You are on page 1of 9

7

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Sinaunang Kababaihan sa Asya

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Aralin Sinaunang Kababaihan sa Asya
1
Ang araling ito ay tungkol sa mga bahaging ginampanan ng mga
kakabaihan sa lipunan sa sinaunang panahon. Matutuhan sa araling ito ang
pamumuhay ng mga kababaihan sa lipunan noon na maaring maging salamin sa
katayuan ng kababaihan ngayon.

Suriin
1. Anu- ano ang mga naging papel ng mga kababaihan noon sa Asya?

2. Ano ang dalawang pinakatanyag na Kodigo na may kinalaman sa kalagayan ng


mga kababaihan sa Asya noon?

Mga Kababaihan sa Asya

Sa kasalukuyang panahon, sinasabing pantay ang karapatan na tinatamasa


ng kalalakihan at kababaihan ngunit sa mga nagdaang panahon hindi
maipagkakailang mas higit ang karapatan ng mga lalaki.

Ang kababaihan noon sa Asya ay karaniwang naiiwan at nanatili sa


tahanan. Sa kulturang Tsino pinagsusuot ng sapatos na bakal (foot binding) ang
mga kababaihan upang hindi lalayo sa tahanan. Ang pagkakaroon ng lotus feet o
lily feet sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda at pagiging
karapat- dapat sa pagpapakasal. Sa Tsina din noon, ang pagiging baog ng babae
ay dahilan ng diborsyo.

Lotus Feet

2
https://visiontimes.com/2019/10/21/is https://www.the https://streetheels.wordpress.co m/2012/08/30/feet-
-foot-binding-still-in-vogue-in- beijinger.com/blog/2019/01/15/documenting- wrapping-2/
china2.html last-chinas-women-bound-feet

Foot binding Sa bansang India

naman, sumasama ang babaeng asawa sa funeral fire


ng kanyang asawang namatay bilang pagpapakita ng
pagmamahal, ito ay tinatawag na sutte/sati.

Maliban dito, ang isang babae sa India ay


maaaring maging asawa ng magkapatid na lalaki
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons

/f/ff/Balinese_rite_of_Suttee_in_Houtman_1597_Verhael_vande_Reyse_..._Naer_Oost_Indien.jpg Suttee/ Sati

sutte/sati
(polyandry) dahil sa kakulangan sa pagkain. Karaniwan naman dito ang
pagaasawa ng isang lalaki sa maraming babae (polygamy) na siyang tinatawag
na harem sa India at maging sa mga Muslim.

Sa Tsina at India hindi pinapahalagahan ang


batang babae. Ito ay dahil ang babae ay nagbibigay
ng dowry o dote kapag kinakasal. Ibig sabihin nito ay
binabawasan niya ang kaban ng pamilya. Female
Infanticide ang sadyang pagkitil sa buhay ng mga
sanggol na babae.

Mahalaga para sa babaeng Asyano na magpakita https://en.wikipedia.org/wiki/Female_infanticide_i

n_China?fbclid=IwAR0Indx71S8-1I6l siya
na may kakayahang magkaroon ng anak na JCnfrW9QZGFsGIwi9sQ23ZyJGQ2D91V875VM
XhC50s

lalaki at higit pa.


Female Infanticide
Sa kulturang Muslim, maliban sa harem at polygamy (pag-aasawa ng
marami) ang mga babae ay nakasuot ng belo at pinag-
iingatan ang dangal ng pamilya at iniiwasan ang anumang
bagay na magdudulot ng batik nito. Bilang isang paraan ng
pagtago sa mga kababaihan sa publiko, sila ay nagsuot ng

3
damit na pantakip sa katawan, mukha at buhok ng babae na tinatawag na purdah.

Bilang karagdagan, sa Tsina, India at Israel maliit pa ang mga bata ay


pinagkakasundo na ng mga magulang. Ang mga kababaihan noon ay hindi
https://www.pinterest.dk/pin/563724078
pinapahintulutang bomoto maliban sa bansang Tsina at
353945369(_)&mweb_unauth_id={{default.session/?amp_client_id=CLIENT_ID}

Pilipinas. }&simplified=true

Purdah
ANG MGA KABABAIHAN NOON SA PILIPINAS

Bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, ang mga lalaki ay


pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki
ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang
lalaki. Ito ay napapaloob sa boxer codex, isang dokumento na tinatayang ginawa
noong 1595. Ang dokumento ay pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Luis Perez
Dasmariñas, ang Gobernador Heneral ng Pilipinas noong 1593-1596. Ang
dokumento ay napunta sa koleksyon ni Propezor
Charles Ralph Boxer.

Ipinangalan sa kanya ang dokumentong ito.

Paano naman winawakasan ang pagkatali sa kasal noon? Kung gustong


hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, maari niya itong gawin sa pamamagitan
ng pagbawi sa ari- ariang binigay niya sa panahon ng kanilang pagsama. Subalit
kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kanyang asawa, wala siyang
makukuhang anumang pag- aari.

Kodigo ni Hammurabi sa Kababaihan sa Sinaunang Lipunan

Lumikha si Haring Hammurabi (ikaanim


na hari ng Unang Dinastiya ng Babilonya) ng
mga batas upang itaguyod ang maayos na
kaugalian at lipunan sa kanyang nasasakupan.

Bahagi ng mga probisyon na ito ang mababang

https://web.facebook.com/177530599323091/pho pagtingin sa mga kababaihan. Itinuturing ang


tos/a.178967165846101/178966565846161/?type=3&_rdc=1&_rdr

mga babae na parang produkto na ibinibenta at binibili sa kalakalan.


Ipinagkakasundo ang babae sa ibang lalaki kapalit ng pera at dote. Kahit bata pa

4
lamang ang mga babae ay ipinagkakasundo na siya hanggang umabot sa sapat
na gulang. Ayon pa sa batas ni Hammurabi, ang babaeng hindi tapat sa kanyang
asawa ay parurusahan ng kamatayan. Sa oras na mahuli siyang nakikipagtalik sa
ibang lalaki pareho silang itatapon sa dagat hanggang malunod. Pinapayagan na
ibenta ng lalaki ang kanyang asawa at mga anak. Mahigpit ang pagbabawal sa
paglahok ng mga babae sa kalakalan.

Kodigo ni Manu sa Kababaihan sa Sinaunang Lipunan

Ang Kodigo ni Manu ay nagtatakda rin ng


mga batas tungkol sa mga kababaihan. Ang isang
Brahmin o pari sa Hinduismo ay hindi
pinapayagan na makipagtalik sa isang mababang
uri ng babae sa lipunan dahil siya ay mapupunta
sa impyerno. Ipinagkakaloob ang
dote sa pamilya ng isang babae at hindi sa kanya. Ang mga ritwal na may
kaugnayan sa kababaihan ay hindi kinikilala. Ayon din sa Kodigo, ang agwat ng
edad ng mag asawa ay tatlong beses ang tanda sa lalaki sa kanyang asawang
babae. Isa pa na iniutos ng kodigo, ay hindi dapat tututol ang ama na ipagkasundo
ang anak na babae na ipakasal dahil ito ay isang malaking paglabag na katumbas
ay pagpapalaglag sa sanggol.

Pagyamanin

Gawain 2: KILALANIN MO AKO!

Panuto A: I-tsek () ang KH na kolum kung ang pahayag ay nabibilang sa


Kodigo ni Hammurabi at i-tsek () ang kolum na KM kung ito ay kabilang sa
Kodigo ni Manu. Isulat ito sa sagutang papel.
PAHAYAG KH KM
1. Ibinibenta ang babaeng asawa sa kalakalan.

2. Basehan ang agwat ng edad ng mag-asawa.

3. Kinakailangang sumang-ayon ang ama na ipagkasundo ang


kanyang anak na babae.

5
4. Kapag nagtaksil, ang asawang babae ay itinatapon sa dagat
hanggang sa malunod.

5. Bawal makilahok ang mga babae sa kalakalan.


Panuto B: I-tsek () ang kolum na MK kung ang pahayag ay may katotohanan at
i-tsek () naman ang kolum sa WK kung ito ay walang katotohanan base sa
sinaunang panahon.
PAHAYAG MK WK
6. Ang babae ay simbolo ng isang mabuting ina.

7. Pantay ang mga karapatan ng mga babae at lalaki noon.

8. Mas magaling ang mga babae sa mga gawaing bahay kaysa


sa mga lalaki noon.

9. Ang mga kababaihan ay ang naghahanapbuhay para sa


pamilya.

10. Ang lahat ng mga kababaihan ay may karapatang mabuhay


ng matiwasay.

Isaisip
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag. Kung ito ay may
katotohanan, isulat ang letrang K at WK naman kung sa tingin mo ito
ay walang katotohanan.

1. Noong sinaunang panahon, ang mga kababaihan ay may

karapatang bumoto.

2.Ipinapakita ng mga kababaihan sa India ang kanilang

pagmamahal sa kanilang asawa sa pamamagitan ng pagtalo

nito sa apoy kapag ito ay sumakabilang-buhay.

3. Simbolo ng kagandahang katauhan ang pagsuot ng purdah ng mga

kababaihang Muslim.

4. May karapatan ang mga kababaihan na pumili ng kanilang

mapapangasawa noon.

6
5. Noon, pinapatay ang mga sanggol na babae sa India sa
kadahilanang ito ay malas.

Isagawa
Gawain 3: TULA

Panuto: Sumulat ng isang maikling tula na binubuo ng tatlong (3) saknong at


apat (4) na linya. Ang tula ay pamamagatang “Babae Noon, Babae Ngayon”
Isulat sa sagutang papel.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Nilalaman at Kaangkupan 15 puntos

Pagkamalikhain/ Organisasyon 10 puntos

Kaayusan/ Kalinisan 5 puntos

Kabuuan 30 puntos

Tayahin
Panuto: (TAMA O MALI) Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T
kung tama at palitan naman ang sinalungguhitang salita kung ito ay mali. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Funeral pyre ang sadyang pagkitil sa buhay ng mga sanggol na


babae.
2. Ang pag-aasawa ng marami ay tinatawag na polygamy.
3. Ang tradisyon na pagsusuot ng sapatos na bakal ng mga babaeng Tsino
ay tinatawag na lotus feet.
4. Ayon sa Boxer Codex, maaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae
kung ito ay nakita niyang may kasamang ibang lalaki.
5. Ang dalawang tanyag na Kodigo na naglalaman ng mga batas para
sa mga kababaihan ay ang Kodigo ni Manu at Kodigo ni Sargon.

7
6. Tinatawag na polygamy ang pag-aasawa sa magkapatid na lalaki dahil
sa kakulangan ng pagkain sa bansang India.
7. Ang pag-aasawa ng isang lalaki sa maraming babae ay tinatawag na
harem sa India.
8. Ang suttee/sati ay ang pagsama ng babaeng asawa sa funeral fire ng
kanyang asawa bilang pagpapakita ng pagmamahal niya rito.
9. Ang purdah ay ginagamit ng mga Muslim na babae bilang pantakip sa
kanilang mukha sa publiko.
10. Ayon sa Kodigo ni Manu, ang agwat na edad ng mag-asawa ay apat
(4) na beses ang tanda sa lalaki sa kanyang asawang babae.
11. Ayon sa Kodigo ni Manu, ang mga kababaihan ay ibinibenta na parang
produkto sa kalakalan.
12. Ang mga ritwal na may kaugnayan sa kalalakihan ay hindi kinikilala sa
Kodigo ni Manu.
13. Isa sa mga tanyag na tradisyon ng Tsina ay ang funeral fire.
14. Ang pagbibigay ng dowry ay isa sa mga tradisyon ng mga sinaunang
Asyano.
15. Ayon pa sa Kodigo ni Hammurabi, ang babaeng hindi tapat sa kanyang
asawa ay paparusahan ng kamatay.

Karagdagang Gawain
Gawain 4: I- HUGOT MO!

Panuto: Sumulat ng isang hugot line na nagpapamalas ng pagpapahalaga sa mga


kababaihan. Isulat ito sa isang short bondpaper.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Nilalaman at Kaangkupan 15 puntos

Pagkamalikhain/Organisasyon 10 puntos

Kalinisan 5 puntos

Kabuuan 30 puntos

You might also like