You are on page 1of 16

Sinaunang

Kababaihan sa
Asya
Sa kasalukuyang panahon
karamihan ng mga
kababaihan ay nakaranas
ng pantay na karapatan sa
mga kalalakihan. Pero,
sa sinaunang panahon
hindi masasabi na
nararanasan nila ang mga
karapatang ito.
Ang kababaihan noon sa Asya ay
karaniwang naiiwan at nanatili sa
tahanan. Sa kulturang Tsino pinagsusuot
ng sapatos na bakal (foot binding) ang
mga kababaihan upang hindi lalayo sa
tahanan. Ang pagkakaroon ng lotus feet o
lily feet sa simula ay kinikilala bilang
simbolo ng yaman, ganda at pagiging
karapat- dapat sa pagpapakasal. Sa Tsina
din, ang pagiging baog ng babae ay
dahilan ng diborsyo.
Foot binding
Sa bansang India naman,
sumasama ang babaeng asawa
sa funeral fire ng kanyang
asawang namatay bilang
pagpapakita ng pagmamahal,
ito ay tinatawag na sutte/sati.
Ang isang babae sa India ay
maaaring maging asawa ng
magkapatid na lalaki
(polyandry) dahil sa kakulangan
sa pagkain
Karaniwan naman dito ang pag-
aasawa ng isang lalaki sa
maraming babae (polygamy) na
siyang tinatawag na harem sa
India at maging sa mga Muslim
Sa Tsina at India hindi pinapahalagahan
ang batang babae. Ito ay dahil ang babae
ay nagbibigay ng dowry o dote kapag
kinakasal. Ibig sabihin nito ay
binabawasan niya ang kaban ng pamilya.
Female Infanticide ang sadyang pagkitil sa
buhay ng mga sanggol na babae.
Mahalaga para sa babaeng Asyano na
magpakita siya na may kakayahang
magkaroon ng anak na lalaki at higit pa.
Sa kulturang Muslim, maliban sa harem
at polygamy (pag-aasawa ng marami)
ang mga babae ay nakasuot ng belo at
pinag-iingatan ang dangal ng pamilya at
iniiwasan ang anumang bagay na
magdudulot ng batik nito. Bilang isang
paraan ng pagtago sa mga kababaihan sa
publiko, sila ay nagsuot ng damit na
pantakip sa katawan, mukha at buhok ng
babae na tinatawag na purdah.
Bilang karagdagan, sa Tsina,
India at Israel maliit pa ang mga
bata ay pinagkakasundo na ng
mga magulang. Ang mga
kababaihan noon ay hindi
pinapahintulutang bomoto
maliban sa bansang Tsina at
Pilipinas.
Ang mga
kababaihan noon
sa Pilipinas
Boxer Codex- bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, ang mga
lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit
maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling
makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Paano naman winawakasan
ang pagkatali sa kasal noon? Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang
kanyang asawa, maari niya itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa
ari- ariang binigay niya sa panahon ng kanilang pagsama. Subalit kung
ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kanyang asawa, wala
siyang makukuhang anumang pag- aari.
Kodigo ni Hammurabi sa Kababaihan
Lumikha si Haring Hammurabi (ikaanim na hari ng Unang Dinastiya
ng Babilonya) ng mga batas upang itaguyod ang maayos na
kaugalian at lipunan sa kanyang nasasakupan. Bahagi ng mga
probisyon na ito ang mababang pagtingin sa mga kababaihan.
Itinuturing ang mga babae na parang produkto na ibinibenta at
binibili sa kalakalan. Ipinagkakasundo ang babae sa ibang lalaki
kapalit ng pera at dote.
Kodigo ni Hammurabi sa Kababaihan
Kahit bata pa lamang ang mga babae ay ipinagkakasundo na siya
hanggang umabot sa sapat na gulang. Ayon pa sa batas ni
Hammurabi, ang babaeng hindi tapat sa kanyang asawa ay
parurusahan ng kamatayan. Sa oras na mahuli siyang nakikipagtalik
sa ibang lalaki pareho silang itatapon sa dagat hanggang malunod.
Pinapayagan na ibenta ng lalaki ang kanyang asawa at mga anak.
Mahigpit ang pagbabawal sa paglahok ng mga babae sa kalakalan.
Kodigo ni Manu sa Kababaihan
Ang Kodigo ni Manu ay nagtatakda rin ng mga batas tungkol sa
mga kababaihan. Ang isang Brahmin o pari sa Hinduismo ay
hindi pinapayagan na makipagtalik sa isang mababang uri ng
babae sa lipunan dahil siya ay mapupunta sa impyerno.
Ipinagkakaloob ang dote sa pamilya ng isang babae at hindi sa
kanya. Ang mga ritwal na may kaugnayan sa kababaihan ay
hindi kinikilala.
Kodigo ni Manu sa Kababaihan
Ayon din sa Kodigo, ang agwat ng edad ng mag asawa ay
tatlong beses ang tanda sa lalaki sa kanyang asawang babae.
Isa pa na iniutos ng kodigo, ay hindi dapat tututol ang ama
na ipagkasundo ang anak na babae na ipakasal dahil ito ay
isang malaking paglabag na katumbas ay pagpapalaglag sa
sanggol.

You might also like