You are on page 1of 5

FUNERAL PYRE

Naging kaugalian noon ang pagsama ng babaing asawa sa Funeral Pyre


ng kanyang asawa bilang pagpapakita ng pagmamahal niya rito. Ganito
ang mga kababaihan sa lipunan ng India.

Mahihinuha natin dito na mababa ang tingin sa mga kababaihan sa


panahong ito dahil sa ginagawa nilang pagsama ng nabiyudang babae sa
kanyang namatay na asawa. Ito ay naging sapilitan. Hindi maaaring
tumanggi ang asawang babae. Maliban rito, naging katulong at alipin
rin sila na hindi nasusunod ang kanilang kagustuhan at sariling
kapasiyahan. Hindi rin sila tumututol sa kanilang asawa sa lahat ng
bagay. Ang ilan sa mga kababaihan ay ipinambabayad pa sa pagkatalo
sa sugal ng kanilang asawa. Kung titignan, wala silang lugar na kung
saan tatayo sila sa kannilang sariling desisyon at mga adhikain sa buhay
na dapat ay pantay ang turing ng bawat tao sa lipunan. Walang
katuturan at nagiging sunud- sunuran ang mga kababaihan. Kulang ng
pagpapahalaga at respeto sa kababaihan na dapat ay ibigya rin sa
kanila.

Hindi na kailangan at hindi na tamang gawin ito sa panahon ngayon.


Dapat nang mabigyan ng sapat na karapatan at pagkakapantay-pantay
ang mga kababaihan. Sila lay may buhay at katatayuan sa lipunan.
Bigyan din ng pagpapahalaga ang buhay nila dahil sila rin ay nilalang at
may kakayahan na kaya rin ng mga kalalakihan.
PURDAH
Ang mga babae ay itinatago sa mata publiko sa pamamagitan ng damit na
nagtatakip sa katawan, mukha at buhok ng babae. Ang tawag rito ay Purdah
kung saan ang ibig sabihin nito sa Islam ay nasa mababang posisyon.

Ang mga babae ay itinuring bilang isang bagay na pag-aari na puwedeng itapon o
ipamigay sa kapritso ng kanyang lalaking katiwala o tagapag-alaga. Sila ay
walang karapatang magmana mula sa kanilang magulang o asawa. Ang mga
Arabo ay naniniwala na ang pamana ay iginagawad lamang sa mga may higit na
kakayahan, gaya ng mga marunong sumakay ng kabayo, makipaglaban, nagwagi
ng laban sa digmaan at tumulong sa pangangalaga ng kanilang tribo o angkan at
nasasakupan. Sa dahilang wala sa kanya (babae) ang mga ganitong
pangkaraniwang kakayahan, siya mismo ay maaaring manahin gaya ng isang
materyal na bagay pagkaraang mamatay ang kanyang asawang maraming utang.

Sa kalagayan ng buhay ngayon, madami nang kayang gawin ang mga


kababaihan. may kakayahan na rin silan kapantay ng ibang kalalakihan. Kaya
na rin nilang mamuno. Hindi na dapat gawin ang kulturang ito. Ang pagsusuot
ng ganito ay nagpapakita na wala silang lugar sa lipunan noon ngunit ngayon ay
mas nakikilala na sila. Hindi hamak na mas magaling na sila sa ibang larangan
kug ikukumpara sa iba.
PAGBIBIGAY NG DOTE O DOWRY
Hindi pinapahalagahan ang anak na babae dahil siya ang nagbibigay ng dote o
dowry kapag ikinakasal. Namamayani rin sa lipunang tradisyunal ng China at
India ang penomeno na tinatawag na female infanticide o ang sadyang pagkitil sa
buhay ng mga sanggol na babae.

Ang katayuan nila sa lipunan ng Intsik ay hamak at mababa. Sila ay karaniwan


at laging iniaatang sa mga mababang uri ng gawain at katayuan. Ang batang
lalaki ay itinuturing bilang handog ng Diyos at pinakikitunguhan ng mabuti.
Samantalang ang batang babae ay nagtitiis ng maraming kahirapan, gaya ng
pagtali sa kanyang mga paa upang hindi makatakbo at hindi magawa ang ibang
kaugaliang gaya nito. Masasabing wala ibang magawa ang babae kung hindi ay
sumunod na lamang. Mahirap ngunit ito lang ang katayuan ng kababaihan sa
panahong ito.
PROYEKTO
SA
ARALING PANLIPUNAN

Ipinasa ni:

You might also like