You are on page 1of 10

Mga isyung pang

kapaligiran at pang
ekonomiya
• Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga
kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig.

• Gayundin ang pagtugon sa mga sumusunod na


tanong gaya ng: Ano ang ibig sabihin ng
kontemporaryong isyu?

• Bakit mahalaga ang pagiging mulat sa mga


kontemporaryong isyu? Halina at ating alamin ang
mga sagot sa araling ito!
Kontemporaryong Isyu
 Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa
anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa
kahit anong larangang may kaugnayan sa
kasalukuyang panahon.
 Ito ay sumasaklaw sa kahit anong interes ng mga tao
 Kasabay o kapanahon.

Halimbawa:
• Mga kontemporaryong isyung panlipunan: halalan,
terorismo, at rasismo ( si Pangulong Rodrigo Duterte
ay kontemporaryo ni US Pres. Donald Trump)
• Mga kontemporaryong isyung pangkalusugan:
sobrang katabaan, kanser (Taasan ang buwis sa mga
softdrinks pati na ang sa powdered Juice drink para
pigilan ang isa sa mga sanhi ng diabetes at katabaan)

 Mga kontemporaryong isyung pangkapaligiran: mga


polusyon (tubig, hangin, ingay, at iba pa).

• Mga kontemporaryong isyung pangkalakalan:


globalisasyon, mga online na babasahin.
Pagtingin at Pagpapahalaga sa Kontemporaryong Isyu
• Ang terorismo ay isa sa mga pinakatampok na
kontemporaryong isyu. Dito pa lamang sa Pilipinas, usap-
usapan ang walang awang pagpatay o makataong
pagpapalaya sa mga bihag mula sa mga kamay ng mga
rebeldeng pangkat. Isyu rin ang pagbibigay ng ransom
sapagkat ang pagtugon dito ay tila pagsuporta na maaaring
nagdudulot ng paglago ng kanilang masamang gawain.

• Sa konteksto naman ng pag-aaral, ang pagtuturo ng mga


katotohanan, kaisipan, at impormasyon tungkol sa mundo,
bansa, gobyerno, ideolohiya, kasaysayan, mga pangyayaring
lokal, at iba pa ay nangangailangan ng malalim na pagdukal at
aktibong partisipasyon.
• Ibig sabihin, kailangan ng angkop at makabuluhang talakayan
o interaksiyon sa pagitan ng guro at mag-aaral kung saan ang
lahat ay nagbibigay ng kani-kaniyang pagtingin o perspektibo
sa mga napapanahong isyu.
Halimbawa:
• Isa sa mga gustong muling ipatupad ng bagong presidente ng
Pilipinas ay ang death penalty. Dahil ito ay mainit na isyu sa
pagitan ng human rights advocates at ng death penalty
supporters, maaaring magkaroon ng debate ang mga
estudyante ukol dito. Maaaring hatiin ang klase sa pro at anti.
Mahalaga ang paggabay ng guro sa maselang usaping ito.
Kahalagahan Para sa Mag-aaral ng Kamalayan sa Kontemporaryong
Isyu sa Lipunan at Daigdig
• Nalilinang ang kritikal na pag-iisip
• Naiuugnay ang sarili sa isyu
• Napahahalagahan ang mga tauhan, pangyayari, at isyu
• Nahahasa ang iba’t ibang kasanayan at pagpapahalaga

Isa sa mga batis ng mga kontemporaryong isyu ay ang print media


 Inirerekomenda ng mga eksperto ang paggamit nito sapagkat
nahuhubog nito ang kasanayan sa pagbabasa at pag-unawa.
 Sa pagbabasa, nahuhubog din ang kasanayang pangwika at
panggramatika.
 Idagdag pa, nagiging bihasa sa pakikipagtalastasan at pakikinig.  Sa
dulo nito, makabubuo ng lipunang mulat, mapanuri, at matalinong
tumutugon sa mga hamon ng kontemporaryong isyu
Kahalagahan ng Kamalayan sa Kontemporaryong Isyu sa Lipunan at
Daigdig
• Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga kontemporaryong isyu sa
lipunan at daigdig ay nakatutulong sa paglinang ng kritikal at
malawakang kaisipan.
• Bukod sa kaisipan, lalawak din ang koneksiyon ng "sarili" sa lipunan
sapagkat mas maiintindihan ang mundong ginagalawan gamit ang
kasalukuyang konteksto.
• Makatutulong din ito upang mapalawak ang pundasyon ng
kaalaman. Mapabibilis at mapabubuti ang pagbuo ng mga desisyon
sapagkat naaangkop ang kaalaman sa kasalukuyan.
• Bukod dito, mas madaling nakaaangkop sa kapaligiran sapagkat
batid na ang mga kaganapan sa lipunan.
• Pagnilayan Ikaw ay bahagi ng masalimuot na lipunan. Gaano ka
kamulat sa mga kontemporaryong isyu? Paano mo pa pauunlarin
ang iyong kamalayan sa mga nangyayari sa paligid?
Pagnilayan
• Ikaw ay bahagi ng masalimuot na lipunan.
Gaano ka kamulat sa mga kontemporaryong
isyu? Paano mo pa pauunlarin ang iyong
kamalayan sa mga nangyayari sa paligid?
•  Sa konteksto naman ng pag-aaral, ang
pagtuturo ng mga katotohanan, kaisipan, at
impormasyon tungkol sa mundo, bansa,
gobyerno, ideolohiya, kasaysayan, mga
pangyayaring lokal, at iba pa ay
nangangailangan ng malalim na pagdukal at
aktibong partisipasyon.
• Ibig sabihin, kailangan ng angkop at
makabuluhang talakayan o interaksiyon sa
pagitan ng guro at mag-aaral kung saan ang
lahat ay nagbibigay ng kani-kaniyang pagtingin
o perspektibo sa mga napapanahong isyu

You might also like