You are on page 1of 14

7

Araling Panlipunan
Learning Activity Sheets
Quarter 2-Week 6-7

1
Mahalagang Kasanayan Sa Pagkatuto

Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula


sa sinaunang kabihasnan at ikalabing-anim na siglo

Mga Layunin:

Sa araling ito, inaasahang matutuhan ang mga sumusunod:

1. masusuri ang mga kalagayan at bahaging ginampanan ng mga sinaunang


kababaihang Asyano
2. makapaghahambing tungkol sa kalagayan ng mga kababaihan noon at ngayon
3. mapapahalagahan ang bahaging ginagampanan ng mga kababaihan Asyano sa
pagtataguyod at pagpapanatili ng kanilang katayuan sa lipunan

MICHAEL S. GUCOR
Writer/Developer
Calamba National High School

2
Name: __________________________________ Grade & Section: ___________________
School: ___________________________________________________________________
Teacher: __________________________________________________________________

Alamin

Mga Kababaihan sa Asya

Sa kasalukuyang panahon karamihan ng mga kababaihan ay nakaranas ng


pantay na karapatan sa mga kalalakihan. Pero, sa sinaunang panahon hindi
masasabi na nararanasan nila ang mga karapatang ito.

Ang kababaihan noon sa Asya ay karaniwang naiiwan at nanatili sa


tahanan. Sa kulturang Tsino pinagsusuot ng sapatos na bakal (foot binding) ang
mga kababaihan upang hindi lalayo sa tahanan. Ang pagkakaroon ng lotus feet
o lily feet sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda at pagiging
karapat- dapat sa pagpapakasal. Sa Tsina din, ang pagiging baog ng babae ay
dahilan ng diborsyo.

Sa bansang India naman, sumasama ang babaeng asawa sa funeral fire


ng kanyang asawang namatay bilang pagpapakita ng pagmamahal, ito ay
tinatawag na sutte/sati.

Maliban dito, ang isang babae sa India ay maaaring maging asawa ng


magkapatid na lalaki (polyandry) dahil sa kakulangan sa pagkain. Karaniwan
naman dito ang pag-aasawa ng isang lalaki sa maraming babae (polygamy) na
siyang tinatawag na harem sa India at maging sa mga Muslim.

Sa Tsina at India hindi pinapahalagahan ang batang babae. Ito ay dahil ang
babae ay nagbibigay ng dowry o dote kapag kinakasal. Ibig sabihin nito ay
binabawasan niya ang kaban ng pamilya. Female Infanticide ang sadyang
pagkitil sa buhay ng mga sanggol na babae. Mahalaga para sa babaeng Asyano
na magpakita siya na may kakayahang magkaroon ng anak na lalaki at higit pa.

3
Sa kulturang Muslim, maliban sa harem at polygamy (pag-aasawa ng
marami) ang mga babae ay nakasuot ng belo at pinag-iingatan ang dangal ng
pamilya at iniiwasan ang anumang bagay na magdudulot ng batik nito. Bilang
isang paraan ng pagtago sa mga kababaihan sa publiko, sila ay nagsuot ng damit
na pantakip sa katawan, mukha at buhok ng babae na tinatawag na purdah.

Bilang karagdagan, sa Tsina, India at Israel maliit pa ang mga bata ay


pinagkakasundo na ng mga magulang. Ang mga kababaihan noon ay hindi
pinapahintulutang bomoto maliban sa bansang Tsina at Pilipinas.

ANG MGA KABABAIHAN NOON SA PILIPINAS

Boxer Codex- bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, ang mga
lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin
ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng
ibang lalaki. Paano naman winawakasan ang pagkatali sa kasal noon? Kung
gustong hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, maari niya itong gawin sa
pamamagitan ng pagbawi sa ari- ariang binigay niya sa panahon ng kanilang
pagsama. Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kanyang
asawa, wala siyang makukuhang anumang pag- aari.

Kodigo ni Hammurabi sa Kababaihan sa Sinaunang Lipunan

Lumikha si Haring Hammurabi (ikaanim na hari ng Unang Dinastiya ng


Babilonya) ng mga batas upang itaguyod ang maayos na kaugalian at lipunan sa
kanyang nasasakupan. Bahagi ng mga probisyon na ito ang mababang pagtingin
sa mga kababaihan. Itinuturing ang mga babae na parang produkto na ibinibenta
at binibili sa kalakalan. Ipinagkakasundo ang babae sa ibang lalaki kapalit ng pera
at dote. Kahit bata pa lamang ang mga babae ay ipinagkakasundo na siya
hanggang umabot sa sapat na gulang. Ayon pa sa batas ni Hammurabi, ang
babaeng hindi tapat sa kanyang asawa ay parurusahan ng kamatayan. Sa oras
na mahuli siyang nakikipagtalik sa ibang lalaki pareho silang itatapon sa dagat
hanggang malunod. Pinapayagan na ibenta ng lalaki ang kanyang asawa at mga
anak. Mahigpit ang pagbabawal sa paglahok ng mga babae sa kalakalan.

4
Kodigo ni Manu sa Kababaihan sa Sinaunang Lipunan

Ang Kodigo ni Manu ay nagtatakda rin ng mga batas tungkol sa mga


kababaihan. Ang isang Brahmin o pari sa Hinduismo ay hindi pinapayagan na
makipagtalik sa isang mababang uri ng babae sa lipunan dahil siya ay mapupunta
sa impyerno. Ipinagkakaloob ang dote sa pamilya ng isang babae at hindi sa
kanya. Ang mga ritwal na may kaugnayan sa kababaihan ay hindi kinikilala. Ayon
din sa Kodigo, ang agwat ng edad ng mag asawa ay tatlong beses ang tanda sa
lalaki sa kanyang asawang babae. Isa pa na iniutos ng kodigo, ay hindi dapat
tututol ang ama na ipagkasundo ang anak na babae na ipakasal dahil ito ay isang
malaking paglabag na katumbas ay pagpapalaglag sa sanggol.

5
Ang Mga Gawain

Gawain 1 KILALANIN MO AKO!

Panuto A: I-tsek () ang KH na kolum kung ang pahayag ay nabibilang sa Kodigo
ni Hammurabi at i-tsek () ang kolum na KM kung ito ay kabilang sa Kodigo ni
Manu. Isulat ito sa sagutang papel.

PAHAYAG KH KM
1. Ibinibenta ang babaeng asawa sa kalakalan.
2. Basehan ang agwat ng edad ng mag-asawa.
3. Kinakailangang sumang-ayon ang ama na ipagkasundo ang
kanyang anak na babae.
4. Kapag nagtaksil, ang asawang babae ay itinatapon sa dagat
hanggang sa malunod.
5. Bawal makilahok ang mga babae sa kalakalan.

Panuto B: I-tsek () ang kolum na MK kung ang pahayag ay may katotohanan
at i-tsek () naman ang kolum sa WK kung ito ay walang katotohanan base sa
sinaunang panahon.

PAHAYAG MK WK
6. Ang babae ay simbolo ng isang mabuting ina.
7. Pantay ang mga karapatan ng mga babae at lalaki noon.
8. Mas magaling ang mga babae sa mga gawaing bahay kaysa
sa mga lalaki noon.
9. Ang mga kababaihan ay ang naghahanapbuhay para sa
pamilya.
10. Ang lahat ng mga kababaihan ay may karapatang mabuhay
ng matiwasay.

6
Gawain 2: TULA

Panuto: Sumulat ng isang maikling tula na ang pamagat ay “Babae Noon,


Babae Ngayon” na binubuo ng tatlong (3) saknong na may apat (4) na linya.
Isulat sa sagutang papel.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Nilalaman at Kaangkupan 15 puntos

Pagkamalikhain/ Organisasyon 10 puntos

Kaayusan/ Kalinisan 5 puntos

Kabuuan 30 puntos

7
Gawain 3: TIsipin Mo!

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag. Kung ito ay may katotohanan, isulat
ang MK kung may katotohanan at WK kung sa tingin mo ito ay walang katotohanan.

1. Noong sinaunang panahon, ang mga kababaihan ay may

karapatang bumoto.

2.Ipinapakita ng mga kababaihan sa India ang kanilang

pagmamahal sa kanilang asawa sa pamamagitan ng pagtalo


nito sa apoy kapag ito ay sumakabilang-buhay.

3. Simbolo ng kagandahang katauhan ang pagsuot ng purdah ng

mga kababaihang Muslim.

4. May karapatan ang mga kababaihan na pumili ng kanilang

mapapangasawa noon.

5. Pinapatay ang mga sanggol na babae sa India sa kadahilanang


ito ay malas.

8
Tayahin

Panuto: (TAMA O MALI) Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T
kung tama at M kung mali

1. Female Insecticide ang sadyang pagkitil sa buhay ng mga sanggol


na babae.
2. Ang pag-aasawa ng marami ay tinatawag na polygamy.
3. Ang tradisyon na pagsusuot ng sapatos na bakal ng mga babaeng
Tsino ay tinatawag na lotus feet.
4. Ayon sa Boxer Codex, maaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang
babae kung ito ay nakita niyang may kasamang ibang lalaki.
5. Ang dalawang tanyag na Kodigo na naglalaman ng mga batas para
sa mga kababaihan ay ang Kodigo ni Manu at Kodigo ni Sargon.
6. Tinatawag na polygamy ang pag-aasawa sa magkapatid na lalaki
dahil sa kakulangan ng pagkain sa bansang India.
7. Ang pag-aasawa ng isang lalaki sa maraming babae ay tinatawag na
harem sa India.
8. Ang suttee/sati ay ang pagsama ng babaeng asawa sa funeral fire ng
kanyang asawa bilang pagpapakita ng pagmamahal niya rito.
9. Ang purdah ay ginagamit ng mga Muslim na babae bilang pantakip
sa kanilang mukha sa publiko.
10. Ayon sa Kodigo ni Manu, ang agwat na edad ng mag-asawa ay apat
(4) na beses ang tanda sa lalaki sa kanyang asawang babae.
11. Ayon sa Kodigo ni Manu, ang mga kababaihan ay ibinibenta na
parang produkto sa kalakalan.
12. Ang mga ritwal na may kaugnayan sa kalalakihan ay hindi kinikilala
sa Kodigo ni Manu.
13. Isa sa mga tanyag na tradisyon ng Tsina ay ang funeral fire.
14. Ang pagbibigay ng dowry ay isa sa mga tradisyon ng mga
sinaunang Asyano.
15. Ayon pa sa Kodigo ni Hammurabi, ang babaeng hindi tapat sa
kanyang asawa ay parusahan ng kamatay.

9
Karagdagang Gawain

Gawain 4: Hashtag

Panuto: Sumulat ng limang hashtag na nagpapamalas ng pagpapahalaga sa


mga kababaihan. Isulat ang sagot sa kahon na nasa ibaba

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Nilalaman at Kaangkupan 15 puntos

Pagkamalikhain/ 10 puntos

Kalinisan 5 puntos

Kabuuan 30 puntos

Mga Halimbawa:

#SulongKababaihan
#LabanKababaihan
#Dangal
#Kagandahan
#DalagangPilipina

10
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Tayahin

1. M

2. T

3. M

4. T

5. M

6. M

7. T

8. T

9. T

10. M

11. M

12. M

13. M

14. T

15. T

11
Sanggunian

Rosemarie C. Blando, et.al. ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Araling


Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral: (EDURESOURCES Publishing Inc.), pp.164-
165

Department of Education, Araling Panlipunan 10: Kontemporaryong Isyu (Training


Module, pp.266-267

Link:
pixabay.com

12
13
14

You might also like