You are on page 1of 14

1.

Sumerian

2.Akkadian

3.Babylonian

4.Assyrian

5.Chaldean

6.Persiano

B.Kabihasnang Tsino
Mga Layunin 1. Nasusuri ang pasimula at pagsulong ng kabihasnang Tsino sa
Asya; 2. Natatalakay ang heograpiya ng lugar kung saan umusbong ang kabihasnang Tsino; 3. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng Huang Ho sa kasaysayan ng China; 4. Naipaliliwanag ang mga kaisipang umusbong sa dinastiyang Zhou; 5. Nasusuri ang mahahalagang kaganapan sa ilalim ng dinastiyang Han; at 6. Naipaliliwanag ang pagtatatag ng imperyong China. Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing napinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Ito ay maiuugat halos apat namilenyo na ang nakalilipas. Mula pa man noong unang panahon, ang pagkakaroon ng isang mahusay na pamamahalaang na gging mithiin ng mga Tsino. Ang pagkakaroon ng mgaideolohiyang suportado ng estado, particular ang Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino. Sa aspetong pulitikal, ang China ay halinhinang nakaranas ngpagkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang pagpasok ng mgaimpluwensyang dayuhan sa China ay nalagom at napailalim lamang sa pagkakakilanlan ng mga Tsino. Ang mga kaganapang ito ang humubog sa kultura at tao ng bansa sa makabagong panahon.

C.Kabihasnang india
Ilog Indus- lundayan ng kabihasnang Indus sa timog na bahagi ng Asya. 2500 BCE- tianatayang umunlad ang kabihasnang Indus na pnangungunahan ng 2 lunsod ang Mohenjo Daro at Harappa. Ang kabinasnang india ay napapaligiran ng mga natural na balakid, makikita sa hilagang bahagi nito ang kabundukan ng Himalaya, sa timog ay ang malawak na Indian Ocean, sa silangan ay ang disyerto ng Thar at Hindu Kush naman sa kanluran nito. MOHENJO DARO AT HARAPPA Ang pagkatuklas ng mahigit 100 pamayanan sa timog Asya noong 1922 na nagpatunay na ang India ay pinagmulan ng sinaunang kabihasnan. 2500 BCE- sinasabing umunlad ang dalawang pook, na may higit kumulang sa 35000 ka tao ang nanirahan, na nagpapatunany na may mataas na anta sang urbanidad batay sa nakitang artifacts at mga gusaling napreserba. Citadel- malalaking gusaling natagpuan san a napapaligiran ng mataas na pader, makikita sa loob nito ang templo, pampublikong palikuran, granary o imbakan ng mga butyl ng palay. 1750 BCE -unti-unting humina ang dalawang lungsod, walang tiyak na dahilan ang pagbagsak ng naturang kabihasnan, maaring ang pagbabago ng direksyon ng ilog Indus ang sanhi ng kanilang pagkawala. May ilan din na nagsasabi na naubos ang kanilang paingakukunang yaman at nilisan nila ang pamayanan o di kaya sianlakay ng mga dayuahan ang 2 lungsod. Pananakop ng mga Aryan Aryano- pangkat ng mga taong mandirigma na nagmula sa gitnang Asya nagtungo sa sa india simula noong 1500 BCE . Dravidian- tawag sa mga taong naninirahan sa India bago pa man dumating ang mga Aryan,uri ng mga taong may maitim na balat, matitikas, matitpuno ang katawan, kulot ant makapal ang mga labi. Sinakop at itinaboy sa sa timog na bahagi ng India. Vedas-banal na aklat kung saan nailalarawan ang buahy ng isang aryano, ito ay binubuo ng apat na panrelihiyong aklat na naglalaman ng paniniwala, ritwal at mga bagay na isagawa ng bawat tao sa india s rehiyong Hinduismo.

D.Kabihasnang Egyptian

Kalagayang Heograpikal Egypt Matatagpuan hilagang silangang asya kung saan umaagos ang Nile river. Ilog Nile- may habang 6671 km mula sa kabundukan ng Africa pallabas ng Mideterranean Sea. -umaapaw ang tubig tuwing Hulyo at bumabab sa buwan ng Oktubre Herodotus- isang historian na Greek na nagsabing ang ang kabihasnang Egyptian ay handog ng Nile (gift of Nile). Sahara at Libyan Desert matatapuan sa kanluran at timog ng bansa, naging harang at pahirap sa pananakop ng mga dayuhan. Kasaysayan 7000BCE- nagsimulang nagkaroon ng pamayanan sa tabi ng ilog Nile. -natutunan nila ang pagtatanim sa mainam na lupain at pag aalaga ng mga hayop tulag ng baka,kambing at tupa 3200BCE- ang pamayanan ay nagkaisa at nakapagtatag ng dalawang kaharian: a. Mababang Egypt- nasa hilagang bahagi ng Nile river, ang kanilang hari ay may kulay pulang korona. b.Mataas na Egypt- nasa timog na bahagi ng Nile river 3100BCE- napag-isa ang 2 kaharian ng masakop ni Menes hari ng mataas na Egypt ang katunggaling kaharian. Memphis- ang naging kabisera ng pinag-isang kaharian, dito rin nagsimula ang unang dinastiya sa Egypt na umaot sa 31. Pharaoh (paraon)- tawag sa mga pinunong Egyptian na ang ibig sabihin ay dakilang tirahan, na nang lumaon ay itinuring na mga diyos na nasa pisikal na anyo ng tao. Mga Tungkulin at kapangyarihan ng Pharaoh Magkontrol ng ekonomiya at kalakalan Mamahala sa kanyang nasasakupan Magpatupad ng mga batas at patakaran. Magpanatili ng maayos na sistemang pag irigasyon Mangalaga ng tao sa panahon ng kalamidad at tag-gutom Magpanatili ng ng kaayusan at katahimikan ng kaharian. Manguna sa mga seremonya at panrelihiyong ritwal. Manguna sa hukbong sandatahan ng Egypt
Vizier- pangunahing opisyal ng pharaoh na katuwang niya sa panganagasiwa ng kaharian at nagsisilbing kanyang tagapayo sa mahahalagang usapin.

E.Mga Iba pang Kabihasnan Sa payak na kahulugan nito, ang kabihasnan o sibilisasyon ay isang masulong na yugto ng kaunlaran ng isang lipunan.[1] Nagmula ang salitang sibilisasyon sa Latin na civis na may ibig sabihing isang taong naninirahan sa isang bayan. Naiisip nating sibilisado ang mga tao kapag tinipon nila ang kanilang mga sarili upang maging isang matatag at mabisang pangkat, sa halip na gumagalaw ng magkakahiwalay o bahagi lamang ng isang tribo. Lampas dito, inaasahan nating makikilala ang alin mang kabihasnan sa pamamagitan ng kanilang wika, sining, arkitektura, edukasyon, at nakamit na gawaing intelektuwal, pamahalaan, at kakayahan makapagtanggol ng sarili. Samakatuwid, isa itong konseptong tumutukoy sa pagkadalubhasa ng mga tao sa isang kulturang kinagisnan o nakasanayan, kulturang nalinang o kulturang tinanggap na resulta sa paninirahan sa isang partikular na lugar o kapaligiran. Naging isang masalimuot na lipunan o pangkat ng kultura o kalinangan ang kabihasnan na kinatatangian ng pagsandig sa agrikultura, pangangalakal kahit sa malalayong mga lugar, uri ng pamahalaan pang-estado at naghahari o namumuno, espesyalisasyon sa hanap-buhay, urbanismo, at antas-antas na mga klase ng mga tao. Bukod pa sa ganitong mga pangunahing mga elemento, kadalasang natatakan ang sibilisasyon ng anumang kumbinasyon ng isang bilang ng pangalawang mga elemento, kabilang ang maunlad na sistema ng transportasyon,pagsusulat, pamantayan ng pagsusukat, pati na pananalapi, pormal na sistema ng batas, magiting na estilo ng sining, mabantayog na arkitektura, matematika, sopistikadong metalurhiya, at astronomiya.

1.Hittites

2.Lydians

3.Phoenicians

4.Hebrew

You might also like