Professional Documents
Culture Documents
Konsepto NG Kontemporaryong Isyu
Konsepto NG Kontemporaryong Isyu
KONTEMPORAR
YONG ISYU
• May malinaw na epekto
Katangian ng
Kontemporaryong
Isyu
Pagsusuri sa Kontemporaryong Isyu
KAHALAGAHAN
KONTEMPORARYONG ISYU
Pinagmulan
Gumagamit ba ito ng iba’t ibang sanggunian, kabilang ang
mga pangunahing sangunian o primary sources, upang
mapag-aralan ang isyu?
Mapagkakatiwalaan ba ang mga sangguniang
nagpapaliwanag ng isyu?
Paano itinuturing ng media ang isyung nabanggit?
Perspektiba o Pananaw
Paano nagkakaiba ang mga pananaw sa isyung ito?
Halimbawa: Perspektibang pangkapaligiran, pang- ekonomiya,
politikal, panlipunan at iba pa.
Aling mga pananaw ang maipaglalaban sa isyu? Bakit?
Kaninong mga pananaw ang hindi napakikinggan?
Ano ang papel na media sa paglikha o pagpapalaganap ng
isyung ito?
Mga Pagkakaugnay
Paano nabago ang isyu sa paglipas ng panahon?
Ano-ano ang maaaring maging konsiderasyon sa hinaharap?
Paano maiuugnay ang isyu sa iba pang mga isyung
pangkapaligiran, panlipunan, o pang ekonomiya?
Mga Pagkakaugnay
Ang isyu ba ay bahagi ng isa pang mas malawak na isyu o
suliranin?
Paano naapektuhan ng isyu ang kapaligiran, ekonomiya, at
lipunan? Kalidad ng buhay?
Bakit nananatili ang isyu? Sino ang tumuturing na isa itong
isyu?
Kahalagahan
Bakit mahalaga ang isyu?
Sino ang tumuturing na mahalaga ang mga ito?
Sino ang naapektuhan ng isyu?
Sino ang nakikinabang sa isyu?
Sino ang napipinsala ng isyu?
Kailan/Saan/Paano nagsimula ang isyu?
Epekto (Pangkapaligiran, Panlipunan,
Politikal, Pang-ekonomiya)
Ano ang nagaganap sa local, pambansa, at pandaigdigang
antas tugkol sa isyu?
Ano-anong pagkilos ang isinasagawa ng mga mamamayan,
negosyante at iba pang mga pangkat tungkol sa isyu?
Ano- ano ang posibleng agaran at pangmatagalang epekto
ng mga pagkilos tungkol sa isyu?
Personal na Damdamin
Ano ang pakiramdam tungkol sa mga isyu matapos ang
pagsusuri tungkol ditto?
Paano kaya naiwasan o napigilan ang isyu? Ano-ano ang
mga maaaring ibang nagawa?
Ano-ano pang tanong ang kailangang masagot?
Maaaring Gawin
Ano ang magagawa o dapat gawin tungkol sa isyu?
Sino ang dapat kumilos tungkol sa isyu?
Ano-ano ang balakid o pagtataya sa pagkilos tungkol sa isyu?
Ano ang matataya tungkol sa isyu?
Paano kikilos tungkol sa isyu?
Paano mahihikayat ang ibang tao na kumilos tungkol sa isyu?