – sa kanyang panahon itinayo ang Great Pyramid sa Giza na itinuturing na
isa sa Seven Wonders of the Ancient World. Ang pag-aalsa ng mga mamamayan laban sa mataas na buwis at
ang mga mahihina at walang kakayahan sa pamumuno ang mga sumunod na mga hari ang mga naging sanhi
ng pagbagsak.

Not For Sale


Gitnang Kaharian (2040 B.C. – 1786 B.C.)
Sa panahong ito hindi ganap ang kapangyarihan ng mga pharaoh.
Mga namumuno:

⮚ Amenemhet I – Binuo niyang muli ang Ehipto mula sa kaguluhan na namayani pagbagsak ng Lumang
Kaharian. Binuhay niya ang pakikipagkalakalan sa Palestina at Syria.
2. Amenemhet III – ang nagpagawa ng sistema ng irigasyon sa Faiyum na ginagamit pa hanggang ngayon
Sanhi ng Pagbagsak
• Pag-aalsa ng mga maharlikang galit sa mga pribilehiyo ng mga bagong-yaman na gitnang uri.
• Pagsalakay ng mga Hyksos mula sa Arabia at Syria noong 1700 B.C.

Bagong Kaharian (1570-1090 B.C.)


Itinuturing na panahon ng Imperyo dahil dito nagsimula ang pananakop ng mga sinaunang Ehipsyano.
Mga namumuno:

1. Ahmose – itinaboy ang mga Hyksos palabas ng Ehipto at sinimulan ang Bagong Kaharian. Itinatag niya ang
kauna-unahang magaling na hukbong pandigma gamit ang natutuhan mula sa mga Hyksos.
2. Thutmose II (1512 B.C.) – idinagdag sa imperyo ang Nubia, Syria, at Palestina.
3. Hatshepsut – asawa ni Thutmose II; unang babaing namuno sa daigdig; nagpatayo siya ng mga templo at
nagpaigting ng masiglang kalakalan kaysa pananakop ng lupain.
4. Thutmose III – itinuturing na magaling na mandirigma; napalawak ang imperyo hanggang sa mga baybayin ng
Euphrates. Nagpatayo siya ng magagarang templo sa panahong ito.
5. Amenhotep IV o Ikhnaton (1300 – 1358 B.C.) – nagpasimula ng monoteismo o pagsamba sa iisang diyos,
Aton, na itinuturing niyang pinakamataas at pinakamagaling.
6. Tutankhamen (1358 – 1353 B.C.) – ang kanyang piramide ang itinuturing na pinakamahalagang labi ng

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
sinaunang kabihasnan ng Ehipto dahil kumpleto ang laman nito nang matuklasan. Ibinalik niya ang polyteismo o
paniniwala sa maraming diyos sa panahon niya.
7. Rameses II (1304 -1237 B.C.) – Ipinagtanggol niya ang imperyo laban sa mga sumasalakay na Hittite mula sa
Gitnang Asya.
Sanhi ng Pagbagsak
• Pagpapabaya sa ekonomiya ng kaharian.
• Pagsalakay ng mga Hittite sa mga kolonya ng Ehipto na nagdulot ng pagkawala ng mga buwis ni kinukolekta
mula rito.
• Pag-aalsa sa loob ng kaharian.

TANONG:

1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Kabihasnang Egyptian sa ibang mga kabihasnan?

2. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian?

Ang mga Kabihasnan sa Mesoamerica:

Not For Sale

MESOAMERICA MAP by John Lloyd Stephens is licensed under CC BY

⮚ Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang “meso” na nangangahulugang :gitna”. Ito ang lunduyan ng
mga unang kabihasnan sa America.

⮚ Ang Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at
Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador.

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
⮚ Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng Panuco at Santiago.

Ang mga Olmec:(1500-500 BCE)

⮚ Ang mga Olmec ay ang kauna-unahang umusbong sa Central America .

⮚ Ang katagang Olmec ay nangangahulugang “rubber people” dahil sila ang kauna-unahang taong gumamit ng
dagta ng punong rubber o goma. Ang sistemang irigasyon na itinayo rito ay nagbigay-daan upang masaka
ang kanilang lupain at unang nakagawa ng kalendaryo.

OLMEC

Not For Sale

Olmec alternative origin speculations by Ortiz de Montellano is


licensed under CC BY-SA
Kulturang Olmec:
1. Larong Pok-a-tok- panrituwal na laro na kahintulad ng larong basketbol, subalit ang mga manlalaro ay
hindi maaaring gumamit ng kanilang kamay upang hawakan ang bolang yari sa goma.Sa halip, gamit ang mga
siko at baywang, tinangka ng mga manlalaro na ihulog at ipasok ang bola sa isang maliit na ring na gawa sa bato
at nakalagay sa isang mataas na pader.
2. Lilok ng anyong ulo mula sa mga bato- Ang mga Olmec ay kilala rin sa paglilok ng mga anyong ulo
mula sa mga bato. Ang mga estrukturang ito ay nagsilbing mga lugar-sambahan ng kanilang mga diyos.
For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
3. Hayop na jaguar- mahalaga sa paniniwalang Olmec ang jaguar dahil ito ay nagpapakita ng lakas,
katusuan at kakayahang manirahan saan mang lugar. Ito rin ay agresibo at matapang.
Ang mga Teotihuacan:

⮚ Isa sa mga dakila at pinakamalaking lungsod sa panahong ito ay ang Teotihuacan na nangangahulugang
“tirahan ng diyos”.

⮚ Ang pinakamahalagang diyos ng Teotihuacan ay si Quetzalcoatl, ang Feathered Serpent God. Kinatawan din
niya ang puwersa ng kabutihan at liwanag. Siya rin ang diyos ng hangin.

Gawain 4: Panuto: Tukuyin kung sa anong kabihasnan napabilang ang mga sumusunod na mga salita.

1. Cuneiform

Not For Sale


2. Mohenjo-daro at Harappa
3. Caste System
4. Ziggurat
5. Phyramid of Giza
6. Teotihuacan
7. Hanging Gardens of Babylon
8. Great Wall of China
9. Pok-a-tok
10. Code of Hammurabi
Short Input:
Ang kabihasnan ay tumutukoy sa kinakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao. Ito ay nagmula sa

salitang “civitas’ na ang ibig sabihin ay lungsod. Bawat kabihasnang nabuo sa daigdig ay nagbigay ng mga ambag

at pamana na hanggang sa ngayon ay ating makikita at ginagamit.

Reference:
1. Batayang Aklat: Kasaysayan ng Daigdig 8

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
Prepared by:
Artchie A. Castro
DICNHS/ DIGOS CITY

Not For Sale

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.

You might also like