You are on page 1of 16

PAG-AARAL NG MGA

KONTEMPORARYONG
ISYU
ARALPAN 10
• Paano ka makatutulong upang mabigyan ng kalutasan
ang mga kontemporaryong isyu sa ating bansa?
• Paano natin matitimbang ang mga pahayag tungkol sa
mga kontemporaryong isyu sa ating bansa at sa buong
mundo?
• Magmasid ka sa iyong paligid. Anong mga isyu ang kinakaharap ng ating
bansa?Ng iyong komunidad? Sa tingin mo, may mga Gawain at desisyon
ka bang nagawa na nakapag-ambag upang maranasan natin ang mga
kontemporaryong isyu ng ating kinakaharap? Ano-anong mga hakbang ba
ang magagawa mo bilang mag-aaral upang masolusyunan o malutas ang
mga isyung ito? Bilang mamamayang Pilipino anong mga hakbang ang
maari nating gawing lahat upang malutas ang mga isyung ito?
GAWAIN: CONCEPT DEFINITION MAP (P-10)
HALIMBAWA:

• COVID-19
- Isang sakit
- Mabilis na nakakahawa
TALASALITAAN

Kontemporaryo – galing sa Medeival Latin na “contemporarius” na ibig


sabihin ng “con” ay “together with” (pinagsama) at ang “tempus”, “tempor”
ay “time” o oras. Ito ay nangangahulugang kasalukuyan, modern, uso, o
napapanahon.
Primaryang Sanggunian (primary sources) – orihinal na tala ng mga
pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong nakaranas sa mga ito
Halimbawa: sulat, journal, legal na dokumento , guhit , at larawan
TALASALITAAN

Sekundaryang Sanggunian – impormasyon o interpretasyon batay sa


primaryang pinagkukunan o ibang sekundaryang sanggunian na inihanda o
isinulat ng mga taong walang direktang partisipasyon sa mga pangyayaring
itinala.
Halimbawa: mga ulat, teksto, guhit, at kahit anong nabuo batay sa
primaryang pinagkunan tungkol sa pangyayari
KONTEMPORARYONG ISYU

• Tumutukoy sa anumang mga pangyayari, ideya, opinion o paksa


sa kahit anong larangan na may kaugnayan sa kasalukuyang
panahon. Sa konteksto ng pag-aaral, ang pagtuturo ng mga
katotohanan, kaisipan at impormasyon tungkol sa mundo,bansa,
gobyerno, ideolohiya, kasaysayan, mga pangyayaring local, at
iba pa ay nangangailangan ng malalim na pagdukal at aktibong
partisipasyon
PAGSUSURI SA KONTEMPORARYONG ISYU

Kahalagahan

Mga Pagkakaugnay-ugnay Epekto

Personal na Damdamin
Iba’t Ibang Pananaw

Pinagmulan Maaaring Gawin

Kontemporaryong Isyu
MGA GABAY NA TANONG

Kahalagahan
• Bakit mahalaga ang isyu?
• Sino ang tumuturing na mahalaga ang mga ito?
• Sino ang naaapektuhan ng isyu?
• Sino ang nakikinabang sa isyu?
• Sino ang napipinsala ng isyu?
• Kailan/Saan/ Paano nagsimula ang isyu?
MGA GABAY NA TANONG

Pinagmulan
• Gumamit ba ito ng iba’t ibang sanggunian , kabilang ang mga
pangunahing sanggunian o primary sources, upang mapag-araaln ang isyu?
• Mapagkakatiwalaan ba ang mga sangguniang nagpapaliwanag ng isyu?
• Paano itinuturing ng media ang isyung nabanggit?
MGA GABAY NA TANONG

Perspektiba o Pananaw
• Paano nagkakaiba ang mga pananaw sa isyung ito? ( Halimbawa:
perspektibong pangkapaligiran, pang-ekonomiya, political, panlipunan, at
iba pa)
• Aling mga pananaw ang maipaglalaban sa isyu? Bakit?
• Kaninong mga pananaw ang hindi napakikinggan?
• Ano ang papel ng media sa paglikha o pagpapalaganap ng isyung ito?
MGA GABAY NA TANONG

Mga Pagkakaugnay
• Paano nabago ang isyu sa paglipas ng panahon?
• Ano-ano ang maaaring maging konsiderasyon sa hinaharap?
• Paano maiuugnay ang isyu sa iba pang mga isyung pangkapaligiran, panlipunan, o pang-
ekonomiya?
• Ang isyu ba ay bahagi ng isa pang mas malawak na isyu o suliranin?
• Paano naaapektuhan ng isyu ang kapaligiran , ekonomiya, at lipunan? Kalidad ng buhay?
• Bakit mananatili ang isyu? Sino ang tumuturing na isa itong isyu?
MGA GABAY NA TANONG

Personal na Damdamin
• Ano ang pakiramdam tungkol sa isyu matapos ang pagsusuri
tungkol dito?
• Paano kaya naiwasan o napigilan ang isyu? Ano-ano ang
maaaring ibang nagawa?
• Ano-ano pang tanong ang kailangang masagot?
MGA GABAY NA TANONG

Epekto ( Pangkapaligiran, Pangkalusugan, Politikal, Pang-ekonomiya)


• Ano ang nagaganap sa local, pambansa, at pandaigdigang antas tungkol sa
isyu?
• Ano-anong pagkilos ang isinasagawa ng mga mamamayan, negosyante, at iba
pang mga pangkat tungkol sa isyu?
• Ano-ano ang posibleng agaran at pangmatagalang epekto ng mga pagkilos
tungkol sa isyu?
MGA GABAY NA TANONG

Maaaring Gawin
• Ano ang magagawa o dapat gawin tungkol sa isyu?
• Sino ang dapat kumilos tungkol sa isyu?
• Ano-ano ang balakid o pagtataya sa pagkilos tungkol sa isyu?
• Ano ang matataya tungkol sa isyu?
• Paano kikilos tungkol sa isyu?
• Paano mahihikayat ang ibang tao na kumilos tungkol sa isyu?

You might also like