You are on page 1of 108

Kababaihan sa Kanluran

at Timog Asya sa
Makabagong
Panahon
1. Mula sa salitang Hindi at Persian na parda
na nangangahulugang belo, kurtina o tabing.
Ito ang panlipunang kaugalian ng mga
Muslim at Hindu na pagtatakip o
paghihiwalay ng babae sa lalaki.

urphad
purdah
2. Maluwag at mahabang talukbong mula ulo
hanggang paa maliban sa mata na may
mesh. Halos wala nang makita sa tao.

aurbq
burqa
3. Talukbong sa ulo maliban sa mata.
Abaya ang madalas na katerno nito.

baqin
niqab
4.Maluwag at mahabang damit
panlabas. Madalas hanggang lupa
ang laylayan nito.

BAAYA
ABAYA
5. Maluwag at mahabang
talukbong na hawak sa kamay
upang matakpan ang katawan
maliban sa mukha
RODACH
CHADOR
6. Talukbong sa ulo maliban sa
mukha. Tumutukoy din ito sa
pananamit nang may pitagan
at bini.
jahib
hijab
LAYUNIN:
1.Nasusuri ang kalagayan at papel ng
kababaihan saKanluran at Timog Asya; at
2.Nasusuri ang mga palatuntunan at
samahang pangkababaihan na nagtaguyod
sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong
pang-ekonomiya at karapatangpampolitika
ng mga kababaihan sa Kanluran at
Timog Asya.
KANLURANG ASYA
Ang pamantayan sa kababaihan ay
nasusukat sa pagiging mabuting
asawa at ina. Ang mabuting asawa at
ina ay yaong sumusunod sa batas at
turo ng kanilang namumuno sa
relihiyon na kadalasang magkakaiba
ng pananaw at interpretasyon sa
kanilang banal na kasulatan.
Dahil sa madalas na hindi
nakasulat ang mga batas
patungkol sa kababaihan ay
magkakaiba rin ang
pagpapatupad nito sa rehiyon.
Gayunpaman,
halosmagkakatulad ang mga
bansa sa rehiyon sa pagsunod sa
konsepto ng purdah.
purda
-mula sa salitang Hindi at
Persian na parda na
nangangahulugang belo, kurtina
o tabing. Ito ang panlipunang
kaugalian ng mga Muslim at
Hindu na pagtatakip o
paghihiwalay ng babae sa lalaki.
abaya
Maluwag at mahabang
damit panlabas. Madalas
hanggang lupa ang
laylayan nito.
BURQA
Maluwag at mahabang
talukbong mula ulo
hanggang paa maliban sa
mata na may mesh. Halos
wala nang makita sa tao.
CHADOR
maluwag at mahabang
talukbong na hawak sa
kamay upang matakpan
ang katawan maliban sa
mukha
hijab
Talukbong sa ulo maliban
sa mukha. Tumutukoy
din ito sa pananamit nang
may pitagan at bini.
Niqab
Talukbong sa ulo
maliban sa mata.
Abaya ang madalas na
katerno nito.
Niqab
Dalawa ang pinaniniwalaan na
basehan sa mababang katayuan ng
kababaihan sa Kanlurang Asya. Una,
kailangang ihiwalay ang babae sa
lalaki upang mapangalagaan sa
anumang korapsyon o kasamaan at
pangalawa, ang kawalan ng kakayahan
ng kababaihan na pangalagaan ang
kanilang sarili.
a. bawal magmaneho ng sasakyan;
b. bawal lumabas nang hindi kasama
ang mahram –lalaking tagabantay
gaya ng asawa, tatay, kapatid o
tihuyin;
c. bawal lumabas ng walang hijab;
d. bawal makihalubilo sa lalaki; bawal
magtrabaho sa labas ng bahay;
e. bawal magkaroon ng ID;
f. bawal maging tagapangalaga / guardian ng mga
anak;
g. bawal magparehistro ng kapanganakan, kasal at
diborsyo;
h. bawal bumoto, tumakbo sa halalan at magkaroon
ng pwesto sa pamahalaan;
i. bawal kumuha ng pasaporte at maglakbay nang
hindi kasama ang mahram;
j. bawal magpakasal ng walang pahintulot ang
mahram; at
k. bawal mag-aral sa paaralan ng mga lalaki at
kumuha ng mga kursong panlalaki.
Nakabatay ang kanilang
nakasanayang pamumuhay sa
patriarchal na nomadikong tribo kung
saan napakahalaga ng kalalakihan at
karangalan o namus. Dahil dito, maging
ang kababaihan sa mismong rehiyon ay
atubili na yakapin ang mga pagbabagong
dala ng makabagong pananaw at
panahon.
Iniisip ng ilan na ito ay
panghihimasok ng mga
Kanluranin sa kanila bilang
malayang bansa. Gayundin,
naniniwala ang ilan sa masamang
epekto ng impluwensyang
Kanluranin sa kanilang lipunan.
Gayunpaman, patuloy pa rin na
sinisikap ng ibang kababaihan
kasama ng mga grupong lokal at
internasyonal na baguhin ang
mababang kalagayan ng kababaihan
sa Kanlurang Asya. Bagaman
mabagal, unti-unti naming nakakamit
ang mga inaasam na pagbabago sa
transisyonal at makabagong panahon.
Gayunpaman, patuloy pa rin na
sinisikap ng ibang kababaihan
kasama ng mga grupong lokal at
internasyonal na baguhin ang
mababang kalagayan ng kababaihan
sa Kanlurang Asya. Bagaman
mabagal, unti-unti naming nakakamit
ang mga inaasam na pagbabago sa
transisyonal at makabagong panahon.
Sa Saudi Arabia, dalawang
kaganapang internasyonal ang
may malaking impluwensya sa
kalagayan ng kababaihan sa
bansa:
Rebolusyong islamiko
Kilala din bilang Rebolusyong Iran
noong 1979 na nagpatalsik sa
monarkiyang pamumuno ng dinastiyang
Pahlavi na suportado ng Estados
Unidos. Upang maibsan ang epekto ng
rebolusyon at hindi kumalat sa karatig
bansa gaya ng Saudi Arabia, hinigpitan
ang kababaihan at marami sa kanilang
mga karapatan ang nawala.
9 /11
- serye ng pag-atake ng teroristang
grupong Al-Qaeda sa Estados
Unidos noong Setyembre 11, 2001
gamit ang mga hijacked na
pampasaherong eroplano na bumangga
sa dalawang gusali ng World Trade
Center at bahagi ng Pentagon, ang
pangunahing himpilan ng Tanggulang
Pambansa ng Estados Unidos.
Sa kasalukuyan, natatamasa
ng kababaihan sa bansang
Saudi Arabia ang sumusunod
na karapatan at kalayaan:
Ekonomiya
•karapatan na magnegosyo
•karapatan na magtrabaho (Isa
kada limang empleyado sa Saudi
Arabia ay babae)
•Lubna Suliman Olayan - kabilang
sa 100 pinakamakapangyarihang
negosyante sa buong mundo ayon
sa Forbes at Time Magazine
Pampulitika
•karapatan na bumoto, tumakbo at
mahalal sa pampublikong tanggapan
•Princess Reema bint Bandar Al
Saud - kauna-unahang babaeng
kinatawan (ambassador) ng Saudi
Arabia sa Estados Unidos
•Norah Al-Faiz - kauna-unahang
babaeng opisyal sa gabinete ng Hari
Lipunan

• karapatan na magmaneho,
kumuha ng pasaporte o ID at
maglakbay sa ibang bansa na
hindi na nangangailangan ng
permiso mula sa mahram sa mga
edad na 21 taong gulang pataas
•karapatan na mag-aral sa
unibersidad at kumuha ng kurso na
dating para sa mga lalaki lamang
gaya sa militar at abogasya. Sa
katunayan, higit na marami ang
bilang ng mga mag-aaral na babae
kaysa lalaki sa unibersidad
subalit kaunti pa rin sa kanila ang
nakapagtatrabaho.
•Bayan Mahmoud Al-Zahran - kauna-
unahang abogada sa Saudi Arabia
•Bawal na ang pakikipagkasundo ng
ama sa sapilitang pagpapakasal ng
anak na babae lalo na kung siya ay wala
pang 17 taong gulang.
•Krimen na rin ang Honour Killing
•Karapatan na kumuha ng mga legal na
dokumento gaya ng birth certificate,
kasal at diborsyo
•karapatan na maging
tagapangalaga (guardian) ng
mga anak
•karapatang sumali sa mga
organisasyon
•karapatan na makilahok sa
palakasan gaya ng Olympics
Magkakaiba ang kalagayan at
pamamaraan ng pagsulong sa karapatan
ng kababaihan sa rehiyon. Narito ang ilan
sa halimbawa:
Lebanon - Ang antas ng karapatan at
kalayaan ng kababaihan ay nakadepende
sa kanilang relihiyon.
Oman - Ipinagdiriwang ang Oktubre 17
bilang Araw ng Kababaihan sa kanilang
bansa.
U.A.E. - Nangunguna sa
pagsusulong ng mga karapatan ng
kababaihan sa mundo ng mga
Arabo. Pinapangalagaan ng
kanilang Saligang Batas ang
karapatan ng kababaihan.
Yemen - Sa sinaunang kasaysayan ng
bansa makapangyarihan ang mga babae
gaya ni Reyna Sheba. Subalit dahil
karamihan ay kabilang sa agrikultural na
tribo na may pagtatangi sa kalalakihan,
marami sa kababaihan ngayon ay hindi
marunong bumasa at sumulat, dahilan
upang mahirapan silang makahanap ng
trabaho.
Iran - Kumakalap ng One Million
Signature sa bansa upang
wakasan ang diskriminasyon sa
kababaihan. Tanging bansa sa
Asya na hindi tanggap ang
CEDAW*.
*Convention on the Elimination of All
Forms of Discrimination Against
Women (CEDAW) – Isang internasyonal
na kasunduan sa pagitan ng mga bansa
sa United Nations noong 1979 na ang
layunin ay isulong at pangalagaan ang
karapatan at kalayaan ng kababaihan.
Kilala din ito bilang International Bill of
Rights for Women.
Iraq - Sa bahaging Kurdistan,
malaking problema pa rin ang
pagsasagawa ng genital mutilation o
pagtutuli sa kababaihan, honour
killings o pagpatay sa babae ng
kanyang kapamilya upang hindi
umano mawala ang karangalan ng
pamilya, at pagdukot sa mga menor
de edad upang dalhin sa prostitusyon.
Turkey- Bagaman protektado ng
Saligang Batas, madalas pa rin ang
pakikipagkasundo ng magulang sa
maagang pagpapakasal ng kanilang
mga anak na babae (child marriage) at
domestic violence. Isa sa mga grupong
tumatalakay sa usapin ng kababaihan
ay ang Kadin Cevresi (Women’s Circle)
Noong 1990, itinayo
ang Women Library and Information
Center na siyang kauna-unahan at
natatanging aklatan para sa mga
pananaliksik tungkol sa kababaihan
at Purple Roof Women’s Shelter
Foundation na pansamantalanag
nagbibigay ng tahanan sa inabusong
kababaihan.
Israel- Ang mga pagkilos ng
kababaihan ay kadalasang
impluwensya ng kanilang
edukasyon sa Estados Unidos.
Nagsasagawa sila ng mga talakayan at
pag-aaral, naglilimbag ng mga aklat at
pahayagan, at nagtatayo ng mga
pasilidad o center para sa
kababaihang biktima ng pangaabuso..
Katuwang nila ang United
Nations Economic and Social
Commission for Western Asia
(ESCWA) na ang layunin ay
magkaroon ng pagkakaisa sa
pagtutulungan na isulong ang
pangkabuhayan at panlipunang
kagalingan sa Kanlurang Asya.
Iraq - Sa bahaging Kurdistan,
malaking problema pa rin ang
pagsasagawa ng genital mutilation o
pagtutuli sa kababaihan, honour
killings o pagpatay sa babae ng
kanyang kapamilya upang hindi
umano mawala ang karangalan ng
pamilya, at pagdukot sa mga menor
de edad upang dalhin sa prostitusyon.
Timog asya
Pagkasilang pa lang ng
sanggol na babae nakararanas
na siya ng diskriminasyon
dahil sa patriarchal society o
lipunang nakagawian na ang
higit na pagpapahalaga sa
kalalakihan.
Nagsimula ang ganitong
pagtingin sa kababaihan
noong panahon ng epiko sa
India dahil sa panahon ng
sibilisasyong Indus dating
magkapantay ang turing sa
kababaihan at kalalakihan.
Nanatiling mababa ang katayuan
ng kababaihan sa lipunan nang
mapasailalim sila sa mananakop
na English East India Company
bagaman nagkaroon ng mga batas
na nagbabawal sa ilang mga
tradisyunal na gawaing sumisikil
sa karapatan ng kababaihan.
Sa sinaunang panahon ng India,
bago dumating ang mga Aryan
noong Ika-15 Siglo B.C.,
masasabing matriarchal ang
lipunan ng mga nagtatag ng
kabihasnang Indus dahil sa
kanilang pagsamba sa mga diyosa
ng kalikasan.
Isinasaad sa Rig Veda na maaaring
pamanahan ang anak na babae kung
hindi pa siya nagpapakasal. Maaari rin
ang swayamvara o pagpili ng babae ng
kanyang mapapangasawa ayon sa kung
sino ang magwawagi sa tagisan ng lakas
subalit kung muling magpakasal ay sa
kapatid lamang ng kanyang namatay na
asawa.
Bawal din ang polygyny na isang uri
ng polygamy kung saan maaaring
magkaroon ang lalaki ng maraming
asawa na nakatira sa iisang
sambahayan subalit pinahihintulutan
sa mga maharlikang lalaki ang bigamy
o muling pagpapakasal ng lalaki sa
ibang babae habang kasal pa sa iba.
Basehan ang edukasyon sa
pagpapakasal at marami ring
mga gurong babae na
nagtataglay ng mataas na
kaalamang ispiritwal at naging
tagapayo ng kanilang mga
asawa.
Subalit sa panahon ng epiko, ang
pamantayan ng pagiging modelong
babae ay ayon sa mga karakter na
nasasaad sa mga epiko gaya ng
Ramayana kung saan sinagip si Sita
ng kanyang asawang si Rama. Ayon sa
Kodigo ni Manu, nangangailangan ang
kababaihan ng proteksyon ng
kalalakihan.
Kaya naman madalas ang
pagpapakasal na Arsha sa
panahong ito kung saan
ipinakakasal sa matandang lalaki
ang anak na babae dahil hindi
kaya ng pamilya ng babae ang
mga gastusin para sa kanya.
Ang kahalagahan ng mga babae sa
mga ritwal ay unti-unting nawala at
napalitan ng kalalakihan. Nagsimula
ang sati subalit sa mga lahi ng
mandirigma lamang noong una. Unti-
unti na ring bumabata ang
ipinagkakasundo para ipakasal – edad
8 or 10 taong gulang.
Sa gitnang panahon ng India (Medieval
India) o panahon ng pananakop ng mga
Muslim sa India (Ika-6 na Siglo
hanggang 1526), maraming kababaihan
sa naghaharing uri ang nagpakita ng
kakaibang kakayahan sa larangan ng
pamamahala gaya ni Razia Sultana na
natatanging babaeng pinuno sa
Sultanato ng Delhi mula 1236 – 1240.
Naging pinuno si Razia matapos
niyang mapagtagumpayan ang
lahat ng mga humahadlang sa
kaniyang pagiging pinuno.
Maaari ring pamanahan ng lupa
ang mga babae.
Madalas na ang polygamy sa mga
naghaharing uri at ang mga byudang
maharlika ay mas pinipili ang sati
kaysa maabuso sa pagkakabihag kung
sila ay sinakop. Mas pinapaboran ang
anak na lalaki dahil magastos ang
dowry at sa paniniwalang sila ang
tagapagsalba sa kaluluwa ng kanilang
magulang.
Kaya naman may nagsasagawa
na ng female infanticide lalo na
sa mga mahihirap na
mamamayan. Ang mga
ordinaryong babae sa panahong
ito ay pawang mga maybahay,
magsasaka at mananahi.
Magsisimula ang makabagong panahon
sa India mula sa paghahari ng imperyong
Mughal (1526) tatawid ito sa pananakop
ng mga Ingles sa India hanggang 1947,
taon ng kanilang kalayaan mula sa
pananakop ng mga Kanluranin. Mula sa
iba’t ibang antas ng buhay ang
magpapakita ng pagkilos para iangat ang
kalagayan ng kababaihan:
Mulat na kalalakihan
Ishwar Chandra Vidyasagar –

Isinulong ang Widow


Remarriage Act1856
Mohandas gandhi

Hinikayat ang kababaihan


sa pulitika
Pinunong babaeng indian
Nur jahan

ipinaglaban ang karapatang


mamuno sa imperyong Mughal
Reyna Kittur Chennamma at Reyna Jhansi –

lumaban sa pananakop ng
mga Ingles
Dayuhan
Martha Mault nee Mead –

kasama ang pamilyang misyonero, nagtayo ng


paaralan para sa mga babae na karamihan ay
mga ulila at balong Indian. Tinutulan ito sa
simula ng mga nasa mataas na caste subalit
nang maging daan ito sa pagkakaroon ng
trabaho gaya ng paggawa ng lace, dumami na
ang sumuporta rito.
Organisasyon
All India Women’s Education Conference –

samahang itinatag noong 1927


na naglayong isulong ang
edukasyon at panlipunang
kapakanan ng mga bata at
kababaihan.
Edukadong babaeng indian
Chandramukhi Basu –

kauna-unahang babaeng Indian na


nakapagtapos ngkursong masteral.
Noong 1876, siya lang ang kaisa-isang
babae na pinayagang kumuha ng
panghuling pagsusulit sa Fine Arts.
Edukadong babaeng indian
Kadambini Ganguly at Anandi Gopal Joshi –

Mga kauna-unahang manggagamot


na babae sa India at sa buong
imperyo ng Britanya. Ang ama
ni Kadambini at asawa ni Anandi ay
pawang mga tagapagtaguyod ng
karapatan ng kababaihan.
Kababaihan sa pulitika
Kasturba Gandhi –

asawa ni Mahatma Gandhi na


nagsulong ng kalayaan ng India mula
sa Britanya.
Kababaihan sa pulitika
Sarojini Naidu –
tinawag na Nightingale ng India, siya ang
kauna-unahang babaeng Indian na
naging pangulo ng Indian National
Congress, samahang pampulitikal
na nagsulong sa kalayaan ng India.
Pinamunuan din niya ang Women’s
India Associaton.
Kababaihan sa pulitika
Indira Gandhi –
kilala bilang Iron Lady ng India, siya ang
kauna-unahan at kaisa-isang babaeng
Punong Ministro sa India na anak ni
Jawaharlal Nehru. Natapos ang
mahaba niyang panunungkulan
nang barilin ng kanyang mga
guwardiya.
Narito ang mahahalagang batas tungkol
sa kababaihan na naisabatas noong
panahon ng British Raj sa India.

 Bengal Sati Regulation 1829 - Ipinag-


utos ni Gov. Hen. Lord William Bentinck
na bawal at ilegal ang sati at may parusa
ang sinumang lumabag.
 Hindu Widow's Remarriage Act 1856 -
Kautusan sa mga lugar na saklaw ng East
India Company na pinapayagan ang mga
balong babae na muling mag-aasawa.
 Female Infanticide
Prevention Act 1870 -
Ipinagbabawal ang pagpatay
sa mga sanggol na babae.
 Indian Factory Act 1891 -
Nagbabawal sa hindi
makatwirang bilang ng oras sa
pagtatrabaho ng kababaihan
 Child Marriage Restraint Act 1929
- Pagtatalaga sa edad na 14 bilang
legal na gulang sa pag-aasawa ng
babaeng Indian.
 Hindu Law of Inheritance Act
1929 - Binigyan ng karapatan ang
mga anak at apong babae na
pamanahan bago ang mga kapatid
ng namayapa.
Sa paglaya ng India, tiniyak ng
kanilang Saligang Batas ang
pangangalaga sa kababaihan gaya ng:

1. Karapatan sa pantay na
pagkakataon at maayos na kalagayan
sa trabaho
2. Karapatan laban sa diskriminasyon
3. Karapatan laban sa di-makataong
kaugalian
Subal it dahi l sa m ahi r ap al i si n
ang nakagaw i an sa i sang
patriarchal na l i punan, pat ul oy
pa ring nakar ar anas ng kaw al an
ng hustisya ang kababai hang
nakararanas ng pang- aabuso at
di skri minasyon. N oong 2001,
i pi nagdiwang ang Year of
W omen’s Em pow er m ent sa I ndi a.
Sri lanka
•Lumahok ang kababaihan sa
digmaang sibil upang
ipaglaban hindi lamang ang
kalayaan ng kanilang lahi
kundi maging mga karapatan at
kalayaan ng kababaihan. Itinatag
nila ang Women's Front of the
Liberation Tigers.
Sri lanka
• W o m en fo r P e a c e - I ti na tag
n o o n g 1 9 8 4 n a n a g s i l b i ng
b a n t ay l a b a n s a
m i l i t a ri sas y o n n g S r i Lank a .
N a g i ng a k t i b o r i n i t o sa
p a g t ata ngg o l n g m g a
k a r a p at ang p a n t a o a t si b i l .
pakistan
• N a g i ng a k t i b o r i n a n g
k a b a b a i han s a p a g s u su l o ng
ng k al aya a n s a m a n a na k o p
na I ngl es l a l o n a s a p a ghi ngi
ng p agb ab a g o s a e d u k asyo n.
pakistan
• M a y m ga p o s i s y o n d i n sa
p a m a hal aa n n a i n i l a an a ng
k a n i l ang Sa l i g a n g B a tas p a ra
sa k ab a b a i h a n .
pakistan
• Women's Action Forum -
Itinatag sa simula upang tutulan
ang Ordinansang Hudood na may
mga ilang probisyon na hindi
patas sa kababaihan. Kalaunan
ito ay lumaki at naging
pangunahing tagapangalaga ng
mga karapatan ng kababaihan.
pakistan
•Sindhian Tahreek - Kilusang
pangkababaihan sa Sindh
na nagtagumpay laban sa child
marriage at polygamy
gayundin sa pagsusulong ng
karapatan ng kababaihan
sa pagdedesisyon tungkol sa pag-
aasawa.
bangladesh
•Mahila Parishad - Itinatag noong
1970 ang itinuturing na
pinakamalaking samahan ng
kababaihan sa Bangladesh na may
malaking impluwensya sa batas sa
pagbabawal sa dote at pagsali ng
bansa sa CEDAW.
bangladesh
• Collective Women's
Platform- samahan ng
kababaihan laban sa anumang
uri ng pang-aabuso.
Katulad sa isang uod, sa simula
(1.)________________________________________ ng
kababaihan sa Kanluran at Timog Asya. Sa paglipas
ng panahon,
(2.)_____________________________________ gaya ng
nagaganap sa loob ng isang cocoon.
(3.)____________________________________, nagaganap
naman ang pag-
unlad. Nang maging ganap na ang lakas, lumabas
ang matingkad at magandang paruparo gaya ng
kababaihan sa Kanluran at Timog Asya na
(4.)_____________________________________.
Patuloy ang paruparo sa paglipad upang
makatulong sa pagpaparami ng mga halaman gaya
ng kababaihan na sa tulong ng mga samahang
pangkababaihan at ibang programang
pangkababaihan ay
(5.)_____________________________________. Bilang
pagpapahalaga sa pagtugon ng kababaihan sa mga
hamon ng pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa
Asya, gagawin ko ang (6.)
____________________________________________________
_____.
Takdang aralin
Pumili ka ng isa sa mga gawain mula sa ibaba na nais
mong gawin upang
ipakita ang iyong paghanga sa mga kababaihan. Lumikha
ka ng...
1. isang pahinang sanaysay na nagpapaliwanag kung
bakit dapat isulong ang pagkakapantay-pantay ng mga
kasarian.

2. isang poster-slogan sa oslo paper o 1/8 na illustration


board na nagsusulong sa mga karapatan ng kababaihan.
3. isang 2-minutong awit na nagbibigay-pugay sa
mga pagsusumikap ng kababaihan na isulong ang
kanilang karapatan at kalayaan.

4. isang 2-minutong sayaw na nagpapakita ng


kalagayan ng kababaihan at ang kanilang
paglalakbay tungo sa pagkakapantay-pantay.

5.isang 3-minutong vlog tungkol sa isang babae na


iyong hinahangaan dahil sa
mga pagsusumikap at natamo niyang tagumpay sa
buhay.
pagtataya
1. Ano ang CEDAW?
A. International Bill of Rights for Women
B. International Women’s Constitution
C. National Bill of Rights for Women
D. United Nations Rights for Women
2. Ano ang tanging bansa sa Asya
na HINDI tanggap ang CEDAW?
A. India
B. Iran
C. Saudi Arabia
D. Yemen
3. Ano ang epekto ng 9/11 attack sa
kababaihan sa Saudi Arabia?

A. Hinigpitan ang kababaihan.


B. Nagluwag ng patakaran sa kababaihan.
C. Kinailangan na parating bantayan ang
kababaihan.
D. Nanatili pa rin ang dating kalagayan ng
kababaihan.
4. Ano ang tawag sa panlipunang
kaugalian ng mga Muslim at Hindu na
pagtatakip o paghihiwalay ng babae sa
lalaki?

A. Abaya
B. Hijab
C. Purdah
D. Sati
5. Saang bansa matatagpuan ang Kadin
Cevresi, Women Library and
Information Center at Purple Roof
Women’s Shelter Foundation?

A. Israel
B. Lebanon
C. Turkey
D. United Arab Emirates
6. Bakit itinatag ang United Nations
Economic and Social Commission for
Western Asia (ESCWA)?

A. Upang magkaroon ng pagkakaisa.


B. Upang tulungan ang kababaihan.
C. Para sa pampulitikang kagalingan.
D. Para sa pangkabuhayan at
panlipunang kagalingan.
7. Kailan ipinagdiwang ang Year of
Women’s Empowerment sa India?
A. 1975
B. 1990
C. 2001
D. 2018
8. Sino ang tinawag na Nightingale of
India na siya ring kauna-unahang
babaeng Indian na naging pangulo ng
Indian National Congress?

A. Indira Gandhi
B. Kasturba Gandhi
C. Martha Mault nee Mead
D. Sarojini Naidu
9. Sino ang tinawag na Iron Lady ng India
dahil sa haba ng kanyang
panunungkulan bilang unang babaeng
Punong Ministro ng India?

A. Indira Gandhi
B. Kasturba Gandhi
C. Martha Mault nee Mead
D. Sarojini Naidu
10.Bakit mababa ang katayuan ng
kababaihan sa Kanluran at Timog Asya?
A. Ito ang nakasulat sa kanilang mga
batas.
B. May limitasyon ang kakayahang pisikal
ng kababaihan.
C. Mahirap baguhin ang nakasanayan sa
lipunan at relihiyon.
D. Mababasa sa kasaysayan na walang
napatunayan ang kababaihan.
11. Alin ang HINDI epekto ng maagang
pagpapakasal o child marriage?
A. Mataas ang panganib sa pagbubuntis
at panganganak.
B. Mabagal na pagtaas ng antas ng
pagdami ng populasyon.
C. Hindi nakapag-aaral kaya hindi alam
ang mga karapatan.
D. Kulang sa sapat na kaalaman sa
wastong pangangalaga sa anak.
12. Mahalaga ang pag-oorganisa ng mga
kilusan at organisasyong
pangkababaihan sa Kanluran at Timog
Asya. Alin sa sumusunod ang hindi
nito tungkulin?
A. Takbuhan ng mga kababaihang
naaabuso.
B. Manghuli at bantayan ang mga
abusadong kalalakihan.
C. Pangunahing tagapagtaguyod ng
karapatan ng kababaihan.
D. Nagpapalaganap ng mga impormasyon
para sa pagkakapantay-
pantay ng mga kasarian.
13. Bakit hindi naging epektibo ang 1856
Hindu Widow Remarriage Act?

A. Ayaw ng kababaihan sa batas.


B. Pili lamang ang saklaw ng batas.
C. May limitasyon ang nasabing batas.
D. Nawawala ang karapatan ng ina sa
kanyang anak.
14. Ano ang balakid sa pag-unlad ng
kababaihan sa Kanluran at Timog Asya?

A. Hindi makataong pagtingin sa


kababaihan.
B. Patriarchal na lipunan at lumang
kaugalian.
C. Matriarchal na lipunan at turo ng
namumuno sa relihiyon.
D. Kawalan ng mga organisasyon na
nagsusulong sa kapakanan ng
kababaihan.
C. Naipakikita ng kababaihan na mas
magaling sila kaysa kalalakihan.
D. Natutulungan ang kababaihan na
magkaroon ng trabaho at buhayin
ang kanilang sarili.
15. Paano makatutulong ang edukasyon
sa paglutas ng mga suliranin ng
kababaihan sa Kanluran at Timog Asya?

A. Nabibigyan ng kaalaman sa karapatan


ang kababaihan.
B. Natutuhan ng kababaihan na lumaban
sa pamilya at pamahalaan.

You might also like