You are on page 1of 9

Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 10

Pebrero 20-24, 2023


IKALAWANG ARAW
I. Layunin

A. Content Standard: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng


pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang perspektibo na may kaugnayan sa
samu’t saring isyu sa gender.

B. Performance Standard: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng dokumentaryo


na nagsusulong ng paggalang sa karapatan ng mga mamamayan sa pagpili ng
kasarian at sekswalidad.

C. Most Essential Learning Competency: Natatalakay ang mga uri ng kasarian


(gender) at sex at gender roles sa iba’t ibang bahagi ng daigdig (AP10IKP-IIId-
8)

D. Learning Outcomes: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natatalakay ang Gender Roles sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig;


2. Nailalarawan ang pagtingin ng babae at lalaki sa iba’t-ibang bahagi ng
daigdig;
3. Napapahalagahan ang bawat gampanin at katayuan ng babae at
lalaki; at
4. Nakagagawa ng acrostic na tumatalakay sa kahalagahan sa pagtingin
at katayuan ng bawat kasarian.

II. Nilalaman

A. Paksa: Gender Roles sa Ibang Bahagi ng Daigdig


B. Kagamitan: Laptop, Smart TV/Portable Projector, Visual Aids (e.g. PowerPoint
Presentation, Printed Instructional Materials, etc.)
C. Sanggunian: Araling Panlipunan – 10, Ikatlong Markahan - Modyul 1: Kasarian
sa Iba’t ibang Lipunan, pahina 9-15.
D. Iba pang Sanggunian: Learning Material Araling Panlipunan 10, pahina 266-
272.
https://youtu.be/lUXh_uh_cqc
https://youtu.be/YHB-nbjumpc
III. Pamamaraan / Istratehiya

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Balik-Aral

Bago tayo dumako sa susunod na aralin ay


balikan muna natin ang mga paksang pinag-
aralan natin noong nakaraang talakayan. Batay
sa inyong pagkakaalala, ano ang paksang
tinalakay natin sa nakaraang aralin? Ang paksang tinalakay sa nakaraang aralin
ay tungkol sa Kasaysayan ng LGBT sa
Pilipinas kung saan nagsimula ito sa
panahong Pre-Kolonyal o ika-16 na siglo.
Ang mga lalaking gustong maging Babaylan
kung saan ay nagdadamit ng pambabae,
ginagaya rin nila ang kilos ng mga babae,
sila rin ay may panlipunang pagkilalang
simboliko bilang “tila-babae” at ilan din sa
mga babaylang ito ay kasal sa parehong
kasarian. Gayundin naibahagi rin ang iba’t-
ibang organisasyong lumaganap sa Dekada
Tama ang iyong tinuran! Bukod sa mga ’90.
nabanggit, ano pa ang mga ideyang naibahagi sa
nakaraang aralin?
Tinalakay din natin ang tinatawag na “Ang
Ladlad” ito ay isang samahang binuo bilang
progresibong political party na may
pangunahing layuning ipaglaban ang mga
Karapatan at tuligsain ang mga
diskriminasyon at pang-aabuso sa mga
Magaling! Batay sa mga sagot ninyo sa aking mamamayang napapabilang sa LGBT.
mga katanungan at sa kaalaman ninyo sa
nakaraang aralin ay batid kong handa na kayong
dumako sa susunod na paksa.
B. Paglinang sa Aralin
Gawain (Gamification)

Bago tayo dumako sa ating talakayan ay


magkakaroon muna tayo ng maikling aktibidad
na tiyak kong magbibigay sa inyo ng ideya
patungkol sa susunod na paksang tatalakayin.

Ang aktibidad na ito ay tatawagin nating


“Hanapin Mo Ako!”
Panuto: Hanapin ang limang termino sa
krosalita sa ibaba. Maaaring ang mga salita ay
mahahanap na pahalang, pababa, pataas o
dayagonal. Isulat ang iyong sagot sa papel.

G S O U T H A F R I C A
L E S B I A N S D G K L
H A N H S E P A R A G J
S A F D Y T U I O F P L
A O Z X C B N H M R V C
E E U E T R F T D I D S
T D L T N I R U D C L I
Y C E N H L E O S A E N
M R A S F H A S L M R A
I C Q W D A D T Y E U I
O H B N M V C X W R S A

1. Ito ay tumutukoy sa gampaning panlipunan


GENDER ROLES
bilang isang babae o lalaki at nakadepende sa
kultura at kapaligiran na ginagalawan ng babae
at lalaki.

2. Ang pangalawang pinakamalaking kontinente


AFRICA
sa daigdig at pangalawa sa pinakamataong
populasyon pagkatapos ng Asya

3. Sila ang mga babae na ang kilos at damdamin


ay panlalaki. Mga babaeng may pusong lalaki at
LESBIAN
umiibig sa kapwa babae

4. Sa bansang ito may mga kaso ng gang rape sa


mga lesbian (tomboy) sa paniniwalang
SOUTH AFRICA
magbabago ang oryentasyon nila matapos silang
gahasain.

5. Isang pangkat sa New Guinea na


ARAPESH
nangangahulugang tao. Ang mga tao sa pangkat
na ito ay walang pangalan.

Mahusay! Maraming salamat sa ipinamalas


ninyong partisipasyon sa ating maikling
aktibidad. Ang inyong mga sagot ay nagpapakita
lamang na handa na kayo sa ating bagong
paksang tatalakayin. Batay sa inyong isinagawa
paunang aktibidad, mayroon na ba kayong ideya
sa paksang pag-uusapan natin?
Tatalakayin natin ang Gender Roles sa
Iba’t-Ibang Bahagi ng Daigdig.
Tama! Pag-uusapan natin ang pagtingin ng lalaki
at babae sa ibang bahagi ng daigdig partikular
na ang bansang Africa at Kanlurang Asya.

Analisis (Interactive Class Discussion)

Sisimulan ang talakayan sa pamamagitan ng


pagbibigay ng tanong na may kinalaman sa
paksang tinatalakay.

Tanong:
1. Sa inyong pananaw, mayroon bang pantay
na katayuan at gampanin ang babae at lalaki
partikular na sa bansang Africa o Kanlurang
Asya? Sa aking pagkakaunawa, ang bawat
kasarian ay may iba’t-ibang gampanin
ngunit hindi pantay ang trato at gampanin
ng bawat kasarian. Ang mga kababaihan ay
may limitadong karapatan sa kanilang kilos
at tungkulin sa kanilang lipunan.
Samantala, ang mga kalalakihan ay mas
superior o mas malaya sa kanilang
kapasidad, gampanin at tungkulin.
Mahusay! Sa rehiyon Africa at Kanlurang Asya
mahigpit ang lipunan para sa mga babae lalo na
sa mga miyembro ng komunidad ng LGBT.
Matagal ang panahong hinintay ng mga babae
upang mabigyan sila ng pagkakataong
makalahok sa proseso ng pagboto. Nito lamang
ikalawang bahagi ng ika-20 siglo, nang payagan
ng ilang bansa sa Africa at Kanlurang Asya ang
mga babae na makaboto. Ano ang kaibahan ng
ating bansang Pilipinas ukol sa pakikilahok ng
mga Filipina o mga kababaihan sa bansang
Pilipinas sa usaping botohan? Sa ating bansang Pilipinas, binigyan ng
karapatan ang mga kababaihan na bumoto
noong dumating ang mga Amerikano sa
ating bansa. Sa kanila, nito lamang ika-20
na siglo na binigyan sila ng karapatan
upang bumoto.
Mahusay! Suriin ang talahayaan sa harapan
kung saan makikita ninyo ang mga bansang
nabigyan ng karapatan na bumoto ang mga
kababaihan.
Taon ng Pagbibigay ng Karapatang Bumoto
sa Kababaihan
Kanlurang Asya Africa
Syria (1949) Egypt (1956)
Lebanon (1952) Tunisia (1959)
Yemen (1967) Mauritania (1961)
Iraq (1980) Algeria (1962)
Oman (1994) Morocco (1963)
Kuwait(1985, 2005)* Libya (1964)
Sudan (1964)
Pinagkunan: Araling Panlipunan Learning
Material: Mga Kontemporaryong Isyu,
Department of Education, pp 74-75

Ano ang nahihinuha ninyo sa talahayaan?


Sa table makikita ang mga nabigyan ng
karapatan na bumoto ang mga kababaihan.
Makikita ang Kanlurang Asya, nagkaroon ng
pagkakataong makaboto ang bansang Syria
noong 1949 sinundan ito ng Lebanon,
Yemen, Iraq, Oman at Kuwait. Sa Africa
naman binigyan ng karapatang bumuto ang
mga kababaihan sa bansang Egypt noong
1956 at sinundan ng mga bansang Tunisia,
Mauritania, Algeria, Morocco, hanggang sa
Mahusay! Bilang karagdagan, binawi ng bansang 1964 sa bansang Libya at Sudan.
Kuwait ang karapatang bumoto ng mga babae at
muling naibalik noong 2005. Natunghayan ninyo
ang mga bansang nabigyan ng karapatang
bumoto sa bansang Africa at Kanlurang Asya.

Bukod sa walang karapatang bumoto, may


pagbabawal din sa basing Saudi Arabia ang mga
babae na magmaneho ng sasakyan nang walang
pahintulot sa kamag- anak na lalaki (asawa,
magulang, o kapatid). Ano ang inyong saloobin
dito? Makikita sa bansang ito ang hindi
pagkapantay-pantay ng mga kasarian lalo
na sa mga kababaihan. Kung ikukumpara sa
ating bansa, malaya ang mga kababaihan
na gawin ang pagmamaneho kahit na
Mahusay! Nabanggit sa sagot na bagaman mas walang pahintulot.
malayang magmaneho ang mga Pilipinong
kababaihan kahit na sila ay mag-isa, sa bansang
tulad ng Africa at Kanlurang Asya, ang
paglalakbay nang mag-isa ay hindi rin
pinapayagan o kung papayagan man, ang babae
ay nahaharap sa malaking bantang pang-aabuso
(pisikal at seksuwal).

May mga katanungan ba kayo?


May mga kasong panggagahasa o paglabag
sa karapatang pantao ng kababaihan rin ba
sa mga bansang ito?
Maganda ang iyong katanungan. Sa bahagi ng
South Africa, may mga kaso ng gang rape sa
mga lesbian (tomboy) sa paniniwalang
magbabago ang oryentasyon nila matapos silang
gahasain. Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat na
inilabas ng United Nations Human Rights
Council noong taong 2011, may mga kaso rin ng
karahasang nagmumula sa pamilya mismo ng
mga miyembro ng LGBT. Makikita na mayroong
paglabag sa karapatan at gender violence o
karahasan na may kaugnayan sa gender.

Sino naman sa inyo ang may kaalaman tungkol


sa Female Genital Mutilation o FGM? Ito ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng
kababaihan (bata o matanda) nang walang
anumang benepisyong medikal. Ito ay
isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili
nitong walang bahid dungis ang babae
hanggang siya ay maikasal. Walang
basehang-panrelihiyon ang paniniwala at
prosesong ito na nagdudulot ng
impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at
Mahusay! Ayon sa datos ng World Health maging kamatayan.
Organization (WHO), may 125 milyong
kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng
Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa
sa Africa at Kanlurang Asya. Napatunayan ng
WHO na walang benepisyong-medikal ang FGM
sa mga babae, ngunit patuloy pa rin ang
ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng
tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan.

Dumako naman tayo sa Pangkulturang Pangkat


sa New Guinea. Pakibasa ang nasa harapan? Noong 1931, pinag-aralan ng
antropologong si Margaret Mead at asawa
nitong Reo Fortune ang kultura ng ilang
mga pangkat sa Papua New Guinea na
matatagpuan sa rehiyon ng Pasipiko. Pinag-
aralan nila ang gampanin ng mga babae at
lalaki ng mga sumusunod na pangkat:
Maraming Salamat! Sa pag-aaral ng gampanin Arapesh, Mundugamur at Tchambuli.
ng mga babae at lalaki sa mga pangkat na ito,
nadiskubre nila ang pagkakaiba at pagkakatulad
nito sa bawat isa. Unahin na natin ang Arapesh.
Paki basa ang nasa harapan. Nang marating nina Mead at Fortune ang
Arapesh (Tao) walang pangalan ang mga
tao rito. Napansin nil ana ang mga babae at
mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-
aruga sa kanilang mga anak, matulungin,
mapayapa, kooperatibo sa kanilang
Sa kanilang pamamalagi sa pangkat ng pamilya at pangkat.
Mundugumur o kilala rin sa tawag na Biwat) ang
mga babae at lalaki ay kapwa matapang,
agresibo, bayolente at naglalahad ng
kapangyarihan at posisyon sa kanilang pangkat.
Sa pangkat ng Tchambuli pakibasa ang nasa Ang Tchambuli o tinatawag na Chambri ang
harapan. mga babae at mga lalaki ay may
magkaibang gampanin sa kanilang lipunan.
Ang mga babae ay inilarawan nina Mead at
Fortune bilang dominante kaysa sa lalaki,
sila rin ang naghahanap ng makakain ng
kanilang pamilya, samantalang ang mga
lalaki naman ay inilarawan bilang abala sap
ag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga
Sa pangkulturang pangkat sa New Guinea kuwento.
makikita ang pagkakaiba-iba ng mga pangkat at
mga hindi pangkaraniwang gampanin ng mga
babae at mga lalake. Nagpapatunay lamang ito
na ang gender roles o gampanin ng isang
indibidwal ay nakadepende sa kapaligirang
kanyang kinagagalawan.

May katanungan ba kayo? Naintindihan niyo ba


ng maayos ang ating paksang tinalakay?
Wala na po ma’am. Opo ma’am maliwanag
po!
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat sa Gawain
Pagkatapos ipaliwanag ang lahat ng mga
paksang nakapaloob sa araling ito ay
magkakaroon ng Active at Integrative Learning.
1. Lagumin ang tinalakay na patungkol sa
Gender Roles sa Ibang Bahagi ng Daigdig.
2. Magtatawag ng dalawang mag-aaral upang
magbahagi ng kanyang natutunan o
takeaways mula sa mga paksang pinag-
usapan.
Bilang pagtatapos ng ating aralin, sino sa inyo
ang magbabahagi ng kanilang natutunan sa
araling ito? Natutunan ko ngayong araw ang iba’t-
ibang gampanin ng babae at lalaki o
Gender Roles sa ibang bahagi ng daigdig.
Gayundin ang mga paglabag sa karapatan
ng mga kababaihan kagaya ng Female
Genital Mutilation o FGM, gang rape sa
mga lesbian at pagbabawal ng
pagmamaneho ng mga kababaihan sa
bansang Saudi Arabia. Ito ay mga
karahasan na dapat ng matigil sa ating
lipunan.
(Bawat mag-aaral ay maaaring magbigay
ng ibang sagot batay sa kanilang
natutunan.)
2. Pagpapahalaga (Reflection)

Gawain:
Paano ninyo isasabuhay o maiuugnay ang
paksang natalakay sa inyong buhay at sa
lipunang inyong kinagagalawan? Magkaroon sana tayo ng pagkakaintindi at
iwasan ang karahasan na may kaugnayan
sa gender o violence lalong lalo na sa ating
kasarian kahit saang lugar ka man
naroroon. Sa ating pagkakaiba-iba ng
gampanin at tungkulin sa huli, anuman ang
iyong lahi at kulturang ginagalawan, tayo
ay magkakapantay-pantay.
(Bawat mag-aaral ay maaaring magbigay
ng ibang sagot batay sa kanilang
natutunan.)
V. Ebalwasyon (Akrostik)

Gawain:
Para sa panghuling gawain, Ibahagi ang inyong natutunan tungkol sa paksang
tinalakay sa pamamagitan ng pagbuo ng akrostik gamit ang salitang Gender Roles.
Isulat ito sa isang 1/2 sheet na papel. Ang gawain na ito ay may katumbas na
dalawampu (20) puntos.

G-
E-
N-
D-
E-
R-
R-
O-
L-
E-
S-

VI. Kasunduan.

Bilang paghahanda sa isang mahabang pagsusulit, basahin at suriin ng maigi


ang mga sumusunod na mga paksang tinalakay:

A. Kahulugan at Katangian ng Gender at Sex


B. Uri ng Gender at Sex
C. Gender Roles sa Pilipinas
D. Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas
E. Gender Roles sa Ibang Bahagi ng Daigdig

Inihanda ni:
Shamra A. Tamayo
Practice Teacher

Inihanda kay:
Bb. Leilani B. Guillermo
Cooperating Teacher

You might also like